I closed my eyes allowing the wind to wrap around my body. I started to shiver, but I ignore the coldness of the wind running down my spine. I wrapped my arms around me slowly as the wind becomes more intense. Tonight, something is going to happen.
Nakatitig ako sa kawalan sa gilid ng tulay. It is my last chance of living. I looked at my small fingers and feel them. Ang lamig at pawis ay naghalo sa kabang nanunuot sa aking kaloob-looban.
It was full moon, the soft grey clouds passing over it are making shadows. Napapikit ako at inalala ang mga pangyayari sa buhay ko. It feels like reminiscing before facing death. Maybe asking for forgiveness for all the wrongdoings I commit.
I was sheltered.
Simula noong ipinanganak ako ay hindi na ako pinapayagang makisalamuha at makipagkaibigan sa iba. Grade four ako noon at hindi ko maintindihan kung bakit at anong dahilan ng pagbabawal na iyon. I never asked though. Because even if I did, I will never understand the reason behind it.
“Pwede ba akong makiupo dito?” nahihiyang tanong ko sa isa sa mga kaklase ko sa loob ng classroom habang mahigpit ang kapit sa aking backpack.
Health break kasi namin ngayon at lahat ng upuan ay okupado. Ito lamang ang tanging bakante na maari akong maupo ngunit hindi ko alam kung posible ba iyon.
Nakita ko kung paano sila magbulungan at magtawanan ng mga kabarkada niya kahit nasa harapan lamang ako.
“Ah, eh, hindi ba mangkukulam ka? Baka kulamin mo kami eh,” sabay-sabay silang nagtawanan at iilan pang panunukso ang narinig ko.
Hindi ito ang unang beses na narinig ko iyon kung kaya’t medyo nasasanay na ako.
Galing kaming probinsiya. Taun-taon ay lumilipat kami ng tirahan dahil sa hinahabol kami ng mga pinagkakautangan ni papa. Aniya ay kailangan naming lumipat ng ibang lugar nang sa gayon ay hindi kami singilin dahil wala kaming pambayad. Kung kaya naman, ay lumaki akong walang kaibigan o kakilala sa mga bawat lugar na pinupuntahan.
Nakatitig ako sa salamin. Gamit ang suklay na hawak ko ay marahan ko iyong inilandas sa aking maitim at mahabang buhok.
“Mama, pwede po ba akong magpagupit ng buhok?”
Lumingon ako sa aking ina na nakaupo hindi kalayuan sa akin. Napatigil siya sa pananahi at may ngiti sa labing sumulyap sa akin.
“Bakit? Bagay naman sa’yo ang mahaba mong buhok ah?”
Gusto kong sabihin na “hindi”. Ito kasi ito sa mga dahilan ng mga kaklase ko kung bakit ako tinatawag na mangkukulam. Namana ko kasi ang maitim at mahabang buhok sa aking ina, samahan pa ng bibilugin kong itim na mga mata.
Nagpatuloy ako sa pagsusuklay at hindi na sinagot ang balik-tanong niya sa akin.
Maya-maya pa ay narinig ko ang pagtigil ng tumba-tumba at ang iilang yabag papunta sa kinatatayuan ko.
Gamit ang repleksyon sa salamin ay dinungaw niya ako roon at kinuha ang suklay sa akin.
“Tinawag ka na naman bang magkukulam ng mga kaklase mo?” tanong niya na mabilis ko namang tinanguan.
“Walang may gustong makipagkaibigan sa akin mama. Mukha kasi akong mangkukulam dahil ng buhok ko.”
Suminghap si mama at nagpatuloy sa pagsusuklay sa aking buhok.
“Anak, hindi sukatan ang pagkakaroon ng ibang anyo para mahalin o tratuhin ka ng tama. Hindi ba at sinabi ko rin sayong huwag kang makikipagkaibigan sa kahit na sino? Baka makilala ka at sundan ulit tayo ng pinagkakautangan ng papa mo”
Dahan-dahan ay humarap ako sa kaniya. Nabitin sa ere ang kamay niya na ipagsusuklay sana sa akin kaya ibinaba niya iyon sa kanyang gilid at tumitig sa akin, nang may ngiti sa labi.
She really looks like me. Her waist was tapered and she has a porcelain complexion. A pair of arched eyebrows looked down on sweeping eyelashes. Her enticing, dark black eyes gazed over her heart shaped lips matched her long black hair at the back. She’s a true definition of perfect. Kung hindi lamang ako nalulungkot ngayon ay sasabihin ko ang mga ito sa kaniya.
“Mama, hanggang kailan ba tayo magtatago? Pupwede naman po akong magtrabaho pagkahigh-school para makatulong sa inyo ni papa.”
Umiling siya sa akin at gamit ang dalawang kamay ay hinawakan ako sa pisngi.
I closed my eyes and feel the heat of her hands.
“Hindi na kailangan anak. May malaking perang makukuha ang papa mo sa katapusan. Konting tiis nalang anak.”
Naniwala ako sa mga sinabi ni mama. Kaya naman kahit madalas akong pagtawanan sa school at minsan pa ay tinatapunan ng kung anu-ano ay binabalewala ko nalang. Inisip ko na darating din ang araw na aalis kami sa lugar na ito at maninirahan sa ibang bayan na hindi kailangang magtago at mamumuhay ng payapa.
“Ang cute mo naman little butterfly pero bakit putol ang mga pakpak mo?”
Papasok ako ng aming bahay nang makakita ako ng isang asul na paru-paro. Kagagaling ko lamang sa paaralan at simula noong walang gustong makipagkaibigan sa akin roon ay natuto akong makipag-usap sa mga hayop sa paligid ng aming bahay. Hindi ko ito ginagawa sa school kasi alam kong uulanin na naman ako ng tukso kapag nalaman nilang nakikipag-usap ako sa mga hayop.
Ilang segundo ay bigla itong lumipad hindi kalayuan. Mabilis kong nakita ang pagbagsak nito sa lupa dahil sa putol na pakpak.
Tumakbo ako papalapit at hinawakan ko ito sa aking mga kamay.
“Kung sana marunong akong gamutin ang mga hayop na katulad mo edi sana nakakalipad ka na ngayon.”
Hinaplos ko nang dahan-dahan ang pakpak ng paru-paro. Iniisip ko kung saan ko ito maaaring ilibing kasi mukhang nanghihina na siya batay pa lamang sa mabagal na paghampay ng kaniyang mga asul na pakpak.
“Alam ko na! Ililibing kita sa likod ng bahay namin! Marami doong bulaklak at magugustuhan mo ang paligid,” masaya ko itong sinasabi habang unti-unti ko paring hinahaplos ang kaniyang pakpak.
“Aray! Bakit naman napakatalas ng pakpak mo?”
Nakita ko kasi ang kaunting dugo sa aking gitnang daliri nang mahawakan ko ang dulo ng pakpak nito. Pinahid ko iyon sa aking uniform at nagpatuloy sa paghaplos.
“Alam mo, sana naging paru-paro nalang ako. Para tanging paglipad lang ang poproblemahin ko.”
Nakatitig ako sa kawalan habang sinasabi iyon.
Nakakainggit. Hindi ko alam kung normal ba ang makaramdam ng ganito pero nanghihinayang ako sa buhay na gusto ko sanang mayroon ako. Nangangarap akong dumating yung araw na magiging malaya akong magdesisyon para sa sarili ko nang sa gayon ay makahanap ako ng kaibigan.
Naputol bigla ang pag-iisip ko nang unti-unti kong maramdaman ang paggalaw ng paru-paro na hawak ko. Napalingon ako doon at nagulat ng makita kong buo na ang mga pakpak nito! Napasigaw ako sa gulat at kakaibang saya at pagkamangha ang aking naramdaman!
“Hala! Ang galing! Paano nangyari na nabuo ang pakpak mo?”
Doon ay narinig ko ang pagtunog ng pinto at ang paglabas ni papa.
“Anong nangyari anak? Ayos ka lang ba?”
Mabilis na dumapo ang mga mata niya sa paru-paro na hawak ko. Nakitaan ko iyon ng pagtataka kaya naman ay umimik ako.
“Papa, nakita ko itong paru-paro kanina na lumilipad at putol ang pakpak! Hindi ko alam kung paanong nangyari pero naging okay na siya ngayon!” masayang masaya akong nagsasalita nang marinig ko ulit ang pagbukas ng pinto at paglabas ni mama.
“Anong sinabi mo Ember?” tanong ni mama at dali-daling lumapit sa akin.
“Putol po ang pakpak niya kanina mama. Nakita ko siya ditong lumilipad sa labas ng bahay natin.”
Tinitigan ko saglit ang paru-paro na hawak ko ngayon nang bigla itong lumipad papalayo sa amin. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Balak ko pa sana itong itago at alagaan sa aking kwarto.
Sinundan ko ng tingin ang paglipad nito ngunit hinila ako papasok ni mama sa loob ng bahay. Nakita ko pa ang aligagang pagsulyap niya sa labas bago tuluyang sinaraduhan ang pinto. Nagkatitigan sila ni papa.
“How did you do it Ember? Paano mo nagawang ayusin ang pakpak niya?” tanong ni papa na sumaglit ng tingin sa akin bago lumapit kay mama.
Nagtaka ako sa kakaibang kilos nila. Hindi ba ay dapat masaya sila na nagamot ko ang mga pakpak nito?
“Hinaplos ko lang po ang mga pakpak niya gamit ang mga daliri ko,” napalingon ako sa daliri ko na may kaunti pang bakas ng dugo dahil sa matalas na pakpak ng paru-paro.
Narinig ko ang nagmamadaling yabag papalapit sa akin ni mama at dagling kinuha ang kamay ko. Nakita ko saglit ang pagdapo ng mga mata niya sa daliri ko at pagkatapos ay tumitig sa aking mga mata.
“Huwag mo na ulit gagawin iyon. Maliwanag ba Ember?”
May kakaibang takot akong nakitang gumuhit sa mga mata ni mama.
Tumango ako sa kaniya at nilingon si papa na nakatitig sa kawalan.
Kaya naman kinabukasan ay nagpasya silang lumipat ulit kami ng tirahan. Kahit nagtataka ay sumunod ako sa kanilang gusto nang hindi nagtatanong at nagsasalita.
Para akong napagkaitan ng pagkakataon. Pagkakataon na magkaroon ng kaibigan na hindi ko mahanap sa mga batang kaedad ko na sana ay kalaro at kausap sa mga sandaling ganito. Kaibigan na akala ko ay mahahanap ko man lang sa mga hayop na nakakasalamuha ko sa mundong ito.
Akala ko iyon na ang huling pangyayari na mawawalan ako ng tsansang makisalamuha kanino man. Ngunit nagkakamali ako. Dahil ngayon ay nakatitig ako sa batang babae na hawak ni mama. Yakap niya ito sa kaniyang mga bisig at kitang kita ko ang maliliit niyang mga kamay.
“Halika Ember. Tignan mo ang kapatid mo.”
Lumapit ako kay mama at yumuko ng kaunti. Pinagmasdan ko ang mukha ng aking kapatid at hinaplos ang kaniyang mga mata na ngayon ay nakapikit. Pulang-pula ang mga labi niya na nakanguso ng kaunti.
Maya-maya pa ay nakita ko ang paglapit ni papa. Nakatitig siya sa aking kapatid at ng makalapit ay umakbay siya sa akin.
“Baka gusto mo siyang bigyan ng pangalan Ember.”
I am smiling at my deepest heart while staring at my sister. I promise to this day forward, no one will harm you. You will never feel unloved and neglected.
“Esther,” sambit ko at nilingon si mama na nakatitig din pala sa akin at may luha sa mga mata.
Tumango siya sa akin at binigkas ulit ang pangalan ng aking kapatid. “Esther Elisa Eliares.”
Tatlong taon.
Tatlong taon na din kaming nakatigil sa lugar kung nasaan kami ngayon.
Grade seven na ako sa aming paaralan. Simula kasi ng nanganak si mama kay Esther ay minabuti nila ni papa na tumigil sa palipat-lipat na lugar dahil makakasama sa aking kapatid ang paiba-iba ng paligid at panahon. Wala din kaming naging problema sa nakalipas na mga taon. Mabilis na nakapaghanap ng trabaho si papa na malaking tulong sa araw-araw lalo pa at lumalaki na si Esther.
Naglalakad ako ngayon papauwi sa bahay. May hawak akong pasalubong sa aking kapatid na lagi niyang hinihingi sa tuwing umuuwi ako. Hawak ang biniling stuffed toy na Snow White ay masaya akong naglakad sa kadiliman ng daan patungo sa aming lote.
Dahan-dahan akong naglakad nang matapatan ko ang bahay ng isa sa mga kaklase ko na si Danilo na lagi akong hinahawakan at minamanyak. Nakita ko siyang nagsisigarilyo at may kausap sa cellphone sa labas ng bahay nila.
Pinagdasal ko na sana ay hindi niya ako nakita. Madilim naman at hindi niya siguro ako mapapansin.
Ngunit doon ako nagkakamali. Dahil ng natapos siyang makipag-usap sa katawagan niya ay napalingon siya sa aking gawi.
Nakita ko ang mala-demonyo niyang ngisi at ang pagpihit ng katawan niya para makalapit sa akin.
“Aba! Kapag sinuswerte nga naman ako, oo. Balak ko na sana matulog eh. Kaso ‘wag nalang mamaya nalang kapag nakakiss na ako sayo Ember.”
Nagtindigan ang mga balahibo ko at walang isip na mabilisang tumakbo papalayo sa kanya. Narinig ko siyang parang asong umalulong at tumakbo din papalapit sa akin. Dahil sa mabilis kong takbo ay nabitawan ko ang stuffed toy na hawak ko. Gusto ko sana itong balikan at kuhanin nang makita kong malapit na akong maabutan ni Danilo.
Nang makakita ng isang eskinita ay pumasok ako at doon tumigil.
My heart is beating so fast.
Ito ang unang pagkakataon na natakot ako ng sobra. Pinakinggan ko ng mabuti ang paligid, natatakot na baka maabutan ako at kung ano pa ang mangyari sa akin. Gamit ang kanang kamay ay itinapat ko ito sa aking dibdib at hindi na napigilang umiyak.
Sabay-sabay na tumulo ang luha ko sa aking pisngi.
I’m crying not because someone chased me or tried to scare me. I’m crying because I lost the stuffed toy that supposedly my gift to my sister. Mas lalo akong napaiyak nang mapagtanto iyon. Ilang araw akong nag-ipon para makabili noon pero ilang saglit lang ito dumapo sa’king mga kamay and worst ni hindi man lang ito nakita ng kapatid ko.
I’m not anymore invisible to my classmates; boy classmates to be exact. Lagi nila akong pinapansin dahil sa aking mukha. Nagmature na kasi ang ilang features sa aking katawan lalo na sa bandang mukha. Mas kumurba ang aking mga pilik-mata at lalong umitim ang aking mga mata. Maganda rin ang pagkakahubog sa akin ng aking mga labi dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ring makipagkaibigan sa akin ng mga kaklase kong babae sa pag-aakala na gusto ko silang lamangan kahit na hindi naman.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na mayroon na akong iilang kaibigang lalaki o malulungkot dahil sa kakaibang kilos na ipinapakita ng mga ito sa akin.
I cried more.
Napatigil lamang ako nang makaramdam ng presensiya sa aking gilid.
Doon ay nakita ko ang isang lalaki na prenteng nakasandal sa gilid ng eskinita kung nasaan ako ngayon at nakatitig sa akin.
Nagulat ako at napaestatwa. Akala ko kasi ay si Danilo iyon pero napagtanto kong iba itong lalaki dahil sa katawan na mayroon ito.
“Sino ka?” nanginginig kong tanong dahil nakita ko siyang unti-unting lumapit sa akin.
He towered me and without any second, he raised his hand to touch my face. Naramdaman ko ang gaspang ng kaniyang kamay. Unti-unti ay marahan niyang ginamit ang hinlalaking daliri upang ilapit ito sa aking mata, wiping something under it. When he raised it, I saw a liquid, realizing it’s my tears. His jaw clenched.
“Why do people cry over petty things?” tanong niya.
“Hindi ako umiiyak.”
Sabay kaming napatingin sa daliri niyang basa pa dahil sa luha ko.
I heard him chuckled a bit.
Napakagat tuloy ako ng labi ko at marahang pinahid ang basang pisngi gamit ang mga kamay.
“Sino ka ba bakit nandito ka?”
“I am your guardian angel. You see, you’re safe now.”
I remained silent.
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi naman ako sanay makipag-usap sa ibang tao. Ito ang unang beses na may kumausap sa akin at nakakapanibago iyon.
He then takes a long breath at lumapit pa lalo sa akin.
Sa kakarampot na liwanag ay nakita ko ang kaniyang mukha. He has defined cheekbones and a concrete jaw. His rover-blue eyes speaks of his stoic personality. The night even it is dark, didn’t hinder to show his masculinity in his shoulders and arms. His lips curved perfectly and wait…… dugo ba ang nakikita ko sa bandang labi niya?
“Ahh hindi ko alam kung dugo ba ‘yang nasa labi mo pero--” bitin kong sabi dahil gusto kong kumpirmahin kung tama ba ang nakikita ko.
Kung dugo nga iyon, paano at saan naman iyon nanggaling?
Nakita kong umangat ng kaunti ang labi niya. He then towered me and whispered near my ears.
“Can you wipe it then?”
I gasped at the horror of wiping the blood near his lips.
Para akong natameme at sa ilan pang segundo ay naisipan kong tumalikod at tumakbo papalayo sa kaniya.
Hindi pa ‘man nakakalayo ay naramdaman ko ang marahang kamay na humaplos sa aking braso, pinipigilan akong umabante.
Napalingon ako sa lalaki at tumigil sa pagtakbo.
“Bitiwan mo ako, hindi ko ‘yan pupunasan! In your dreams!”
I heard him laugh a bit and the suddenly moved his hands.
“You left something”
Napanganga akong tinitigan ang hawak niya.
It’s the Snow White stuffed toy!
Bigla ay nakaramdam ako ng saya at pagtataka kung paano niya iyon nakuha. Binalewala ko ang iniisip na iyon at nilingon siyang muli na nakatitig sa mga labi kong kumukurba. Napatingin din tuloy ako sa labi niya na ngayon ay malinis na at walang mantsa ng kahit na anong dugo na nakita ko kanina.
Siguro ay guni-guni ko lamang iyon.
Hinablot ko ang stuffed toy mula sa kamay niya at tumakbo na papalayo.
Ang tanging naisip ko papauwi sa bahay ay maibibigay ko na sa kapatid ko ang binili kong pasalubong sa kanya at ang hindi ko makalimutang pakiramdam na may bagong nakausap. Hindi ko ‘man nalaman ang pangalan noong lalaki ay gumaan ang pakiramdam ko sa konting minuto na iyon.
Pagkadating ko sa bahay ay minabuti kong sarilinin ang pangyayari kanina dahil natatakot akong mapagalitan na nakipag-usap ako sa iba. Binigay ko lamang kay Esther ang dala kong stuffed toy at nahiga na sa kwarto pagkatapos.