Chapter 4: SHE'S BACK

1831 Words
Drake's POV: andito ako ngayon sa New York, at kasalukuyang namamasyal sa mall, kasama si Tricia ang girlfriend niya. habang nag lalakad sila sa mall ay may isang pamilyar na tinig ang pumukaw sa atensyon niya, 'shantal', agad niya itong hinanap at nakita niya ang pinagmulan ng tinig na yun. ngunit ibang babae ang nakita niya at kasama nito ang isang lalaki na pakiwari niya'y boyfriend nito umasa na naman ako, kaboses niya ang babaeng nagpapatibok ng puso niya. ayaw na niyang saktan pa ang sarili niya kaya minabuti na din niyang umalis, Ilang taon na ding wala si Shantal siguro panahon na para ipagpatuloy ang lahat ng wala siya, kahit ang sakit sakit pa din. dahil hanggang ngayon mahal ko pa siya . "babe, sino ba hinahanap mo bigla ka nalang umalis" tanong ni tricia nung makalapit na ito sa kaniya " ah wala , akala ko may nakita akong kakilala." " let's go?" " Sige". ------------- Shatal'(cindy)pov: " Hon are you ok?" nag aalalang tanong ni Daniel. sobrang sakit ng ulo ko parang binibiyak. Nang umangat siya ng tingin ay nahagip niya ang isang pamilyar na lalaki na may kasamang isang babae. 'teka, siya yung naalala ko, drake Monterde?!' . "araaay" napadaing ulit ako sa sakit dahil sa mga alaalang unti unting lumilinaw sa isip ko. "hon, pinapakaba mo ako anong nangyayari sayo, halika na dadalhin na kita sa hospital". inalalayan niya ako hanggang papasok ng sasakyan. pinaharurot na nito ang sasakyan hanggang sa huminto kami sa isang hospital. "what are we doing here" tanong niya dito " halika na, ipapacheck kita, baka kung ano nang nangyayari sayo. " makikita pa din sa kaniya ang labis na pag aalala. " hon, Don't worry I'm ok na, kulang lang ako sa tulog saka minamigraine talaga ako. at nagugutom na din. di mo kaya ako pinakain" medyo pabiro kung sagot sa kaniya.nag half smile naman siya, di nito alam kung paniniwalaan va niya sinasabi nito o hindi. "kain nalang tayo, hon . I love you" "sige na nga, mahal na mahal din kita at ayukong nagugutuman ka" nakangiti nitong sagot, pagkatapos ay pinaandar na ulit nito ang sasakyan. ------------ KINABUKASAN hindi siya mapakali hindi na niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya. ibang alaala ang pilit na bumabalik sa kaniya. Lahat ng mga sinasabi nila ay taliwas sa nga naalala niya. sino ako? di niya maiwasang mapatanong sa sarili niya. Di na din niya kilala yung sarili niya. bakit pakiramdam niya hindi siya si Cindy , pero siya si Shantal pero di pa malinaw ang lahat di niya maintindihan ang mga nangyayari. "gusto ko ng malinawan, alamin ang totoo . naguguluhan na ako" sa sobrang daming tanong sa isip ko ay di ko maiwasang matakot sa posibleng mga sagot nun. lumabas ako nang bahay at nakita ko sa garahe ang isang sasakyan. sasakyan ni Daddy. Nasa business trip kasi siya ngayon. wala si mommy , dahil wala ang sasakyan nito. Nagtaka naman ako dahil ako lang yung walang sasakyan. lumapit ako sa sasakyan at hinimas himas ito animo'y isang bagay na sobrang paborito. naalala niyang takot ang mga magulang niya na mag drive ako at umalis mag isa. baka sa sasakyan na to, ko makukuha ang sagot sa mga tanong ko " Manang, can you get the car key" " ma'am I'm sorry, your mother was strictly said that you won't allow to drive on you own." nag aalalang sagot nito. nainis ako kasi pakiramdam ko may tinatago sila. "I said get the key now" sigaw ko sa kasambahay namin. "ok mam wait lang po. .maya maya pa ay dumating na ito at ibinigay yung susi. pumasok na ako sa sasakyan at inistart ang Kotse. "buksan mo ang gate" "mam, sabi ng mommy mo bawal ka daw pong lumabas ee. " i said open the gate now or Else I will fire you right now and then. at sinasabi ko sayo pagsisihan mo ang araw na toh" galit na galit kong sigaw sa kaniya. Agad naman nitong binuksan ang gate. kinakabahan man ay tinahak niya pa din ang daan palabas ng bahay,. kinakabahan siya namamawis ang buong katawan niya, di niya alam kung bakit di siya makahinga. puno ang kaniyang isip ng alalahanin nang di niya napansin ang sasakyan na paparating . "aaaahhhhh" sigaw niya bigla niyang nailiko ang sasakyan at agad na nag preno. 'muntik na ako dun'. napahagulhol siya sa nangyari. di pa siya nakakabawe sa pag kagulat nang biglang kung anong malakas na pag sabog ang narinig niya mula sa kalsada. 'aaahhhhhh'. ----------- Daniel's POV: "hello?" "Sir, si mam Cindy po umalis nag drive mag isa ,nag aalala po ako dahil hanggang ngayon wala pa siya, si mam Trina po hindi ko makontak," nag aalalang sambit ng kasambahay nila Cindy. "bakit mo pinayagan manang, may phobia sa manibela yun baka anong mangyari dun..for pete's sake" " Sorry sir di ko na napigilan si mam kasi nagalit siya kanina, " " ok sige, pupunta na ako jan manang" nag mamadali na siyang lumabas ng opisina at pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay ng mahal niya. 'God Cindy ano bang nangyayari sayo.' sobrang nag aalala siya sa nangyayari sa mahal niya alam niyang may bumabagabag sa isip nito. papaliko na ako papunta sa bahay nila ng matanaw ko ang sasakyan ni Cindy sa gilid ng kalsada, hininto niya naman ang sasakyan malapit dito, at nagmamadaling bumaba. "Cindy! open the car" sigaw ko mula sa labas kumakatok na din ako ng malakas, tinted kasi ang sasakyan nila kaya di mo makikita ang nasa loob, kaya sobrang nag aalala ako na baka kung ano na nangyari dito. maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan at lumabas mula roon si Cindy na nakangiti pero makikita sa mata ang pamumugto nito. agad ko itong niyakap at nakahinga ng maluwag nang makitang ok na ito " natakot ako, na baka mawala ka na naman ulit sakin, wag mo ng uuliting umalis ng di nagpapaalam ah" , sambit ko habang nakayakap sa kaniya. " bakit naman ako mawawala hon, andito lang ako..mahal na mahal kita" binitiwan niya ito sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha nito "mahal na mahal din kita at natatakot ako na baka maulit uli yung nangyari noon." puno ng pagmamahal kung sambit sa kaniya. hinalikan niya ito ng puno ng pagmamahal . isang banayad at marahang halik. " let's go dito ka nalang sumakay sa kotse ko ipapakuha ko nalang ung kotse sa driver niyo". " sige hon" nang makarating kami sa bahay nila ay agad kaming sinalubong ni Tita Trina nang puno ng pag aalala. " Oh , God, buti ok ka ,may masakit ba sayo?" sabay sa yakap kay Cindy. " Ayus lang ako Mommy wag po kayong mag alala sakin, gusto ko lang po magdrive kasi.tapos nagulat ako at may sumabog sa may kalsada." " wag mo nang isipin yun ah, sa susunod wag kang aalis ng walang kasamang driver.delikado sayo ok? " " yes, mommy di na mauulit" nakikita niya sa mga mata nito ang lungkot, di niya alam kung bakit ganito ang kinikilos ni Cindy, pero ang alam niya lang ay may bumabagabag dito. ----------------- Shantal's (Cindy) Pov: tatlong araw na ang nakalilipas simula ng magdrive ako. lahat ng mga alaala na nawala sa mahigit dalawang taon, lahat bumalik, at sa pagbabalik ng mga yun ay sobrang labis siyang nasaktan. ,habang nakaupo at tinitingnan ko ang itsura ko sa salamin, di ko maiwasang mapaiyak. isang di pamilyar na mukha ang nakikita ko. " I'm sorry Cindy, I'm sorry, it's my fault buhay ka pa sana kung di kita sinabay nung araw na yun" , napahagulhol siya at iyak ng iyak, habang tinitingnan ang itsura ng babaeng naging biktima din ng aksidenteng yun. di niya alam kung paano ipaliliwanag sa mga magulang ni Cindy ang nangyari. na hindi siya ang anak ng mga ito, na hindi siya ang pinaka mamahal na girlfriend ni Daniel. Mas lalo siyang napahagulhol sa kanyang naisip. Di niya maikakailang nahulog na din ang loob niya sa binata at napamahal na din siya sa mga magulang ni Cindy. Sa sobrang galit niya sa sarili ay tinulak niya ang kaniyang side table at mga unan..lahat ng mahawakan niya tinatapon niya. "Sino ba talaga ako hirap na hirap na ako . sana hindi nalang bumalik ang mga alaala ko. ang sakit sakit " , nang mapagod ay napaupo nalang siya sa gilid ng kama na patuloy pa rin ang pag agos ng mga luha. Sakto naman ang pagpasok ng kaniyang ina. Ina ni Cindy ,naiiyak na naman siya sa isiping iyon. 'mommy, I'm sorry, I'm not the real Shantal' pero di ko man lang masambit yun sa kaniya. Natatakot ako "o my. what happened anak.ok ka lang ba may masakit ba sayo?" pag aalala nitong sabi ,sabay hanap sa mga katawan ko kung nasagutan ba ako o hindi. niyakap ko naman siya agad, at napahagulhol sa kaniya. 'mommy kahit di ko kayo mommy, mahal na mahal ko kayo. ang tagal nating naging magkasama at ngayon na nalaman ko na ang lahat, sobrang naiinggit ako kay Cindy sana ako nalang siya, patawarin mo ko mommy' patuloy pa ding lumuluha ang mata niya. habang nakayakap sa kaniyang ina. hinahagod naman nito ang likod niya. nang mahimasmasan na siya ay pinagpahinga na muna siya nito. " take a rest, baby mukhang ilang araw kang walang tulog. di muna kita tatanungin kung anong problema mo pero kung gusto mo ng kausap andito lang si Mommy ok?" " Thanks mom, napakaswerte ko at ikaw ang naging mommy ko. mahal na mahal kita ma, tandaan mo po yan. "i love you too sweetie" pagkatapos ay hinalikan nito ang noo ko at naglakad na ito palabas. nang mapag isa na lamang siya, ay agad niyang naisip na hanapin ang kaniyang best friend si Lyka. kinuha niya ang kaniyang laptop at hinanap ito sa social media. hindi naman siya nahirapan dahil sikat din ito sa larangan ng fashion. Napag alaman din niya na andito din ito sa New York. I need to see her. siya lang ang tanging tao na makatutulong sa kin sa lahat ng toh. dahil doon ay nagmadali siyang gumayak, para makita ito. tinawagan na din niya si Sheila para hindi siya mahalata nila mommy kapag ka umalis siyang mag isa. Kailangan na muna niyang sarilinin ang lahat, pati ang pagbabalik ng memorya niya. para din sa kaligatasan ng mga ito at katarungan para sakin at kay Cindy. patawarin mo ko Cindy, wag kang mag alala kung nasaan ka man ngayon gagawin ko ang lahat para makuha ang hustisya para satin. magawa sana akong patawarin ng mga magulang mo at ng pinakamamahal mong si Daniel, na minamahal ko na din. hilam man sa luha ay mas minabuti niyang ikubli ang kalungkutan kailangan niyang maging matatag para sa laban na sisimulan niya. umalis na siya at nakipag kita kay sheila sa Mall, nakita ko kasi sa Newsfeed na nasa Mall ngayon si Lyka kasama sila Carla at Drake. sa pag mamadali ko ay di ko napansin ang tao na nasa harap ko. "araay" napaupo ako sa lakas ng pagkakabungguan namin. " im sorry miss.ok ka Lang? " "drake?" ---------------------- ----------- next, episode MEET SHANTAL ABANGAN:-):-):-)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD