Chapter 1

1336 Words
Year 2015 HOW’S your day, son?” Sa halip na sumagot ay ipinagpatuloy lang ni Amere ang ginagawa. Nakaharap siya sa laptop at kasalukuyang gumagawa ng research tungkol sa distinct differences ng virus at bacteria. Noon pa man ay mahilig na siyang magsaliksik ng tungkol sa mga bagay-bagay. Well, as far as he could remember. Wala naman kasi siyang maraming alaala ng kaniyang kabataan. He was told that he was fourteen years old when he met an accident and since then, all his childhood memories had been erased. May mga pagkakataong pinipilit niyang alalahanin ang sarili bilang isang paslit pero kahit ano ang gawin ay wala talagang kahit isang eksenang pumapasok sa isip niya. “Hey!” bating muli ng ama sabay lapit sa kaniya. Ipinatong nito ang isang palad sa kaniyang kanang balikat. Napailing, bagaman nakangiti habang nakatingin sa laptop screen. “I don’t think that is related to your course, in any way,” biro nito. He was actually taking up Architectural Engineering. Ano nga naman ang kinalaman niyon sa virus at bacteria? “Dad, I’ve been trying to, but I really can’t. Wala akong maramdamang saya sa propesyong gusto mo para sa akin.” “Students with excellent performance like you, not to mention that you always get a flat one average, should not be saying things like that. Baka akalain nilang nagyayabang ka, hijo.” “You know that is not true, Dad. I’ve long wanted to be a scientist like you. Bakit ayaw mong sundan ko ang mga yapak mo? Ang ibang magulang diyan, tiyak na matutuwang makitang--” “Ang ibang magulang iyon, Amere. At hindi ako iba. I am your father and I want you to be an engineer.” “How about Chemical Engineering, at least?” “There you go again. Kailan ba matatapos ang diskusyon nating ito? Let me know if you don’t like FEU at ita-transfer kita sa ibang university. DLSU? Where do you want to study?” “That’s not the problem, Dad,” he said with a heavy sigh. “Nasa puso ko ang siyensiya. Mas gusto kong magsaliksik at mag-aral, mag-imbestiga...” “There is science in everything and you know that, hijo.” “And you also know what I exactly mean. I don’t enjoy constructions and planning.” “Soon, you will, okay? Give yourself some time and I promise, you will.” Niluwagan nito ang suot nitong necktie at saka tumalikod, bitbit ang suitcase nito. “Where’s your Tita Merylle? Dumating na ba siya?” he suddenly asked, pertaining to his second wife, not his mom, whom he had divorced almost three years ago. “Yes. She’ll be at the door in half a minute.” “What?” Napalingong muli sa kaniya ang ama. “Kung ano-ano ang mga pinagpapapanood mo kaya kung ano-ano rin ang pumapasok sa utak mo, Amerito.” “Ten...nine...eight...seven...” “Come on, son...” “Four...three...” “Is that some kind of a joke?” Tumawa ito ngunit agad na nabura ang ngiti nang bumukas ang pinto ng bahay at pumasok nga ang asawa nito. Lumapit at humalik sa pisngi nito, pagkuwa’y walang lingon-likod na pumanhik ng hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay. Not even a glance at Amere. Nang mapatingin sa ama ay napailing na lang siya habang ito naman ay tila nagtataka kung paano niyang nahulaang paparating ang asawa nito. It was not the first time it happened. It always does. Malayo pa ay alam na niya kung parating si Merylle dahil kabisado na niya ang perfume scent nito. Alam din niya kung anong oras ito saktong magbubukas ng pinto o kung anong oras ito lumalabas ng bahay. Hindi lang naman sa Tita Merylle niya; applicable iyon sa lahat. Sadyang malakas ang pakiramdam at pang-amoy niya. All of his senses, actually. Minsan na niya iyong sinabi sa ama pero hindi nito pinansin ang sinabi niya. Pinagtawanan lang nito iyon at ipinagwalang-bahala. Hindi niya malilimutan ang takbo ng pag-uusap nila nito ng araw na pinuntahan niya sa lab nito ang ama. “What are you doing here? Hindi ba at ilang ulit ko nang sinabi na off limits ka dito sa lab?” “Dad, look!” halos maiyak niyang sabi habang natatarantang ipinakita ang mga braso niya sa ama. “Ano ‘tong mga ‘to?!” Seryosong tiningnan ng ama ang mga iyon. Napansin niya ang paggagalaw ng Adam’s apple ni Luciano habang nakatunghay sa kaniyang mga braso. “Dad?” “What exactly do you see, son?” tanong nito na ikinapagtaka niya. “I’m not sure. Are these gills? Skin rashes or infections? Help me, Dad, please...” Kumikislap mula sa kapirasong sinag ng araw mula sa labas ng bintana ang tila kaliskis na bumabalot sa kaniyang balat. Ang nakapagtataka ay nawawala iyon sa sandaling ibiling niya ang mga braso. Maihahalintulad iyon sa isang bluish-silver reflecting post card na nagbabago ng kulay sa bawat galaw. Naramdaman niya ang pag-akbay ng ama, iginiya siya papunta sa high stool na nasa harap ng isang stainless dissecting table. Pinaupo roon at saka ito kumuha ng isang pabilog na salamin. “What do you see?” tanong nito sabay lapit ng salamin sa kaniyang mga braso. Napailing siya. “You don’t see anything, do you?” Hindi siya nakasagot pero nang muling tunghayan ang braso ay napahigit ng malalim na paghinga. “Am I going nuts? I still see the gills, Dad. Why don’t you?” “But you don’t see them in your arms’ reflections in the mirror, right?” Marahan siyang tumango. “It’s because the gills are not real, in the first place. You’re the only one who see them.” Amere unbelievably looked up on his father. He couldn’t be serious. “I am telling the truth, son; I don’t see anything wrong with your arms, and the mirror doesn’t see them, as well. They’re only in your mind and I guess, I have a good explanation for that so you don’t need to worry.” And that was the first time that his father told him everything about the accident he met when he was fourteen years old. According to him, all the extra-ordinary things that he used to see were mostly not true. They were just part of the hallucinations caused by a rare and an unknown condition which unfortunately he had. Mula noon ay may tableta nang laging ipinaiinom sa kaniya ang ama. Kung saan-saang doctor siya nito ipinatingin ngunit nanatiling ganoon ang resulta ng kaniyang mga test. Wala ni isang doctor ang tumukoy sa karamdaman niya. On the other hand, blessing in disguise na rin daw, sabi ng Mama Claudia niya. Dahil sa nangyari ay naipa-check up siya nang maaga at nakasiguro silang healthy naman ang katawan niya except for the hallucinations na naaagapan naman ng mga tableta. Wala siyang brain tumor o ano pa mang medical condition na posibleng related sa mga nararanasan niya kaya naman kumampante na rin sila kahit paano. Nang i-suggest ng mga ito ang psychiatry consultation ay doon na siya pumalag. “I’ll take the meds, but please spare me the psychiatry thing,” pakiusap niya sa mga ito, which they granted without hesitations. “Amere, did you here me, son?” Si Luciano habang inaayos nito ang pagkakatupi ng manggas sa bandang siko ng suot nitong long sleeves . Nakatunghay ito sa kaniya, kunot ang noong tila naghihintay. “I’m sorry. What’s that again?” “I was asking you about your medications. Do you regularly take it?” “Yes, Dad.” “Do you still experience any weird stuffs...something like before?” Gusto sana niyang ulitin dito ang tungkol sa napansin niyang kakaibang talas ng mga senses niya, gayundin ang mga panaginip na paulit-ulit na dumadalaw sa kaniya sa gabi, pero baka taasan lang nito ang dose ng iniinom niyang gamot. Hindi rin masasagot ang mga tanong sa isip niya. Useless. Umiling na lang siya at pasimpleng ngumiti dito to dismiss the topic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD