bc

Because the Heart Never Forgets

book_age18+
31
FOLLOW
1K
READ
pregnant
submissive
drama
tragedy
bxg
heavy
serious
disappearance
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Tila gumuho ang lahat kay Bernadette nang parang bulang mawala ang nobyong si Leandro Imperial. Nangako itong magbabalik ng Maynila upang ipakilala siya nang pormal sa pamilya nito. Ang sabi nito ay mamamanhikan na rin ito pagbalik at bibigyan siya ng isang magandang kasal. Labis ang kasiyahan nilang dalawa lalo pa at nagdadalantao na siya. Pero ilang araw na buhat nang magpunta ito sa Davao ay hindi pa rin ito nagbabalik. Hanggang ang mga araw ay naging taon at tuluyan na niyang hindi nakita ang lalaki.

Ang dating pag-ibig ay naging pagkasuklam na. Ang dating mga ngiti ay nahalinhan na ng ngitngit. Pero paano kung pagkalipas ng tatlong taon ay magbalik ang lalaki at magpakilala sa ibang katauhan, maniniwala ba siya? Kung ito nga ang asawa ni Mrs. Hasmin Raymundo, papayag ba siyang sumiping dito kapalit ng malaking halagang kailangan para sa operasyon ng kanyang anak na si Andrew?

chap-preview
Free preview
Prologue
MASIKIP sa dibdib ang pagpipigil ng emosyon at iyan ang kasalukuyang nadarama ni Bernadette. Ang akala niya, ang araw na iyon ang magiging simula ng isang magandang pagkakakilala sa pagitan niya at ng mga magulang ng kasintahang si Leandro. Maaga pa ay sinundo na siya ng nobyo upang ipakilala kay Mr. and Mrs. Imperial pero hindi nangyari ang bagay na iyon dahil nagmamadali diumano ang mga ito. Bahagya lang siyang tinanguan ng mag-asawa at agad nang iginiya sa isang tabi ang anak upang kausapin nang sarilinan. Nang magbalik si Leandro ay ipinaliwanag na lang nitong nagmamadali daw ang mga magulang. She was very disappointed. Hindi iyon ang una. Kung tutuusin ay ikatlong beses na iyon na tinangka ng nobyong kausapin ang mga magulang upang ipakilala siya. Hindi man tuwirang sinasabi, alam niya ang kahulugan ng mga kilos na iyon. Nagdudumilat ang katotohanang hindi siya gusto ng mga ito para sa anak, sa simpleng kadahilanang marahil ay hindi siya pasado sa pamantayan ng mga ito. "Love, I'm sorry. Siguro ay talagang hindi pa lang napapanahon para magkakilala kayo nina Mama at Papa," malungkot na sabi ni Leandro habang nakaakbay sa kanyang balikat. She looked up on him, trying to read what was in his mind. "Don't look at me like that," wika nito sabay pisil sa kanyang balikat. "Natatakot ako, Leandro..." "Sshhh, don't be. I promise, darating din ang araw na magkakakilala kayo. At 'pag nagkataon, tuluy-tuloy na ang mga plano natin. Magpapakasal tayo at bubuo ng sarili nating pamilya." Hinaplos ng nobyo ang kanyang mukha. Punung-puno ng pakiusap ang anyo nito. "Bakit hindi mo pa kasi amining ayaw sa akin ng mga magulang mo? Matatanggap ko naman—" "Hindi iyan totoo. Huwag kang nag-iisip ng kung anu-ano, okay." "But this is already the third time! Kung talagang hindi nila ako gusto, gaano na ba kahirap ang kausapin man lang ako bilang bisita? Hindi mo ba nakita kung paano nila ako tingnan kanina? Leandro, gumising ka nga! Ayaw sa akin ng mga magulang mo! Hindi nila ako gusto para sa'yo!" Tuluyan na siyang napaiyak. Kinabig siya ng lalaki at hinagkan sa ibabaw ng ulo. Siya naman ay gumanti ng mahigpit ding yakap dito. "Look at me," madamdamin nitong sabi saka itinaas ang kanyang mukha. "Mahal kita. Wala akong pakialam sa anumang sasabihin ng kahit sino laban sa'yo, kahit mangyari pang mga magulang ko ang mga taong iyon. I love you more than anything else, at ipinapangako ko sa iyo na hindi kita kailanman iiwan. Hindi kahit kailan, naiintindihan mo ba?" "Leandro..." "Mahal mo rin ba ako?" Hindi na niya napigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga pisngi. "Mahal na mahal ka namin ng anak mo," aniya habang nakatunghay sa mukha nito. Nagliwanag ang anyo ni Leandro. Ilang saglit na hindi nito alam ang sasabihin. "Totoo ang narinig mo. Buntis ako sa panganay natin," pagkokompirma niya sa unang sinabi. Hindi magkamayaw ang tuwa ni Leandro. Yumukod ito at agad siyang binuhat. Pagkatapos ay ginawaran siya nito ng isang malalim na halik. Siya naman ay nakuntentong tanggapin ang halik na iyon habang ang mga braso ay mahigpit na nakayakap sa leeg nito. Tama si Leandro, mahal siya nito at hindi siya kahit kailan iiwan ng lalaki. Panghahawakan niya ang pangakong iyon alang-alang sa kanilang magiging anak. HINDI alam ni Bernadette kung bakit pero sadyang napakabilis ng t***k ng kanyang puso. Nagdasal na siya ng ilang beses pero hindi pa rin naalis ang kaba niya. Natatakot siya sa isang bagay na hindi niya alam. Awtomatikong kumilos ang mga kamay niya at humaplos sa pipis pa niyang tiyan. Ang sabi ng doctor nang ipa-checkup siya ni Leandro ay mabuti naman daw ang lagay ng bata kaya hindi siguro iyon ang sanhi ng kanyang takot. Naisip niya si Leandro. Nasa Davao ito ngayon upang bisitahin ang isang sangay ng negosyo ng pamilya nito roon. Tatlong araw mananatili doon ang lalaki at agad ding magbabalik upang ipakilala siya sa mga magulang nito sa mismong araw ng anibersaryo ng kasal nina Mr. and Mrs. Imperial. Sana naman ay walang masamang mangyari dito. Punung-puno siya ng pag-asa sa huli nilang pag-uusap. Ipinangako rin kasi nitong pagdating ay aasikasuhin na nila ang tungkol sa kanilang kasal kaya naman wala na siyang inisip kundi ang pagdating ng araw na iyon. Bahagya siyang nagulat nang tumunog ang teleponong nasa isang panig ng sala. Humakbang siyang palapit roon at saka iyon sinagot. "Love!" Si Leandro. Ligtas naman daw ito at walang kahit anong problema sa Davao. Maayos din ang palakad ng manager ng sangay na naroon kaya wala naman daw dapat ikabahala ang papa nito. Nang itanong niya kung kailan ito uuwi ay hindi ito sumagot. "Love, may sorpresa ako para sa iyo! Sana magustuhan mo." "Kahit wala noon ay ayos lang. Basta umuwi ka nang ligtas, okay," tugon naman niya. Matapos nilang magpalitan ng mga sweet nothings ay nagpaalam na si Leandro. Nakangiti niyang ibinaba ang telepono. Nasa isip ang pangako nito ay pilit niyang kinalma ang sarili. Walang mangyayaring masama. Hindi mapapahamak si Leandro at lalong hindi nito magagawang tumalikod sa kanilang usapan. Iyon ang akala niya, dahil ang huli palang pagkikita nila ng lalaki ang siya na ring huling pagkakataon na makakapiling niya ito. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook