Eight years.
It’s been eight years since that tragedy happened. At sa walong taon ay walang araw ang lumipas na inalala ko ang mga oras na kasama ang aking mga magulang.
We were left alone.
Sa tuwing naaalala ko ang nakaraan, gusto ko na lamang maglaho at mawala na parang bula. Life has been hard since then.
Hawak ang kwintas na nasa aking leeg ay tinitigan ko ang madilim na karagatan. This is one of the items I’ve got recovered from our old house. Nakita ko ito sa loob ng isang kahon na may nakalagay na “For Ember”. May nakaukit sa pendant na simbolo ng isang bulaklak na may limang bilog na nakapalibot dito.
Ni minsan ay hindi ko ito inalis sa aking katawan para sa paraang ito ay maramdaman ko ang presensiya ng aking mga magulang. But right now, I want to remove and secure this necklace before I jumped off this bridge.
Bigla ay naalala ko tuloy ang pangyayari kanina.
Pinaalis ako sa aking pinagtatrabahuhan. Isa akong waitress sa kilalang restaurant dito sa aming lugar. Aksidente ko kasing natapunan ang customer ng mainit na sabaw. At dahil kilala itong restaurant na ito, isang pagkakamali lamang ay paaalisin na sa dami ng nakaabang na aplikante. I lost my scholarship too. Namomroblema tuloy ako ngayon kung paano ko pag-aaralin ang aking kapatid na ngayon ay nasa ikapitong baitang na. Wala kaming pera at mas lalong baon na ako sa utang at hindi ko na alam kung saan kukuha ng pagkakakitaan. So now, I just want to disappear, under the moonlight above me.
I wiped the tears coming down my cheeks then slowly, I removed the necklace.
Bigla ay nakaramdam ako ng lamig sa aking katawan na parang hindi ko inalintana kanina. Sa pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang isang uwak na dumaan sa aking itaas. Yumuko ako ng kaunti sa takot na mahagip ako nito at mahulog sa bangin.
The horror of the wild waves from the ocean scares me.
Doon ay napagtanto ko na kahit nandito ako ngayon sa tulay, ay ayaw ko parin palang mamatay.
“Aren’t you going to jump?”
Napapitlag ako sa boses na narinig.
The night isn’t dull. With the light from the moon, I looked around and see a man with a black cloak beside me. Nakatingin siya sa kawalan at hindi masinagan ng buwan ang kaniyang mukha. His cloak was long enough to graze the ground behind him and cover his face.
“Sino ka?” tanong ko at inaayos ang sarili sa pagkakayuko.
Lumingon siya sa akin. He has blue eyes that’s staring at me.
“I am waiting you to jump off this bridge for few minutes now. Changed of mind?”
“Sino ka ba at bakit ganyan ang soot mo?” tanong ko habang nilalagay sa bulsa ang kwintas na inalis ko kanina. I saw him followed the movement of my hands inside my pocket. His jaw clenched.
Talking to this strange man scares me a little. Lalo pa at nakasoot ito ng napakahabang itim na hood.
Lumapit siya ng bahagya sa akin. He touched my face and wiped something under my eyes.
“Why do people cry over petty things?” he asked.
Napatitig ako sa kamay niyang may sarili kong luha. Why do I feel like someone asked me that years ago? Pero hindi ko na maalala kung saan at kailan.
“Hindi iyon maliit na bagay lang. At hindi mo alam ang sinasabi mo.”
Marahas kong inalis ang kamay niya sa aking mukha. He laughed a little then look again at the dark ocean in front of us.
“Look at you. You're overly troubled with the extent of killing yourself."
"Hindi mo alam ang pinagdaraanan ko," I spat to him angrily.
He then chuckled sexily that reached my ears.
"Oh. I know. Kaya ka nga nandito hindi ba? You want to kill yourself."
"Mahirap lang kami! Wala na akong mga magulang at may kapatid akong nag-aaral din! Natanggal ako sa trabaho at wala na akong scholarship! Do you really want me to enumerate all my problems right now?!" sunod-sunod ko iyong sinabi nang pasigaw.
Ngayon ko napagtanto na napakadami ko pala talagang kailangang asikasuhin at gawin para malagpasan ang mga problema ko. Kailangan kong makahanap ng trabaho para may pangtus-tos ako sa aming dalawa ng kapatid ko. I also need to find and beg for scholarship!
I feel like crying again. Ni hindi ko pa napoproseso ang mga bagay na kailangan kong unahin nang sunod-sunod at mabibilis nang pumatak ang mga luha ko ulit. He looked shocked. Gamit ang natitirang espasyo ay lumapit siya sa akin at pinahid ang mga luhang tumutulo sa aking mukha. I felt relieved. That somehow, even with this stranger, I can burst out all my complaints in life. Na sa tagal na palang panahon na hindi ako nagrereklamo sa kung ano ang nangyayari sa akin, ngayon ay nagagawa ko ito... sa harap ng taong hindi ko kilala.
"I can give you a luxurious life. It is yours to design. Name it,” he glanced back at me, advancing more until he’s closely enough to touch my waist, inserting a hand on my pocket. “I’ll give you a better home, you can travel too and your life is simply what you make it.”
Ilang minuto akong nakatitig sa mga mata niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang kamay sa loob ng aking bulsa pero para akong estatwa na hinayaan lamang siya. Sa mabilis na paraan ay umayos siya ng tayo sa aking harapan, putting his hands behind him.
Pilit ko pinoproseso ang lahat. He can give me a better home... for us. Doon palang ay parang gusto ko nang um-oo dahil sa maliit na bahay ay pinagkakasya ko ang aming sarili. Naisip ko na makatutulong ito sa pag-aaral ko at para na rin sa kapatid ko.
“Anong kapalit?”
Hindi niya ako kilala. Kahit pangalan ko ay hindi niya alam. I didn’t know him too but it is easy for him to offer me that kind of thing!
Nakita ko ang labi niyang kumurba. May mabilisang guhit ng kasiyahan ang dumaan sa kaniyang mga mata. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at marahang bumulong. His soft lips suddenly touched my ears.
“Marry me. Live on my terms and I’ll give you the world.”
Unang dumaan sa aking isipan ang aking kapatid. Mga panahong wala kaming makain sa tuwing natatanggal ako sa trabaho. Sunod ay ang pag-aaral ko. Wala na akong scholarship at hindi ko alam kung paano ko ito ipagpapatuloy. At itong lalaking ito, mapagkakatiwalaan ko ba siya? He isn’t that bad I think. Kasi kung oo, ay kanina niya pa kong tinulak sa bangin na ito.
Napabuntong-hininga ako. If money is the root of all evil, then maybe I am an evil.
“Sige,” marahan kong sinabi.
“Give me your hand”
Parang nahipnotismo ay unti-unti kong inilahad ang aking kamay sa kaniyang harap nang makita ko ang mabilis na pag-iiba ng kulay ng sarili niyang mga mata. Naging kulay parang dugo ito at animo’y nag-aalab.
I gasped in horror then suddenly closed my eyes.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa mga mata niya ay kulay asul ito. Napailing ako. Maybe I’m hallucinating things.
I immediately go back to my senses when I saw him touched my palm and put something in there.
“Meet me tomorrow at this restaurant. We’ll talk about my terms and some rules before we got married.”
I nodded at him. He then jumped on the road and offer his hand at me.
Sa nanginginig na kamay ay tinanggap ko ito at bumaba na rin.
“See you then,” he said then licked his lower lips.
“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”
He smiled at me before saying his name.
“Lucien”
I smiled.
At least I know the name of the man I will marry few days from now.