Ang sikip-sikip ng dibdib ko habang nakatingin kay Aya. Tulog nga siya, pero bakas pa rin ang lungkot sa mukha niya. Gustong-gusto ko na siyang yakapin. Gusto ko ulit mag-sorry sa kanya. Ayoko naman kasi sanang masaktan siya, at hindi ko gustong umiyak o maging malungkot siya, kaya lang, ‘yong hinihingi at gusto niyang mangyari, hindi ko pwedeng ibigay. Hindi ko pwede e-sakripisyo ang kaligtasan niya para lang sa sinasabi niyang bubuo kami ng pamilya na malayo sa mga taong mapanghusga. Naalarma ako nang magpaling-paling ang ulo niya kasabay ang paghikbi. “Aya," pukaw ko sa kanya pero ayaw niyang magising. “Ancel, ‘wag— ‘wag mo akong iwanan, please—” “Aya… gising—” Umupo ako sa tabi niya; pinabangon siya at hinaplos ang pisngi niya. "Ancel—” sabi niya kasabay ang hagulgol at mahigpit

