Chapter 46

2140 Words
Nang makausap namin si Lucas sa telepono at malaman na sya ay okay doon sa kaniyang kinalulugaran, doon ay nakahinga narin kami ng maluwag nina Jessica at Jeremy. “Mabuti naman at nalaman natin na okay siya,” pahayag naman bigla ni Jessica Napatingin naman kami ni Jeremy sa kaniya, “Oo nga eh, akalain mo yun. Ang saya-saya niya kapag kasama tayo tapos malalaman natin na ganyan na pala ang pinag-dadaanan niya, ang laking impact noon sa atin,” saad naman din bigla ni Jeremy. “Ewan ko bas a lalaking yun, umaaktong malakas pero kapag nasasaktan na siya hindi parin niya pinapakita,” saad ko naman sa kanila. “Oh siya siya tam ana, ang mahalaga ay nalaman na natin na okay siya okay narin tayo, hindi ba? Kaya tayoooo na manuoood ng TV! Back to game!” pahayag naman bigla ni Jeremy sa amin. Doon ay nag-simula na naman kaming mag-kagulo sa saya, at nagpatuloy na lamang din ako sa aking ginagawa. Gregory’s point of view Ilang oras na ang lumipas ay hindi parin namin malaman kung nasaan si Lucas, muli akong nilapitan ng aking asawa at tinanong. “Ano Dad? Hindi parin ba nagrereply si Lucas? Hindi parin ba niya sinasabi kung nasaan siya?” Napatingin naman ako bigla sa kaniyang sinabi habang nalulungkot ang mukha, “Hindi pa asawa ko, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Kasalanan ko ito,” saad ko naman sa kaniya. Bigla siyang lumapit sa akin at agad na tinapik ang aking likod, “Dad wag mo na sisihin sarili mo, kahit ako ay may pag-kakamali din. Pero siguro tama nga si Lucas, hindi natin siya hinahayaan na maging kabilang natin,” pahayag muli niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya, “So ano ang gagawin natin? Hahayaan nalang natin siya na sumamasa atin? Hindi ba magiging delikado sa kaniya?” tanong kong muli sa kaniya. “Dad, hindi naman natin malalaman kung hindi natin susubukan hindi ba? Eh di kung hindi pa siya handa, doon nalang tayo mag-desisyon kung itutuloy natin o hindi,” saad naman niya sa akin “Siguro nga tama ka, sa ngayon hindi ko na muna siya hahanapin. Siguro deserve niya this time na maging Malaya,” pahayag ko naman sa kaniya. Matapos noon ay umalis ang asawa ko, at kinausap ang mga nag-hahanap kay Lucas. Doon ay kinausap niya ang mga ito at napag-desisyonan na wag na muna hanapin dahil paniguradong kailangan lang ni Lucas maging mapag-isa. Doon ay napaisip naman ako kung bakit kailangan iyong gawin ni Lucas, kasabay ng aming pag-aalala siguro kailangang tanggapin na malaki na siya para sa gusto niyang desisyon sa buhay. Elise’s point of view Sa nalaman kong pag-lalayas ni Lucas ay doon ko naramdaman muli ang pag-aalala sa kaniya. Habang kasama ko si Damian, ay bigla ko siyang kinausap tungko doon. “Ah—Damian, hindi ka ba napapagod? Bakit gusto mo ako laging kasama? Eh alam mo naman na hindi parin nawawala ang pag-tingin ko kay Lucas,” tanong ko sa kaniya. Bigla kaming tumigil sa pag-lalakad at bigla siyang humarap sa akin, “Hindi ba napag-usapan na natin ito?” pahayag niya sa akin “Oo nga, pero hindi mo ba naisip? Masyado ka ng tanga sa ginagawa mo, at sa mga ginagawa mo para sa akin lalo na’t alam mo na mahal ko pa si Lucas ay nagpupumilit kapa din,” saad ko naman sa kaniya. “Hindi ka tatahimik?!” inis niyang pag-kakasabi sa akin nang sabihin ko iyon sa kaniya. “Oh? Anong gagawin mo sa akin? Naiinis ka? Kase?! Kasi totoo ang sinasabi ko?” pahayag kong muli sa kaniya. At biglang hindi siya nakaimik sa aking sinabi, kaya’t umimik akong muli. “Sabi ko sayo Damian tigilan mo na ako. Bukod doon kahit gustuhin pa kita, ay hindi naman tayo pepwede dahil Lobo ka at bampira ako! Gets mo yun?! Hindi tayo pwede Damian,” pahayag kong muli sa kaniya. “Stop saying that non sense! Kung hindi tayo pwede, gagawin kong pwede dahil gusto kita at mahal kita!” saad naman niya sa akin. “Mag-isip ka nga Damian! How can be possible na pwede tayo ha?! Sabihin mo nga sa akin! Mag-kaiba ang dugo natin, kahit anong gawin natin hindi tayo magiging isa ang lahi! Kung ano tayo! Yun tayo! Naiintindihan mo ba?!” pahayag kong muli sa kaniya “Stop Elise! Fvvvvck! Sinasabi mo lang yan dahil mahal at gusto mo pa si Lucas! Kahit possible na pwede! Hindi talaga magiging pwede dahil mahal mo si Lucas! How can you love the person na hindi ka na mahal?! Sabihin mo nga sa akin! Yung broken na broken ka kay Lucas, nandyan ako para sayo! Pero puta naman Elise! Anong ginagawa mo sa akin?! May nangyayari sa atin tapos ang plot twist ginagawa mo akong panakip butas dahil sa feelings na yan!” sigaw niya sa akin. At doon ay hindi ako nakapag-salita dahil kahit ako ay nag-sisimulang masaktan narin, pag-katapos ng sinabi niyang iyon ay umalis na siya at iniwan na niya ako. At kahit ginawa niya yun ay naiintindihan ko naman kung para saan ang ginawa niya. Nang biglang dumating ang aking kaibigan na si Sarah, kababata ko sa aming lugar. “Elise!” pag-tawag niya sa akin Napalingon naman ako at nagulat ako nang makita siya, “Oh? Gabi na bakit nandidito ka pa?” tanong ko naman sa kaniya. “Ikaw ang dapat kong tanungin niyan eh hindi ka naman nag-papagabi dito, ikaw lang ba mag-isa?” tanong niya sa akin Tumango naman ako dahan-dahan, “Oo—eh,” tugon ko sa kaniya “Alam mo na ba ang balita sa atin? Hindi mo ba alam na nawawala si Lucas, I mean hindi naman sa nawawala pero nag-layas kasi siya sa kanila baka lang may alam ka?” pahayag naman niya sa akin. “Ah—oo alam ko ang nangyari sa kaniya, ako pa? hahaha, hindi ko alam doon sa lalaking yun, wala na akong nalalaman sa kaniya simula noong nag-split kami, I mean meron naman pero yung mag-oopen siya sa akin, wala na,” saad ko naman sa kaniya Habang nag-lalakad kami pauwi ay nag-uusap parin kami ni Sarah, “Sayang kayo no? hindi man lang kayo nakatapak sa happy ending, alam mo siguro kung kayo parin ngayon. Kayo siguro ang ikakasal,” saad naman niya sa akin. Bigla ko siyang tinulak sa kaniyang pag-kakasabi noon, “Baliw ka! Hindi rin siguro lalo na ang dami noong priority, puro pag-aaral. Hindi noon hahayaan na mag-pakasal agad-agaran, depende na lang kung gugustuhin niya,” pahayag ko naman sa kaniya “Sus! Nahiya ka pa sabihin na gusto mo rin ang sinabi kong idea sayo. Pero yun nga, sayang lang talaga. Parang ang lungkot lang isipin, hindi ba?” saad naman niya muli sa akin. “Oo, pero wala eh, ganoon talaga. Wala na tayong magagawa sa panahong tapos na. Ang kailangan nalang gawin ay tanggapin at mag-move forward,” pahayag kong muli sa kaniya. Luna’s point of view Nakatulog na ako sa sofa, nang bigla akong nagising nang makaamoy ako ng pag-kain dahil sa pag-gising ko ay nagugutom na ako dahil hindi kami kaagad kumain ng hapunan. “Luna, tara na kumain. Bumili ako sa labas,” pahayag sa akin ni Jeremy Pag-tingin ko ay nag-hahanda si Jessica ng pag-kain na inilalapag na niya sa lamesa, “Oh saan yan galing? Lumabas pa ba kayo o nag-padeliver?” tanong ko kaagad sa kanilang dalawa. “Asusual—ano pa nga ba? Eh di deliver,” tugon naman sa akin ni Jessica. “Hahaha, napasarap ka na ng tulog dyan ah, hindi ka kasi nakikilaro sa amin ni Jessica. Ayan, nakatulog ka tuloy, porke wala si Lucas tinutulugan mo nalang kaming dalawa,” pahayag naman sa akin habang nangaasar ni Jeremy. Nanlaki naman ang mata ko at nagulat sa kaniyang sinabi, “Manahimik ka nga diyan Jeremy! Kung ano-anong sinasabi mo diyan, inantok lang talaga ako dahil sa pagod,” saad ko naman sa kaniya. “Sus! Nahiya ka pang sabihin Luna na nagugustuhan mo na talaga si Lucas eh,” pabiro niyang muli sa akin. Nang biglang siniko ni Jessica si Jeremy sa kaniyang braso, “Aray ha, biro lang eh—” pahayag ni Jeremy nang gawin ni Jessica iyon sa kaniya. “Wag mo nang pansinin Luna si Jeremy, loko talaga ito eh,” saad naman ni Jessica sa akin “Hindi—ano ka ba, okay lang yun,” pahayag ko naman sa kanilang dalawa. Doon ay nag-simula na kaming kumain ng aming hapunan, at habang kumakain ay iniisip ko kung nagugustuhan ko na ba si Lucas, ngunit habang iniisip ko iyon ay hindi ko naman makita sa aking sarili na nagugustuhan ko na si Lucas. “Alam niyo guys, hindi ko talaga ma-imagine na magugustuhan ko si Lucas or mag-kakasomething kami, wala naisip ko lang,” saad ko bigla sa kanilang dalawa. Nagulat silang dalawa nang sabihin ko iyon sa kanila at biglang nasamid si Jeremy, “Ohh—ano na naman yang ginagawa mo Jeremy,” saad ko sa kaniya “W-wala—wala,” tugon naman niya nang makainom ng tubig. Habang si Jessica naman ay natawa nang sabihin ko iyon sa kanila, at bigla ko namang napansin iyon, “Oh? Bakit ka naman natawa Jess? May nasabi ba akong mali?” tanong ko kaagad sa kaniya. Umiling naman siya, “W-wala naman, nagulat lang ako nang inisip mop ala yun, pero kahit ako din naman ang sasagot hindi ko din makita sa inyong dalawa na mag-kakasomething kayo,” saad naman niya sa akin “Oh diba—Jeremy, sabi ko sayo eh, imposible talaga,” saad ko naman kay Jeremy nang sabihin iyon ni Jessica. Umiling naman agad si Jeremy sa aking sinabi, “Ang sa akin naman, posible. Kahit mag-pustahan pa dito,” pahayag naman niyang bigla. “Osige ba! Anong pusta?” tanong ko naman agad sa kaniya nang bigla siyang mag-hamon. “Pag-lulutuan niyo ako ni Jess ng pag-kain, I—I mean kami ni Lucas kapag nakabalik nasiya dito, ipag-luluto niyo kami,” saad niya sa amin. Tumango naman ako sa kaniyang sinabi dahil gusto ko din namang mag-luto, “Osige ba! Madali lang yan! Pero kapag mali ka, ikaw ang mag-luluto para sa amin ni Jess, G ba?!” pahayag ko sa kaniya. Hindi siya kaagad nakasagot nang sabihin ko iyon sa kaniya at napalunok muna, “S-sige sige, G,” dahan-dahan niyang pag-tugon sa akin. Doon ay nag-simula na kaming muli kumain ng madami, at maging mas masaya pa ang kwentuhan. Hindi ko lubos maisip na magiging ganoon kami kasayang tatlo sa iisang tirahan ng kami-kami lang. Kinaumagahan, Lingo ay nagising ako na wala na sa kwarto si Jessica. Kaya’t agad ko namang tinanong si Jeremy, “Je-jeremy? Alam mo ba kung nasaan si Jess? Ang aga niya atang nawala eh,” Napalingon naman siya sa akin nang galing siya sa banyo, “Huh? Pasaan naman yun ng ganoong oras? Hindi ba nag-paalam sayo? Hindi ko rin alam eh,” tugon naman niya sa akin. “S-sige sige, tatawagan ko nalang,” saad kong muli sa kaniya at bumalik na muli siya sa kaniyang kwarto upang matulog dahil alas-otso pa lang naman ng umaga at late narin kami natulog kagabi. Agad akong bumalik sa aking kwarto upang kunin ang cellphone ko at tawagan si Jessica dahil sa pag-tataka. Nag-riring ang kaniyang cellphone nang bigla rin naman siyang sumagot, “Hello?” tugon niya sa akin “Oh? Nasaan ka? Bakit ang aga-aga wala ka?” tanong ko kaagad sa kaniya. “Pumunta lang ako dito sa kaibigan ko, nag-pasama rin kasi siya sa akin bigla kaya hindi nalang ako nag-sabi kanina dahil ang himbing ng tulog mo. Eh alam ko naman na tatawag ka sa akin ngayon kasi hahanapin mo ako hahahaha,” tugon naman niya sa akin. “Baliw ka talaga, pag-katapos mo diyan bumalik ka kaagad. Mag-iingat kayo,” saad ko naman sa kaniya. “Sige po!” tugon naman niya sa akin. Jessica’s point of view Tumawag si Jessica sa pag-iisip kung nasaan ako, ngunit hindi niya tinanong kung sino ang kasama ko. “Anong tanong sayo ni Luna? Hindi ba siya nag-taka?” tanong sa akin ng kasama ko. “Nag-taka, pero hindi naman niya tinanong kung sino ang kasama ko eh. Tinanong niya lang kung nasaan ako, eh di hindi niya talaga malalaman kung sino ang kasama ko, hahaha” tugon ko naman sa kasama ko. “Ano ready ka naba?” tanong niyang muli sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya nang tanungin niya ako, “Oo! Tara! Tara na bumili ng bag ni Luna, Lucas!” pahayag ko sa kaniya, habang excited kaming umalis na dalawa dahil birthday ni Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD