Chapter 2:
Twilight Sky's POV
Kakatapos ko lang magbasa ng one shot sa Storyland na app. Kaya nagsoundtrip naman ako sa cellphone ko at nilagay ang headset ko sa tenga ko.
Napagawi ang tingi ko sa unahan at nakita ko na tulog si Autumn sa passenger seat habang si Homer abala naman sa pagda-drive. Nang biglang mapatingin si Homer sa akin gamit yung salamin.
Napatingin ako kay Jacob na tinangal ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ko. "O?" Tanggal ko sa headset ko ng tumingin siya sa may labas ng bintana.
"May problema?" tanong ko kay Jacob. Lumingon naman siya sa akin.
"Wala" ngumiti siya habang umiiling pa.
"Okey, pasandal ha?" ngiting sabi ko sa kanya. Kanina pa siya nakasandal sa akin kaya ako naman.
"Sige ba?" ginalaw niya pa ang balikat nya. kaya napangiti ako. Baliw talaga.
Papasandal na sana ako nag biglang huminto ang sasakyan at tinawag ni Homer si Jacob. "Jacob!" 'Ano ba yan nawala yata antok ko.' Napaupo na lang ako uli.
"Jacob, may--"
"Jacob? palit muna tayo" singit ni Homer kaya napatingin ako sa kanya.
"Ha? Bakit?"
"Namamanhid ang paa ko, kaya sige na" mahinang pagsasalita ni Homer.
Huminto ang sasakyan at kakamot-kamot ng ulo si Jacob habang bumaba. Napalingon ako sa likuran ko nang makita ko ang mga alipores ni Autumn nasa likuran namin na mga tulog.
'Tss! makapagbasa na nga lang' nagscroll-scroll ako ng phond ko pero wala akong mapiling mabasa. Kaya unulit ko nalang ang binabasa noong nakaraang linggo. Napatingin ako sa pumasok, si Homer. "Ayos ka lang?" tingin ko sa paa niya.
"Yes..." sagot niya. Umandar na ang sasakyan ng mapatingin ako kay Jacob na napapangiti.
"Anong ngini-ngiti mo dyan?"
"Wala naman..." sagot niya.
"Katol pa more!" sabi ko sa kanya. Tumingin na lang uli ako sa cellphone ko.
"Hindi ka ba matutulog?" tanong ni Homer.
"Hindi na" sagot ko.
"Malayo pa naman"
"Hindi na talaga, mamaya na lang siguro. Magbabasa muna ako."
"Okey." sabi niya akala ko magsasalita pa uli siya.
"Bella!" tawag ni Jacob, pero hindi ako tumingin sa kanya.
"Twilight!"
"Yes?!" nakangiting tingin ko sa kanya.
"May nadiscover ako"
"Talaga? share mo naman sa akin, tamang-tama wala na kasi akong mabasa sa storyland?"
"Slow!. hindi sa storyland"
"maka-slow ka ha?!" sabi ko.
"Oh? Bakit?"
"Wala. Ano ba yun?" nang mapatingin ako sa gumalaw na si Autumn. 'Buhay pa pala. Akala ko naman... Hehe Jokes lang'
"WAAHH!!.." sigaw ni Autumn habang nakatingin kay Jacob. Panget siguro si Jacob sa paningin nya. Haha!. Napreno ni Jacob ang sasakyan. Mabuti na lang at hinarang ni Homer ang braso niya sa harapan ko kaya hindi ako masyadong umalog.
"F*ckingshit!" sigaw ni Jacob.
"Baby, why are you there? come back, be here" maarteng sabi ng boses ni Autumn at nag-pout pa ito.
"Tawag ka na ng Nanay mo" bulong ko sa kanya. Bumugtong hininga lang si Homer.
"Magpalit na nga tayo!" padabog na labas ni Jacob sa pinto ng sasakyan. Lumabas na rin si Homer sa sasakyan at pumunta sa driver seat.
"Okey ka lang?" kabadong tanong ko sa kanya.
"Yes. I'm okey why? Do I look like I'm not?" 'wew! Galit?. Napa-english eh!'
"Hehe" tumingin na lang ako sa labas hanggang sa umaandar na ang sasakyan.
"Uy! Joke lang naniwala ka naman agad" sabi ni Jacob kaya napangiwi ako. 'Abnormal talaga!'
"Ano nga pala yung nadiscover mo? sabihin mo na kasi" sandal ko sa kanya. Wala na talaga kasi akong mabasa kaya aalamin ko na lang ang tinutukoy niya.
"Mamaya ko na sasabihin sa'yo"
"Ang arte mo naman. Ba't hindi pa ngayon!"
"Ang atat mo naman, hindi marunong mag-hintay?" sabi niya, kaya napatingin ako ng masama sa kanya. "Ito naman, hindi na mabiro. Mamaya ko na sasabihin sa'yo." akbay niya sa akin. Sanay na ako sa pag-akbay nila Jacob at Homer sa akin kasi para ko na silang mga kuya.
"Oo na sige na... Matutulog na muna ko gisingin mo na lang ako kapag malapit na tayo" sandal ko sa kanya habang nakalagay yung headset ko sa tenga ko.
"Okey!"
Nang biglang huminto na naman ang sasakyan. 'Sira ba yung sasakyan o Sira pati yung mga nagdadrive. Tss!'
Itataas ko na sana ang ulo para itanong kung anong nangyari kaso pinigilan ako ni Jacob. "Okey lang yan" hawak ni Jacob sa ulo ko. Pumikit na ako at naramdaman ko na rin uli ang pag-andar ng sasakyan.
~~~
Nagising ako nang maramdaman ko ang paghinto nang sasakyan. Umayos ako ng pagkakaupo at tinanggal ko ang headset ko sa tenga ko. Tumingin ako kay Jacob na nakatulog na rin pala.
"Jay!" uyog ko sa kanya. "Jacob, kanina lang nagsasalita ka pa ngayon--Aray!" hawak niya at ipit niya sa ilong ko. Pinalo ko ang kamay niya.
"May pagka-baliw ka talaga 'no?" sabi niya at inayos na yung mga gamit nya.
"Tss! Ewan ko sa'yo!" nagsibabaan na rin ang mga Alipores ni Autumn. Nauna na akong bumaba kay Jacob at nakita ko si Autumn na nakayakap kay Homer.
"Safe ba dyan, baby?" tanong ni Autumn.
Nang biglang mapatingin sa gawi ko si Homer. Ewan ko pero parang masama ang tingin nya sa akin kaya napakunot ang noo ko at tinignan ko siya ng 'anong problema niya?' pero umiwas lang siya.
"Hey!" Akbay ni Jacob sa akin.
"Let's go" sabi ni Homer kaya nagsunuran na ang mga Alipores ni Autumn.
"Problema?"
"Parang masama yung tingin ni Homer sa akin" sagot ko habang nakatingin pa rin kay Homer. "May ginawa ba akong mali?"
"Baka nagseselos lang" sabi niya nang tinangal ang pagkakaakbay sa akin. 'Nagseselos?'
"Ha?" Napailing na lang ako. "Oo nga pala, ano yung nadiscover mo?" tanong ko nang maglakad na siya kaya sumabay na ako.
"Nadiscover ko?. Matagal ko nang nadiscover na may gusto sa'yo si Homer" sabi niya.
Nang mapahinto ako at tumawa. "Hahaha... lakas mong mangtrip no?" palo ko kay Jacob.
"Tss! Ayaw mong maniwala?" umiling ako sa kanya. "Edi wag, tara na nga!" Naglakad na kami ni Jacob kasunod nila Homer. 'Kung totoo yun, hindi ba nagjojoke noon si Homer?'.
(Senior High School)
Nasa cafeteria kami dalawa ni Homer may importante daw siyang sasabihin sa akin kaya hinintay ko siya doon.
"May gusto ka bang kainin?" tanong niya.
"Cupcakes" sagot ko at ngumiti.
"Okey, wait mo na lang ako" sabi niya at naglakad na paalis.
Nang makabalik siya may tatlong cupcakes ang binili niya kaya napangiti ako.
"Libre to?" tanong ko, baka kasi katulad siya ni Jacob eh. Yung sasabihan bili mo ko nito tapos pagkabili hihingi ng bayad.
"Oo" sagot niya na parang kinakabahan. Anong meron?.
"Si Jacob nga pala?" tanong ko.
"Baka nag-practice sa may court" sagot niya.
"Ano nga pala yung sasabihin mo?" kagat ko sa capcake at tumingin sa akin.
Tumingin siya sa akin."Gusto kita, Cat. Gusto kita, Twilight" pag-amin niya kaya napatakip ako sa bunganga ko at napaubo dahil sa narinig ko, sa mga sinabi niya.
"Tubig" sabi ko at inabutan niya ako ng tubig kaya uminom naman ako. Tumingi ako sa kanya hbang nakatingin pa rin siya sa akin. "Niloloko mo ba ako?" Tanong ko sa kanya na agad siyang tumayo at umalis. 'Nag-walkout'
"Aray!" natapilok ako sa may batong nakaharang. "Tangang bato paharang-harang"
"Pfft-! inisip mo 'no yung pag-walkout niya" Nagulat ako sa sinabi niya.
"P-Paano--"
"ko nalaman?" dugtong niya sa sasabihin ko at turo niya sa sarili niya. "Kasi ayun yung unang pagtatapat niya sa'yo, na ginawa mong joke. Jokes are half meant, nga diba?. hindi nga lang half, whole pa. Ayun na rin pala yung huli" tawa niya.
"Dati pa naman yun no?!" nauna na akong maglakad. 'Tyka may Autumn na siya, hindi talaga nag-iisip si Jacob. Tyka mas mabuti na yun. Ayoko ko rin magkasakitan kami'
~~~
After ng orientation, para ipaalam ang mga dapat at mga hindi dapat gawin sa pag-aykat ng bundok. Nag-ayos na rin kami ng mga gamit para kung may babawasan man mailalagay na agad sa sasakyan.
Yung apat na alipores ni Autumn nagpalit muna ng damit nila at sila Homer at Jacob kinuha yung ibang gamit nila.
"You!" turo sa akin ni Autumn.
"O?! kinalaman ko sa buhay mo?"
"Where's my lipstick and my foundation?"
"Tss! Ewan ko sa'yo" isasara ko na sana yung bag ko ng bigla niya itong hilahin.
"Ano ba!" agaw ko sa bag ko. "akin na nga!.. bitawan mo kasi!"
"Ninakaw mo yung lipstick at foundation ko, ilabas mo na kasi!"
"Wala akong kinukuha!.. Tss! Akin na nga yung bag ko. Sabi eh!"
"Ninakaw mo! nandito lang yun" agad nyang binaliktad yung bag ko at nagsilaglagan yung mga laman.
"Hey!..Hey!.. What's going on here?" tanong ni Homer ng dumating siya. Pero hindi ko siya pinansin dahil pinupulot ko pa yung mga gamit ko na nagsilaglagan.
"Ninakaw nya yung lipstick at foundation ko. Here o?!" pakita pa ni Autumn sa foundation nya. "Kinuha nya. But it's okey, don't be sorry for what your did, Twilight. Pwed--"
"Stop!" tumayo ako ng matapos ko isarado ang bag ko.
"Wag kang gumawa ng kwento hindi ka author o writer. Wag kang mag edit ng kwento hindi ka editor. At kung gusto mong umarte sa harapan ko... hindi ka papasa dahil wala kang talent dyan!. For your information Autumn, hindi ako nagmamake-up ng mumurahing make up. So? wag mo ang paandaran!" inis na sabi ko sa kanya at papalabas nasa ng bigla akong harangan ni Homer.
"Ca--" binangga ko lang siya at lumagpas sa kanya. Ayoko man gawin yung pero naiinis na rin ako, ayokong na rin munang makipag-usap kay Homer.
"Bella, nakasimangot ka? Andito na ang poging si ako" turo ni Jacob sa mukha nya.
"Tss! Nakakaasar kasi si Autumn pagbintangan ba naman akong ninakaw ko yung lipstick at foundation nya nasa kanya naman. Kaabnormalan niya pinaiiral niya"
"Inhale!... Exhale!... Breath in!. Breath out!" sabi ni Jacob na ginaya ko naman.
"Yan!... Inhale... Exhale!.. Better? o Bitter?"
Pinalo ko sya sa ulo. "Tigilan mo ako Jacob Rox Cruz!" masamang tingin ang inukol ko sa kanya.
"Chill!" Hawak niya sa balikat ko.
"Chill mo. mukha mo." naglakad na ako papunta sa mga kasabayan namin na paakyat na ng bundok.
~~~
"Mukhang mahihirapan tayo sa pag-akyat ha?" tabi sa akin ni Jacob.
"Mukhang magigising ang mga kwago at kung anu-ano pang natutulog na hayop dito dahil sa pagtili nang mga yan" turo ko sa mga alipores ni Autumn.
"Pfft! Oo nga no?" akbay niya sa akin.
"Ikaw ha? Nakakarami kanang akbay baka may tinatago kanang feelings ha?" biro ko sa kanya. Nang bigla nanahimik si Jacob.
"Pasimple ka ha? baka ikaw may tinatagong feelings, kaya binasted mo si Homer?."
"Hoy! Hoy!... wala akong binabasted ha? tara na nga!" naglakad na ako ng makita ko ang mga kasabay namin.
"Jacob!. Cat!" tawag ni Homer sa amin kaya napalingon kami ni Jacob.
"Bakit may problema ba?" tanong ko.
"Nothing!" sagot niya at naglakad na sila papalapit sa amin habang nakayakap sa kanya si Autumn.
Nagkatinginan kami ni Jacob at napa-kibit balikan na lang ng mauna silang anim sa amin dalawa. Sumunod na lang kami sa kanila, habang nauuna na yung mga dapat kasama namin.
~~~
"WAHH!.. Omy! madulas!" sigaw ng Ali ni A.
Pasimple akong tumatawa habang pinanood ang nangyayari sa kanila.
"Ouch!" natapilok naman yung isa.
"Aray!" nasagi naman nung isang yung kahoy na nakausli at magkasugat sya sa may hita. "Girl are-Gosh!" nadulas silang dalawa.
"Wag mo nga akong hawakan, nagkasugat pa tuloy ako huhu!" nakaupo na silang dalawa.
"Here." abot ni Jacob sa band aid. "Let's go, Twilight" lingon niya sa akin. Kaya lumapit ako sa kanya.
"Yes! Ang gentleman" hawak ko braso nya.
"Selos?" sabi nya.
"Kadiri" palo ko sa kanya.
"Maka-kadiri naman to!" sabi niya.
"tara na nga!" Nauna na kami maglakad ni Jacob sa kanilang anim.
"Jacob, paki-alalayan naman yung mga babae" sabi ni Homer kaya napalingon kami sa gawi nya.
"Inaalalayan ko kaya si Twilight, babae kaya 'to. Mukha ka yatang lalaki, pre! " siko sa akin ni Jacob. 'Sira talaga 'tong tao 'to minsan eh!'. Tinignan lang siya ng masama ni Homer at napakamot naman ng ulo si Jacob.
"Sige na, kaya ko naman ang sarili ko" tulak ko kay Jacob para tulungan niya yung mga kaibigan ni Autumn. Nakakaawa na rin sila.
~~~
Jacob's POV
Ilang minuto na kaming umaakyat pero halos kaunti pa lang ang nalalakad namin.
"tik-tok! tik-tok!" napatingin ako kay Twilight na nakatingin sa relo niya.
"Ano girls? ganyan na lang kayo? haist! dapat hindi na lang kayo sumama." pailing-iling pa niyang sabi. "kung hindi nyo lang pala kakayanin mag-ISA, sana hindi na lang kayo sumama."
"I can handle myself" napatingin ako kay Autumn na bumitiw na kay Homer.
"Are you sure?" Tanong ni Homer.
"Yah, baby" sagot ni Autumn.
"Wow! ganyan! O! kayo" turo ni Twilight sa mga kaibigan ni Autumn. "Magpapatalo ba kayo kay Autumn?"
"NO!" sabay-sabay nilang sabi.
"O? edi tara na! Ang mahuli siya magpapalunch kahit magkano yung bills. Ano deal?" sabi ni Twilight.
"Girls only?"
"Sige" sagot niya. "Gusto nyo mauna pa kayo sa akin!" Dumaan naman sa gilid niya sila Autumn at nauna na nga ang mga ito sa kanya.
"Ayos din" lapit ko sa kanya.
"Ako pa!" mayabang na sabi nya. "Sige mauna na ako sayo" naglakad na siya paalis. Mautak talaga si Twilight Sky Smith, kahit kailan.
"Jacob, dalian mo. wag pabagal-bagal" lingon ni Twilight sa akin.
"Yes. Bella" sagot ko at nagwink pa sa kanya habang nakangiti.
"Jacob!" tawag ni Homer. 'Hindi ba siya nag sasawang tawagin ang pogi kong pangalan?'
"Ano?!"
"Kayo na ba ni Twilight?" napalingon ako sa kanya.
"Pfft-! seryoso ka ba sa tanong mong yan?"
"Sagutin mo!"
"Tss! Hindi kami" sagot ko at naglakad na.
"May gusto ka ba sa kanya?"
"Wala." 'Problema na naman nya?'
Nauna na siyang maglakad sa akin. "Akala ko nga liligawan mo si Twilight, dahil sinabi mo sa akin noon na gusto mo sya pero si Autumn pala" lumingon sya sa akin.
"Si Autumn ang mahal ko, Jacob!"
"Mahal? O pinilit mahalin?"
'May pa-Autumn Autumn pa syang nalalaman. Tss!'
"Jacob ano bang tanong yan?". Kilalang-kilala ko na si Homer, dahil simula pa lang high school magkakilala na kami at sinabi niya rin ang nararamdaman niya kay Twilight. Kaya nagulat ako ng naging sila ni Autumn ng ganun kabilis matapos niyang sabihin hihinto na siya kay Twilight.
"Wag mo nang sagutin alam ko namang nahihirapan ka"
"Gusto mo ba si Twilight?! kaya mo ako tinatanong?" galit na tanong niya.
"Gusto? Wala akong gusto kay Twilight"
"Tulong!.." Nagkatinginan kami ni Homer ng marinig namin ang boses ni Twilight na nanghihingi ng tulong. Nagmadali ako tumakbo papunta sa kinaruroonan nila.
~~~
Nakita kong nakatingin sila Autumn sa may gilid, sa may bangin at wala doon si Twilight. "Si Twilight?!"
"There, nadulas sya. R-Right Girls?" tumingin siya sa mga kasama niya. Pero kitang-kita ko ang guilty sa kanyang mukha. Anong ginawa mo, Autumn?.
"O-Oo"
'mga sinungaling!'
"Tulong!..." boses ni Twilight.
Nakita kong lalo pang dumadaus-dos si Twilight pababa, nang mabutol ang hinahawakan nyang kahoy, kaya madali kong tinanggal yung bag ko. 'F*ckingSh*t! Ano bang nangyari?'
Pati si Homer nagmamadali sa pag-asikaso ng mga gamit para sa pagtulong kay Twilight. "Ako na ang baba" lagay ko ng lubid sa bewang ko.
Kinuha ni Homer yung dulo ng tali para maitali sa may puno. "Go!" hudyat ni Homer na pwede na akong bumaba kaya nagmadali akong bumaba. Kung hindi malalagot kami kay Tito Dark kapag may mas gagrabe pa dito ang mangyayari.
* * * * *
Someone's POV
Kinuha ko ang cellphone para tawagan si Boss. Nakita ko kasi na nagawa na ng inutusan niya ang pinapagawa niya.
"Hello! Boss, nagawa na po niya ang pinapagawa mo sa kanya" kitang-kita ko ang nangyari sa anak ng isang leader.
"I'm glad to hear that" rinig ko pa ang pagtawa ni Mr. Harwell at tinapos niya ang tawag ng walang pasabi.
"Sino ka?" Naramdam ko ang matigas na nakatusok sa ulo ko.
"Sumama ka sa akin kung ayaw mong dito ka mangamoy at mabulok" boses ng babae kaya naglakad na ako. Kinuha niya ang baril ko at naghudyat siya na maglakad na ako. Hanggang sa makarating kami sa ibaba ng bundok.
"Sinong nag-utos sayong manmanan ang mga anak ng Leader namin?" 'Paano niya nalaman?'
"Sumagot ka?!"
"Alvert Harwe--" nakaramdam ako ng pamanhid at paghabol sa hininga ko. Hanggang sa malasahan ko ang lasang kalawang at nagblangko na ang paningin ko.
"Si Alvert Harwell, tama nga ako"
* * * * * *
.
#2
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===ELAINAH M.E==