“Ibaba ang baril!” Sunod–sunod na putok ng baril pa ang narinig ko kasabay ang mga sigaw at mga utos. Bumagal ang galaw ng paligid ko nang makita ang mga pulis na pinaghuhuli ang mga tauhan ni Jax. At si Jax—nasa harapan ko, dilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo. “Ancel… ligtas na tayo!” Hagulgol ang kasabay ng sinabi ko. Dumating na rin ang medics at kasalukuyan nang inaasikaso si Ancel. “Ancel, lumaban ka… huminga ka!” Tuloy-tuloy ang patak ng luha ko habang pinapanood ang mga medics na ginagawa ang lahat maisalba lang ang lalaking mahal ko. Ramdam ko na may umalalay sa akin. May umasikaso na rin sa akin, pero wala sa kanila ang pansin ko. Nakatutok ang paningin ko kay Ancel. “He’s back!” Napatakip ako ng bibig kasabay ang impit na iyak nang marinig ang salitang

