AYA POV “Nasaan si Cahaya?" Hindi pa man ako nakapasok ng bahay, narinig ko na ang umalingawngaw na boses ni Jax—ang lalaking walang hiya na pinagkakautangan ng mga magulang ko. Matapos ang mahigit tatlong taon ay nakita rin nila ako. Wala akong nagawa. Hindi ko na nailigtas ang sarili ko dahil sa mga kapitbahay kong madadamay kapag hindi ako sumama sa mga tauhan niya. Napilitan akong pumasok sa motel kasama ang isa sa mga tauhan niya dahil sa baril na nakatutok sa mga ulo ng kapitbahay kong nakakita sa akto nang harangin ako ng mga tao Jax. Sinundan pa kasi nila ako. At ayokong madamay sila. Ayokong magbuwis sila ng buhay dahil sa kapabayaan ko. Kung hindi ako umalis ng El Canto; kung sinunod ko lang sana ang sinabi ni Ancel, wala sana ako rito ngayon. Hindi sana ako hawak nitong wal

