ISANG malaking palaisipan para kay Amere ang nalaman buhat sa mga kaibigan ni Opah. Ano ang gagawin ng nobya sa Zamboanga at iyon ang kinuha nitong biyahe, samantalang ang alam ng mga kaibihan nito, maging ng ina nito ay sa Cebu ito pupunta nang araw na lumulan ito sa MV Express? Sino ang mga huling nakausap ni Opah bago ito bumiyahe? Ang mga bagay na iyon ang gumugulo ngayon sa isipan ni Amere. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaang wala na nga ito. Pakiramdam niya ay hindi totoo ang lahat. Tila iyon isang bangungot na hindi niya kayang tanggapin. Bakit pakiramdam niya ay buhay pa si Opah? Naririnig niya ang t***k ng puso nito bagaman mahina na iyon. Ilusyon lang ba niya ang bagay na iyon? Hangga't hindi niya nakikita ang mga labi ng dalaga ay hindi maniniwala ang puso niy

