Kabanata 53

1260 Words

Kasabay ng sunod-sunod na putok ay ang pagyakap sa akin ni Ancel. Yakap-yakap niya ako habang nakakubli kami sa malaking puno na sinandalan namin kanina. Gustuhin ko mang lakasan ang loob ko ngayon; hindi ko kaya; hindi ko magawa. Kinakain ako ng takot. Hindi ko na nga magawang pigilin ang hikbi ko. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko sa puntong naririnig ko na tunog ng puso ko—tunog na nakakabingi. “Ancel…” Sumabay na rin ang boses ko sa panginginig ng katawan ko. Bumalik na naman kasi ang takot ko noong tumakas ako sa bahay. Bumalik sa isipan ko ang simula ng lahat ng ‘to. Bumalik lahat; ‘yong takot na nararamdaman ko habang tumakbo at hindi alam kung saan pupunta; hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. “Aya, shhh…” Tinakpan ni Ancel ang bibig ko. Hindi ko na kasi ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD