Naluto ang pagkain namin dalawa nang hindi niya binibitiwan ang kamay ko. Hinila ko siya pabalik sa sasakyan niya. Nag-drive siya papunta sa lugar kung saan niya ako huling dinala noon. The overlooking cliff with the city lights. He opened the back of his truck so we can sit there. Nawiwirduhan pa rin niya na tinitingnan ang mga pagkain na binili namin dalawa roon. Kumunot ang noo ko sa isaw na nasa kamay niya. Pinakita niya rin ang tokneneng na nasa baso. “I know these two. I saw them on the movies,” sabi ni Cairo at tinusok ang mga fishball at kikiam. Walang arte niyang kinain iyon. Kumain na lamang din ako. Napakalamig ng simoy ng hangin. Sa kamay niya ay isang stick ng isaw na sinusuri pa niya. He looked like a little bit conflicted if he will eat it or not. “What’s

