“Ancel, ang gusto ko, mamuhay tayo ng normal at masaya, hindi ko kailanman naiisip na iiwan ka,” sagot ko, saka kumawala na rin mula sa paghawak niya at tinakpan uli ang motor. Hinarap ko naman siya pagkatapos. Natahimik na lang din kasi siya at pinapanood lang ang ginagawa ko. “Kaya nga ako gumagawa ng paraan para mas maging maganda ang pamumuhay natin at makapagsimula ng maayos," dagdag sabi ko pa, at hindi ko na siya nilubayan ng tingin habang sinasabi ‘yon. Gusto kong maramdaman niya na mahal na mahal ko siya kaya ko ‘to ginagawa, at mali ‘ang iniisip niya—maling-mali. Hindi ko siya iiwan at kailanman, hindi ako magsasawa na mahalin at makasama siya. “Bakit kailangan pa natin na magsimula uli, Aya? Okay naman tayo rito sa El Canto, masaya pa rin naman tayo kahit simple lang ang

