“Ancel!” Nagsabay ang sigaw ko at hagulgol nang makita ang bakas ng dugo sa t-shirt niya. “Ancel…” Hindi agad ako makagalaw; hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ang sugat niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Aya, umalis ka na! Tumakbo ka na! Iwanan mo ako; tumakas ka na!” putol-putol na sabi ni Ancel. At sa kada salita niya ay may kasabay na daing. “Sige na, Aya! Umalis ka na!" Sinubukan niya pa akong itulak, pero nagmatigas ako. Umiling-iling at muling itinakip ang mga palad ko sa sugat niya. “Aya, iligtas mo ang sarili mo, please…” Sa kada taboy niya sa akin ay paulit-ulit akong umiling at hindi nagpatinag sa mga tulak niya.”Ayaw kong umalis… Ancel. Hindi kita iiwan!” Hagulgol ang tumapos sa pagsasalita ko. “Ano ba, Aya, umalis ka

