Chapter 49

2139 Words
Luna’s point of view Nakarating na kami sa mall at nang makaparada na kami ni Jeremy ng sasakyan sa parking lot ay agad na kaming pumasok sa mall. Kaya’t nag-tanong na ako sa kaniya, “Jeremy? Pasaan na tayo? At ano nga ba ang bibilhin mo dito?” Napatingin naman siya, “Ah—hindi ko rin alam eh, sabi ko kasi kagabi mag-titingin-tingin ako at mag-papasama ako sa inyo ni Jess, kaso wala siya eh. Ikaw ba? May gusto ka ba? Sagot ko na,” saad naman niya sa akin. Bigla naman akong umiling sa kaniyang sinabi, “Hindi—hindi Jeremy, hindi mo naman kailangan na sagutin mo kami palagi eh, at tsaka allowance mo yan kailangan mo din mag-tipid no,” pahayag ko naman sa kaniya. “Hay nako Luna, ang dami mong salita diyan, sumama ka nalang sa akin,” saad niya sa akin nang bigla niya akong hilahin patungo sa department store. At nang makarating kami doon, ay bigla siyang may nilapitan na isang babae at kinausap niya ito ngunit hindi ko narinig ang kanilang pinag-usapan. At nang matapos silang mag-usap ay agad akong hinila ni Jeremy papalapit doon sa babae at agad akong ipinasok sa fitting room. “Ano—ano bai to Jeremy,” saad ko sa kaniya “Shhh! Luna, wag ka nalang umangal, I got you okay?” pahayag niyang bigla sa akin. “Ate ikaw na bahala sa kaniya, I’ll be right back,” saad naman niya sa babae na kinausap niya na mag-aassist sa akin. Nagulat nalang ako nang iniwanan ako ni Jeremy at iniwan ako kay ate girl na hindi ko naman kilala kung sino siya. Ngunit wala akong magawa, dahil kagustuhan naman ni Jeremy ito kaya tatanggapin ko nalang. Jeremy’s point of view Iniwan ko si Luna sa damitan at agad kong tinawagan sina Jessica, hindi rin naman nag-tagal ay agad naman niyang sinagot ang aking tawag. “So anon a? ready na ba diyan?” pangangamusta ko kaagad sa kanila habang ako naman ay medyo natataranta. “Oo, patapos na kami dito. Si Luna? Kamusta ba?” tanong kaagad sa akin ni Jessica “Ah—eh ayun, iniwan ko kay ate, doon sa damitan. Sagot ko naman ang damit basta maganda at fit kay Luna ang damit, hahaha” tugon ko naman sa kanila ni Lucas. “What?!! Hahahaha, for sure wala na yung magagawa, pero nice move Jeremy ah!” saad naman sa akin ni Jessica. “Hindi ko akalain na gagawin mo yun Jeremy ha, pero wag mo ipapahalata kay Luna na we have something here ah,” saad naman din ni Lucas. “Of course naman bro! ako bahala kay Luna, and you know naman I also love surprises,” saad ko naman sa kanila. “Oh sige na Jeremy, basta ah, ikaw muna ang bahala sa kaibigan ko. Hayaan mo, ibabalik namin sayo ang blessings,” pahayag naman sa akin ni Jessica. “Opo madam, copy that. Sige na, I gotta go, baka makita pa ako ni Luna dito na kausap kayo,” saad ko naman sa kanila Agad namang pinatay ni Jessica ang tawag at agad narin akong bumalik sa kung saan nandoon si Luna. Nang bumalik ako doon at naupo, ay nagulat ako nang biglang lumabas si Luna na may maganda ng suot na damit ganoon din pati ang sapatos. Hindi ko naiwasang mapanganga dahil unang beses ko palang siyang nakita ganoon ang suot at lalo siyang mas gumanda. “L-luna ikaw ba yan?” tanong ko sa kaniya “Siraulo ka ba Jeremy? Ikaw ang nag-pasok sa akin dito, so malamang ako parin ito,” tugon naman niya sa akin. Napatayo naman ako at lumapit sa kaniya, “Is this your first time?” tanong ko sa kaniya nang makita ko ang kaniyang mukha na mangiyak-ngiyak sa saya, Dahan-dahan naman siyang tumango sa aking katanungan sa kaniya, “Shh—ano ba, wag ka ngang umiyak,” pahayag ko sa kaniya. Agad niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon sa kaniyang mga mata. “Ate, kukunin na namin ito, pakilagay nalang ng price tag dyan dahil ito na ang susuutin niya pauwi,” saad ko naman kay ate. Doon ay nagulat si Luna nang marinig niya ang kaniyang sinabi, “Jeremy—” putol niyang pag-kakasabi. “Luna, sabi mo first time mo. Kaya ngayong first time mo, na kasabay ng birthday mo I want you to enjoy it. So be happy? Okay? Wag ka ng malungkot, ito na yung gift ko sayo na I’m sure hindi mo makakalimutan,” pahayag ko naman sa kaniya. At bigla siyang yumakap sa akin. Nang matapos iyon ay agad na kaming nag-tungo sa cashier upang bayaran ang damit, ay nang mabayaran na namin at makalabas sa department store ay agad ko na siyang niyaya para bumili ng pizza. “Tara, bili muna tayo ng pizza para makauwi na tayo,” saad ko naman sa kaniya “P-pero wala ka pa namang nabibili ah?” tanong niya sa akin habang nag-tataka “Hahahhaa, hindi naman yun tunay, ni-reason ko lang yun pero ang totoo talaga I wanted to buy you a gift,” saad ko naman sa kaniya At bigla naman niya akong hinampas sa braso nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Pero Jeremy thank you ah?” pahayag niya sa akin. “You deserve ito Luna,” saad ko naman sa kaniya. Agad na kaming bumili nang pizza at nang makabili na kami ay agad na kaming nag-tungo sa parking lot para umuwi na sa condo. Habang nag-aayos ng sasakyan ay agad akong nag-send kayna Jessica ng mensahe. “Pauwi na kami, get ready,” saad ko sa kanila Hindi rin naman nag-tagal ay sumagot na si Jessica at sinabing handa na din sila doon. Kaya’t sinimulan ko nang paandarin ang sasakyan at nag-simula naring mag-maneho pauwi. “Nag-enjoy ka ba Luna?” tanong ko sa kaniya Napatingin naman siya sa akin, “Oo naman, hindi ko akalain na gagawin mo ito sa akin,” saad naman niya sa akin. Nang bigla kaming napatahimik, “Oh? Bakit napatahimik ka?” tanong ko naman sa kaniya “Hindi ah—naisip ko lang na mas masaya siguro kung kumpleto tayong apat nina Lucas,” pahayag niya sa akin.. “Miss mo na no?” tanong ko sa kaniya “Oo syempre, sa sobrang sungit noon nung una hindi ko akalain na magiging ka-close ko ngayon,” saad naman niya sa akin. “Sus! Baka nagugustuhan mo na Luna ah, hindi mo naman sinasabi sa amin,” pabiro ko sa kaniya. At doon ay nag-simula na ang aming asaran ni Luna habang ako ay nag-mamaneho pauwi sa condo. Lucas’s point of view “So ano? Nandyaan na ba sina Luna?” tanong ko kaagad kay Jessica. “I’m sure malapit na ang mga yun, sa bilis ni Jeremy mag-patakbo,” saad naman niya sa akin. Nang biglang may nag-doorbell sa pinto, doon ay kinabahan na kaming dalawa dahil kinutuban na kami bigla na baka sina Luna at Jeremy iyon. At para maging sigurado ay tinext ni Jessica si Jeremy upang makasigurado. At agad namang nag-reply si Jeremy ng oo. Doon ay si Jessica ang nag-bukas ng pinto ng dahan-dahan, habang ang ilaw ay patay. “Oh— bakit ang dilim Jeremy?” tanong ni Luna kay Jeremy “Dahil—” naputol na ang kaniyang sinabi at agad kaming sumigaw ni Jessica. “HAPPY BIRTHDAY LUNA!!!!” pag-bati naming tatlo nina Jeremy at Jessica. At nang buksan ni Jeremy ang ilaw ay doon biglang bumuhos ang luha ni Luna, hindin iya inaasahan na pinag-handaan namin ang kaniyang birthday. “Bakit ganyan kayo sa akin? Lalo ka na Lucas, bakit nandito ka? Hindi ba umalis ka sa inyo?” tanong naman niya bigla sa akin at sa amin. “Ano ba Luna, hinanda talaga namin yan, kaya hayaan mo na kaming gawin sayo ito kasi deserve mo naman. At tsaka papayag ba naman ako na kayo lang ang may ganap tapos ako wala?” saad ko naman sa kaniya. At doon ay sinimulan niya kaming yakapin isa-isa. “Salamat sa inyo ah? unang beses ko palang ito mararanasan sa mga naging kaibigan ko, hindi ko naman akalain na gagawin niyo ito sa akin. Akala ko wala ng makakaalala ng birthday ko,” pahayag naman niya sa amin. At bigla naman siyang nilapitan ni Jessica, “Eh ano pang silbi ng pagiging mag-kakaibigan natin kung wala ni-isang makakaalala ng birthday mo hindi ba?” saad naman niya. “Pero sobrang maraming salamat ah? tara na kumain, kainin na natin yang mga inihanda niyo. Baka lamigin pa,” pahayag niya sa amin. At doon ay sabay-sabay na kaming nag-simulang kumain, hindi namin maipaliwanag ang saya nang gawin namin iyon kay Luna. At habang nakain kami ay bigla niyang nakita ang paper bag na nag-lalaman ng bag na ibinili ko para sa kaniya at para sa kaniyang ina. “Ahh—ano yung nakalagay sa paper bag? Parang pamilyar yun sa akin ah?” pahayag niya sa amin. Napatingin naman kami sa kaniyang itinuturo sa amin, at kinuha naman iyon ni Jessica. “Ah—eto ba? Regalo yan na para sayo, tingnan mo,” pahayag naman ni Jessica habang iniaabot kay Luna. Nang binuklat ni Luna ang paper bag ay doon biglang nagulat siya at nanlaki ang mata niya sa saya. “B-bakit niyo ako binilhan nito?” tanong niya sa amin. “Ito pa ang isa oh,” saad ko naman habang inaabot kay Luna. Agad niyang tiningnan ang iniabot kong paper bag sa kaniya, at nang binuklat niya ay doon siya nag-simula nang umiyak. “Sinong bumili ng dalawang ito? Sino?” tanong niya sa amin. “Si—si Lucas Luna,” tugon naman ni Jessica sa kaniya. At nang sabihin iyon ni Jessica ay biglang tumingin si Luna sa akin. “Ah—eh, yan kasi ang tiningnan mo noong mag-kasama—” naputol ang aking sinabi nang bigla siyang tumayo at agad akong niyakap ni Luna. “Sobrang maraming salamat, hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya ngayon like as in sobra,” pahayag niya akin. At habang yakap-yakap ako ni Luna ay nag-tinginan ang dalawa sa akin ni Jeremy at Jessica na tila inaasar na nila akong dalawa kay Luna. At bigla namang nag-parinig si Jeremy ng pag-ubo, “Ah—tama na yan, kumain na muna tayo, masyado ng sweet,” saad nito Agad namang bumitaw si Luna sa kaniyang pag-kakayakap sa akin dahil sa pang-iinsulto nila sa amin ni Jeremy at Jessica at doon ay hindi narin namin naiwasang mailing sa isa’t-isa nang mangyari iyon. Nang matapos kaming kumain, at habang ako ay nag-liligpita ay bigla akong nilapitan ni Jeremy. “Ano Lucas? Kamusta naman ang pag-yakap ni Luna?” tanong naman niya sa akin. Nagulat naman ako sa kaniyang itinanong sa akin kaya’t agad ko siyang siniko, “Tigilan mo nga ako Jeremy, baka marinig ka diyan ni Luna baka kung ano pang sabihin tungkol sa akin,” saad ko naman sa kaniya. “Ano ba Lucas, hindi naman masama sa nangyari kanina no. Depende nalang kung iba na ang dating sayo or kung may feelings ka na para sa kaniya,” saad naman niya sa akin. Doon ay napatahimik ako at pinag-isipan ko ang kaniyang sinabi, “Oh? Bakit napatahimik ka? Totoo ba?” tanong niyang bigla sa akin. “Hindi ah—ayoko lang maging mabilis lahat, hindi siya yung tipong tao na masakatan ganoon, you get my point? At kung may feelings man ako right now, gusto kong maging sigurado,” pahayag ko naman sa kaniya. Bigla niya akong tinapik sa aking balikat, “Tama yan bro, kahit ako hindi ko nakikita sa kaibigan ko na masaktan siya dahil sa isang tao,” saad naman niya sa akin. At doon ay bumalik na siya sa sala upang makipag-usap kayna Luna at tumulong sa kanila upang ayusin ang mga regalo na ibinigay namin sa kaniya ganoon din ang mga pag-kain na hindi pa nakakain. Luna’s Lola point of view “Birthday ngayon ng aking apo na si Luna? Hindi niyo pa ba tatawagan?” tanong ko sa aking anak na ina ni Luna. “Hala, oo nga inay. Muntik ko na makalimutan, ngayon nga pala ang birthday ng aking nag-iisang anak na babae,” saad naman sa akin ng aking anak. “Sa dinami-rami ba naman ng pwede mong makalimutan, ang sa anak mo pang si Luna na birthday ang makakalimutan mo. Tawagan mo na ngayon, baka kung anong isipin niya dahil sa nangyaring yan,” saad ko naman sa aking anak. Agad niyang tinawagan si Luna, at hindi rin nag-tagal ay sinagot niya rin ang tawag. “Hello anak? Luna? Happy Birthday!” pag-bati kaagad ng kaniyang ina sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD