Chapter 48

1077 Words
Jeremy’s point of view Tumawag na muli sa akin sina Jessica kaya’t lumabas na ako sa aking kwarto upang kausapin na si Luna. Nang lumabas ako ay nakita niya naman ako kaagad, “Luna, samahan mo naman muna ako,” pahayag ko sa kaniya. Nagulat naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Pasaan tayo? Saglit, mag-bibihis lang ako,” saad naman niya kaagad sa akin. Agad naman siyang tumungo sa kaniyang kwarto upang mag-bihis ng mabilis. Natuwa naman ako nang sabihin niya sa akin iyon dahil sumangayon siya. Habang nag-bibihis si Luna ay agad akong nag-send ng text kayna Jessica, “Pumayag siya na lumabas kami, nasaan na ba kayo?” pahayag ko kay Jessica “Nandito na kami sa parking lot, bilisan niyo. Hintayin namin kayo,” saad naman niya sa akin. “Sige sige, palabas na rin kami. Tapos na si Luna,” pahayag kong muli kay Jessica. Nang biglang lumabas na si Luna sa kaniyang kwarto, at nakapag-bihis na kaagad. “Tapos na ako, Jeremy. Pasaan ba tayo kasi?” tanong niyang muli sa akin. “May bibilhin lang ako sa mall,” tugon ko naman sa kaniya. “Sige sige, tara na,” pahayag naman niya. Sabay na kaming lumabas ng kwarto at kaagad nag-tungo sa information upang iwan ang susi ng kwarto dahil nina Jessica at Lucas. “Iwan ko muna ang susi dito, baka makarating si Jessica hindi naman yun makakapasok,” saad ko kay Luna “Sige sige, baka maya-maya dumating narin yun,” saad din naman ni Luna sa akin. Nang nakarating kami sa information ay agad kong ibinigay ang susi at ibinigay ko rin ang pangalan ni Jessica. Nang mai-abot ko ay agad narin kaming nag-tungo sa parking lot upang tumungo sa sasakyan, “Ano bang bibilhin mo sa mall?” tanong naman niya bigla sa akin. “Kung ano lang, at tsaka birthday mo no, kakain tayo, hahhahaha!” pahayag ko naman sa kaniya “Luh? Nakakahiya naman sayo, hindi mo naman kailangan gawin ito Jeremy,” saad naman niya sa akin. “Noo—Luna, okay lang yun. Hindi mo ako mapipigilan,” pahayag ko naman sa kaniya. Napahinga siya ng malalim, dahil alam niyang wala siyang magagawa sa gusto kong gawin. Habang patungo ako sa sasakyan ko, ay napansin ko kaagad ang sasakyan ni Lucas na nakaparada malapit lang sa amin at doon ay napangiti naman ako dahil napansin ko kaagad ang pag-kaway ni Lucas sa akin. “Ahh—Lucas anong tinitingnan mo?” tanong naman bigla sa akin ni Luna Doon naman ay nagulat ako kaagad sa tanong niya at agad ko namang iniwas ang tingin sa sasakyan ni Lucas. “Ah—wala wala Luna, may nakita lang akong aso na nag-pagala-gala, eh medyo cute,” saad ko naman sa kaniya. “Okay okay,” tugon naman niya sa aking pag-kakasabi sa kaniya “Tara na, sakay ka na. Baka naman sa likod ka pa umupo ah? sa unahan ka na. Baka mag-mukha akong driver Hahahaha,” pabiro ko naman sa kaniya “Huy hindi ah! syempre tatabi na ako sayo, mag-mumukha ka talagang driver kapag sa likod ako umupo,” saad naman niya sa akin Doon ay nag-simula kaming mag-tawanan at nag-simulang mag-kwentuhan nang nag-simula na akong mag-maneho. Lucas’s point of view Nakita namin sina Jeremy at Luna na umalis na, at kami naman ni Jessica ay agad na bumaba at kinuha ang mga gamit na gagamitin namin para isurprise si Luna. “Madami-dami ang gagawin natin, kakayanin mo ba?” tanong ko naman kaagad kay Jessica “Oo naman, kaibigan ko si Luna no. Tara na sa information, nandoon daw ang susi eh. Iniwan doon ni Jeremy,” saad naman niya sa akin. “Sige sige, at tsaka mag-patulong narin siguro tayo sa gwardya or assistant na nandyan. I’m sure meron diyan na pwedeng tumulong sa atin, lalo na ang dami nating bit-bit eh,” saad ko naman sa kaniya. Pumunta na kami sa information at doon ay nag-tanong rin ako sa babae kung may pwedeng mag-assist sa amin para tulungan kaming dalhin ang ibang mga gamit patungo sa taas. At doon ay sumagot naman si ate na meron daw, kaya’t agad niyang tinawag si kuya na kasamahan nila. Nang agad namang dumating ang assistant. “Hi sir, kayo po yung mag-papaassist?” tanong niya sa akin “Opo kuya, tara po sa sasakyan,” saad ko naman sa kaniya. Tumingin naman ako kay Jessica, “Jess, mauna ka na sa taas. Tutal may dala ka na naman, mauna ka na doon, tapos kami na ni kuya ang magdadala,” saad ko naman sa kaniya “Sige sige, pero kapag kailangan mo ng tulong tawagan mo ako,” pahayag naman niya sa akin At doon ay tumango naman ako sa kaniya, at siya naman ay nag-deretso na sa taas upang asikasuhin ang aming pag-lalagyan. Habang kami naman ng assistant ay sumama na sa akin patungo sa sasakyan upang bit-bitin ang iba pang mga gamit. Nang makarating kami doon ay inisa-isa namin ang mga gamit, At nang madala na namin ni kuya ang mga gamit ay agad na kaming sumakay ng elevator kaya mas madali ang pag-taas namin sa kwarto. Nang makarating kami sa kwarto ay nagulat ako nang maayos na kaagad ni Jessica ang mga lamesa na pag-papatungan ng mga pag-kain. Nang biglang umimik si Jessica, “Nag-luto pala si Luna kanina,” pahayag niya sa akin. “Nag-luluto si Luna?” tanong ko kaagad sa kaniya. “Oo,” tugon naman niya sa akin. Ibinaba na namin ni kuya ang dala naming mga gamit sa lamesa, at nang mai-baba niya ay binigyan ko siya ng tip upang pasasalamat nadin sa kaniyang patulong. “Salamat po!” pahayag naman niya sa akin. “Anong niluto ni Luna?” tanong ko naman kay Jessica “Sinigang, nakain ka ba noon?” tanong naman niya sa akin “Ahmm ano yung sinigang?” tanong ko naman muli sa kaniya habang nag-aayos ng gamit. “Tingnan mo na lang, hahaha,” saad naman niya sa akin. “Sige mamaya, hahaha, bilisan nalang muna natin kasi for sure mamaya babalik na sina Jeremy,” pahayag ko naman sa kaniya. Hindi naman nakaimik muli si Jessica, kaya’t napatingin ako sa kaniya at biglang natawa nang makita siyang mas binilisan niya ag kaniyang ginagawa. “Kalmahan mo lang Jess, hahaha hindi naman kita pinag-mamadali ng ganyang kabilis Jess,” saad ko naman sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD