Chapter 47

2127 Words
Lucas’s point of view Hindi alam nina Luna at Jeremy na nasa sasakyan na kami at ang kasama ko ay si Jessica dahil birthday ngayong araw ni Luna ay bibilhan namin siya ng regalo ganoon din ang cake. “So ano G na ba?” tanong ko kay Jessica Tumingin siya sa akin at sumagot, “G na!” Agad akong nag-simulang mag-maneho at agad na binilisan na pumunta ng mall kung saan doon kami huling pumunta nina Luna at doon ko siya nakitang namimili ng bag ngunit hindi niya nabili dahil sa kakapusan sa pera. Nang makarating kami doon ay naisipan naming tawagan si Jeremy, ilang segundo rin ang lumipas ay agad niyang sinagot ang tawag namin ni Jessica. “Hello? Jess?” tugon niya, dahil cellphone ni Jessica ang ginamit namin. “Hello Jeremy, nasa kwarto mo ba ikaw ngayon?” tanong kaagad ni Jessica kay Jeremy “Oo, bakit? May kailangan ka bang sabihin?” tanong niya kaagad kay Jess, ngunit sa pag-kakatanong niyang iyon ay agad naman akong nag-salita. “Bro! Jeremy! Si Lucas ito,” pahayag ko sa kaniya Hindi agad siya nakasagot sa gulat nang nag-pakilala ako, “Lu-lucas? Bakit mag-kasama kayo? Ang daya niyo naman hindi kayo nag-sasama,” saad naman niya sa amin nang marinig ang aking boses. “Baliw! Diyan ka lang talaga dapat, samahan mo muna dyan si Luna habang hindi pa kami nadating,” saad ko naman sa kaniya “Why? Anong event ngayon?” tanong niya sa amin “Siraulo ka talaga kahit kailan, hindi mo ba alam na birthday ngayon ni Luna? Kaya syempre were here at mall, yung pinuntahan natin noong huli to buy some gifts na ibibigay sa kaniya at tsaka cake syempre,” pahayag ko naman kaagad sa kaniya. “Seryoso?! Shiz! Hindi ko alam I’m sorry, pero yung gift ako? Ahm kayo na bahala, I just pay nalang. At tsaka ako narin ang bahala sa foods na biilhin natin okay?” saad naman niya sa amin. Nang bigla kaming nag-katinginan ni Jessica nang sabihin iyon ni Jeremy at nag-kangitian, “Sige sige bro, call naman kami ulit kapag malapit na kami diyan okay? Mas magandang walang nalalaman si Luna sa surprises natin, I know kasi na she’ll be happy. Ikaw na bahala diyan, Thank you!” pahayag ko muli sa kaniya “Sige bro! I got you both!” tugon naman ni Jeremy At nang matapos ang usapan ay agad na ibinaba na namin ang tawag, nang makarating kami sa mall ay agad kaming nag-park sa basement. Sakto naman ang aming pag-kakadating dahil sakto ring nag-bukas ang mall. Hindi pa ganoong kadami ang tao, kaya’t alam namin ni Jessica na mas mapapabilis ang aming pag-bili sa mga oras na iyon. Bumaba na kami ng sasakyan, at agad na pumasok sa mall. Pag-pasok pa lang ay parehas kaming excited sa bibilhin naming regalo kay Luna. “So? Saan muna tayo?” tanong naman kaagad sa akin ni Jessica “Siguro sa ibibigay muna nating gift kay Jessica. Kasi kung cake muna, posible na matunaw something like that diba? Hassle pa,” tugon ko naman sa kaniya kaagad. Tumango naman agad siya at sumagot, “Sige sige, tara na,” Nag-simula kaming pumunta sa department store kung saan doon ko siya sinamahan at doon siya nag-tingin-tingin ng bag. Nang makarating kami doon ay agad akong tumakbo at hinila ko si Jessica patungo doon sa bag section. Hindi rin naman nag-tagal ay nakita ko kaagad ang bag, “Ito, ito yung bag na gusto ni Luna na hindi niya mabili that time,” pag-kakasabi ko kay Jessica habang tinuturo ang bag. Nang bigla siyang nalungkot. At nang mapansin ko iyon ay agad ko siyang tinanong, “Jess? May mali ba akong nasabi? May problema ba?” tanong ko kaagad sa kaniya. “Ah—ano bang sabi sayo ni Luna? Tungkol diyan sa bag nayan?” tanong niya sa akin, doon ay kinutuban ako bigla. “Sabi niya gusto raw niyang bilhin yan kaso she can’t afford it,” tugon ko naman sa kaniya. “Hindi—hindi Lucas, gusto niya yan kasi gusto niyang bigyan ang mama niya ng ganyang bag as a gift kasi gutay-gutay na yung bag na ginagamit ng mom niya,” pahayag naman niya sa akin. Doon sa sinabi sa akin ni Jessica ay bigla akong naging malamya nang marinig ko iyon sa kaniya, hindi ko akalain na iyon pala ang rason kung bakit gustong-gusto niyang ibigay iyon sa kaniyang ina. Napahinga naman ako nang malalim dahil sa lungkot, kaya’t naisipan ko na bilhan nalang sila pareho ng mama niya. “Okay—bibilhin ko parin,” pahayag ko kaagad kay Jessica. “Bibilhin mo parin? Eh sa mama niya nga ibibigay yan, at for sure hindi niya gagamitin,” saad naman niya sa akin “No—hindi ganon, gusto kong bilhin at choose one na posibleng magugustuhan ni Luna. Tig-isa sila ng mama niya,” pahayag kong muli sa kaniya. “S-seryoso kay Lucas? Hindi mo alam kung gaano mo mapapasaya si Luna kapag nalaman niyang mag-bibigay ka ng ganyan,” saad naman niya sa akin. “I know Jess, at the first place yun naman talaga ang plan ko. To make here happy,” pahayag ko naman sa kaniya Nagulat siya sa aking sinabi at tumingin ng kakaiba sa akin, “What the?! Lucas, wag mong sabihing nagugustuhan mo na si Luna?” pahayag niya bigla sa akin. Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi, “Jess! Ano ka ba, she’s my friend—I mean close friend something ganon. Kaya ako ganito kabait sa kaniya kasi ganoon din siya kabait sa akin from the start, imagine natiis niya ugali ko eh ang bastos ko simula noong una sa kaniya, nakikita mo ba yun?” saad ko naman sa kaniya. “Sabagay, kung alam mo lang kung gaano ka kalala dati kay Luna. Hindi ko nga ineexpect na magiging close kayo ng ganyan, eh dati halos ipag-tabuyan ka na niya sa sobrang kakulitan at kaseryoso mong tao. Napipikon nang yun dati sayo eh, pero wala tinanggap parin niya ginagawa mo sa kaniya, just to make you okay,” pahayag naman niya sa akin. Doon sa sinabi sa akin ni Jessica ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naramdaman ko bigla ang konsensya sa mga nagawa ko kay Luna noon lalo na ang pakikitungo ko sa kaniya. Nang makuha na namin ang bago at bago ko mabayaran ay si Jessica naman ang sinamahan kong mag-tingin ng kaniyang ibibigay na regalo kay Luna. Jeremy’s point of view Gumising na akong muli at pag-labas ko ng kwarto para maligo ay nakita ko si Luna na nag-handa ng pag-kain at nag-luto ng sinigang. Nagulat naman ako nang makita ko ang kaniyang inihanda. “L-luna? Ikaw ang nag-luto niyan?” tanong ko kaagad sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin nang marinig niya ang aking boses, “Oo, kumain ka muna. Mamaya ka na maligo, tara na muna mag-amusal. Marami kasing pinadala sa akin si Aling Lisa nang umalis kami sa dorm ng gulay, eh sayang naman kung mabubulok lang kaya niluto ko nalang,” saad naman sa akin ni Luna. “Sige sige, sasabayan kita para matikman ko din yang luto mo. Cr lang ako ng mabilis,” pahayag ko naman sa kaniya. Nang makapasok ako sa CR ay nagulat ako doon, dahil hindi ko alam na nag-luluto pala si Luna. Nang matapos na ako ay agad akong umupo sa hapag-kainan, “Nasaan nga pala si Jessica? Nalaman mo na ba kung nasaan?” tanong ko naman sa kaniya para hindi niya mahalatang may alam ako kung nasaan si Jessica. “Ah—si Jess, sabi niya kasama daw niya ang kaibigan niya eh. Biglaan daw na tumawag sa kaniya, pero hayaan mo na, safe naman ang mga kaibigan noon,” pahayag naman niya sa akin. Natawa naman ako sa kaniyang sinabi tungkol kay Jessica, “Pero—pano ka natuto mag-luto?” tanong ko naman sa kaniya “Ah—eto, tinuruan kasi ako ng nanay ko simula pag-kabata. Syempre, hindi ko naman maiaalis yun sa akin, lalo na at paborito yan ng lola ko. Eh—Lola’s girl ako, kaya hindi ko rin maiiwasan na yan ang lutuin ko kapag nasa bahay ako,” pahayag naman sa akin ni Luna. Nang matikman ko ang niluto ni Luna ay hindi ako makaimik agad sa sobrang sarap, “So ano? Ano ang lasa Jeremy? Ayos lang ba? Hindi naman ba mapait ganon?” tanong niya sa akin Napatingin ako sa kaniya, “L-luna, ang sarap. Ngayon lang ulit ako nakatikim ng lutong bahay. Kasi yung huli ko? Siguro noong nandoon pa ako sa bahay namin at si lola ko ang nag-luluto,” pahayag ko naman sa kaniya. Napatahimik naman siya, at nag-salitang muli. “Eh—nasaan na ba ang lola mo?” tanong naman niya sa akin. “Kinuha na ng heaven. Sabi ko pa naman noon, kakain ulit kami ng sabay. Hihintayin pa niya akong maka-graduate ng college. Kasi simula noong nawala si Lola sa bahay, naiwan ako sa mga magulang ko sa bahay na iyon na parang hindi na ako belong,” saad ko naman sa kaniya “Ah—eh Jeremy, sorry ah. Mukhang naging malungkot ka tuloy ng dahil sa akin,” pahayag naman niya. Napatingin naman ako sa kaniya, “Baliw ka Luna, wag kang mag-sorry. Tanggap ko naman na eh, ang mahalaga wala na siyang mararamdamang sakit ngayon kasi kasama na siya ni Lord, at tsaka hindi ba birthday mo ngayon? Hahahhaa, Happy birthday!” pahayag ko kaagad sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin, “P-paano mo nalaman? Sinabi sayo ni Jessica no?” tanong naman niya kaagad sa akin. “Hindi, nakita ko sa school noong nag-papasa tayo ng index cards sa prof natin. Paano kung hindi ko alam eh di hindi mo sasabihin sa amin?” tanong ko naman sa kaniya Natahimik siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, at bigla ko namang hinawakan siya sa kaniyang balikat. “Alam mo Luna, kaibigan moa ko. Hindi mo kailangan mag-sikreto at tsaka ang saya kaya kapag birthday. Patanda tayo ng patanda, palapit tayo ng palapit na sa future. Hindi ka ba masaya?” pahayag ko naman sa kaniya “Masaya, pero kapag naaalala ko ang birthday ko—ih wag na nating pag-usapan,” saad naman niya sa akin. “Hay nako Luna, sabihin mo na sa akin. Ako lang naman ang nakakaalam eh at tsaka tayo lang dito ngayon no, ngayon ka pa ba mag-tatago? Paano luluwag ang puso mo niyan kung wala kang pinag-sasabihan ng mabigat mong nararamdaman?” pahayag kong muli sa kaniya. Bigla siyang napatungo nang sabihin ko iyon sa kaniya, “H-hindi ko pa kasi nararanasang mapag-handaan ng birthday simula pag-kabata dahil sa kahirapan namin,” mahina niyang pag-kakasabi sa akin. Doon ay natahimik ako nang sabihin niya iyon sa akin, at nasaktan rin dahil wala akong kamalay-malay na ganoon pala ang sitwasyon niya. “P-pero wag kang mag-alala, hindi naman ako mang-gugulo dito o kung ano eh, ang mapag-handaan kayo ay masaya na ako,” saad naman niyang muli sa akin. Napatayo naman ako at tumapat sa kaniya, bigla ko siyang hinila para tumayo din siya. Niyakap ko nalang siya nang mahigpit dahil sa nararamdaman niyang sakit na iyon. Kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman ko. “Wag kang mag-alala Luna, kami ang bahala sayo o kahit sa inyo pa yan ng magulang mo. Ipapangako ko rin sayo bilang kaibigan niyo ni Jess na sabay-sabay tayong makaka-graduate na apat, para matupad natin ang mga pangarap natin,” pahayag ko naman sa kaniya. Doon ay hindi na siya nakaimik at nag-simula na siyang umiyak sa aking balikat. Nang biglang may tumatawag sa aking cellphone, kaya’t inalis niya kaagad ang kaniyang pag-kakayakap. “Jeremy, may tumatawag sayo—sabi ko sayo wag moa ko paiiyakin eh, loko ka talaga,” pahayag niya sa akin. “Haha, atleast nailabas mo. Mas mahirap kung hindi,” saad ko naman sa kaniya Nag-tungo ako sa kwarto ko upang puntahan ang aking cellphone, hindi alam ni Luna na marami akong inorder na pag-kain at iyon ay dadaanan din nina Lucas. “Hello? Oh? Nasaan na kayo?” tanong ko kaagas sa kanila ng pabulong “Dadaanan na namin yung pag-kain na inorder mo, umalis muna kayo ni Luna dyan sa condo mo. At iwanan mo ang susi doon sa may information,” saad naman sa akin ni Jessica “Oo, sige ako na bahala, basta text niyo ako kapag okay na,” pahayag ko naman sa kaniya “Sige sige,” tugon naman sa akin ni Jessica. Agad ko nang pinatay ang tawag dahil baka marinig pa kami ni Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD