Chapter 1:
Twilight Sky's POV
NAKAHARAP ako ngayon sa salamin para makita kung ayos ang pagkakaayos ng buhok at ang malaking bag na buhat ko sa likuran ko.
Ilang araw na lang mag papasukan na naman. Kaya sobrang excited na ako sa pag-akyat sa bundok kasama nang dalawa kaibigan ko. Kasi last na to at sa next summer na naman uli ang adventure namin.
Napatingin ako sa pagkakaayos ko at okey na okey naman. Inayos ko ang pag-kakaayos ng sumbero ko sa ulo ko.
"Yes! Gogora na!" thumbs up ko pa sa harap ng salamin habang naka-wink pa. Naglakad na ako palabas ng kwarto ko para hintayin sa labas ng bahay sila Jacob at Homer.
Pagkalabas ko sa kwarto ko ay sumara nang kusa yung pinto ko. Yung parang sa mga movie na kailangan may password at yung handprint ko yung password. Ayun ang pinto ko. Sosyal no?. Regalo lang daw yan ni Tito Duke kay Tatay.
I went down the stairs, para hintayin sila Jacob at Homer. Lumabas na rin ako nang gate, wala kaming kasambahay na stay-in, hindi ko rin alam kung bakit? but meron naman pumupunta sa bahay para maglinis.
By the way, My name is Twilight Sky Mendez Smith, I'm 20 years old. And this coming school year, fourth year college na ako. I'm not just smart but I'm thinking wisely than just to be a smart person.
May huminto sa harapan ko ang van na kulay puti.
"Cat!" Tawag sa akin ni Homer. Kasi naman disgrasyada daw akong babae. I mean, laging nadidisgrasya but ito buhay pa rin kahit na ilang beses nang laging napapahamak ang buhay ko. Sumasama pa rin ako sa kanilang mag-adventure because I love adventures. Lalo na kung silang dalawa ang kasama ko, panatag ang loob ko.
I smiled at him. Nakita ko naman ang paglabas ng ulo ni Jacob sa may bintana ng sasakyan. "Uy! Bella" Tawag naman sa akin ni Jacob. 'I'm Twilight not Bella. Tss! Not thinking!'. Minsan sinasabihan niya akong slow daw ako. Eh! siya nga hindi nag-iisip.
"Oh! Hello! Cat!" 'Kaninong inipit na boses na yun? papatayin ko? hays!.'
Nawala ang mga ngiti ko na kanina nang makita ko sila Jacob at Homer, para tuloy nawalan ako ng ganang sumama.
"Uy! Bella sakay na. Ano pang hinihintay mo dyan?" yaya ni Jacob. Bukas na pala 'yung pinto nang sasakyan.
Tumingin ako kay Jacob. I just wanna asked him kung anong ginagawa nang Autumn na yan sa van. "GF!" galaw ng bibig ni Jacob. Galing rin magbasa ng iniisip 'tong isang to eh!.
'Tss!' Alam ni Homer na ayoko kay Autumn lagi kasing sinasabi niya kapag nagkikita kami dalawa habang kasama niya ang alipores niya. '"Hindi kayo bagay ni Homer b***h!" 'As if namang may gusto ako kay Homer. 'Tss! not thinking!'
"Tara?" yaya ni Jacob. Huminga muna ako nang malalim. Alam ko naman kasi na mauubos na naman ang pasensya ko sa kasama namin.
Naglakad na ako papasok ng van pagkapasok ko ay sinara na ni Jacob ang pinto nang sasakyan. Nasa tabi ng bintana si Jacob at ako naman paupo sa tabi niya.
"Bakit parang ang laki naman ng sasakyan natin?" lingon ko sa likuran dahil apat lang naman kami ayoko mang isama tong Autumn na 'to sa bilang. Pero syempre kailangan.
"My friends join with us" maarteng sagot nya. I'm just smirked.
"Ha? Jacob?" I asked Jacob. Hindi naman siya ang kinakausap ko eh!.
Nakita kong ngumiwi siya dahil sa sinabi ko. 'One point. Bakit nga ba ako nagbibilang? Tss! Twilight, Enough!. Hindi naman yan makakatulong, mas lalo ka lang ma-badvibes'
"Kasama natin ang mga friends niya" nagkamot sa noo na sagot ni Jacob.
'Meron pa palang kasama... hays! ano kayang mangyayari sa last adventure na to?'
"Let's go?" lingon ni Homer sa amin habang nakangiti at nakatingin sa amin. Mukha naman masaya siya.
"Yeah." walang ganang sagot ko.
Nakita kong ngumiti lang si Homer sa akin. Mukhang masaya naman siya kay Autumn. Kaya, I'm happy for him because his happy now, kahit si Autumn pa ang dahilan. Hays!
Si Jacob at Homer parang mga kuya ko na yang mga yan. I respect them. So? I respect their girlfriend's kung sino man sila. Wag lang nila akong inisin at tignan ng masama. Mabait naman ako.
Umayos na ako ng upo sa loob ng sasakyan. "Pasandal ha?" sabi ko kay Jacob. Tumango lang siya nang naka-ngiti habang nakatingin sa cellphone niya. Pumuwesto na ako para sumandal.
"Gisingin mo na lang ako kapag malapit na tayo" sabi ko kay Jacob at nilagay ang headset ko sa tenga ko. Pumikit na ako.
~~~
Naramdaman ko ang dahan-dahan pag-andar ng sasakyan kaya nakiramdam lang ako hanggang sa huminto ang sasakyan.
"Hello! girls!" ipit na boses salita ni Autumn.
Napadilat ako nang may makita akong mga bahay sa paligid. 'Tss! Akala ko sa Zoo nakatira ang mga 'to. sayang!'
"Oww! my! kasama pala ang panget na si---"
"Ehem!" si Jacob.
"I mean si Twilight" ngumiti yung alipores ni Autumn na nagsalita. 'Sino kayang mas panget sa amin eh! forward nga ang ngipin nya hindi nya nga kayang maisara ng maayos yung labi niya. Ang sama ko na naman Tss!. Tama na nga'. Napatingin ako sa kanilang apat na alipores ni Autumn.
"Bakit naka-ganyan sila?" bulong ni Jacob na nahalata rin pala na manipis ang mga damit nila akala mo magsu-swimming.
"Pumasok na nga kayo" sabi ko. Chikahan kasi ng chikahan. Akala mo walang tumatakbong oras. Hay! Bakit ang init ng ulo ko?.
Isa-isa silang nagsipasukan sa loob. "Saang resort ba tayo magsu-swimming?" Excited na tanong ni forward. 'Tss! Bully ka naman self!'
"Magswimming? Sa bundok, okey ka lang?" tanong ko.
"W-What?!" sabay nilang tanong at napatingin kay Autumn.
"Girls. aalis na tayo wag na kayong magreklamo pa dyan" sabi ni Jacob.
Napatingin sila kay Jacob, na halatang nakumbise naman sila. Kaya hindi na nagreklamo pa. Sayang naman kukunti na sana eh!.
"Excuse me... Ako dyan" tingin niya sa akin habang nakataas ang kilay.
'Buti pa siya marunong magtaas ng kilay. Ako kasi hindi marunong'
"Ah! ganun ba?" tingin ko sa kanya.
"Yup!" patango-tango pa siya.
Mabait naman akong tao kung minsan. Kaya ito ang gagawin ko.
"Talaga? sorry ha?" tumayo ako at tinapat ko yung mukha ko sa kanya.
"Ang kaso wala akong pake. Ang pet sa likod kaya pwede Alipores ni Autumn. tigil-tigilan nyo ko?" 'Tss!' Masyadong na yatang umiikli ang pasensya ko ngayon.Sorry naman. Naupo na uli ako sa tabi ni Jacob.
"What?! Tinawag mo kaming alipores? friend niya kami!" inis na sabi nito.
"Shut up!" tingin ko sa kanya ng masama at kita kong natakot siya. Inismiran niya ako at pumunta sa likod.
"Pfft!--" Pigil ni Jacob sa tawa niya. Kaya agad ko siyang siniko.
"Itawa mo na" siniko ko uli siya.
"Pfft!--Twilight ha? hahaha" ang lakas ng pagkakatawa niya kaya lahat kami nakatingin lang sa kanya.
"Joker ka pala Twilight ha?" palusot pa niya.
"Let's go" sabi naman ni Homer. Bahala silang magswimming sa bundok. Inis!.
"Hmm!.. Cat!" hindi ko pinansin ang pagtawag ni Autumn sa akin. Feeling close makata-Cat tss!.
"Twilight, wala ka bang gustong isama ngayon?. Alam mo na...baka ma-OP ka?" Napatingin ako sa kanya. 'Buti naman hindi na siya nag fe-feeling close'
"Of course not" sagot ko.
"Really? akala ko kasi wala ka talagang friends. Kasi alam mo na? kaya ganyan ang ugali mo"
'What?! Anong problema sa ugali ko?!' gusto ko itanong pero mas pinili ko tumahimik na lang.
"I mean puro boys yata ang friends mo?" pero dinagdagan pa niya kaya medyo nag-init na naman ang ulo ko..
"Pake mo?! I mean ganun talaga..." I smiled to her at agad din sumeryoso ang mukha ko. Nakita kong ngumiti siya na parang nag-aasar. Siguro, nakuha niya ang gusto niyang makita reaksyon ko. Nakakainis!.
I know, I don't have many friends na meron siya. But I know my friends, they are true and trustworthy.
"Okey!." tingin niya sa akin at nilapit niya pa ang labi niya sa pisngi ni Homer. Anong ginagawa niya?
Tss! PDA.
"Pasandal ha?" sabi ni Jacob. Nang biglang sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Cat. Gusto mo bang tawagan si Pippa Zhynly para may kasama ka" sabi ni Homer. Napatingin ako sa kanya na parang nagtatanong, kung bakit pa tatawagan si Pippa Zhynly eh! nandyan naman sila ni Jacob. 'Mukha ba talaga akong na-OOP dito? Tss!'
"No need. Hindi naman mahilig sa ganito si Zhynly. Tyka nandito naman si Jacob. Diba? Jacob?" tingin ko kay Jacob na nakatingin na pala sa akin.
Si Pippa Zhynly, siya ang nag-iisa kong cousin. Lagi syang nasa party at hindi niya hilig ang ganitong adventure Mas gusto nyang mag-rate at magbilang ng gwapong lalaking lalapit sa kanya. Magkaiba man kami ng gusto, sobrang close naman kami.
Pero ilang buwan na siyang hindi pumupunta sa bahay, hindi na kami nagkikita she said na busy siya, and I have to understand that. Kahit nakaka-miss siyang kasama.
"Oo naman. Twilight ikaw pa ba malakas ka sa akin eh!." inakbayan ako ni Jacob at kumindat pa. Ngumiti na lang ako kahit medyo nairita ako sa sinabi ni Homer.
"Pag-loyal ang kaibigan, tulad ni Twilight, dapat loyal ka rin. Right, Homer?" napatingin ako kay Jacob dahil sa mga sinabi niya, para kasing may meaning.
"Let's go?" sabi ni Homer at pinaandar ang sasakyan.
"Psst!" tingin ko kay Jacob at binalik ang pagtanday niya sa balikat ko.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
Nasa loob lang ako ng kwarto ng biglang pumasok si Amber Ice dahil sa nakaawang ang pinto ng kwarto. "Hi! My brother" sabi niya.
"What are you doing here, Ai?" She sat on my bed.
"I just want to see you, my brother. And by the way, can you call me Ate Ai not just Ai?! Respect me, can you do that? My youngest brother!" sabi niya sa akin habang nakatingin ng masama.
"I don't care. Leave me alone!" sabi ko at tinuro ko ang pinto. Tumayo siya at naglakad papuntang pinto. She turned around again to look at me.
"Tss!..By the way, I want to inform you, Mom and I are leaving now to enroll you to the EM University. Para matapos mo na ang college life mo. Kaya bye!" She smiled and waved before leaving. Wait! did she said enroll? Me?.
"W-What?!" pahabol kong tanong kay Ai at lumabas ng kwarto ko para habulin siya. Pero agad na naglakad ng mabilis pababa sa hagdan.
Hanggang makarating ako sa may labas. "Take care of my favorite painting, Babush my brother!" sabi ni Ai habang kumakaway pa.
Kasama pa niya si Mom na nakangiti lang sa akin at kumaway rin. Madaling pinaandar ni Amber Ice yung sasakyan niya.
'What the?' sinipa ko yun upuan na nasa gilid.
Nang may bigla na lang ako naramdaman na may nakatingin sa akin. Madali akong pumasok sa loob ng bahay, at kinuha ang hand gun sa may gilid ng vase.
Nilagay ko ang silencer sa unahan ng baril ko. Dahan-dahan akong naglakad paakyat upang madali kong makikita kung sino man ang naramdaman ko kanina. Bigla akong may narinig na may nabasag sa taas.
"Tss!"
Pagka-aykat ko sa taas nakita ko ang basag na vase malapit sa may bintana.
"There you are" boses ng isang babae. Naramdaman ko ang pagtutok niya sa ulo ko ng baril.
"Who are you?" napansin kong nakatakip ang mukha niya.
"Hindi mo na kailangan malaman, dahil nagpunta lang ako naman dito para paalalahanan ka. Mag-ingat ka at mga ang Hollis. Cloude Yule Hollis" sabi niya at agad nagkaroon ng usok sa buong paligid ko.
Nang mawala yung usok ay nawala rin siya. Madali akong napatakbo papasok ng kwarto ko dahil may nakita akong lalaking pumasok sa kwarto ko.
"Who the hell are-" nakaramdam ako ng pamamanhid sa balikat ko.
'F*ck!' hawak ko sa kaliwang balikat ko.
"Pfft! Akala ko ba naman magaling ang anak ng Mafia Boss ng Hollis, pero ano nangyari sa'yo Cloude Yule Hollis?" tumayo pa siya sa pagkakaupo sa couch sa loob ng kwarto ko.
"Who the hell are you?!" agad ko siya pinaputukan sa balikat. Dahil nabubwiset na ako sa kanya.
"s**t!" hawak rin niya sa balikat niya na natamaan ko.
"Wag mo akong maliitin, Idiot!" tutok ko sa kanya nang baril habang hawak ko ang tama ko sa balikat.
Nakita kong tumawa pa siya ng malakas kahit kita naman na nasasaktan siya sa tama ng bala sa balikan niya. "Yeah!" tango niya. Naglakad siya papalabas ng kwarto ko at lumingon siya sa akin.
"Sino ka-" agad niyang tinutok sa akin ang baril niya, kaya tinutok ko ang baril sa kanya. 'G*go 'to ha? hindi ako pinapatapos sa pagsasalita ko.' Nang may makita akong tao sa may likuran niya na may hawak ng baril.
"Hindi mo nakailangan--" binaril ko na siya sa ulo niya at ang mga tao sa likod niya. Nang magsitumbahan naman sila, nang may malaglag na cellphone sa may bulsa nang lalaki.
Kinuha ko at nilagay sa bulsa ko, nang bigla akong napaiwas sa may bala na muntikan ng tumama sa akin. I quickly close the door.
"Cloude Yule! You will die!" He said. Nang makita ko ang mga butas sa pinto ko dahil sa tama nang baril.
I found a way to walk fast to the other door going to my room. Kung saan makikita sa labas ng kwarto ang isang malaking painting. Inawang ko ang pinto para makita kung nabuksan na niya ang pintuan. Pero biglang siyang napatingin sa lugar kung nasaan ako madali niyang tinutok ang baril na hawak niya sa may pinto, kaya agad akong napaiwas. 'F*ck! ang lakas ng pakiramdam niya'
Tumakbo ako papunta sa drawer ko kung saan ko nilalagay ang mga baril ko at pumunta uli pintuan. Lumabas ako ng makita ko siya.
"HEY!" pagkalingon niya ay agad ko siyang binaril sa may ulo. "Tss!" hawak ko sa balikat ko na may tama.
Nakita ko ang mga katawan na nakahandusay sa harap ng pintuan ng kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko para malinis ang kalat pagkabalik nila Ai at Mom. Pero iba ang nakuha ko cellphone at doon ito sa lalaking kinuhaan. Wala namang password ang cellphone kaya madali kong nabuksan ang cellphone ito.
Madali kong nakita ang kahina-hinalang text message na agad kong binuksan.
'Mr. Harwell. Nadito na kami sa mga Hollis'
'Harwell Group?'
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagot. "Hey! Pre--"
"Magdala ka ng tao dito para maglinis" I ended the call.
Ang Harwell Group ang may pakana nito?. Tss! Para maging pinuno lang ng organization at para makakuha lang ng kapangyarihan gagawin nila talaga ang lahat?.
Kinuha ko ang laptop ko sa loob ng kwarto ko at hawak ko pa rin ang cellphone na nakuha ko. Bumababa ako para pumunta muna sa guest room habang hindi pa nalilinis ang mga kalat. Dala-dala ko pa rin ang dalawang baril ko kung sakaling meron pang natitira sa kanila.
~~~
Nilapag ko ang mga gamit sa kama ng guest room at hinubad ko ang damit ko kahit nahihirapan ako dahil sa tama sa balikat ko. "Damn it!" bigla akong nakaramdam ng kirot.
Kumuha ako ng emergency kit para tangalin ang bala sa balikat ko at nilinis ang tama ko. Pagkatapos kong linisin ay nilagyan kunang plaster kahit nahihirapan ako.
Binuksan ko laptop ko at tinignan ang background ni Harwell. Ni Alvert Harwell. One of the most riches businessmen in the country pati na rin sa ibang bansa.
Pumunta ako sa isang blacklist kung saan makikita ang mga illegal ng gawain ng ibang tao. Napangiwi ako ng mabasa ko na isa siya sa mga binabayarang assassin noon at naging isang mafia leader dahil sa pagkamkam ng mga ari-arian ng mga napatay niya kaya siya yumaman. Hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil sa nakasanayan niya at meron rin siyang illegal business.
Tinanggal ko na ang flashdrive kung saan nakalagay ang mga blacklist na nakuha ko ng mga impormasyon tungkol sa mga mafia leader.
Napangiti ako ng makita ko ang picture niya at parang nawala ang sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya. "My gorgeous and one of the kind angel, Sky" nakatingin lang ako sa screen ng laptop ko.
"Matunaw pre!" napalingon ako sa nagsalita at kinapa ko yung baril na nasa kama.
"O-Oww!.." paatras na naglakad si Mike sa pintuan habang nakataas ang dalawang kamay. "Nak nang!. Wala namang ganyan!" turo niya sa baril na hawak ko.
"Why don't you knock? Do you want to die? idiot!" I asked him.
"Nakabukas kaya yung pinto, tignan mo nga yan nakahubad ka pa, pre" turo niya sa akin.
"Buti wala ditong chicks" Lingon pa niya. "Baka akalain nila ikaw ang kanilang feeds" tingin niya sa katawan ko. "Oww! Man!" putok ko sa gilid niya.
"Leave!"
"Pero-"
"D*mn you!. I said leave. NOW!"
"Pssh! Oo na! High blood?" naglakad na siya paalis. Naramdaman ko ang pagkirot ng balikat ko kaya nailapag ko yung baril.
"s**t!" Nang maramdaman ko ang yabag ng paa pabalik.
"Pre! Anong nangyari?"
* * * * * *
#1
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===ELAINAH M.E===