Chapter 45

2090 Words
Lucas’s point of view Natapos ang pakikipagusap ko sa aking matalik na kaibigan na si Charles ganoon na din sa ina niya, ngunit mabigat parin sa aking loob ang nangyari kaya’t nang lumabas ako sa bahay nila ay muli akong umuwi sa amin. Pag-pasok ko sa aming bahay ay nakaabang na sa akin ang aking mga magulang, ngunit nang makita ko sila ay nag-deretso na lamang ako sa aking kwarto. Sa kagustuhan kong lumayo sa amin ay napilitan akong tumira muna sa aking condo na isa ring hindi nila alam sa akin. Pag-pasok ko sa aking kwarto ay agad kong kinuha ang aking bag, at mabilisan kong binuksan ang aking cabinet. Inilabas ko lahat ng aking damit at agad na nilagay sa bag, at isinunod ko pa ang mahahalagang gamit na kailangan kong gamitin. Nang biglang may kumatok sa aking pintuan, “Ser Lucas? Tawag na po kayo sa baba, kakain na po kayo,” pahayag sa akin ng aming katulong habang kumakatok sa pintuan ko. At dahil alam kong hindi siya titigil sa kakakatok sa akin dahil ganoon ang nangyayari kapag inuutusan siya ng aking mga magulang ay napilitan akong sumagot, “Sige manang, sunod na lang ako,” tugon ko naman. Tumigil ang kaniyang pangungulit nang sabihin ko iyon sa kaniya, at ng matapos akong mag-impake ay agad kong kinuha ang susi ng aking sasakyan. Dahan-dahan kong binuksan ang aking bintana at doon ako ay tumalon, nag-tungo ako kaagad sa aking sasakyan at agad akong nag-maneho patungo sa lugar kung saan may ATM Machine para mag-withdraw ng pera, dahil alam kong dahil sa ginawa ko ay posibleng idisable nila ang aking account. Nakarating na ako sa lugar kung saan may ATM machine, at sinwerte ako dahil ako lamang ang tao doon. “Dali-dali Lucas, baka may makakita sayo,” pabulong ko naman sa aking sarili. Nakamagkano na ako at dahil sa palagay ko ay hindi pa sapat nap era iyon ay nag-labas pa ako ng ilan, Nang biglang may kumulbit sa akin, at doon ako ay nagulat. Pag-lingon ko ay nagulat ako na si Jeremy ang nasa likod ko, “Bro! nakakagulat ka naman, anong ginagawa mo dito?” tanong ko kaagad sa kaniya. “Ikaw ang dapat tanungin ko niyan, anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Hindi ba dapat nasa inyo ka?” saad naman niya sa akin “Saglit lang, tapusin ko lang to,” pahayag ko naman sa kaniya. Dali-dali kong tinapos ang pag-wiwithdraw ko, at nang matapos ako at pag-lingon ko ay muli akong agad tinanong ni Jeremy. “So what? Anong ginagawa mo dito? At pasaan ka? Bakit dala-dala mo ang kotse mo at hindi kotse ko?” tanong naman niya sa akin. “Bro, iniwan ko muna pansamantala ang sasakyan mo sa amin ah. Lumayas ako at pupunta ako ngayon sa bahay ko,” saad ko naman sa kaniya. “It’s okay, wag mong pakaisipin ang sasakyan ko. P-pero, bakit mo naman kinailangang lumayas? May problema ba sa inyo?” tanong naman niya muli sa akin. “I think so, pero hayaan mo na. Sa ngayon, I just need space, gusto kong makahinga sa lugar na gusto ko, at kapag hinanap ako nina Luna at Jessica tell them na I’m okay, I just need time and space sa stress na nararanasan ko, can you do that?” pahayag ko naman sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumango at sumagot, “Ofcourse bro, pero mag-iingat ka ah? ako na bahala ang mag-sabi sa kanila, pero paano bro kapag hinanap ka sa amin ng mga magulang mo?” saad naman niya muli sa akin. “Tell then na hindi niyo alam kung nasaan ako, kasi hindi niyo naman malalaman nga kung nasaan ako. Pero kapag need ko na kayo and I’m okay, sasabihin ko sa inyo, at hahayaan ko na puntahan niyo ako, pero this time siguro ako na lang muna,” pahayag kong muli sa kaniya. “Okay bro, ikaw bahala. Kung ano nalang ang sinabi mo, yun nalang ang susundin ko. Basta mag-iingat ka,” saad niyang muli sa akin. Tinapik ko siya sa kaniyang braso at nag-paalam na sa kaniya, “Sige bro, thank you. Sorry, but I need to go. Wala na akong time, baka makita nila ako dito or somewhere else na maaabutan nila ako, ingat ka rin,” saad ko naman sa kaniya Dali-dali akong sumakay ng aking sasakyan dala-dala ang aking maliit na bag na puno ng pera. Nang nag-simula na akong mag-maneho ay bigla akong nakahinga ng maluwag dahil alam ko na ang patutunguhan ko ay payapa at walang problema. Jeremy’s point of view Nang matapos akong mag-withdraw ng pera ay napaisip ako at nag-alala kung anong nangyari kay Lucas at nagkaganoon siya. Doon ay hindi ko rin maiwasang isipin kung saan niya balak pumunta. Sumakay ako kaagad sa aking sasakyan at minadali ko ang aking pag-mamaneho upang ibalita kayna Jessica at Luna ang sinabi sa akin ni Lucas. Mag-gagabi na nang makarating ako sa condo, dahil bukod sa nagwithdraw ako ng pera ay may dinaanan pa ako. Pag-pasok ko sa aking condo, ay bumungad na kaagad sa akin ang dalawa na nanonood ng tv. Nang biglang tumingin sa akin si Luna, “Oh nandyan ka na pala Jeremy,” pag-bati naman niya sa akin Nang biglang umimik si Jessica nang mapansin akong parang hindi ayos, “Oh? May nangyari ba? Bakit parang hindi ka ata okay?” tanong naman niya sa akin habang nag-tataka sa aking ikinilos. “Okay ako—si Lucas ang hindi okay,” saad ko naman sa kanila Doon ay biglang nagulat ang dalawa nang marinig nila iyon sa akin. Napatayo si Jessica nang sabihin ko iyon, “Anong nangyari kay Lucas?” tanong niya kaagad sa akin. “Hindi ko alam, pero sabi niya kailangan niya lang daw muna mapag-isa dahil mukhang may problema ata sa kanila, pero kapag handa na daw siya, sasabihin naman daw niya sa atin kung nasaan siya upang madalaw natin siya. Pero sa ngayon, hindi muna dahil gusto niya munang maging mapag-isa,” pahayag ko naman sa kaniya. “Saglit tatawagan ko—” pahayag naman bigla ni Luna. Nang bigla ko naman siyang pinigilan, “Wag! Wag—Luna, paniguradong hindi niya yan sasagutin, dahil kanina nakita kong pinatay niya ang kaniyang phone upang hindi siya matawagan ng kaniyang mga magulang, at kung may mag-tanong daw sa atin kung nasaan siya ay sabihin daw natin na wala tayong alam,” saad kong muli sa kanila. Doon ay hindi na nakapag-salita ang dalawa at nanahimik nalang nang sabihan ko sila tungkol kay Lucas. Halata sa kanilang mga mata ang pag-kalungkot sa nalaman na hindi okay si Lucas. Gregory’s point of view Sa mga oras na ito ay hindi padin namin tinitigilang tawagan si Lucas kahit alam naming patay ang telepono nito. Naiyak na ang aking asawa dahil sa pag-aalala sa aming anak na si Lucas. “Dad hanapin mo si Lucas, wag mong tigilan,” pahayag niya sa akin. Agad kong tinawag ang katulong namin upang tanungin ulit tungkol kay Lucas, “Yaya? Tinawag mo ba kanina si Lucas? Sumagot ba talaga siya sayo kanina?” Tumingin naman siya kaagad sa akin, “Opo ser, sumagot pa po siya sa akin kanina na susunod daw po siya dito sa baba. Hindi ko naman po akalaing sa mga oras na ito ay mawawala nalang din siya bigla ng parang bula, dahil rinig na rinig po talaga ng aking tenga ang kaniyang boses na sumagot siya,” saad naman niya sa akin. Napabuntong hininga ako ng isagot iyon sa amin ng aming katulong Nang biglang pumasok si Charles sa aming bahay, at nang makita ko siya ay agad ko siyang tinanong tungkol kay lucas. “Ano Charles? Natawagan mo ba si Lucas? Nasaan na kasi yung batang yun, hindi man lang nagsabi kung saan pupunta,” tanong ko naman kaagad sa kaniya “Ah—eh tito hindi pa po eh, parang kanina okay naman po siya at pinapalakas niya po ang loob namin ng aking ina, ngunit hindi ko naman po alam na gagawin niya po itong pag-alis dito sa bahay niyo,” saad naman niya sa akin Napaupo naman ako nang sabihin iyon sa akin ni Charles, “Ewan ko ba sa batang yun, lumalaki ngunit paurong ang isip. Hindi man lang niya kami isipin ng kaniyang ina, hindi niya alam kung gaano kalaki ang impact sa amin ito dahil sa pag-aalala sa kaniya,” pahayag ko naman sa kaniya “Ang alam ko lang po talaga tito, masama parin po talaga ang loob niya sa inyo. Hindi naman po niya sa akin nasabi ang rason ngunit, kahit anong sabihin ko po ganoon parin eh,” saad naman niya sa akin. “Hayaan mo na, kung yun ang gusto niyang isipin ay wala akong magagawa. Basta’t ang alam lang namin ay ginagawa namin ang lahat para sa kaniya, para mabuhay siya ng tama,” saad ko naman sa kaniya Ngunit biglang umimik si Charles na hindi ko inaasahan, “Pero tito, ni minsan po ba hindi niyo siya itinanong kung ano ang gusto niya para sa sarili niya? Hindi niyo lang po ba siya tinanong kung gusto niya ang gusto niyo para sa kaniya? Mawalang gana lang po tito, hindi po sa pang-hihimasok sa problema niyo, pero mukhang yun po ang pinupunto ni Lucas, sige po, alis na po ako,” pahayag niya sa akin. Doon ay nanatili akong tahimik nang sabihin niya iyon sa akin, hindi ko alam kung may kwenta ba akong magulang para sa anak kong si Lucas. Lucas’s point of view Nakarating na ako sa isang condo kung saan malayo sa maynila. Nandito ako ngayon sa Tagaytay kung saan malamig ang hangin, at maaliwalas. Nang makapasok ako sa condo ko, ay agad kong ibinaba ang aking mga gamit at nahiga. Nang bigla kong naisip ang aking mga kaibigan na paniguradong nag-aalala na sa akin. At dahil alam kong tatawagan ako ng tatawagan ng aking pamilya ay naisipan kong bumili ng sim para hindi nila ako matawagan. Nang makabili ako ay agad akong tumakbo pabalik sa aking kwarto, at agad kong pinaltan ang aking sim para matawagan sina Jeremy. Nang nabuhay na ang aking cellphone ay agad bumungan sa aking mata ang pangalan ni Luna kaya’t naisipan ko na siya na lamang ang tawagan. Luna’s point of view Habang nanunuod ako ng TV ay biglang may lumitaw na numero lamang. At dahil sa interesado ako ay agad kong sinagot ang tawag, “Hello?” tugon ko “Hello? Luna? Si Lucas ito, kamusta kayo?” tanong niya kaagad sa akin. Doon ay nanlaki ang aking mga mata, at agad kong sinabi kayna Jeremy at Jessica. “Guys! Guys! Si Lucas!” pahayag ko sa mga kasama ko, at agad naman sumagot si Jess sa akin nang sabihin ko iyon, “Speaker mo Luna!” pahayag niya Agad kong binuhay ang speaker ng aking cellphone upang marinig nina Jessica at Jeremy ang aming pag-uusapan at upang makausap narin nila. “Ano bro? kamusta ka na diyan?” tanong naman kaagad ni Jeremy kay Lucas. “Mukhang nagiging okay ako dito bro, actually kararating ko nga lang eh. Pero okay naman, malamig dito,” saad naman sa amin ni Lucas. “Nasaan ka? Baguio? Wow ha!” pahayag naman ni Jessica nang marinig niyang malamig sa lugar ni Lucas. “Baliw! Hindi, pero secret nalang muna, saka na. Baka maya-maya sugudin niyo ako kung nasaan ako, eh hindi pa ako ready sa ngayon,” saad naman muli ni Lucas. “Hay nako lucas, kung ano man yang dinadala mo dapat hindi mo tinatago sa amin, tingnan mo naman kami. Pati kami nag-aalala sayo, and for sure pati narin mga magulang mo,” pahayag ko naman sa kaniya. “Ano ka ba Luna, sa oras na ito gusto ko munang malayo sa kanila at sa kung anong nangyayari doon sa lugar namin. Ewan ko ba parang feeling ko hindi ako belong, parang pakiramdam ko wala akong karapatan, hindi ako pwedeng magdesisyon,” saad naman niya sa amin. “Tingnan mo yan, pero kapag may oras ka na sabihin mo lang ah kung ready kana para mapuntahan ka namin kung nasaan ka,” saad naman ni Jeremy sa kaniya. “Oo bro, copy that! Sige na, mag-pahinga na kayo, ingat kayo diyan!” pag-papaalam ni Lucas sa amin. “Ikaw din diyan bro!” tugon naman ni Jeremy. At nang matapos ang usapan ay nakahinga kami ng maayos dahil alam naming nasa maayos na lugar si Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD