PINASAKAY ni Amere sa harap ng kotse ang kasambahay ni Nathaniel Delgado at doon nila kinausap. Gayonman ay hindi raw ito maaaring magtagal dahil baka mapansin ng mag-asawa na wala ito sa loob ng bahay. “Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami sa pagtulong mo. Malaking bagay ito para sa kalutasan ng kasong iniimbestigahan namin,” panimula niya habang nakatingin kay Trining. “Now, let’s get straight to the point, okay. Alam mong ang babaeng natagpuan sa ilog ay ang anak nilang si Marissa, at hindi si Serah, tama ba?” Mabilis na tumango ang kasambahay. “May mga taong nag-udyok sa kanila para manahimik at hindi tumutol nang kunin ng mag-asawang Magno ang mga labi ni Marissa. Tama?” “Tama, tama!” mabilis nitong sabi habang bahagya pang nanginginig. “Kilala mo ba ang mga taong ito?” Umil

