Teaser:
Naglakad na ako sa gilid niya para makaalis na. Nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso kaya napatingin ako sa kanya. Napakunot ako ng noo dahil sa ginawa niya.
"Do you know me?" seryosong tanong niya. 'Yung tatlong gossip girls nga di ko nga kilala, siya pa kaya.'
Sinubo ko yung cupcakes buong-buo at nginuya ko sabay lunok. "Pasensya lalaking mukhang babae, hindi kita kilala, ang alam ko lang, ikaw yung lalaking papampam kahapon. Kaya kung pwede lang bitawan mo ako" tangal ko sa kamay nya. Inalis nya rin naman kaya naglakad na ako palayo.
"Twilight Sky Smith!" napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.
"Kilala mo ko?" turo ko sa sarili ko. Pero nakatingin lang sya. 'sasagot na lang ng oo o hindi. Ayaw pa!'
"As Assassin Princess. Yes!" nakita ko ang masamang tingin nya sa akin kaya napaatras ako. 'Paano-?'
"I-Ikaw" turo ko sa kanya. 'Siya yung napag-tripan kong number sa text?. Siya yung Mafia Prince? Siya yun?!'
"I'm happy to see you in this close-up" lapit niya sa mukha ko. "A-Are you ready to die?" napaatras ako sa kanya. Nang may maapakan akong matigas na bagay at ikinakirot ng papagaling ko palang na endured. Napayuko ako at nakita ko ang isang bato. 'Tangang bato, dun puwesto'
Napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko, kaya napahawak ako sa hita ko. 'Arayy!' Pagkadilat ko, nakita ko lang siyang nakatingin. 'Seryoso ba talaga siya?. Pero mukha naman eh!' Nakatingin sya sa hita ko at umatras. 'Bwisit!'
"You want to die now or run while I give you a chance?. Choose one?" sabi nya.
"Anong akala mo sa akin? duwag?! Tss!." tingin niya halatang naghihintay pa siya ng sagot ko.
"Syempre. tatakbo muna ako." kung biro lang 'to para sa kanya sa akin hindi. Masakit lang talaga ang hita at 'tong paa ko kaya hindi muna ngayon.
"Pero pag-nagkita uli tayo, I will make sure lalaban ako. Lalaking mukhang babae!" banta ko sa kanya.
------
THE MAFIA ASSASSIN
(PRINCE AND PRINCESS)
by: ELAINAH/Elly M.E (@IAmElainah)
©2015
First Update: August 4, 2015
Last Update: March 20, 2016
(edited: June 22, 2020 - August 18 ,2020)
#DON'TCOPY
#TMAPaP #2015
××PLAGIARISM IS A CRIME××
====================
_All Right Reserved_
No part of this book may be reproduced or copied in any means without written permission of Author.
All Names, characters, place, event are product of Author's imaginations.
====================
A/N: Hi! Guys! Salamat sa pagbabasa!? May gusto muna akong sabihin sa'yo bago ka magtuloy-tuloy sa pagbabasa. Sana nga ituloy mo at pagtyagaan mo ang storyang ginagawa ko. Sorry na agad sa typos, wrong grammar at kung anu-ano pa. Haha! Enjoy Reading!!
Edited na po 'tong PART 1, opo nga po, may PART 2 po (Ansabe bat may part 2? Haha!). Yung part 2 po HINDI ko pa po na-eedit. Update na lang po kita pag-updated na. Haha! Pero salamat na kung ipagpapatuloy mo pa rin ang pagbabasa. Thank you, thank you!.
===ELAINAH M.E===