CAHAYA POV “Aya, nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap nila Nanay," mahinahong sabi ni Belle sa akin. Pero gaya ng lagi kong ginagawa, malungkot at matamlay na tingin lang ang sagot ko. “Ano ba naman, Aya, walang mangyayari kung puro lang pagmumukmok ang ginagawa mo. Hindi pa naman katapusan ng mundo," dagdag pa nito sabay upo sa tabi ko. Buntong-hininga lang ang sagot ko. Paano akong hindi magmumukmok, hindi ko pa kasama si Ancel. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makasama; gustong makita. Pakiramdam ko parang may pumipigil sa hinga ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, ngayong hindi ko kasama si Ancel. “Aya naman, mas malala pa ang inaakto mo ngayon kaysa noong bago ka pa lang dito. Umayos ka naman oh. Nawala nga si Ancel sa buhay mo, ‘wag mo naman hayaan na pati bu

