Kabanata 42

1215 Words

ANCEL POV Nag-aapoy sa galit ang mga mata ko habang nakatingin sa kubo na naging tahanan ko sa loob ng isang taon kasama si Aya. Ang kabo na naging saksi sa unti-unting pagbabago ng ugali ko. Dito ako natutong magmahal, ngunit dito rin pala mawawasak ulit ang puso ko. Dito ko rin pala maramdaman ang muling pagkabuhay ng galit at puot ko. Galit na binaon ni Aya sa puso ko. Hindi ko akalain na magagawa niya sa akin ‘to. Umasa ako sa mga salita niya. Umasa ako na maghihintay siya. Mapait akong ngumiti kalaunan. Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Gusto kong magwala; gusto kong makita ng lahat kung gaano ako kabangis. Kung gaano ako kagalit ngayon. Pero para saan pa? Para kanino pa? Bakit ko sasayangin ang lakas ko sa babae na wala naman palang kwenta. Si Aya—ang babae na akala ko ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD