Chapter 43

2116 Words
Nang nagpahayag si Jeremy na pababa na siya ay tumango naman si Lucas sa kaniya, patungo na kami sa kwarto nito at pumasok na kami. Nakita namin si Jessica na isa-isa ng nag-aayos ng mga gamit at bigla naman akong nagulat sa kaniya. “Oh? Ang bilis mo namang mag-labas ng gamit, parang kaka-akyat niyo lang ah?” pahayag ko naman sa kaniya. “Wala, para makapag-pahinga narin muna tayo. Masasabi ko talagang antok parin ako ngayon, hahahhaa” saad naman niya sa akin. Nang ibinaba n ani Lucas ang mga gamit, at ibinaba ko naman ang aking dala ay mas inuna ko muna ang dinala ni Lucas dahil iyon ay isa rin sa pag-lalagyan namin ng gamit. At bigla namang nag-paalam si Lucas. “Luna, Jess, baba muna ako. Sundan ko lang si Jeremy sa baba, marami pa yun eh baka hindi niya madala,” pag-papaalam niya sa amin. Napatingin naman kami sa kaniyang sinabi at sumangayon rin naman agad kami, “Sige Lucas,” tugon ni Jessica sa kaniya. Habang nag-titiklop ako ng mga damit namin ay biglang umimik si Jessica, “Alam mo, hindi ko alam kung mag-tthank you ba ako kay Jeremy sa dami na niyang nagawa sa atin. Sobrang nahihiya ako na hindi ko alam kung paano ako mag-sisimulang umimik sa kaniya,” pahayag niya Napatingin naman ako sa kaniya,” Girl? Ngayon ka pa talaga mahihiya sa dami na nga niyang nagawa? At tsaka, hindi ba at nag-kasama na kayo ng kayo lang dalawa? Ano lang ang pinag-usapan niyo noon kung hindi ka nag-pasalamat sa kaniya?” tanong ko bigla sa kaniya habang nag-tataka. Napaisip rin siya sa aking sinabi at sinagot rin naman niya agad iyon, “W-wala, nag-kwentuhan lang, noong time na yun gusto ko na talagang mag-pasalamat kaso hindi ko alam kung paano mag-sisimula,” saad naman niya sa akin. “Aba naman Jess, wag pangunahan ng hiya. Ikaw eh, todo push ka papalayo noon kay Jeremy, anyare? Hahahhaa,” pabiro ko naman sa kaniya. Nang iimik sana si Jessica ay umurong naman ang kaniyang dila nang biglang dumating na kaagad si Jeremy dala-dala ang iba pa naming gamit, “Ito na po ang iba pang gamit niyo,” saad naman ni Jeremy, at ibinaba kaagad ang mga gamit. Nang sabihin iyon ni Jeremy sa amin, ay bigla kong siniko si Jessica para paimikin. Napatingin naman siya sa akin, “Ah—eh—” mahinang pag-kakasabi ni Jessica. Nang nilaksan ko ang pag-siko ko sa kaniya, ay doon nilakasan na niya ang kaniyang loob. “Ahh—Jeremy, ang dami mo ng naitulong ah, maraming salamat ah?” pahayag ni Jessica kay Jeremy. Kitang-kita kay Jeremy na hindi niya akalaing mag-papasalamat sa kaniya si Jessica, nang mag-sasalita ito ay hindi rin siya makapag-salita ng ayos na tila na-uutal. “W-wala yun, ano ba kayo. Maliit na tulong lang yan,” saad naman niya sa amin. Nang biglang dumatin na si Lucas dala-dala ang isang bag, “Diyan mo na lang yan ibaba Lucas,” saad ko naman sa kaniya nang makita ang kaniyang dala. Tumango naman siya nang marinig ang aking sinabi. At agad namang napaupo sa pagod. “Pasensya na kayo ah, napagod pa tuloy kayo, naabala,” pahayag ko naman sa dalawa ni Lucas at Jeremy. Napaupo naman si Jeremy at nang marinig iyon ay umimik siya sa akin, “Ano ka ba Luna, wag ka ngang mag-sorry. It’s okay, hindi ba Lucas?” saad naman niya At sumagot naman agad si Lucas, “Oo naman, wala namang dapat ika-sorry yun guys. Tulungan tayo, walang problema doon okay? Wag niyo kaming isipin dalawa ni Jeremy, mga lalaki kami at kayo babae. Malaking pag-kakaiba,” “Oo nga naman, kayo merong ganyan kami wala,” saad naman bigla ni Jessica ng pabiro. Nagulat naman ang dalawa ni Jeremy at Lucas at lahat kami ay nag-tawanan, “Ano? Anong sabi mo ha? Jessica ha, ikaw ha,” pahayag naman ni Lucas at nilapitan si Jessica at kiniliti. Jessica’s point of view Ilang oras din kaming nag-linis ng aming mga gamit, nag-patas. Hindi namin tinigilan ang pag-aayos hanggang sa matapos namin. At nang pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig ay bigla ring lumitaw si Jeremy. “Oh, nandyan ka pala. Kukuha pa sana ako ng maiinom niyo, nauna ka na pala, hahaha. May gusto ba kayong kainin? I’m sure gutom na rin kayo, oorder na ba ako or kakain na lang tayo sa labas?” tanong naman niya kaagad sa akin. “Order nalang siguro tayo, and this time sagot ko naman ang pag-kain natin. Lagi na lang ikaw,” saad ko naman sa kaniya. “As if namang tatanggapin ko yang sinasabi mo, I’ll take it okay? Mag-tipid kayo, you need that,” pahayag naman niya sa akin. Doon sa sinabi niya ay bigla akong nag-taka dahil ni-minsan ay hindi naman ako nag-sasabi sa kaniya ng problema sa bahay or kahit ano pa mang tungkol sa akin, kaya’t doon ay bigla naman akong umimik sa kaniya, “Hoy, Jeremy? Stalker ka ba? Or baka may nalalaman ka na hindi ko alam?” tanong ko naman sa kaniya “Huh? Wala ah, kapag meron ako ako muna. Saka nalang kapag wala, at tsaka kailangan mo yan, kailangan mo ring mag-tipid,” saad naman niya muli sa akin. Umalis na lang siya sa harapan ko at ngumiti na parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko nalalaman. Kaya’t nang matapos kong uminom ng tubig ay agad naman akong bumalik sa sala upang sundan si Jeremy. “Okay guys, anong gusto niyong kainin?” tanong ni Jeremy kayna Luna at Lucas. “P-parang mas bet ko naman ata ang pag-kain ng Jollibee ngayon? Hmm,” tugon naman agad ni Luna nang tanungin iyon ni Jeremy. “Okay copy, sige yun nalang maiba naman. Maramdaman ko naman ang pagiging bata, nakakamiss naman. Hahaha,” saad naman ni Jeremy nang sumagot si Luna. “G ako diyan!” tugon naman din ni Lucas nang marinig ang bibilhan ng pag-kain. “SIge tawag na ako,” pahayag naman ni Jeremy Nag-tungo siya sa kaniyang kwarto, at agad na tumawag sa Jollibee. Sinundan ko siya sa kaniyang kwarto, at iyon ang unang beses kong makikita kung saan ang kwarto niya. Ngunit nang makita ko na nakatago ang kwarto niya at pumasok siya sa isang cabinet ng puno ng libro ay doon ay sinundan ko pa lalo siya. Nakatalikod siya nang makapasok ako sa kaniyang kwarto, Habang nag-sasalita siya at kausap ang isa sa mga crew sa Jollibe ay nakatingin lang ako sa paligid ng kaniyang kwarto dahil sa sobrang dami ng kaniyang gamit, ganoon din ang kaniyang mga nilalaro at computer na kaniyang ginagamit. “Jeremy? Kwarto mo ito?” tanong ko sa kaniya nang matapos na siyang umorder sa Jollibee. Nagulat naman siya sa akin at napalingon ng ako ay umimik, “Ahh—Jessica, nandyan ka pala. Oo, kwarto ko ito, tinago ko lang, hahaha, ngayon alam mo na,” saad naman niya sa akin. “B-bakit hindi mo sinabi, baliw ka. Ang ganda,” pahayag kong muli sa kaniya. “Sira, syempre secret room ko ito dati, at dahil nandyan na kayo at tig-isa na kayo ng kwarto dito naman ako sa kwarto ko. Marami ring memories dito kaya mas ayos na rin siguro na dito na ako tumigil sa kwarto ko para hindi na ako mag-karoon ng sama ng loob sa pamilya ko?” saad naman niya sa akin. “Oo nga naman, may point. Alam na ba ito nina Lucas at Luna?” tanong ko naman agad kay Jeremy. Napakamot naman siya bigla sa kaniyang ulo at sumagot, “Oo? I-ikaw nalang siguro ang walang alam? Hahahhaa,” tugon naman niya sa akin Napatayo naman ako sa kaniyang upuan at tumingin sa kaniya, “Ha?! Baliw ka Jeremy, so ako lang pala ang nag-iisang hindi pa nakaka-explore sa condo mo, wow ha,” saad ko naman sa kaniya. “Sorry naman, hindi mo pa naman kasi ako ginagala sa buong condo mo. Napakalaki kasi masyado,” pahayag ko naman sa kaniya At doon ay nag-simula na kaming magbiruan at mag-tawanan nang bigla narin namang pumasok doon sina Lucas at Luna para tingnan ng buo ang kwarto ni Jeremy. Gregory’s point of view Lumabas ako sa aming kwarto nang bigla kong nakita ang aking asawa na nag-aayos ng hapagkainan sa baba. Kaya’t agad naman akong bumaba para kausapin ito, “Misis ko, nag-hahanda ka na naman e nandyan naman si yaya,” Napatingin naman ito sa akin, “Nandyan ka na pala, syempre naman iba parin kapag may ginagawa ako no,” tugon naman niya sa akin. Nang biglang may pumasok sa pintuan ng aming bahay nang papaupo pa lang sana ako ng upuan, nagulat naman ako at napatayo rin agad. “Kataasan! Kataasan! May isa po kaming kasamahan na inatake ng mga lobo kagabi,” Nang sabihin iyon sa akin ng isang kasamahan ay bigla naman akong nagulat, “Nasaan?! Nasaan siya? Sino!? Saan niyo natagpuan?” tanong ko naman agad sa kanila “Kinuha po siya ng mga lobo! Ang tatay po ni Charles, si Tito Ronaldo,” tugon naman ng isang kabataan sa grupo Mas lalo akong nagulat ng isagot iyon sa akin dahil ang balitang iyon ay hindi magugustuhan ni Lucas kapag nalaman niya ang nangyari sa tatay ng kaniyang matalik na kaibigan na si Charles, “Alam na ba ito ng pamilya nila?” tanong ko naman agad sa kanila “H-hindi ko po alam, hindi pa po ata,” tugon naman sa akin ng isa pang kasamahan. “Hanggat maaari ay sabihin niyo sa kanila ang tungkol sa kanilang kaanak, sa ngayon ay ako ay may aasikasuhin ngayon at gagawa ng paraan para makuha ang ating kasamahan sa mga lobong iyon, nawa’y hindi pa siya ginagalaw ng mga iyon,” pahayag ko naman sa kanila “Sige po kataasan,” tugon naman nila sa akin Lumabas na sila ng aking bahay, at nilapitan naman ako agad ng aking asawa at hinawakan sa aking braso. “Dad? Anong problema? Anong nangyari?” pag-aalala nito dahil sa dumating na balita. “Ang tatay ni Charles, ang kapatid ko. Kinuha ng mga lobo at dinala sa kanilang lugar, ano na ang gagawin ko nito?” mangiyak-ngiyak kong pag-kakasabi sa aking asawa habang iniisip ang tatay ni Charles na hindi alam ng iba ay aking totoong kapatid. Pinaupo muna ako pansamantala ng aking asawa dahil alam nitong ako ay hindi makakapag-isip ng maayos hanggat may pinoproblema ako at dinidibdib na problema. Ikinuha agada ko nito ng tubig, para mapakalma. “Sasabihin ko ba sa anak nating si Lucas ang tungkol dito? Hindi ba dapat niya itong malaman?” tanong naman niya kaagad sa akin ng biglang pumasok sa kaniyang isipan si Lucas. Hinawakan ko naman agad siya sa kaniyang braso at pinigilan, “Wag--- wag asawa ko, lalo ng mag-aalala si Lucas sa nangyayari lalo na sa balitang iyan, paniguradong tatawagan niya kaagad ang kaniyang kaibigan na si Charles,” saad ko naman sa kaniya Tumingin siya sa akin at tumango sa aking sinabi. Habang ako ay nag-papakalma ng aking sarili ay hindi ko parin maiwasang isipin na ang aking kapatid ang nadakma ng mga lobo kagabi. Charles’s point of view Habang nag-lalakad ako pauwi para doon mag-tanghalian ay bigla akong nagulat nang maraming tao ang nandoon sa labas ng aming bahay, “Ano kayang meron?” tanong ko sa aking sarili at napakunot naman ang aking noo Agad akong tumakbo upang makibalita sa mga kasamahan, dahil nakita ko rin ang aking in ana kausap ng mga ito. Nang makarating ako doon ay bigla akong niyakap ng aking ina at humagulhol sa iyak, “Ma? Anong nangyari? Tanong ko kaagad sa kaniya. “Ang ama mo Charles, dinakip ng mga grupong lobo kagabi. Kaya siguro hindi ako makatulog,” tugon sa akin ng aking ina habang nag-alala sa aking ama “Eh—ano na po? Ano pong balita niyo sa aking ama?!” tanong ko agad sa mga kasamahan namin at itinanong ko sa kanila ang tungkol sa aking ama. Napatungo sila, “Hindi namin alam Charles, yan lang ang nasagap naming balita sa nakakita sa kumuha sa ama mo, hindi rin namin inaasahan na makukuha ang ama mo noong nag-kakagulo sa bayan noong hating gabi,” tugon naman ng isa sa kanila “Charles, pasensya na kayo. Kapag may balita na ang kataasan, doon lang tayo kikilos, sige una na kami,” pahayag muli ng isa sa kanila sa amin ng aking ina. “Sige po salamat sa balita, ako na po ang bahala sa aking ina,” saad ko anman sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD