Chapter 41

1612 Words
Lucas’s point of view Nang matapos kong sabihin sa mga magulang ko na wala na silang kailangang ipaliwanag pa sa akin ay hindi na rin nila ipinilit ang kanilang sarili sa akin dahil alam nila kung gaano kalaki ang sama ng loob ko sa kanila simula nang gawin nila iyon sa akin. Kaya’t sa mga oras na iyon ay nahiga na lang akong muli, at nag-scroll sa cellphone ko. Habang ako ay nag-sscroll ay agad umagaw ng pansin sa akin ang pangalan ni Elise kung saan nandoon ang aming litrato na dalawa. Hindi ko alam kung anong inis ang mararamdaman ko sa kaniya dahil sa ginawa niyang iyon. “Ano na naman bang problema mo Elise?!” sigaw ko dahil sa inis at dahil hindi ko na pinatagal pa ang oras na nakakalat iyon ay agad kong hinanap ang pangalan ni Elise. Nang makita ko na ay nag-send ako ng mensahe sa kaniya. Ilang minuto na ang dumaan ay hindi parin siya nag-rereply sa akin, at dahil online naman siya ay mas pinili ko na lang na tawagan siya agad. Hindi rin naman nag-tagal ay agad rin naman niyang sinagot, ngunit sa tugon niya ay mas lalo akong ininis nito. “Oh? Bakit ka napatawag? Sabi ko na nga ba miss mo ako eh,” pahayag niya sa akin nang sagutin niya ang aking pag-tawag. “Ha? Ano bang sinasabi mo diyan? Nababaliw ka na ba? Tigilan mo nga ako Elise sa kalokohan mong ganyan, ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayaw ko na? pero ano yang ginagawa mo? Nag-post ka ng picture natin na mag-kasama? Eh matagal naman na yung picture nayun at lalo na na tapos na tayo ngayon? Para saan pa ba yun?! Ha?!” saad ko naman sa kaniya. “Chill Lucas, wala akong ginagawang masama. At tsaka ano ba ang pake mo kung gusto kong mag-post ng picture nating dalawa? Eh picture lang naman yun? Magalit ka if I’m spreading some fake news,” pahayag niya namang muli sa akin. “Alam mo Elise, hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha para gawin ang mga bagay nay an, take note ikaw ang sumira sa ating dalawa, anong sense ng pag-popost mo ng pictures if alam naman ng kung sino kung sinong naunang manloko? At baka nakakalimutan mo, kahit pa kilala ka sa school, kaya kitang siraan hanggat gusto ko,” pananakot ko sa kaniya dahil sa hindi ko pag-pigil ng aking galit at sama ng loob sa kaniya. Doon ay ilang segundo pa siya bago makaimik sa aking sinabi sa kaniya, kaya’t umimik muli ako. “Ano?! Hindi ka na makaimik? Kasi alam mo ang kakayanan ko at alam mo kung hanggang saan lang ang kaya mo, sabi ko naman sayo wag kang gagawa ng mas ikakasira mo, gusto mo ng katahimikan? Kung ako sayo sisimulan ko na yun ngayon at hindi ko na mas palalakihin pa, at kung may respeto ka sa relasyon na meron ako ngayon, baka gusto mo mag-bigay kahit kaunti. Mahal ko si Luna, at kung naiinggit ka sa pag-mamahal ko sa kaniya, tanungin mo muna ang sarili mo kung deserve ko ba ang ginawa mo sa akin para ibigay ko sayo dati ang kay pag-mamahal na kay Luna ko na ibinibigay,” pahayag ko naman sa kaniya. At nang sabihin ko iyon sa kaniya ay agad ko na siyang pinag-bababaan ng tawag. Doon ay mas nakahinga ako nang maluwag ngunit sa mga sinabi kong iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa hindi naman totoong girlfriend ko si Luna. At dahil tungkol sa usapang iyon ay kinailangan kong tawagan si Luna, kaya’t agad kong hinanap ang kaniyang numero sa aking contacts at nang makita ko ay agad ko siyang tinawagan. Hindi rin naman nag-tagal ay agad rin niyang sinagot ang tawag. “Hello?” tugon niya sa akin. “Luna, mag-kakausap pa ba kayo nina Jeremy? Sorry for disturbing,” saad ko naman sa kaniya “Oo kausap pa namain, pero okay lang, may problema ba?” tugon naman niya agad sa akin na may kasabay na tanong. “Okay lang, pero kausap ko kanina si Elise and I think she’s spreading some fake rumors sa amin kaya tinawagan ko siya kanina. At sinabi ko ulit na give us respect, syempre di ba alam niyang tayo kahit hindi?” saad ko naman sa kaniya “Ah—eh, okay lang yun. Naiintindihan naman kita, kapag kailangan mo pa ng tulong para kausapin yung babaeng nanakit sayo, sabihin mo lang sa akin. Ako bahala,” pahayag naman niya sa akin. “Sure ka ba? Hindi ba nakakahiya na sayo, pero okay lang naman kung hindi ka komportable,” saad ko naman sa kaniya “No Lucas, okay lang yun promise. Keysa naman sa hindi ka maging okay di ba?” pahayag naman niya sa akin. “Thank you so much, okay tutulog na ako. Ibati mo nalang ako sa kanila, sabihin mo kay Jeremy gigising na lang ako ng maaga bukas, Thankyou!” pahayag ko naman sa kaniya “Okay Lucas, good night!” tugon naman niya sa akin. Agad naman na naming ibinaba ang tawag at pumikit na ako at nag-simula ng matulog. Ilang oras ang lumipas ay nagising ako at nang pag-tingin ko sa orasan ay hating gabi palang. Doon ay nag-taka ako, at nang tumayo ako ay napaharap ako sa salamin at iba ang kulay ng aking mata. Agad kong naisipang lumabas ng aking kwarto, nang bumaba ako sa hagdan ay nandoon ang aking mga magulang sa lamesa kung saan kami kumakain. Nang makita nila ako ay pati sila ay nagulat. “S-son, Lucas? Dapat tulog ka pa ng ganitong oras, bakit gising ka na---” naputol ang tanong nang aking ina nang unti-unti niya akong makita ng malapit. Unti-unti rin namang napalapit sa akin ang aking ama, “Anak ang mata mo,” saad naman niya sa akin. Nag-katinginan ang aking magulang sa isa’t-isa, kaya’t doon ako ay nag-taka, “Mom? Dad? Anong ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanila “Anak, ang ibig sabihin niyan ay nag-sisimula na ang pagiging isang bampira mo. Lumalabas na lahat sayo, wala ka palang pangil pero nagiging pula na ang mata mo sa ganitong oras,” saad naman sa akin ng aking ama. “Oo anak, tingnan mo kami sa aming mata, ganyan din ang amin,” pahayag naman sa akin ng ina. Nang sabihin iyon sa akin ng aking mga magulang ay agad akong tumakbo at bumalik sa aking kwarto. Bumalik ako sa aking pag-kakahiga sa aking kama at agad kong ipinikit ang aking mata. Nang ipikit ko ang aking mata ay doon nag-dere-deretso ang aking tulog. Kinaumagahan ay nagising ako sa aking alarm clock. Nang biglang sakto ding nag-send sa akin ng mensahe si Jeremy, “Good morning bro! are you up?” tanong niya sa akin Agad naman akong nag-reply ng makita ko ang kaniyang mensahe, “Oo bro, kikilos na ako tapos doon na lang ulit tayo mag-kita sa pinag-sunduan mo sa akin last time,” tugon ko naman sa kaniya. “Okay bro,” tugon naman niya. Nag-simula na akong bumangon sa aking pag-kakahiga at agad ko munang inayos ang aking kama. Isinunod ko ang pag-kuha ng damit na aking susuutin at naligo narin agad. Nang biglang kumatok ang aking ina sa pintuan ng aking kwarto. “Anak? Lucas?” pag-tawag niya sa akin. Hindi ako sumagot ngunit nag-tungo na ako sa aking pintuan upang buksan iyon, “Yes mom?” tanong ko naman agad sa kaniya nang buksan ko iyon. “Kakain na, bumaba ka nalang after mo diyan ah?” pahayag niya sa akin. “Okay po,” tugon ko naman. At nang sasarhan ko na ang pintuan ko ay bigla niya iyong pinigilan at muli siyang nag-salita, “Ah—anak, about sa kagabi—” putol niyang pag-kakasabi nang bigla akong sumingit sa sinabi niya. “Mom, okay na yun. Hayaan niyo na, wag na kayo mag-explain, sige na po kailangan ko ng kumilos,” pahayag ko sa kaniya. At agad narin siyang umalis at ako naman ay sinarhan ko na ang aking pintuan at nag-tungo na ako sa aking banyo upang maligo. Habang ako ay naliligo, hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa akin ng hating gabi. Doon ay napaisip ako kung paano ko sasabihin sa aking mga kaibigan ang nag-sisimulang pag-dapo sa akin ng pagiging isang bampira. At dahil sa kakaisip ay unti-unti na naman ako naiinis kaya’t pinigilan ko na agad ang aking pag-iisip. Nang matapos akong maligo ay agad na akong lumabas ng banyo at nag-bihis agad ng aking damit. Nang bigla namang tumawag si Jeremy, at nang makita ko ay agad ko rin yung sinagot. “Bro, bayan na ako,” pahayag niya sa akin. At nang sabihin niya iyon ay kinagulat ko naman dahil mag-bibihis pa lang ako ngunit sinagot ko na lamang siya. “Sige bro, patapos na rin ako, doon na lang sa kanto, ingat!” tugon ko naman sa kaniya. At pag-kababa ng tawag ay dali-dali akong nag-bihis, kinuha ko ang aking mga gamit at dali-daling lumabas ng kwarto. Nadaanan ko ang aking mga magulang na kumakain, ngunit nagpaalam na ako. “Mom, hindi na ako makakakain. Nandyan na sa labas ang kaklase ko, sa labas na lang kami kakain,” paalam ko sa aking ina. “Sige anak, mag-iingat kayo,” tugon naman niya sa akin. Nang lumabas ako sa aming bahay at nag-lakad papalayo ay nakita ko na agad si Jeremy, habang papalapit ako sa sasakyan nito ay nakakaramdam ako ng excitement sa kadahilanang hindi ko alam kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD