Story By Amor Filia
author-avatar

Amor Filia

ABOUTquote
I am all that I write. Every character of my stories, every word, every detail signifies my very soul...
bc
Si Orange (The Baby Girl Turned Wife)
Updated at May 31, 2022, 14:47
Dahil sa hinanakit ni Anastacia aka Orange sa ama dulot ng mga problemang dala ng ikalawang pamilya nito, nasuong siya sa isang mabilisan at maling desisyon at iyon ay ang kunwaring pakikipagtanan sa Fine Arts student na si Carlo. Nagpanggap silang mag-asawa nito pero sa kabila niyon ay patuloy sa pag-ikot ang normal nilang buhay. Lingid sa lahat ay magkahiwalay naman sila ng tinutuluyan ng lalaki. Hindi nagtagal ay natuklasan ni Orange na may nobya pala si Carlo at kahit inamin nitong may pagtingin ito sa kaniya, hindi nito itinangging may nobya ito sa katauhan ni Portia. Nalito siya dahil doon pero sa huli, tinanggap na lang niyang pagpapanggap lang ang ginagawa nila ni Carlo. Hindi na siya dapat umasa. Tinutulungan lang siya nito para mabawi ang ama sa bagong pamilya nito. Sa kabilang banda, natutulungan din niya si Carlo sa pagrerebeldeng ginagawa nito sa mga magulang. Maging ang kurso kasi nito sa pag-aaral ay pinakikialaman ng mga ito kaya naisipan nitong maglayas. Nang umayon si Carlo sa plano niyang pag-aasawa, naisip nitong makatutulong din iyon para mapag-alala ang sariling mga magulang, at sa huli ay pabayaan na itong magkaroon ng kontrol sa sarili nitong buhay. Ang problema, isang araw ay naisipang dumalaw ng mga magulang ni Carlo sa binata. Dahil doon ay napilitan silang umaktong tunay na mag-asawa. Lumala pa ang situwasyon nang nalaman nilang may sakit pala sa puso si Mrs. dela Peña at hindi ito maaaring bigyan ng sama ng loob. Sinamantala iyon ni Marsha para paikutin sila. Wala silang magawa dahil hawak nito ang lihim nila ni Carlo na hindi maaaring malaman ng ina nito. Pero ano ang gagawin niya kung isang araw ay si Carlo mismo ang hingin ni Marsha? May karapatan naman kaya siyang tumanggi kung hindi naman niya maituturing na kaniya si Carlo?
like
bc
Because the Heart Never Forgets
Updated at Mar 9, 2022, 15:20
Tila gumuho ang lahat kay Bernadette nang parang bulang mawala ang nobyong si Leandro Imperial. Nangako itong magbabalik ng Maynila upang ipakilala siya nang pormal sa pamilya nito. Ang sabi nito ay mamamanhikan na rin ito pagbalik at bibigyan siya ng isang magandang kasal. Labis ang kasiyahan nilang dalawa lalo pa at nagdadalantao na siya. Pero ilang araw na buhat nang magpunta ito sa Davao ay hindi pa rin ito nagbabalik. Hanggang ang mga araw ay naging taon at tuluyan na niyang hindi nakita ang lalaki. Ang dating pag-ibig ay naging pagkasuklam na. Ang dating mga ngiti ay nahalinhan na ng ngitngit. Pero paano kung pagkalipas ng tatlong taon ay magbalik ang lalaki at magpakilala sa ibang katauhan, maniniwala ba siya? Kung ito nga ang asawa ni Mrs. Hasmin Raymundo, papayag ba siyang sumiping dito kapalit ng malaking halagang kailangan para sa operasyon ng kanyang anak na si Andrew?
like
bc
The Underworld Kingdom of Hydra Terra
Updated at Feb 2, 2022, 15:18
Hello, Dreamers! This is a participating story for the Rise from the Ashes: King from Nobody Contest. Click this book to earn up to 200 worth of bonus! If you happen to like the story, please support by: 1. Adding this to your library for regular notifications of updates 2. Leaving comments/suggestions/ideas to win up to 200 worth of bonus Thank you and happy reading! -Amor Filia- *************************************************** Sino ang mag-aakalang sa mundong ginagalawan natin ay maroon palang isang hindi ordinaryong nilalang na nakatakdang magligtas sa sangkatauhan mula sa sandaigdigang pananakop ng pinakamataas na Hydrona ng Hydra Terra na si Morgan? Samahan natin si Wayde/Amerito Alta sa kaniyang paglalakbay patungo sa katuparan ng kaniyang misyon... *************************************************** Blurb: Dahil sa aksidenteng natamo noong labing-apat na taong gulang pa lamang si Amerito ay hindi niya maalala ang malaking bahagi ng kaniyang kabataan. May mga kakaiba rin siyang karanasan na ang sabi ng kaniyang ama na si Luciano, isang aquatic scientist, ay bahagi ng hallucinations na dala ng medications niya. Dahil dito ay hindi naging normal ang teenage life ni Amerito. Minsan ay may isang babaeng nagngangalang Serah ang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan at nagsasabing kilala raw siya. Siya raw ay prinsipe sa isang kahariang nasa pagitan ng dagat at daigdig. Inignora lang niya iyon kahit pa ayaw siyang tantanan ng makulit na babae. Ngunit nang nagsunod-sunod na ang mga hindi ordinaryong pangyayari na hindi niya maipaliwanag ay napilitan siyang magpunta ng Cebu, ang probinsiyang kinalakhan ni Serah, upang hanapin ang dalaga. Lulan ng isang barko ay bumiyahe si Amerito papuntang Cebu, ngunit nagkaroon ng isang tsunami sa islang napuntahan niya kung saan lahat ng mga pangitain niya ay naganap. Binalot ng takot si Amerito at pakiramdam niya ay isang sumpa ang kakayahan niyang taglay. Hindi rin niya natagpuan si Serah kaya minabuti na lang niyang umuwi. Sa kaniyang biyahe pa-Maynila ay may nakaengkuwentro naman siyang isang grupo ng kalalakihan. Habang natutulog sa cabina ay dinukot siya ng mga ito at itinapon sa dagat upang mamatay. Ngunit sa halip na kamatayan ay isang bagong mundo ang natuklasan ni Amerito. Isang mundong matatagpuan sa pusod ng dagat na hindi nararating ng mga mortal, ang Hydra Terra. Isang nakatagong daigdig ng mga Hydron na nakatakdang gawing duplica o kawangis ng mundo. At ang nakamamangha, ang corpo o katauhan ni Amerito sa mundong ito ay hindi ordinaryo. Siya raw si Wayde, ang prinsipeng nakatakdang maging hari upang mamuno sa buong kaharian ng Hydra Terra at isakatuparang ang nakasulat sa propesiya. Anong klaseng buhay kaya ang nakatakdang harapin ni Amerito sa oras na muli siyang tumapak sa lupa? Magagawa kaya niyang tuparin ang misyong nakaatang sa kaniyang balikat bilang hari ng Hydra Terra, na layuning sakupin at palitan ng mga Hydron ang mga mortal sa buong daigdig? O mas pipiliin niya ang desisyong nais ng kaniyang mortal na katauhan?
like
bc
The Magical Tales of Melusina
Updated at Nov 29, 2021, 17:08
Limang daang taon na ang nakararaan mula nang mawasak ang Melusina, ang tahanan ng mga kakaibang nilalang ng hangin, apoy, tubig at lupa. Sa paglipas ng panahon, ang bawat lipi na mula rito ay patuloy na umiiral, ngunit dahil sa kawalan ng ligtas na tirahan ay nanatili silang nakakubli sa lahat—maging sa sarili nilang mga kauri. Ngunit ang bawat paghihintay ay may hangganan. Darating ang takdang araw na muling matitipon ang bawat lahing pinagpala. Lilitaw ang lahat ng uri ng nilikha mula sa maliliit na duwende, nilalang na may pakpak, mga nilalang ng dagat, gayundin ang mga nakakubli sa hangin, mga dragon, mga taong lobo at iba pang kauri. Maghaharing muli ang tagapangalaga ng bawat elemento ng Melusina. At mangyayari ang lahat ng mga ito kasabay ng mga palatandaan ng pagtatapos ng daigdig ng mga mortal; digmaan, malawakang taggutom, sakuna, kalamidad at malawakang epidemya na lilipol sa mga tao.
like
bc
The Mouse and the Kitten (Filipino)
Updated at Nov 20, 2021, 02:18
Matagal nang crush ni Maxene ang kapitbahay at best buddy ng kapatid niyang si Miguel na si Daniel Fulgencio. Ang problema ay kapatid lang din ang turing nito sa kanya. Kung hindi kitty ay matunog na Be (for baby) ang tawag sa kanya nito. Iyon din ang tawag sa kanya ng buong pamilya. Siya naman ay Kuya Dan ang tawag dito, na nagiging 'Mouse' kapag tinawag siya nitong 'Kitty.' Sa paglipas ng mga araw, ang simpleng crush niya para kay Daniel ay humantong sa kanyang pagiging stalker. She had even managed to secretly install a small sensor gadget in his room just to check if he's already home. That was how she was head over heels in love with him. But one day, Daniel started to ignore her. Nakilala kasi nito si Alaine, ang kaibigan niya way back in high school na dating ugly duckling pero ngayon ay mukha ng isang prinsesa. Basta na lang siya nito nagawang kalimutan nang maging nobya nito ang dalaga. Then Eric came into the picture to save her butt from the quicksand. She started dating him and fortunately got some good results. Mukha namang effective dahil nakikita niyang bad trip na rito si Daniel. Nagseselos na kaya ang kanyang crush kay Eric? Mapansin na kaya talaga siya nito sa paraang higit pa sa magkapatid o magkaibigan? O talagang ang tulad nila ay daga at pusa lang na wala nang ginawa kundi ang magtaguan?
like
bc
Pwede bang Umasa? (Filipino Romcom)
Updated at May 31, 2021, 02:00
Isang market vendor si Francheska Punzalan na sanay sa tawag na Cheka. Iba’t-ibang klaseng lamang-dagat ang itinitinda niya sa palengke katulong ang kapatid na si Empoy. Bukod dito ay suma-sideline din siya sa paggawa ng relyenong bangus na siyang nagtataguyod sa buhay nilang mag-aama. Isang simple ngunit masayang buhay ang mundo niya, malayo sa mundo ng isang Steven Salcedo na walang ibang prayoridad kundi ang mapaunlad ang architectural firm at construction business nito. Para dito, palamuti lang sa buhay ang isang babae at kung sakaling mag-aasawa ito ay upang may makatuwang lang sa pamamahala ng mga negosyo nito. Hindi rin nito kailanman itinanggi na mataas ang standards nito sa pagpili ng tamang babaeng pakakasalan: matalino, disente at kabilang rin sa mundong ginagalawan nito. Kaya’t ang umibig sa isang Steven Salcedo ay isang pangarap lamang para sa isang prinsesa ng banyerang tulad ni Cheka. Isang ilusyong kailangan niyang kalimutan sa lalong madaling panahon. Pero paano niyang basta isusuko na lang ang nararamdaman kung kay Steven na mismo nanggaling na may mahika ang halik niya rito? Hindi kaya sensyales iyon na pwede pala siyang umasa? Na baka sakaling isang araw, magbago ang isip ni Steven at magustuhan na rin siya nito—nang totoo. Puwede nga kaya?
like
bc
Medalyon
Updated at Sep 27, 2020, 15:00
Ulila nang lubos si Maria Amor. Pitong taon sila nang mamatay ang kakambal niyang si Maria Luna habang ang mga magulang naman niya ay namatay sa isang aksidente. Lubos niyang dinamdam ang nangyari sa takot na mapag-isa pero isang araw na naroon siya sa silid ng kapatid ay may nakita siyang medalyon. Isinuot niya iyon at biglang nagpakita ang kaluluwa ni Luna. Anong tuwa niya nang sabihin nitong hindi na siya nito iiwan. Nagsimulang sumigla si Maria Amor. Sa tulong ng kakambal ay nalampasan niya ang pangungulila sa mga magulang. Kahit saan magpunta ay kasama niya ito. Maging ang angkin nitong kakayahan ngayong espiritu na ito ay napakinabangan niya. Binabayaran siya ng mga tao para sa kanyang 'special services' tulad nang panghuhula, paghahanap ng mga nawawalang bagay, panggagamot at pakikipag-usap sa kaluluwa ng mga namayapa na. Pero hanggang saan ang kasiyahang ito ni Maria Amor? Paano kung ang lalaking matutunan niyang mahalin ay ibigin din ni Luna, magagawa ba niyang magparaya? Kakayanin ba niyang maging karibal ang espiritu ng mahal niyang kakambal o pababayaan niya itong angkinin ang katawan at buhay niya para kapwa nila maranasan ang ibigin ni Miguel?
like
bc
Si Orange (The Pinay Cinderella) Book 1
Updated at Aug 17, 2020, 05:15
Nang mamatay ang nanay ni Anastacia at nagdesisyong muling mag-asawa ang kanyang ama ay tila gumuho ang kanyang mundo. Ang masakit, ang madrasta niya ay kaibigan pang matalik ng kanyang ina. Nasubaybayan nito ang paglaki nilang magkakapatid at sa maraming pagkakataon ay naroon ang presensiya nito sa buhay nila. In short, kilala niya mula pagkabata ang kanyang madrasta. Ang katotohanang ito ang papalit sa nanay niya sa puso ng ama ay napakasakit para sa kanya. Nang itira ng ama sa kanilang bahay ang asawa nitong kauli kasama ang dalawa nitong anak na sina Marsha at Hanna ay nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni Anastacia. Lumayas ang dalawa niyang kapatid na babae at naiwan siya sa ama. Ang mga dating kanya ay pilit na inaagaw ng step sisters niya ngunit pero sa huli ay siya pa rin ang lumilitaw na masama—dahil daw may motibo siya. Hindi raw siya sang-ayon sa mga nangyari kaya gumaganti siya, ayon sa bagong pamilya nito. At isang solusyon ang pumasok sa utak ng dalagitang si Anastacia—ang kunwaring makipagtanan at sumama sa Fine Arts student na si Carlo na nakilala lang niya nang araw na tinatakasan niya si Marsha. Tiyak na mapapansin na siya ng ama. Baka tuluyan na ring iwan nito si Tiya Rosa at mabuong muli ang kanyang pamilya. Ganoon nga kaya ang mangyari o sa halip ay lalo lamang masuong si Anastacia sa isang masalimuot na buhay? At si Carlo, paano niya aangkinin ang puso nitong pag-aari pala ng iba kung alam naman niyang simula pa lang ay pagpapanggap lang ang ‘deal’ na tinanguan nito sa kanya?
like