"PINAGPALA ka, anak, pero mayroon kang misyon na kailangang tuparin. Alamin mo kung ano ang misyong iyon, dahil nakasalalay doon ang kaligtasan ng sangkatauhan." Tila iyon echo na paulit-ulit na naririnig ni Amere. Hanggang makabalik siya sa tinutuluyang hotel ay iyon pa rin ang naiisip niya. Paano niyang malalaman ang kahulugan ng mga sinabi ng matandang iyon? Kung sana ay nakuha man lamang niya ang address kung saan ito nakatira, sana ay maaari niya itong mabalikan sa susunod na araw. Pero bigla na lang itong naglaho at ngayon, pakiwari niya ay maghahanap siya ng karayom sa gitna ng dayami. “Sir, kayo po si Mr. Amerito Alta?” Napayuko si Amere sa isang female hotel staff na nasa kaniyang harapan. Marahan siyang tumango rito. “The hotel manager wants to talk to you, Sir. He’s inside

