Umuwi din si Cairo matapos iyon. Tinanaw naming siya ni Kuya Nial palabas sa gate. Nang mawala ang sasakyan niya, tinulak ako ni Kuya Nial at ngumisi siya. “Ano ba?” naiiritang tanong ko. May ngisi si Kuya at nilapit ang mukha sa akin na parang sinusuri ako. Nawiwirduhan ko siya tiningnan. “Huy, pangit…” sabi ni Kuya, “Boyfriend mo ba ‘yang si Cairo?” tanong niya pa. Laglag ang panga ko at nagawang batukan si Kuya Nial. Inakbayan naman niya ako. “Alam mo Kuya, kung hindi lang kita kilala. Iisipin ko na adik ka. Okay ka lang?” sarcastic na tanong ko. Tumawa si Kuya at naglakad na kami papasok. “Sabagay,” kibit balikat niya at nilingon ako, “Eh, hindi ka naman kagandahan kaya imposible na magugustuhan ka ni Cairo.” biro ni Kuya. Umirap ako at iniwan na si Kuya Nial. Bakit ba

