Chapter 44

2119 Words
Lucas’s point of view Habang nakain kami ng tanghalian nina Jeremy, Luna at Jessica ay biglang tumunog ang aking telepono at nang tumayo ako at tiningnan kung sino ang natawag ay nagulat ako nang makita ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan at kababata na si Charles kaya’t agad ko iyong sinagot. “Hello?” tugon ko sa kaniya Nagulat ako nang marinig ko ang iyak ng aking kaibigan kaya’t agad akong lumayo kayna Jeremy at nag-tungo sa kusina upang tanungin ito. “Anong problema Charles? Sabihin mo sa akin,” tanong ko muli sa kaniya. “Lucas, ang tatay ko. Tulungan mo kami, sabihin mo sa tatay mo na iligtas ang tatay ko, sabi ng mga kasamahan natin sa baryo ay dinakip daw ang tatay ko nang hating gabi malapit sa atin sa bayan. Hindi ko alam ang gagawin ko utol,” pahayag niya sa akin habang umiiyak Noon ko lang narinig na umiyak muli si Charles, at dahil nag-alala ako sa aking kaibigan ay agad naman akong sumangayon sa kaniya, “Sige utol, wag kang panghinaan ng loob. Gagawin ko ang aking makakaya, uuwi rin ako kaagad ngayon,” saad ko Naaman sa kaniya at agad na rin naming tinapos ang tawag. Lumabas kaagad ako sa kusina at kinuha ang aking mga gamit. Nang biglang kinausap ako nina Jeremy, “Tol? Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang kinakain mo,” tanong niya sa akin habang nag-tataka. Humarap naman ako sa kanila, “Pasensya na, kailangan kong makauwi agad. May kailangan akong ayusin sa amin,” tugon ko naman kaagad kay Jeremy. Agad siyang tumayo at kinuha niya ang isang susi ng sasakyan niya at inihagis sa akin, “Tol yan, hiramin mo muna. Mas makakauwi ka ng mabilis kung gagamitin mo yan,” pahayag niya sa akin. Nang sinalo ko ang susi ay agad naman akong nag-pasalamat sa kaniya, “Salamat tol, una na ako,” pahayag kong muli sa kaniya “Ingat ka Lucas,” pahayag naman sa akin ng dalawa ni Luna at Jessica at agad naman din akong tumango sa kanila. Sa mga oras na iyon ay hindi ko magagamit ang aking lakas para makauwi gamit ang takbo kong mabilis dahil posible na maraming makakita sa akin, kaya pumayag ako na hiramin ko muna ang sasakyan ni Jeremy. Mabilis akong tumungo sa parking lot upang puntahan ang sasakyan ni Jeremy, at nang nandoon na ako ay agad akong sumakay sa sasakyan. Pinaandar ko kaagad ang makina at umalis na kaagad doon. Kampante akong mag-maneho ng mabilis lalo na at wala namang traffic. Nakarating narin ako ng bayan kaagad at pag-katapos ay bayan na namin. Nang nakarating ako sa amin ay agad naman akong bumaba, at tumakbo ako kaagad sa loob ng aming bahay. “Mom? Dad?” pag-hahanap ko kaagad sa kanila nang pag-pasok ko sa pinto, ngunit ang katulong namin ang una kong napansin. “Naku ser, pumunta po sila sa baba kung saan may mahalaga silang pag-uusapan. Sabi po nila ay wala daw po munang papapasukin dahil mahalaga ang kanilang pag-uusapan,” tugon naman niya sa akin “Hindi—hindi pwede, kailangan ko na silang kausapin,” saad ko naman sa aming katulong. Lumabas ako ng bahay at nag-tungo sa likod upang pumunta sa ilalim na bahagi. Doon sa lugar na iyon ang usapan ng mga samahan ng bampira, at pag-pasok ko sa pinto ay saktong nag-uusap-usap sila. Nang makita nila ako ay nagulat sila, “A-anak? Bakit ka nandidito? P-paano?” tanong kaagad sa akin ng aking ama. Nang biglang tumayo ang aking ina at hinayaan na muna ang aking ama na hindi mag-salita at siya muna ang kakausap sa akin. “Anak sa labas na natin ito pag-usapan, may ginagawa pa ang dad mo,” pahayag niya sa akin. “No mom, kailangan ko ngayong makausap si Dad,” saad ko naman sa kaniya “Lucas, hindi nga pwede dahil may mahalagang meeting na ginagawa ang tatay mo, hindi ka ba nakikinig?!” inis na pag-kakasabi sa akin ng aking ina. Nang biglang pinalabas muna pansamantala ng aking ama ang mga samahan ng bampira sa kwartong iyon, at nang makalabas na ay doon nag-simulang umimik ang aking ama. “Ano bang gusto mong pag-usapan natin Lucas? Hindi ka ba nahihiya sa mga nandidito sa pambabastos na ginagawa mo?!” saad naman niya sa akin Agad naman akong nainis sa kaniyang pag-kakasabi at lumapit ako sa kaniya, “Bakit kayo dad? Hanggang kailan niyo itatago sa akin ang problemang nagaganap dito sa atin lalo na sa mga samahan niyo?” tanong ko naman sa kaniya Doon ay hindi siya nakaimik sa aking sinabi, at muli akong umimik. “Oh? Dad? Bakit hindi kayo ngayon makaimik? Hindi niyo ba alam ng dahil sa ginagawa niyo ay lalong lumalaki ang gulo ng mga lobo at bampira? Bakit hindi niyo kayang ayusin ang nasa pagitan niyo dad? Tumawag sa akin kanina si Charles, at humihingi siya ng tulong para sa kaniyan ama. Akala niyo hindi ko malalaman no?” pahayag ko sa kanila “A-anak, ginagawan na namin ng paraan. Hindi mo alam kung anong problema ang namamagitan sa dalawang mag-kalaban,” saad naman sa akin ng aking ama. “Pero bakit ba hindi niyo masabi sa akin kung anong problema? Bakit?! Dahil hindi pa ako malakas?! Hindi pa ako pwede maging parte ng samahan na ito?! Ganoon ba dad?!” saad ko naman sa kaniya Nang biglang lumapit sa akin ang aking ina, “Hindi sa ganoon anak, dahil pinoprotektahan ka namin ng dad mo na baka ng dahil sa amin ay madamay ka,” pahayag naman sa akin ng aking ina. “Wag niyong irarason yan sa akin mom, kung hinahayaan niyo ako at kung bata pa lang ay tinuturuan niyo na ako di sana may katulong na kayo ngayon. Hindi niyo ba naisip yun? Ano pang sense ng pagiging bampira ko kung hindi ako parte niyo? Taga bantay lang ba? Taga tingin? Taga panuod? Ganoon ba mom? Dad?” pahayag ko naman sa kanila “Hindi ganoon Lucas,” pahayag naman ng aking ama “Eh ano dad!? Ayusin niyo yan, lalo na at pamilya ni Charles ang nakasalalay dito,” pahayag ko naman sa kanila. At matapos niyon ay umalis na ako sa kanilang harapan at nag-tungo kayna Charles upang makibalita sa kanila sa nangyari sa kaniyang ama. Luna’s point of view Habang nakain kami ay biglang lumabas sa aming pinag-uusapan si Lucas. “Ano kayang nangyari kayna Lucas? Bakit kaya siya napauwi ng ganoong kaaga, mukhang problemado siya dahil sa pagiging seryoso ng mukha niya kanina, hindi ba?” pag-tataka naman ni Jessica. Napatingin naman ako sa kaniya nang sabihin niya iyon, “Oo nga, parang kanina ang saya-saya natin noong nakain, tapos noong nag-punta lang siya sa kusina nag-iba ang mood niya,” pahayag naman ni Jeremy Napabuntong hininga naman ako nang sabihin iyon ni Jeremy, “Hayaan niyo na muna siya guys, baka may problema lang talaga sa kanila o may nangyari. Hindi naman natin siya pwedeng basta-basta tanungin dahil minsan hindi ba napakaseryoso niya sa bagay, baka sa sobrang seryoso niya at tinanong natin ay bigla siyang mainis sa atin,” saad ko naman sa kanila. “Oo nga, may point ka. Kasi hindi naman natin siya nakilala ng masayahing lalaki hindi ba? Napakaseryoso niya at misteryoso,” pahayag naman ni Jeremy At nang sabihin iyon ni Jeremy ay bigla kaming nag-katinginan ni Jessica dahil kahit papaano ay may nalalaman kami kay Lucas na hindi pa alam ni Jeremy. Natatakot kami na baka kapag nalaman niya ang tungkol kay Lucas ay bigla siyang umiwas sa amin. “Oh? Bakit kayo nag-katinginan? May hindi pa ba ako nalalaman tungkol kay Lucas?” tanong niya kaagad sa amin ng mapansin ang kinilos namin ni Jessica Doon ay nagulat kami at naging aktong normal kami ni Jessica. “Ah—wala wala naman, hahaha. Kami sana ang mag-tatanong niyan sayo na kung may nalalaman ka ba kay Lucas dahil kayo lang naman lagi ang mag-kasama, hindi ba Luna?” saad naman bigla ni Jessica Napakamot si Jeremy sa kaniyang ulo, “Ah—ehh wala eh, hindi naman nag-kekwento si Lucas sa akin, ewan ko ba doon hindi makwento palagi nalang ako. Pero ang nalalaman ko lang ay kapag tinanong ko siya tungkol kay Elise,” saad naman ni Jeremy sa amin. “Oo nga pala, ano bang full history ng dalawang yun at grabe yung pag-hahabol ni Elise kay Lucas? At tsaka parang hinahabol din ni Damian si Elise, love triangle yarn??” saad naman muli ni Jessica. Bigla kong siniko si Jessica sa kaniyang sinabi tungkol kay Lucas, “Sira ka Jessica, hindi ba parang private na usapan na dapat yan at tsaka kay Jeremy siya nag-kwento hindi sa atin,” saad ko naman ng sabihin iyon ni Jessica. “Baliw!—hindi hindi! Okay lang, at tsaka tayo tayo lang naman dito eh, at tsaka posible naman na mag-open din sa inyo si Lucas, manloloko lang pala talaga si Elise before, kaya sinukuan ni Lucas,” pahayag naman agad ni Jeremy sa amin. “Eh bakit daw habol ng habol si Elise kay Lucas? Eh kung tapos na pala hindi ba? Ang tanga naman niya masyado, hindi nag-iisip,” saad naman ni Jessica Natawa naman ako sa sinabi ni Jessica, “At ang taka ko naman, bakit naman lumabas si Damian sa lovestory ng dalawa hindi ba? Grabe namang landi ni Elise. Kagaya noong nasa sinehan? I’m sure may nakita si Lucas noong time na yun!” pahayag ko naman sa kanila. Tinuro ako ni Jeremy nang sabihin ko iyon sa kanila, “Oo nga! Yun! Isa pa yun, kinwento din sa akin ni Lucas na nahuli daw niya ang dalawa sa banyo na may ginagawang malaswa, rinig na rinig daw niya ang mga sinasabi,” kwento naman muli ni Jeremy sa amin. Napatayo naman si Jessica sa kaniyang narinig tungkol sa dalawa ni Elise at Damian, “Yuck! Yung dalawang yun, kung saan na lang eh no? hindi man lang maka-check in para naman hind isa public nag-sesex,” saad naman niya “Truth! Pero hayaan niyo na, mukha namang naka-move on na si Lucas kay Elise eh. At tsaka kung ano mang feelings na meron ngayon si Lucas na dinadala ay wala na tayong magagawa doon at hindi naman natin siya masasabihan dahil feelings niya yun, it’s his choice,” pahayag ko naman sa kanila. “Correct ka dyan girl!” tugon naman kaagad ni Jessica sa akin.   Charles’s point of view Biglang may kumatok sa pintuan ng aming bahay habang pinapatahan ko ang aking ina sa kakaiyak. Bigla naman akong tumayo at nag-tungo doon upang tingnan kung sino iyon. Nagulat ako nang makita ko si Lucas ang nasa pintuan. “Tol! Tulungan mo kami tol, hindi na namin alam kung paano babangon kapag wala sa tatay,” saad ko kaagad sa kaniya habang niyayakap “Bro, wag ka ng umiyak. Gagawin ko ang lahat mahanap lang ang tatay mo, sa ngayon pinag-uusapan nina Dad kung ano ang kanilang gagawin upang hanapin ang tatay mo,” saad naman niya sa akin. “Salamat tol sa balita,” tugon ko naman sa kaniya “Si tita? Nasaan?” tanong naman niya kaagad sa aking ina Itinuro ko naman ang aking ina kay Lucas, at nang makita niya iyon ay agad ko siyang pinapasok at hinayaan kong lapitan niya dahil alam kong nag-aalala siya para sa amin, “Tita, wag na po kayong umiyak, gagawin naman po namin lahat ni Charles makita lang si Tito,” pahayag niya sa aking ina Tumingin ang aking ina kay Lucas habang umiiyak, “Hindi maaaring hindi makita ang asawa ko dahil siya na lamang ang kinakapitan ko sa buhay bukod kay Charles,” tugon niya kay lucas Doon sa sinabi ng aking ina ay tumulo ang aking luha at hindi ko na napigilang maging emosyonal dahil alam ko ang sakit na nararamdaman ang aking ina. Niyakap ni Lucas ang aking ina. Ilang minute ang lumipas ay mas pinili ng aking in ana pumasok muna pansamantala sa kwarto upang mag-pahinga dahil mag-damag siyang puyat kakaisip kung nasaan ang aking ama. Noong oras na nag-papahinga ang aking ina ay kinausap ako ni Lucas sa sala. “Mabuti at may nakapag-balita kaagad kung wala, baka hindi natin matagpuan ang ama mo lalo na at mga lobo pa naman ang umaatake sa bayan natin ngayon,” saad niya sa akin “Oo nga utol, sinabihan ko ang aking ama na wag ng lumabas kagabi ngunit kailangan niya daw ay wala na akong nagawa kung hindi hayaan siya dahil hindi rin siya nakikinig sa akin,” pahayag ko naman sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD