Pagod na pagod at nanghihina ako na umupo sa gutter ng daan. Nanginginig na rin ang mga paa ko sa kalalakad. Ilang araw na kasi akong naglilibot sa bayan. Sinusuyod ang bawat sulok ng lugar na ‘to mahanap ko lang si Ancel. Lahat ng police station, hospital, clinic, pati morgue ay pinuntahan ko na. Wala na nga rin akong pakialam, mapagkamalan man akong baliw. Pero walang bakas ni Ancel sa mga lugar na pinuntahan ko. Wala ni isang nakakakilala sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko pa siya hahanapin. Ayoko na rin sana munang umuwi sa El Canto, dahil ayaw na akong payagan nila Nanay na umalis. Kulang na nga lang ay ikulong na nila ako, hindi lang ako makaalis. Kahit ayaw ko pa sana na umuwi, hindi naman pwede, ayaw ko naman kasi na mag-alala sila, lalo’t hindi ako nagpaalam na aalis n

