Chapter 40

1609 Words
Luna’s point of view Nakarating na kami sa aming dorm ni Jessica, at nang makababa na kami sa sasakyan ay nag-paalam na ang dalawa ni Lucas at Jeremy at umalis narin sila agad. Hindi namin napansin na nakaabang na pala sa amin si Aling lisa. “Oh aling Lisa, nandyan na pala po kayo,” pahayag ko naman nang makita ko ito. “Syempre naman, gusto ko kayong tingnan at baka may mangyari pa sa inyong masama diyan,” saad naman niya sa amin. Habang binubuksan ni Jessica ang gate ay bigla naman itong umimik, “Nako naman si Aling Lisa oh, grabe naman ang pag-aalala sa amin,” saad naman niya “Aba syempre naman, parang mga anak ko na ata kayo,” saad naman niya. Habang papataas na kami sa hagdan ay bigla akong nakaimik kay Aling Lisa tungkol sa pag-alis namin sa dorm, “Ah—actually Aling Lisa, may sasabihin po sana kami,” pahayag ko naman. “Ano iyon Luna? Jessica?” tanong naman niya kaagad. “Tayo po muna sa loob, doon na po muna tayo maupo,” saad ko namang muli. Nang makaupo na kami sa upuan sa sala ay doon muli siyang nag-salita, “Ano iyon mga anak?” tanong naman niya sa amin. “Ah—Aling Lisa, baka po umalis na kami dito bukas. Pinalilipat po muna kami pansamantala dahil sa nangyayari dito sa ating bayan, ayun po ay kung okay lang po sa inyo,” pahayag naman ni Jessica kay Alin Lisa. Napangiti naman si Aling Lisa sa amin, “Nako naman ang mga anak kong ito, bakit naman hindi magiging okay sa akin? Ang mahalaga ay nasa ligtas kayong lugar, basta ba hindi niyo ako kakalimutang dalawin dito sa bahay,” pahayag naman ni Aling Lisa sa amin. Hinawakan namin ni Jessica ang kamay ni Aling Lisa, “Basta aling Lisa, kapag may kailangan po kayo tatawag po kayo sa amin ni Jessica ah? sabihin niyo po pag hindi na ligtas dito, at amin pong kukunin muna kayo,” pahayag ko naman. “Oo nga po Aling Lisa, wag po kayong mahihiya sa amin,” saad naman ni Jessica. “Nako naman ang mga anak kong ito, wag niyo akong pakaisipin dahil madami pa naman diyang mag-babantay sa akin, iyong mga kasama niyo dito sa dorm. Pero, may nakausap na ba kayo na mag-dadala ng mga gamit niyo?” tanong naman sa amin ni Aling Lisa “Ah—opo Aling Lisa, sina Lucas at Jeremy po. Yung mga kaibigan po namin sa school, gagamitin po nila ang sasakyan nila para dalhin ang mga gamit namin doon sa titirhan namin,” saad ko naman kay Aling Lisa. “Ay sia sige mga anak ko, basta palagi kayong mag-iingat. Tutulungan ko kayo mamayang mag-ayos ng gamit niyo mamaya ha,” pahayag naman niya sa amin. “Aling Lisa naman, kami na lang po. Gagawa pa kayo mamaya, lalo lang po kayong mapapagod, ang mas mabuti pong gawin niyo lamang ay mag-pahinga sa inyong ginagawa at mukha pong madami na kayong nagawa,” saad naman ni Jessica sa kaniya. Biglang nanahimik si Aling Lisa, at agad niya kaming niyakap na dalawa ni Jessica. “Nako naman si Aling Lisa, papaiyakin pa kami,” saad naman ni Jessica “Wala lang mga anak ko, alam ko kasing mamimiss ko kayong dalawa,” saad naman niya. At nang matapos naming pag-usapan ang pag-lipat namin ni Jessica ay agad naman na kaming nag-tungo ni Jessica sa aming kwarto at nag-simula na kaming mag-linis ng kwarto ganoon din ang mag-impake. Habang nag-lilinis ay bigla naman akong napaimik, “Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, siguro naman kapag lipat natin doon sa lugar ni Jeremy ay hindi na natin maranasan ang ganitong gulo,” pahayag ko naman kay Jessica. Napatingin naman sa akin si Jessica, “Sana nga, pero hindi parin natin maiiwasan dahil nararanasan padin yun sa school natin di ba?” saad naman niya sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi niya, “Ay oo nga pala, pero sana naman tumigil na,” pahayag ko naman muli kay Jessica. “Sana nga, kasi nakakapagod din na may mababalitaan ka na may namamatay dahil lang sa mga ganoong klaseng nilalang,” pahayag din naman ni Jessica sa akin. Doon ay hindi na muli akong nakaimik dahil pumasok bigla sa aking isip si Lucas na isa ring hindi normal na tao ngunit hindi naman siya mapapareha sa iba dahil hindi siya ganoong tao sa aking pagkakakilala. Nang biglang may tumawag sa cellphone ni Jessica, at agad rin naman niyang sinagot iyon. “Hello?” tugon ni Jessica sa kaniyang cellphone. At bigla kong napansin na nanlaki ang kaniyang mga mata, kaya’t tinanong ko kung sino ang tumawag sa kaniya, “Sino yan?” pabulong ko sa kaniya “Si Jeremy,” tugon naman niya sa akin. “Speaker mo, daliiii,” pahayag ko naman agad kay Jessica Agad namang binuhay ni Jessica ang speaker ng kaniyang cellphone upang marinig ko ang kanilang pag-uusapan. “Rinig ka ni Luna, speaker ko daw eh,” pahayag naman niya kay Jeremy. “Hi Jeremy!” pag-bati ko kay Jeremy “Hello! So kamusta? Pinayagan na ba kayo diyan sa dorm niyo na lumipat dito?” tanong naman niya sa amin. Agad naman akong sumagot sa kaniyang tanong, “Oo Jeremy, kaya bukas sunduin niyo kami ni Jess. Hahaha, sabihin mo na rin kay Lucas tutal wala namang pasok bukas,” pahayag ko naman muli kay Jeremy. “Oh?! Sige ba, hahaha excited na akong maging karoommate niyo,” saad naman muli ni Jeremy sa amin. “Eh—anong ginagawa niyo ngayon? Hindi ba nakakaistorbo ako? Kasi syempre pagod tayo kanina,” tanong naman muli ni Jeremy sa amin. Agad namang sumagot si Jessica sa tanong ni Jeremy, “Hindi Jeremy, okay lang naman. Nag-lilinis lang kami ng kwarto at nag-aayos ng gamit na dadalhin diyan bukas,” tugon nito Napatingin naman ako kay Jessica dahil hindi ko inaakala ang kaniyang isasagot kay Jeremy, at dahil nagugustuhan ko na sila para sa isa’t-isa ay hindi ko maiwasang kiligin sa kanilang dalawa. “Oo nga Jeremy, okay lang. Patapos na rin naman kami maya-maya dito ni Jessica. Hindi ba Jess?” pang-aasar ko kay Jessica habang kausap si Jeremy. “Bakit hindi rin kaya natin tawagan si Lucas? Baka wala naman yung ginagawa sa kanila yun, haha” pahayag naman bigla ni Jeremy. Nagulat naman ako nang sabihin iyon ni Jeremy, at napangiti naman sa akin si Jessica. “Oo nga Jeremy, tawagan mo nga. Baka sabihin ni Lucas, tayo-tayo lang ang nag-uusap-usap ngayon,” saad naman agad ni Jessica kay Jeremy. At hindi rin nag-tagal ay tinawagan na ni Jeremy si Lucas, sa tagal na wala pa si Jeremy ay doon kami nag-taka na baka busy si Lucas sa kanila kaya hindi sinasagot. At ilang minuto ang lumipas ay biglang bumalik si Jeremy sa aming pag-uusap, “Ayan na si Lucas,” pahayag ni Jeremy. “Hi Guys!” pag-bati sa amin ni Lucas “Hello Lucas,” pag-bati namin ni Jessica kay Lucas. “So ano na? g ba kayo bukas kayna Jeremy?” tanong naman niya agad “Oo bro, g na sila. Kaya dapat maaga ka gigising bukas kasi susunduin na naman kita diyan sa inyo, tutulungan natin ang dalawa na makapag-bitbit ng kanilang gamit dito,” tugon naman ni Jeremy kay Lucas. “Sige bro, copy. Basta sabihin mo lang sa akin if kung anong oras, baka kasi tanghaliin na naman ako ng gising nakakahiya naman sa inyo,” pahayag naman ni Lucas kay Jeremy. “Kayo ba Jess? Luna? What time namin kayo susunduin?” tanong naman ni Jeremy sa aming dalawa ni Jessica. “Anytime guys, kung ano nalang oras kayo magising para hindi naman nakakahiya sa inyo. Kayo nan ga tutulong sa amin, tapos mag-sasabi pa kami kung anong oras, hindi ba parang nakakahiya naman. Hahaha,” saad ko naman kayna Jeremy at Lucas. “Baliw, bakit naman kayo mahihiya sa akin, ako naman ang nag-tanong kaya wag na kayo mahiya,” saad naman sa amin ni Jeremy. Lucas’s point of view Habang kausap ko sina Jeremy, Luna at Jessica sa cellphone ay biglang may kumatok sa pintuan ko at bigla kong narinig ang boses ng aking ina, kaya’t agad kong kinausap ang aking mga kaibigan at nag-paalam. “Guys, sorry pero I need to go. Tawag ako ng mom ko, bukas na lang ah?” pag-papaalam ko sa kanila. “Okay bro, Good night!” tugon naman nila sa akin. At agad na akong umalis sa tawag ng mga kaibigan ko, “Mom wait, ito na po,” tugon ko naman sa aking ina. At pag-bukas ko ng pinto ay nagulat ako na kasama niya si dad, “Anong kailangan niyo sa akin?” tanong ko naman sa kanila. “Anak, mag-usap muna tayo, ilang araw na tayong hindi okay,” pahayag naman sa akin ng aking mga magulang. “Ano pa poo ba ang kailangan natin pag-usapan? Hindi pa ba sapat ang mga narinig ko sa inyo noong nakaraan? At tsaka you made your own decision, at hindi ako kasama doon, so ano pa mom dad?” tanong ko sa kanila. Napaupo ako sa aking kama, at pumasok rin naman agad sila sa kwarto ko, “Anak, hindi naman sa ganoon eh, iniisip lang namin ang kalagayan mo. Hind iyon para sa amin, para sa ikaliligtas mo yun kaya namin nagawa ng mom mo yun,” saad naman sa akin ng aking ama. “Wag na kayong mag-explain, okay na ako,” saad ko naman sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD