Chapter 42

1621 Words
Luna’s point of view Nag-aayos na kami ng gamit naming ni Jessica at hinihintay na lamang namin na dumating sina Lucas at Jeremy nang biglang kumatok si Aling Lisa sa aming kwarto. “Luna? Jessica?” pag-tawag niya sa amin, Agad akong tumakbo sa pintuan upang pag-buksan si Aling Lisa ng pinto nang biglang may inabot ito sa amin, nagulat ako sa inabot niyang mga gulay ganoon nadin ang isang piling ng saging. “A-aling Lisa, para saan naman po yan? Hindi niyo naman po kailangan gawin yan eh,” pahayag ko sa kaniya. Ngunit nang ibinabalik ko sa kaniya ay pilit niyang ibinibigay sa amin ni Jessica, “Hindi Luna, sa inyo yan ni Jessica okay? Basta i-pangako niyo sa akin na mag-iingat kayong dalawa doon sa bago niyong tutuluyan, dahil hindi ko na kayo makakasama ha?” saad niyang muli sa amin. Lumapit naman si Jessica sa amin nang marinig niya iyong sinabi ni Aling Lisa, “Aling Lisa, sa sinasabi niyong yan para naman kayong nag-papaalam ng tuluyan, hindi naman po naming kayo kakalimutan eh. Pangako po na kapag wala kaming gagawin after school, dito kami dederetso upang makita kayo,” saad naman ni Jessica. “Oo nga po Aling Lisa, lagi po naming kayong dadalawin dito dahil kayo po ang nag-alaga sa amin habang malayo kami sa aming totoong tirahan. Hindi nga po naming akalain na magiging isang magulang namin kayo kahit na dayo lang kami dito,” pahayag ko naman muli kay Aling Lisa. Nang bigla niya kaming hinawakan sa aming balikat, “Ano ba kayo mga iha, hindi ko rin akalain na mapapalapit kayo sa aking puso dahil ito ang unang beses na may alagaan ako na parang galing sa akin, hahaha, ay siya sige na at kayo ay kumilos nab aka dumating na ang sund—” naputol ang kaniyang sinabi nang biglang may bumusina na sa labas ng dorm. “Naku, andyan na ata ang inyong sundo. Sige na kumilos na kayo at tutulungan ko rin kayong mag-bitbit,” saad niyang muli sa amin. “Nako hindi na po Aling Lisa, kami na po. Kayo po ay mag-pahinga na lamang diyan. Pati kayo nagising ng maaga dahil sa amin,” pahayag ko ng muli kay Aling Lisa. “Okay lang yun ano ba kayo, sige na at papapasukin ko na ang mga kaibigan niyo,” pahayag niya sa amin. Agad naming binuhat ni Jessica ang aming mga bag, at inilabas sa sala. Habang si Aling Lisa naman ay pinapasok sina Lucas at Jeremy sa loob. At agad naming itinuro ni Aling Lisa sa kanila kung saan nila kukunin ang mga gamit. “Good morning,” pag-bati sa amin ni Jeremy. At dahil hindi kami makapag-salita ng malakas dahil baka mag-silabasan ang mga babae sa kani-kanilang kwarto, ay tahimik lang kaming nag-sasalita at nakikipag-usap. Ilang minuto ang lumipas ay iisang lalagyan nalang ng mga damit ang isasakay ni Lucas sa likod ng sasakyan ni Jeremy. At nang madala na ni Lucas ay nag-paalam na kami kay Aling Lisa, “Paano na po ba Aling Lisa, babalik na lang po kami dito ah? Dadalawdalawin nalang po muna naming kayo, hayaan niyo pag graduate naming pakakainin naming kayo ng masasaraaaaap na pag-kain na hindi parin namin nakakain,” pahayag ko kay Aling Lisa. “Hay nako mga anak ko, basta mag-iingat kayo doon ah?” saad naman niya at agad niya kaming niyakap dalawa ni Jessica. Kita naming sa kaniyang mga mata ang lungkot na kaniyang nararamdaman habang nakikita kaming aalis na sa kaniyang tirahan. Ngunit sa kabila noon ay binigyan namin siya ng ngiti, na kaniyang hindi makakalimutan. Papasakay na kami ng sasakyan ay kita parin naming siyang nasa pintuan at kumakaway sa amin. At kumakaway din kami sa kaniya papabalik. Unti-unti ng umaalis ang sasakyan, at unti-unti na naming nararamdaman ang sakit. Napansin naman kami ni Lucas, “Okay lang ba kayong dalawa?” tanong niya sa amin ni Jessica. “Ah—eh oo Lucas, medyo nakakalungkot lang dahil kita naming kay Aling Lisa ang lungkot nang umalis kami,” tugon ko naman sa kaniya. Nang bigla naming sumingit si Jeremy nang sabihin ko iyon, “Hayaan niyo, halata namang napamahal na kayo doon tsaka napamahal na sa inyo si Aling Lisa. Dadalaw-dalawin natin siya kapag wala na tayong maisip na puntahan, kaya wag na kayong malungkot. Ranas ko din yan noong una,” Napatingin naman si Jessica kay Jeremy, “Hindi talaga maaaring hindi kami pupunta diyan, baka ikamatay ko,” saad naman nito Nagulat at napatingin naman ako sa sinabi bigla ni Jessica, “Wow ha, Jess, ang Oa na ha,” pahayag ko naman sa sinabi niya. “Hahahahhaa, kulang lang ata si Jess sa tulog,” pabiro naman ni Lucas kay Jessica. “Hoy, wag niyo namang ganyanin si Jessica,” pahayag naman bigla ni Jeremy habang nag-mamaneho. Napatingin naman kami ni Lucas kay Jeremy, “Yieee! Jeremy—ikaw ha hindi mo naman sinasabi na ganyan ka na pala ka concern kay Jessica, eh parang dati halos pikunin mo ng pikunin,” saad ko naman “Huy Luna, hindi ha, tigilan mo ako diyan,” saad naman muli ni Jeremy. “Ewan ko sa inyo guys, tutulog na lang muna ako,” pahayag naman bigla ni Jessica. “Saaaaaame!” saad din naman ni Lucas. At doon ay nag-simula ng manahimik sa loob ng sasakyan at agad din namang nakatulog sina Lucas at Jessica. At nang mapansin iyon ni Jeremy ay bigla naman niya akong tinanong, “Ikaw ba Luna? Hindi ka ba tutulog? Alam kong antok ka pa. Tulog ka muna,” Napatingin naman ako bigla sa kaniya, “Hindi na Jeremy, maya-maya naman ay nandoon na tayo eh di doon na lang ako tutulog, mahaba pa naman ang oras nating buong mag-hapon,” saad ko naman sa kaniya “May point, sige ikaw bahala,” saad naman niya sa aking sinabi. Nag-focus na muli siya sa kaniyang pag-mamaneho at ako naman ay nananatiling nakamasid sa labas ng bintana habang tinitingnan ang ibang mga kasabay na sasakyan sa kalsada. Doon ay naiisip kong kahit gaano kaganda ang lugar at gaano kalinis ay hindi mawawala ang kaganapang hindi nating inaasahan. Nang bigla kong napansin na ilang tulay na lang pala ang dadaanan ay malapit na kami sa condo ni Jeremy. Sinubukan kong gisingin si Jessica ngunit hindi siya magising sa sobrang sarap ng tulog. Nang papasok na kami sa parking lot at nakaparada agad si Jeremy ay doon umimik na ako, “Gising na po kayoooooo!” pag-sigaw ko sa kanila Doon ay nag-sitawanan kami ni Jeremy, dahil sa biglang nagulat ang dalawa sa aking pag-sigaw. “Siraulong Luna, hahahaha,” pahayag sa akin ni Jeremy. “Ano ba Luna, grabe ka naman makasigaw. Pwede namang kalmahan eh, at tsaka dapat kani-kanina mo pa ako ginising nakakahiya tuooy,” saad naman ng malumanay ni Jessica sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya ng sabihin niya iyon, “Ano ka ba Jess, kanina pa kitang ginigising eh hindi ka nga magising, tsaka bakit ka mahihiya? Kay Jeremy ka ba mahihiya? Uso ba yun sayo?” saad ko naman sa kaniya Nanahimik naman siya nang sabihin ko iyon at tinulak niya ako ng malakas. “Tama na yan guys, hahahaha. Tara na bumaba, para makapagtaas na tayo ng gamit at makatulog kayo ng maayos doon,” pahayag sa amin ni Jeremy. Agad naman kaming kumilos nina Jessica, at sabay-sabay ng bumaba ng sasakyan upang isa-isahin na ang mga gamit na dala naming patungo sa condo ni Jeremy. Habang nakuha ako ng gamit ay nakatingin sa akin si Lucas at hindi ko alam kung bakit kaya’t napatanong ako bigla sa kaniya, “Oh? Bakit ka nakaabang diyan?” tanong ko sa kaniya “Ah—eh tinitingnan ko muna kung ano ang kaya mo, para alam ko kung anong dadalhin ko. At tsaka wag mong pilitin yung mabigat tapos hindi mop ala kaya, pwede naman naming yan balikan nia Jeremy,” tugon naman niya sa akin. Tumango naman ako at muling tumingin sa mga gamit, kumuha ako ng ilang gamit at nang pag-kabuhat ko sa isa ay bigla akong babagsak. “Oh—oh—oh! Sabi ko naman sayo wag mo dalhin ang hindi mo kaya, mananakit katawan mo niyan,” saad naman niya sa akin. “Pasensya naman hooo—eh hindi ko naman alam na mabigat yun eh,” pahayag ko naman sa kaniya. “Sige na, yan na lang ang dalhin mo, at itong iba ay babalikan nalang nain ni Jeremy tapos kayo ni Jessica ay mag-ayos na lang ng gamit doon o matulog nalang muna,” saad naman niya. “S-salamat,” tugon ko naman sa kaniya. Nang mag-baba siya ng gamit ay sinarhan niya muna ang likod ng sasakyan, at nang masarhan niya ay dinala na niya ang mga gamit. Nagulat ako sa lakas niya, dahil sa dami ng gamit na iyon na mabibigat ay nadala niya. Nang bigla kong maalala na may kapangyarihan nga pala siya, “Oh? Bakit ka nakatingin?” tanong niya sa akin. “Wala—alam ko naman sikreto mo, kaya hindi na ako mag-tataka kung bakit ganyan ka kalakas, naalala ko lang,” pahayag ko naman sa kaniya. “Sa atin nalang kung ano yung nalalaman mo ah, hindi pa alam ni Jeremy eh,” saad naman niya bigla sa akin. Tumango naman ako sa kaniyang sinabi at nag-deretso na kaming mag-lakad matungo sa elevator. Nang makarating na kami sa floor kung saan nandoon ang room ni Jeremy ay papabalik na pala si Jeremy sa baba upang kumuha pa ng gamit, kaya’t inabot ni Lucas ang susi ng sasakyan sa kaniya. “Pababa na ako,” pahayag ni Jeremy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD