"MY UNCLE and aunt were in Buena Vista Hotel. Ibig bang sabihin nito ay hawak din sila ng Morgang iyon?” tanong ni Jeena na may pag-aalala. “May larawan ka ba nila?” Si Red. Tumango naman ang dalaga at mabilis na hinanap sa cellphone nito ang pictures ng mga kamag-anak. Nang makita ay iniabot ang cellphone sa kaharap na si Red. “Positive. I saw them.” “Ang sabi mo noon ay bumabalik ang mga Hydrons upang magsama ng iba pa. Doon din ba sila dinadala sa Sinugban?” “No. Alam nilang alam mo na ang tungkol doon, kaya gumawa sila ng isang panibagong underground laboratory at dito mismo sa Cebu ang lokasyon noon. What happened to Buena Vista was not a coincidence, Amere. Ikaw talaga ang pakay nila.” “Alam nila kung nasaan ako dahil sa iyo, hindi ba? I was right.” “Alam nila kung nasaan ka d

