“What?” tanong ni Cairo sa akin. Hindi makapaniwala ang tono niya. May kaunting kaguluhan sa kaniyang ekspresiyon. Lumunok ako at tiningnan siya ng diretso. Gusto ko na linawin ang lahat ng mayroon sa pagitan namin. We talked over the phone, sinusundo niya ako and he even took me to his secret place. Gusto ko lamang malaman na hindi niya ginagawa ang mga sinasabi ni Paris. Wala ako’ng plano na magkagusto sa kaniya. “You thought that I am hitting on you?” tanong niya pa, umayos na sa kaniyang pagkakaupo. Huminga ako nang malalim at nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Paris told me that you have this reputation of being like this to girls—” Naputol ang sasabihin ko. He laughed very offended. May kung ano’ng pagkakainsulto ang nakasulat sa kaniyang mukha. “Oh, Really?” tanong niya.

