MY FAKE GIRLFRIEND/ THE SUPERSTAR BY: JHAYSAM_LOVER
CHAPTER 1
Shantal’s POV
“shantal are you ready?” tanong sakin ng aking manager na si Mama dante
“yes mama! Ready na po ako” nakangiting tugon ko sa kaniya,
si mama Dante ay isang Gay at siya ang aking handler. siya din ang kauna unahang tao na naniwala sa talent ko, dahil sa kaniya mas lalo akong nainspired na tahakin ang landas ng showbiz.
Andito kami ngayon sa may dressing room ko at hinihintay nalang ang hudyat ng pagsisimula ng aking concert. Yes, tama kayo CONCERT ko.
Bata pa lamang ako ay pangarap ko ng maging singer at ngayon natupad na lahat ng pangarap ko, wala na akong mahihiling pa dahil pati lovelife ko ay hindi bokya.
*Toktoktok’
Agad naman akong napalingon sa pinto at Nakita ko ang pag pasok ng pinakagwapo kong boyfriend. OMG! Mas lalo siyang naging hot sa suot niya medyo hapit na long sleeve at pants ang cute nitong tingnan, mas lalong nakakainlove
“oh, yung laway mo love tumutulo na” pang aasar nito sakin.
“heh! Assuming to, feeling mo gwapo” – umiwas naman ako ng tingin, at kunwari ay nag memake up na lamang.
Nakuuu, baka mahalata pa niyang pinagnanasaan ko siya nakakahiya, ang hot pa naman niya, hahahha
“aminin mo na kasing nagagwapuhan ka sakin, hahahah” ngiting sambit pa nito, sabay lapit sakin.
“laaah, asa ka , hahaah” ang feeling talaga nito, well gwapo naman talaga ito pero kailangan ba talagang sa kaniyang manggaling, ewan ko ba paano ako nainlove sa mokong na ito hahahaha.
“but seriously hon, you look gorgeous tonight nahiya tuloy ako ampanget ng boyfriend mo”
“who told you that your panget at uupakan ko, you look hot kaya today------- opps” nakakahiya nasambit ko ba yun? Lupa kainin mon a ako pleaseeeeee.
“Gotcha, I knew it, you seen me hot ah,” pang aasar ulit niya, kahit kalian ka talaga drake monterde.
“mmmm, ewan ko sayo” sabay iwas nang tingin nakakahiya, kahit jowa ko pa siya parang nahihiya pa din akong humarot sa kaniya , sa isip ko lang siya hinuhubaran ee. Hahaha charot.
“ehem, mamaya na yang asaran ninyo ah, at magsisimula na yung concert”sambit ni Mama Dante, nakalimutan naming nanjan pala siya hahaha si drake kasi mapang asar ee, sarap hubaran hahaha jokes.
Yes tama kayo His Drake my boyfriend at mamaya ko na ikekwento yung love story naming kasi aalis na kami.:)
“Ladies and Gentlemen please welcome, the Philippine song bird Ms. Shantal Gomez” announce ng MC
Agad naman akong nag prepare para sa grand entrance ko, hooooo, medyo kinakabahan pa din ako kahit na ang tagal ko nang ginagawa ito it seems like hindi ako masanay sanay.
Ng tumapat sakin ang spot light ,hudyat na mag sisimula na akong kumanta ay nagtilian naman ang mga audience.
I LOVE YOU SHANTAL WOOOOOOOOOO – sigaw ng mga fans ko
Ang ganda mo shantal
Whoooooo, best friend ko yan- napangiti ako ng sumigaw din si Lyka my one and only best friend, we are partners in crime since high school.
Ng mag start nang tumugtog ang banda ay saka na ako humarap at kumanta,. Unang kanta ko ay TALA by Sarah G. kanta na may Kasamang sayawan.
Tila ako’y nakalutang na sa langit, ngunit nalulunod sayong mga ngiti
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
Patuloy sa pagkanta at pag indak ang ginawa ko, at sa bawat pag kanta ko ay talaga naman mas lalo akong naeexcite na para bang dinuduyan ako sa alapaap. This is really the happiness I want in my life.
Biglang nagsigawan ulit ng papuri ang mga audience ng matapos akong kumunta, but wait there’s more.
“you want moorrreeee?” tanong ko sa kanila
“yesssssss,, moooreeee, ilove you SHANTAL”
“ I love you all, and I will always be thankful that you are here tonight, and of course I also want to thank my friends and best friends who supports me all the way” sabay tingin sa mga friends ko at sa best friend ko sa may VIP seat, sila naman ay nakangiti sabay heart sign sakin. Owwww ang sweet talaga nila
“and of course to my one and only love, na parating nandiyan para sakin, DRAKE MONTERDE, I love you so much, and I will dedicate my next song to you wholeheartedly”- sabay tingin ko sa kaniya , siya naman ay parang naluluha at pinipigilan lamang ang kaniyang emosyon, he smile at me and mouthed the word I love you.
-------------
I’ll Be There
First time I laid my eyes on someone like you
I can't forget the hour, that moment with you
Then I have realized, love's growing deep inside
I feel the beating of my heart
Our relationship started sa pagiging aso’t pusa, mapang asar kasi siya kahit noong unang beses palang kaming magkita sa party ng sister ko, parati na niya akong inaasar, na kesyo ako daw ang pinakapanget na nakilala niya, haha(pero ngayon nainlove din naman). Akala ko nga after that hindi na kami magkikita ee pero parati na siyang dumadalaw sa amin after the incident sa party. Akala ko pa nga yung sister ko yung pinupuntahan niya sa bahay ako pala, haba ng hair ko heheeh.
'Cause every day, every night, I keep looking up the skies
And I pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I'll be there
Hanggang sa nahulog na din ako, nung mga times kasi na pakiramdam ko mag isa lang ako nandun siya para sakin. Yung mga times na malungkot ako siya yung parating nagpapangiti sakin. Yung drake na mapang asar noon sakin, ay parang ibang tao kapag dinadamayan niya ako sa kalungkutan, His so sweet and sincere.
Spending my days and nights just thinkin' of you
How you make me wanna smile with the things that you do
When will I hear you say, love's coming on your way
And that you start to feel the same
Yung araw na nagtapat siya sa akin sa gitna ng university namin at sobrang daming tao, sobrang natouch ako to the moment na gusto ko nang mapaiyak, siya yung taong inis na inis ako noon pero ngayon minamahal ko ng sobra. Hindi siya nahihiyang eexpress ang nararamdaman niya para sa akin.
Cause every day, every night, I keep looking up the skies
And I pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I'll be there
Habang patuloy na kumakanta ay lumapit ako sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit gusto kong mabuhay pa ng mas matagal. Hinawakan ko ang kamay ni Drake at inakay papunta sa stage, this time ako naman ang mag sisigaw sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal.
‘Cause every day, every night, I keep looking up the skies
And I pray that someday you will wake up in my arms
‘Cause every day, every night, I keep looking up the skies
And I pray that someday you will wake up in my arms
Ooh love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I’ll be there
“I love you Drake Monterde”- sambit ko habang nakatitig lamang sa kaniya, habang si drake ay parang naluluha sa sobrang saya.
“I love you too,Shantal” sagot niya sakin, kasabay noon ay ang paghalik niya ng mariin at malalim na halik sa akin, animo’y kami lang dalawa ang tao sa paligid.
Nagtilian naman ang mga tao sa kilig at saya sa kanilang nasaksihan.
“kyaaaahhhhh, I love you SHANDRAKE, bagay na bagay talaga kayong dalawa”
“ waaahhhh ang gwapo mo kuya drake bagay kayo ng Idol naming, kyaaaaahhh” sigawan ng mga tao na tila kilig na kilig sa mga nasaksihan nila.
SAMANTALA sa di kalayuan ay may isang tao na galit na galit sa kaniya habang pinagmamasdan sila na naghahalikan sa harap ng maraming tao.
---------------------
=-------------------------
“I hate her, I hate her” galit na galit na sambit ni Tricia, pagkatapos niyang Makita ang senaryong iyon kanina sa mismong concert nito, ng mag titigan ang babaeng kinamumuhian niya at ang lalaking minamahal niya.
siya ang step-sister ni Shantal, bata palang sila ay may lihim na itong inggit kay shantal dahil simula ng magkakilala sila ay naging magkahati na sila sa lahat ng bagay, sa Showbiz Career ay parati lamang siyang pangalawa kay Shantal at sa atensyon at pagmamahal ng lahat ng tao maging ang kaisa isa niyang minahal na si Drake Monterde. kung hindi lamang sana siya Nakita ni Drake nung party, siya sana yung girlfriend ni Drake at hindi yung Shantal na yun.
“magbabayad ka Shantal I swear, lahat nang kinuha mo sakin babawiin ko lahat yun, ang kasikatan, ang family mo, at si Drake kukunin ko sayo lahat yun”- sambit niya habang patuloy pa rin sa pag sira ng mga gamit niya sa kwarto, ng mapagod siya sa kaniyang pag wawala, agad niyang kinuha ang cellphone niya.
“hello, may ipapagawa ako sayo………..” ngumingisi siya , habang sinasabi sa kausap ang dapat nitong gawin.
“ok, I want this clean and don’t even leave any traces, understood?”
“ yes, ma’am ako ng bahala. Wag kang mag alala” sagot ng nasa kabilang caller
Agad namang ibinaba ni Tricia ang cellphone, napahalakhak siya na animo nasisiraan na nang bait.
-------------------------
Nasa may dressing room na sila Shantal kasama ang kaniyang manager at si drake ng dumating si lyka at si Airesh, “kumusta na love birds, hi mama dan”, pang aasar nito samin bigla tuloy akong nagblush inaasar kasi kami dahil sa nangyari kanina sa concert. Nakipag beso beso muna sila kay mama Dan saka lumapit sa amin yung dalawa.
“so, masarap ba humalik si Drake bes” tanong ni lyka na kilig na kilig bigla naman akong nagblush sa sinabi niya harap harapan talaga lyka?
“syempre naman, ako pa ba, ayaw nan g**g humiwalay ni love sakin ee, ang hot ko kasi, di ba love” sabay kindat nito sakin, nagsimula na naming mang asar ang mokong..
“hahahahaha ang hangin mo na naman love ah, dahan dahan lang baka maniwala sila” pang asar ko din sa kaniya, sana mapikon ka hahha,
“sus halikan pa kita jan ee----ouch, it hurts ahh” hinampas ko na nga ng sling bag ko ang landi saka n asana pag kaming dalawa lang hahaha charr.
“ayeeehhh kinikilig ka girl, pakunwari ka pa” ngiting tukso naman ni Airesh.
“haaay nakuu, pagtutulungan niyo na naman akong tatlo, buti pa umuwi na tayo, nakakapagod” parang tamad na tamad akong tumayo, at nag patiuna ng lumabas, sumunod naman ang tatlo sakin.
Ng makarating na sa parking lot ay nagkaniya kaniya na kami nang ruta, since lahat naman kami ay may sari-sariling sasakyan, oppps except me pala hehehe, ihahatid pala ako ni Drake.
“so paano una na ako besh, see you when I see you”
“take care besh” at nagbeso beso kaming dalawa. Nagtaka naman ako kung bakit wala na bigla si Airesh
“asan si airesh?” taking tanong ko kay lyka, ng mapunang wala na agad to, hindi man lang nga kami nakapag paalaman man lang.
“ ewan ko ba dun susulpot tas mawawala nalang bigla, hayaan mo na baka may mood swing. Sige na bes I have to go, ingat kayo ah. Uyy drake ingatan mo yan”.
“sure I will” sagot naman ni drake sa best friend niya. Ako naman ay kumaway na lamang sa kaniya. Nang makaalis na si lyka ay agad naman akong inalalayan ni Drake papasok sa kotse. At pagkatapos ay pumasok na din ito.
Nang makarating siya sa condo unit niya ay agad siyang nahiga, ni hindi na nga siya nakapagpalit ng damit sa sobrang pagod ay nakatulog na siya agad.
Kinabukasan ay nagising siya sa tunog ng alarm clock
*krinnnnnggggg kriiiiinnggg kriinn----.
Di pa man natatapos ang tunog ay binato na niya ito sa pader dahilan upang masira ito at tuluyan ng hindi tumunog. Istorbo naman haaysss. Akmang papaidlip ulit siya ng biglang tumunog ang cellphone niya, itatapon sana ulit niya ung bagay na tumutunog ng biglang,
“HOOOOOYYY, SHANTAL ASAN KANAAAA” napatingin siya sa hawak niyang cellphone dahil sa sigaw na nagmumula ditto, napindot pala, si Mama Dan pala yung tumatawag bakit naman kaya, it suppose to be my vacation bat bigla naman tumawag. Inis na sabi ko pero sa isip ko lang yun syempre.
“mama Dan bakit ka napatawag ang aga aga ee, storbo ka” habang naghihikab pa, haaaaayyyy ang sarap matulog
“nakalimutan mona ba may guesting ka ngayon sa UMAGANG KAY GANDA, nakuuuu bata ka nagcommit na tayo dun ineexpect ka nila today.bilisan mo naaaa” taranta naming turan nito sa kabilang linya.
“ oh M G, ngayon na ba yun? Hindi pa ako kakagising ko palang ee.” Nakakatamad naman lumabas ee ang g**o pa nang mukha ko haaayyys
“bilisan mo na, may 45 mins. Ka nalang, after this guesting I promise you I pifree ko yung schedule mo ng 1 week ok na bay un?” sambit pa nito, may kondisyunes pa ee.
“sure, sabi mo yan ah, sge na at gagayak na ako”
“bilisan mo”
“okeeyyyy” pagkatapos kung ibaba ang telepono ay dali dali na akong naligo nagbihis at nag ayus ,simple white dress lang ung suot ko na medyo hapit sa kurba kung katawan, medyo kita din ang malusog niyang cleavage dahil sa mahabang cut style nito sa gitnang bahagi ng leeg, tinirnuhan niya ng isang pouch ng Shanelle brand, at black stiletto shoes. Simple diamond earing lang ang sinuot ko at diamond ring. As my necklace naman, isang gold necklace na may pindant na CL na pa cross style, itong necklace lang ang madalas kung isuot kapag may guesting ako, kasi it always reminds me of my mother. Binigay niya to sakin when I was 7 years old. Kaya sobrang iniingatan niya ito.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot, andito na sa akin ang lahat ngunit malungkot pa din ang buhay ko dahil hindi na kompleto ang mga taong nagmamahal sakin, lalo na ang kalinga ng isang ina. Kahit na nag asawa ulit ang aking ama when I was 10 years old, hindi pa din nito napunan ang puwang saking puso.
Bigla namang bumalik sa realidad ang kaniyang isip ng biglang tumunog ang cellphone niya, ngunit hindi niya ito pinansin, dahil sa pagmamadali.
Nakuuuuuu, naman late na akoo, nag mamadali na siyang lumabas ng Condo at madaling tinungo ang elevator. Pagdating sa parking lot ay dali dali niyang binuksan ang kaniyang kotse at agad ding pinaharurot ang sasakyan. Habang nasa daan ay biglang nag ring ang kaniyang cellphone.
“hello love?” sagot ko sa kabilang linya, it’s Drake.
“Good morning hon, where are you? Im here at your place.”
“im on my way sa isang guesting ko, im sorry love I forgot to tell you about this nakalimutan ko din kasi” apologetic kung sabi sa kaniya. Medyo nahimigan ko naman ang tampo sa boses niya nang biglang napabuntong hininga it.
“ oh! Please don’t be mad ok i’ll be right back as soon as the interview is finish” assurance ko sa kaniya, dahil naalala kong may usapan pala kami ngayon na lalabas.
“ok love, I’ll wait you here in your condo, just take care of yourself ok, wala pa naman diyan ang pogi at hot mong boyfriend walang poprotekta sayo diyan” pag aalala nito na may halong pang aasar. Pero kahit ganun pa man ramdam ko ang concern at pagmamahal niya. Di ko maiwasan na kiligin kahit na sa ganung bagay lang.
“ I will love, don’t worry. Wait for me I love you”
“i love you too” pag katapos nun ay binaba ko na agad ang tawag at nag focus sa daan. Sa di kalayuan ay may napansin akong babaeng nakatayo, at mukhang problemado sa gulong niya. Nakakaawa naman, ang dalang pa naman ng mga dumadaan dito, sa shortcut kasi siya dumaan kaya bibihira lang ang dumadaan. Agad naman siyang huminto dito, ibinaba ko ang salamin ng aking bintana at kinausap ang babae.
“hey, what’s wrong Do you need help?” pero paano ko siya matutulungan im in a hurry also. Bigla kasi niyang naisip na nagmamadali pala siya at kung tutulungan niya ito baka di na siya umabot sa pupuntahan niya.
“ mmmm, nabutasan kasi ako mam, and I dont know what to do” alalang sagot nito sa kaniya
Ibinaba niya ang kaniyang sunglass, “look, im in a hurry kasi, so if you want pwede kang sumabay sa akin hanggang dun sa bayan mismo para makahingi ka ng tulong mukhang mahina pa naman signal dito. Saan ka pala pupunta---“ di ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang magtitili ito na para bang tuwang tuwa na nakakita ng superstar, owwww tinanggal pa kasi niya yung shades, patay...
“ ma’am Shantal, it’s really you talaga im a fan of yours, actually po papunta ako sa ABSCBN studio para manuod ng guesting mo” excited na sagot nito pero bigla naman nalungkot na tila nawalan ng pag asa. Naintindihan naman niya kung bakit.
“ kung gusto mo pwede kang sumabay sakin, parehas naman tayo ng pupuntahan” ngiting tugon ko sa kaniya mukha namang mabait ito eh, at tyaka konsensya ko pa pag di ko tinulungan to tapos may nangyaring masama sa kaniya.
“ sure po ba kayo ma’am? Nakuuuu salamat po talaga, hindi lang po kayo maganda suppeerr bait pa” agad niya naman itong pinapasok sa sasakyan niya habang nasa daan ayy panay kwento nito, kung paano siya naging fan ko.
“what’s your name? Kanina pa tayo nag uusap, di ko pa alam pangalan mo” nakangiting tanong ko sa kaniya.
“ i’m Cindy ma’am, Cindy Rodriguez”
“what a nice name, it’s nice to meet you Cindy” masayang sambit ko sa kaniya habang nakatuon yung atensyon ko sa daan.
“ Me too, I’m really a big fan of yours, ma’am Shantal, parati akong pumupunta sa mga concerts at t.v shows niyo kahit ngayon po, ah! Ma’am can I get an autograph to you, antagal ko nang gusto papirmahan sayo to, but I always had a badluck to see you.” masayang turan ng katabi ko sa sasakyan.
“thank you, mmm. Sure no problem, ella right?” tanong ko sa kaniya .sorry mahina talaga ako mag memorize ng name , “no ma’am shantal, I’m Cindy” masayang turan niya,
“oh, im sorry, mahina kasi ako sa memorization nang name ee” apologetickong tugon sa kaniya. napangiti naman ako mukha naman siyang masiyahin kausap. Hininto ko saglit ung sasakyan para pirmahan yung picture na nasa may pitaka niya, ng biglang………….
BOOOOGGGGSSSSHHHHHHHH.
AND everything turns black.
Someones POV:
“mission accomplish ma’am” sagot nito sa kabilang linya
“very good, maasahan ka talaga siguraduhin mong malinis yan, para wala tayong problema” sagot naman ng nasa kabilang linya.
“ yes, Every thing is under my control wag ka na lang mag alala. Just give me the full amount of your payment”.
“hahahahhaah, yan ang gusto ko sayo ee tuso ka din ee. Wag kang mag alala isesend ko ngayon mismo ang balanse sa account mo, may bonus pa for your job well done” at tumawa pa ulit ito ng malakas bago pinatay ang cellphone. Baliw, napailing nalang ito. ayaw man niyang gawin ito ngunit wala siyang magagawa dahil kailangang kailangan din niya nang pera.
---------------
---------
Habang hinihintay ni Drake si Shantal na umuwi galing sa Guesting nito ay inayus na niya ang surprise na gagawin niya para rito. Ito yung araw na aayain na niya si Shantal na magpakasal sa kaniya.
siya lang ang kaisa isang babae na nagpatibok ng puso ko at gusto kong siya lang ang makasama ko habang buhay. inayus na niya ang mga baloons na hinipan niya kanina . nag dikit sa wall ng mga salitang WILL YOU MARRY ME SHANTAL. at nakapag luto na din siya nang pagkain para pagdating niya memorable ang lahat. pagkatapos niyang iready ang lamesa, na may candle sa gitna, nag ready na din siya ng wine glass at wine sa gilid nito. pumunta na siya sa may kwarto ni shantal at agad na naligo.
pakanta kanta pa siya na parang nakalutang sa alapaap.
ilang sandali nalang ay magpopropose na siya ng kasal. kinakabahan man ay mas nanaig ang excitement sa kanya. nang matapos siyang maligo, saktong paglabas niya ng banyo ay biglang tumunog ang cellphone niya, agad niyang kinuha ito at sobrang excited na sinagot ito ng Hindi na tinitingnan ang caller. his expecting na si Shantal na yun.
"hello love pauwi kana?" tanong ko sa kaniya. pero nang magsalit ito ay hindi boses niya kaya tiningnan ko ulit ang caller at nakita kong si Lyka ang tumatawag. teka umiiyak ito?
"bakit ka umiiyak?" kinakabahang tanong ko sa kaniya
"drake, wag kang mabibigla ah, pero wala na si Shantal, patay na siya. pumunta ka dito sa hospital ngayon din" napahagulhol naman ito sa iyak. ako naman ay parang natulala, sa sobrang pagkabigla ay nabitawan niya ang cellphone at parang nanlalambot na napaupo siya, magkausap palang kami kanina sabi niya uuwi siya agad, bigla ang pagtulo ng luha sa aking mga mata . hindi siya makapaniwala.
"hindi, buhay pa siya nagbibiro lang sila baka ako naman yung inaasar ni Shantal para makabawe sa mga pang aasar ko" pilit na pang aalo ko sa sarili ko. binibigyan niya ng konteng pag asa ang kaniyang puso kahit nararamdaman na niya ang hapdi at hinagpis nito. Dali dali siyang nagbihis at deretso papunta sa parking lot. agad niyang pinaharurot ang sasakyan at pagdating niya sa Hospital nakita niya si Lyka , si tito Gab ang papa ni Shantal at ang stepmother at stepsister ni Shantal na sila tita Eloisa at Tricia.
agad naman lumapit sakin si Lyka at bigla akong niyakap.
"Drake wala na siya iniwan na tayo ni Shantal" iyak nang iyak si Lyka habang nakayakap pa din sa kaniya.
" Anong nangyari, magkausap palang kami kanina " pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa mga nangyari.
" Sumabog yung sasakyan ni Shantal, wala pang balita sa investigation tungkol sa aksidente" paliwanag nito . lumapit naman sa kaniya si tito Gab at tricia.
" Hijo, im sorry wala na ang anak ko, di ko man lang naprotektahan ang anak ko, di ko man lang nasabi kong gaano ko siya kamahal.
" Don't say that tito alam ni Shantal kung gaano mo siya kamahal. pero hindi ko pa din matanggap na wala na siya baka nagkakamali lang kayo baka ibang tao un " naiyak na din siya sa isiping wala na ang babaing pinakamamahal niya.
"masakit man pero kailangan nating tanggapin ang lahat na wala na nga si Shantal, Drake. Kinumpirma na mismo ni tito ang lahat ng gamit na pag mamay ari ni Shantal. pero ung katawan ni shantal hindi na maidentified dahil sa lakas ng impak ng pagsabog". mahabang paliwanag nito. kung sila tanggap na nila ang nangyari kay shantal ako di ko matanggap tanggap , halos pag sakluban ako ng langit at lupa.
hindi ito maaari .
Lyka's Pov.
naiinis siya na parang wala man lang kay Tricia na patay na si Shantal. pero sabagay nga sa simula palang naman plastic na talaga ito sa best friend niya inggetera ito dahil lahat nakay Shantal na samantalang ito 2nd rate parati , I wonder baka tuwang tuwa pa ito na wala na ang beshy niya.
napaiyak naman siya sa isiping iyon hindi niya sukat akalain na wala na ito.
Parang kapatid na ang turingan naming dalawa parati siyang nandito sa tabi ko pag may problema ako. Siya ang partners in crime ko in Highschool until now, kasama sa lahat ng kalokohan ultimo mga secreto ay hindi nakaligtas napag usapan namin dalawa. napapahagulhol ako sa sinapit ng kaibigan ko.
andito na din kami ngayon sa Burol niya. madaming nakidalamhati. dahil sa isa siyang superstar kung kaya mabilis na kumalat ang balita, maging ang mga fans nito ay nakikidalamhati na din.
lumapit ako kay Drake na kasalukuyang nasa harap nang ataul ni Shantal
" Bakit ambilis mo naman akong iwan, you know how much I love you. It supposed to be our happiest day sana dahil mag pupropose na ako sayo, but those happiness turns out a nightmare" iyakhikbi nitong sambit habang nakatingin lang sa ataul.
" maybe this is her final destination Drake, wherever she is sana masaya na sya tulad ng sa litratong yan, nakangiti walang problema" I tap his shoulder to assure that I'm her as her friend to comfort him.
" di ko pa din matanggap lyka, parang gumuho yung mundo ko. sana panaginip nalang lahat ng to"
niyakap ko naman siya para icomfort mahirap din sakin lahat ng to. pero kailangan namin magpakatatag. lalo na yung dalawang lalaking importante kay shantal ang sobrang nahihirapan ngayon . si tito Gab at si Drake.
---------------
AUTHORS NOTE:
START OF TWISTING THE FAITH OF OUR LEADING WOMAN AND LEADING MAN.
PLEASE, SUBAYBAYAN PO NATIN ANG PAG PASOK SA EKSENA NI DANIEL WORTHSBACH.
ENJOY READING ???
____________
.