“Ano ang pinagsasasabi mo kanina?” tanong ko kay Cairo. “What?” pagbabalik ng tanong niya sa akin. Tiningnan niya ako na parang wala siyang sinabi kanina. He shrugged and continued reading some business magazine while we’re at the lobby of the executive office. Nagkaroon kami ng kaunting breaktime dahil kinausap ni Madame ng pribado ang coordinator. “Ikaw ang sumagot para sa akin kanina.” sabi ko pa. Sinara ni Cairo ang magazine at ngumisi sa akin. Nakuha ko na ang buo niyang atensiyon. “Oh, ano naman ngayon? Totoo naman na magkaibigan lang kayo ng kapatid ko, ah? Do not tell me you are already in a relationship?” tanong niya sa akin. Mabilis ako na umiling para putulin ang kung anumang nasa isipan niya. “Never kami na magiging mas higit sa kaibigan ni Paris. I only see him a

