bc

The Underworld Kingdom of Hydra Terra

book_age12+
173
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
curse
powerful
bxg
mystery
supernature earth
another world
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Hello, Dreamers! This is a participating story for the Rise from the Ashes: King from Nobody Contest.

Click this book to earn up to 200 worth of bonus!

If you happen to like the story, please support by:

1. Adding this to your library for regular notifications of updates

2. Leaving comments/suggestions/ideas to win up to 200 worth of bonus

Thank you and happy reading!

-Amor Filia-

***************************************************

Sino ang mag-aakalang sa mundong ginagalawan natin ay maroon palang isang hindi ordinaryong nilalang na nakatakdang magligtas sa sangkatauhan mula sa sandaigdigang pananakop ng pinakamataas na Hydrona ng Hydra Terra na si Morgan?

Samahan natin si Wayde/Amerito Alta sa kaniyang paglalakbay patungo sa katuparan ng kaniyang misyon...

***************************************************

Blurb:

Dahil sa aksidenteng natamo noong labing-apat na taong gulang pa lamang si Amerito ay hindi niya maalala ang malaking bahagi ng kaniyang kabataan. May mga kakaiba rin siyang karanasan na ang sabi ng kaniyang ama na si Luciano, isang aquatic scientist, ay bahagi ng hallucinations na dala ng medications niya. Dahil dito ay hindi naging normal ang teenage life ni Amerito.

Minsan ay may isang babaeng nagngangalang Serah ang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan at nagsasabing kilala raw siya. Siya raw ay prinsipe sa isang kahariang nasa pagitan ng dagat at daigdig. Inignora lang niya iyon kahit pa ayaw siyang tantanan ng makulit na babae. Ngunit nang nagsunod-sunod na ang mga hindi ordinaryong pangyayari na hindi niya maipaliwanag ay napilitan siyang magpunta ng Cebu, ang probinsiyang kinalakhan ni Serah, upang hanapin ang dalaga.

Lulan ng isang barko ay bumiyahe si Amerito papuntang Cebu, ngunit nagkaroon ng isang tsunami sa islang napuntahan niya kung saan lahat ng mga pangitain niya ay naganap. Binalot ng takot si Amerito at pakiramdam niya ay isang sumpa ang kakayahan niyang taglay. Hindi rin niya natagpuan si Serah kaya minabuti na lang niyang umuwi. Sa kaniyang biyahe pa-Maynila ay may nakaengkuwentro naman siyang isang grupo ng kalalakihan. Habang natutulog sa cabina ay dinukot siya ng mga ito at itinapon sa dagat upang mamatay.

Ngunit sa halip na kamatayan ay isang bagong mundo ang natuklasan ni Amerito. Isang mundong matatagpuan sa pusod ng dagat na hindi nararating ng mga mortal, ang Hydra Terra. Isang nakatagong daigdig ng mga Hydron na nakatakdang gawing duplica o kawangis ng mundo. At ang nakamamangha, ang corpo o katauhan ni Amerito sa mundong ito ay hindi ordinaryo. Siya raw si Wayde, ang prinsipeng nakatakdang maging hari upang mamuno sa buong kaharian ng Hydra Terra at isakatuparang ang nakasulat sa propesiya.

Anong klaseng buhay kaya ang nakatakdang harapin ni Amerito sa oras na muli siyang tumapak sa lupa? Magagawa kaya niyang tuparin ang misyong nakaatang sa kaniyang balikat bilang hari ng Hydra Terra, na layuning sakupin at palitan ng mga Hydron ang mga mortal sa buong daigdig? O mas pipiliin niya ang desisyong nais ng kaniyang mortal na katauhan?

chap-preview
Free preview
Prologue
December, 2020  “SIR, please go back to your room now! Red alert po tayo at may banta ng tsunami ngayong gabi! Hintayin niyo po ang announcement ng rescue team para sa evacuation. Sir, please!” Sa halip na sundin ang hotel staff ay nilampasan lang ito ni Amere at tulalang naglakad palabas ng lobby. Mula sa malayo ay naririnig niya ang malakas na paghahampasan ng alon. Mahina lang iyon kanina ngunit napansin niyang papalakas iyon nang papalakas sa paglipas ng oras. Dama niya ang nakapaninindig-balahibong lamig na nanunuot sa kaniyang balat hanggang sa kaniyang kaibuturan. Kasabay ng pagsisigawan at pagmamadali ng mga tao sa paligid ay ang matinding kilabot na bumabalot sa kaniyang buong pagkatao. Kung tutuusin ay hindi na iyon bago para kay Amerito Alta. Ang totoo ay palagi niya iyong nakikita at naririnig. Gising man o nananaginip ay palagi niyang nasasaksihan ang mga pangyayaring tulad niyon. Kung pangitain man ang tawag doon ay hindi niya alam pero isa lang ang malinaw sa isip niya ngayon. Lahat ng iyon ay hindi bunga ng kaniyang imahinasyon. Lahat ng nasa panaginip at mga nakikita niya noon pa mang binatilyo siya, lahat iyon ay nakatakda palang maganap balang araw. At ngayon ang isa sa mga araw na iyon. Kalamidad. Aksidente. Tsunami. Pandemya. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga nakikita niya sa kaniyang balintataw. Halos ituring niya ang sariling baliw noon dahil hindi iyon ordinaryong katangian ng isang normal na indibidwal. Hindi niya akalaing darating ang araw na isa-isang magaganap ang mga iyon. Na tila siya nasa harap ng isang telebisyon at hinihintay lamang na mapanood ang mga eksenang iyon na matagal nang nakapagkit sa kaniyang isip. Hinarang niya ang isang taong nakasalubong at tinanong ito. “M-Manong, nakikita niyo ba ang malalaking along iyon?” tanong niya rito sabay turo sa isang malayong direksiyon. “Aba’y bakit ka nakasigaw?” tila iritadong sagot nito sabay sulyap sa direksiyong itinuturo niya. “Pasensiya na po,” usal niya. Kung gayon ay siya lang ang nakakarinig ng mga ugong at malalakas na alon na iyon. Hindi niya napansing malakas ang boses niya. Hindi na nga niya halos marinig ang sariling nagsasalita dahil sa ingay na naririnig niya. “May nakikita po ba kayong malalaking alon sa gawing iyon?” ulit niyang tanong sa lalaki. “Malabo na ang mata ko at madilim na rin kaya tiyak na wala akong makikita, Tutoy. Bakit ba?” “Malahiganteng alon ang mga iyon mula sa malayo. Papalapit nang papalapit at nakatakdang humampas sa dalampasigan ano mang sandali.” “May Tsunami alert nga, sabi sa news report. Kaya ako nandito ay para sunduin ang anak ko na naka-check in dito. Umuwi ka na rin sa inyo at baka sa madaling araw ay tumaas nga ang alon.” Matapos sabihin iyon ay tumalikod na ang lalaki at hindi na siya nilingon. Gusto sana niya itong habulin at sabihing mali ito ng akala. Malakas ang kutob niyang malapit na malapit nang mangyari ang sakunang nasa pangitian niya. Pero maniwala naman kaya ito sa kaniya? Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga higanteng alon na gumugulong mula sa malayo. Malinaw niyang nakikita, pinaghalong kahel at pula ang kulay ng kalangitan habang ang madilim na ulap sa magkabilang bahagi ng malawak na langit ay unti-unting nagsasalubong sa gitna. Ang maliliit na alon ay tila nagtitipon-tipon upang sumama sa iba pang kapwa alon, pagkuwa’y bubuo ng isang higit na malaking alon kaysa sa mga nauna. Kapag humampas sa isa’t-isa ang mga higanteng rolyo ng tubig ay lumalatag iyon sa kabuuan ng dagat at dobleng higit ang itinataas ng tubig dahil doon. ‘Nakita ko na kayo noon pero walang ni isang naniwala. Sa akin lang ba kayo nagpapakita?’ bulong niya sa hangin. Iyak ng isang bata ang humatak sa ulirat ni Amerito pabalik sa kasalukuyan. Nakaupo ito sa isang sulok ng lobby ng hotel. Agad na nabalot ng awa ang puso ni Amere nang makita itong nag-iisa. Kung mangyayari ang sakuna ay pihadong aanurin ng alon ang bata. Walang pagdadalawang-isip na tumakbo siya papasok upang lapitan ito ngunit napahinto siya nang maramdaman ang biglang pagyanig ng lupa. Napasadlak siya sa sahig habang ang paningin ay nakatutok pa rin sa bata. Kasabay ng pagsisigawan ng mga tao sa paligid ay ang pagpapatay-sindi ng mga ilaw sa bawat sulok ng lobby ng hotel. Ang ilang maliliit na ilaw ay namatay na lang bigla habang ang iba ay sadyang nagputukan muna bago tuluyang napundi. Pagapang na umisod si Amere palapit sa bata ngunit laking gulat niya nang biglang bumagsak ang isang malaking chandelier sa mismong harapan nito. Napasigaw siya sa sindak habang ang bata ay malakas ring nag-iiiyak. Ipinagpatuloy ni Amere ang paglapit sa umiiyak na bata at nang maabot ay agad niya itong kinarga. Kasabay niyon ay ang tuluyang pagkawala ng kuryente at pagdidilim ng buong paligid habang ang nakangingilong sigawan ng mga tao ay halos bumingi sa kaniya. Dinig niya ang pagpaparoo’t-parito ng mga tao patungo sa kung saan-saang direksiyon. Luminga siya sa labas ng hotel at namangha siya sa isang tanawing naabot ng kaniyang mga mata. Nakapagtatakang kay talas ng kaniyang paningin sa kabila ng kadilimang bumabalot sa buong paligid! Mula sa kinatatayuan ay nakita niyang muli ang mga higanteng alon na nakatakdang humampas sa isla. Sa gitna ng mga along iyon ay may umangat sa tubig na tila isang higanteng nilalang na may maraming galamay. Hindi na niya matukoy kung saan ba nagbubuhat ang kaniyang mga nakikita. Totoo bang nangyayari lahat ang mga iyon o gawa lang ng kaniyang isip? Ngunit ni wala siyang panahon para pag-isipan ang lahat dahil bawat sandaling lumilipas ay mahalaga. Kung kanina ay sarili lang ang iniintindi niya, ngayon ay may isang anghel na kailangan niyang iligtas. Hindi ito ang panahon para sa maraming mga tanong. Kailangan niyang buuin at palakasin ang kalooban. Kailangan niyang malaman ang tamang hakbang para makaligtas sa sakunang iyon. Pero higit sa sariling kaligtasan ay dama rin niya ang kagustuhang makapagligtas ng iba pa. Tila may flashlight sa ibabaw ng ulo na tinalunton ni Amere ang daan palabas ng hotel. Nangangawit ang bisig niya sa pagkilik sa bata pero sapat ang nakaambang panganib upang makaramdam siya ng lakas. Lahat ng makasalubong sa daan ay ibinubuyo niyang lisanin ang lugar ngunit ni isa ay walang nakinig sa kaniya. Marahil ay nasa loob din ng hotel ang kaanak ng mga iyon kaya nagpipilit sa kabila ng nakaambang panganib. Pero isang malaking pagkakamali dahil alam niyang walang maliligtas sa sakunang iyon. Nakita na niya ang sasapitin ng lahat ng naroon. Ang mga hotel staff na kausap niya, ang guwardiya, ang mga guest na nakita niya sa common facilities...lahat sila ay hindi makakasalba sa nakatakdang panganib. Patakbong nilisan ni Amere ang hotel vicinity habang ang batang kilik ay payapa nang natutulog sa bisig niya. Dinaklot ng awa ang puso niya nang maisip ang mga magulang nitong marahil sa mga sandaling iyon ay pinaghahanap na ang bata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook