NASA GITNA ng pag-aayos ng mga gamit na naisalba si Amere nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang makita ang unregistered number sa hawak na telepono ay natigilan siya. It could be his dad checking on him, or Perry White. But he had to do his mission on his own. Mahalaga sa kaniyang matuklasan ang lahat nang hindi umaasa sa tulong ng iba, lalo pa at hindi naman niya alam kung sino ang taong dapat niyang pagtiwalaan at sino ang hindi ngayon. Red for instance, was one of those that he should not have trusted. Isa itong traydor. Kung hindi pa niya nakita sa isip niya ang ginawa nito ay malamang na hindi malalaman ang tunay nitong pakay. Papatulog na siya nang gabing bago mangyari ang sakuna nang umalerto ang kaniyang isip. Parang tubig na rumaragasa ang mga perception na isa-isang nagsal

