Chapter 3

2656 Words
Chapter 3: Mike Winz's POV "Ayos ka na?" tanong ko kay Cloude nang makita kong nagdudugo ang kanyang balikat. Alam kong hindi naman siya ayos pero tinanong ko pa rin siya dahil baka paputukan na naman niya ako ng baril. "Leave Now!" sigaw niya kaya napaatras ako. "Sige" paatras akong lumabas ng guest room nila. "Mr. Perez. Ayos na po ang lahat" sabi ni Mr. Ab sa akin. Umakyat ako sa taas ng bahay, para siguraduhing maayos na nga ang lahat. "Langya!" nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Yung painting na paborito ni Miss Amber Ice may mga butas dahil sa tama ng bala. "Winz!" napalingon ako na marinig ko pagtawag sa akin ni Miss Amber Ice. "Miss Amber Ice!" agad kong hinarang yung katawan ko sa painting. Napataas ang dalawang kilay niya na parang nagtataka. "Anong ginagawa mo dyan? Si Cloude?" "Nasa guest room po" sagot ko. "Ahh! May itinatago ka ba dyan?" silip nya. "Wa-wala Miss Amber Ice. Hehe" kaway ko pa. Nang may marinig akong kasa ng baril na hinugot niya sa tagiliran niya. "Naknang!.. Wala talaga?" tanong niya uli. "Miss Amber Ice, wala namang ganyan" taas ko sa kamay ko. Pansin ko lang, kanina pa ako natutukan ng baril. "Umalis ka dyan" sabi nya. "Ito na" dahan-dahan ako gumilid. "What the!" Gulat na gulat siya nang makita ang favorite painting niya. "Where is Cloude Yule!?" naglakad na siya pababa. Napakamot na lang sinundan si Miss Amber Ice. Mas importante ba talaga sa kanya yung painting kaysa sa kapatid niya?. Nakita ko yung mga tauhan ko na ibinigay sa akin ni Cloude at ni Mr. Hollis. "Mauna na kayo" sabi ko at sumunod uli kay Miss Amber. "Cloude Yule!... sinabi ko sa'yo na bantayan mo ang painting, tss! wala kang kwenta!" galit na sabi ni Miss Amber kay Cloude. Mas mahalaga pa ba yun sa kapatid niya?. "Tss!" Hawak ni Cloude sa balikat nya. "Natamaan ka?" tanong pa ni Miss Amber kay Cloude na may pag aalala o may pang-aasar sa kapatid niya. Pero masamang tingin lang ang sagot ni Cloude sa kanya. Habang binubuhat nya ang mga gamit niya at naglakad na palabas ng kwarto. "I hate you! pabaya!" sabi ni Miss Amber at nauna kay Cloude. Nang marinig kong tumunog ang cellphone ni Miss Amber Ice. "Hello, Hon" sabi niya at lumingon sa amin. "Tss!" iling-iling na sabi ni Cloude. "Mike Winz!" tawag niya sa akin kaya napatingin ako at agad na lumapit. "Bantayan mo si Ai" utos niya at naglakad palayo. Tumango na lang ako dahil alam ko kapag si Miss Amber ang babantayan ko, ibig sabihin babantayan ko rin ang boyfriend niya na walang kaalam-alam na isa siyang anak ng Mafia boss. Hays! Lumabas na ako ng bahay nila at tinignan-tignan lang si Miss Amber na may kinakausap pa rin sa cellphone niya. Napapatingin siya kung minsan sa akin kaya napapaiwas ako ng tingin. "Winz! ba't hindi ka pa umuwi" natigilan ako dahilan nasa harapan ko na pala siya. Napatingin ako sa kanya at nakataas naang isang kilay. "Hehe.. makikikain sana ako, Ate Ai" palusot ko habang nagkakamot sa ulo ko. "Palusot! Alam kong pinapabantayan ako ni Cloude sayo. Kung ako sa'yo wag mo na siyang sundin... kaya go!" Sabi nya ng tumunog uli ang cellphone. "Go! wala kaming pagkain, next time magbabake ako" ngumiti siya at naglakad na papunta sa hagdan. Napakamot na lang ako at lumabas ng bahay nila. Bahay ng mga taong umampon sa akin dahil pinatay sila ng mga Merrick. =*FLASHBACK*= Kitang-kita ko ang pagpapahirap na ginawa ng mga lalaki sa mga magulang ko habang nakatago ako. "Ang Merrick Leader ang nag-utos nito" pagkasabi ng isang lalaki, agad niyang pinaputukan sa ulo ang mga magulang ko. Nang tumingin sila sa gawi ko sa ilalim ng kama. Nakatingin lang ako sa lalaking bumaril sa mga magulang ko at nakatingin rin siya sa akin. 'Pagbabayaran nyo 'to mga Merrick!' kuyom ko sa mga kamay ko. Ilang oras ang nakalipas nakita ko si Tito Lambert. "Come here. Mike" abot niya sa kamay nya sa akin. Siya ang Boss ng magulang ko at sa mga oras na iyon siya lang ang pwede kong pagkatiwalaan. =*END OF FLASHBACK*= Pinaliwanag sa akin ni Tito Lambert ang nangyari, kahit na ang sabi niya na siya na lang ang bahala sa lahat para hindi na ako mahirapan. Pero ayoko, gusto ko ako ang gaganti sa mga Merrick na nag-utos patayin ang mga magulang ko. Fourteen years old palang ako ng mangyari yun at ngayon anim na taon ang nakakalipas, kahit kailan hindi ko pa rin nakakalimutan ang apelidong Merrick. Isa rin itong Mafia leader. Gusto ko na ako ang papatay sa leader nila, sa nag-utos para patayin ang magulang ko. Gusto kong maranasan nila ang ginawa nila sa magulang ko. Kaya sumali ako sa samahan nila Cloude para matuto sa mga dapat kong matutunan. Para kapag nakaharap ko na ang taong nag-utos patayin ang mga magulang ko, may magagawa ako. Gaganti ako sa ginawa ni Merrick sa magulang ko. "Mike Winz!" napatingin ako sa kamay na humawak sa balikat ko. "Anong na naman nangyayari sa'yo? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo ha?" tanong ni Rexie na nasa harapan ko na pala. "Wala may bigla lang akong naalala" sagot ko at ngumiti. "Kumusta na ang mga tao sa bahay na yan?" turo nya sa bahay nila Cloude. "May tama si Cloude, pero mukhang ayos naman siya. Bakit ka nga pala nandito?" "Wala lang makiki--" "chismoso pre?" Singit ko. "Makiki-kain" "Wala daw silang pagkain. Manglibre kana lang" Napangisi na lang ako. "Kanina ka pa ba?" "Halos magkasabay lang tayo kanina, kaso nakita ko si Ate Ai kaya hindi muna ako pumasok. Mukhang hindi nga ako nakita nung kinawayan ko siya" "Si Cloude lang yata nakaka-alam ng prisensya mo" sabi ko. "Hindi naman si Daddy din. Tara punta na lang tayo kala Grayson baka doon may pagkain. Wala akong panglibre sa'yo" "Sige, kita na lang tayo doon" Naglakad na kami papunta sa kanya-kanya naming kotse. * * * * * * Cloude Yule's POV Ala-sais na ng gabi nanonood ng TV si Ai kaya tumabi ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong nya na nakatingin pa rin sa TV. "Sorry" sabi ko sa kanya. "Sorry? para saan?" "I'm sorry okey!" tayo ko sa couch. "Being sincere is not bad, Cloude Yule" sabi niya. "Mukha ba akong hindi sincere, Ate?" I asked her. "Hmm? A little. Just say "I'm sorry, Ate Ai" and I'll forget what you did with my favorite painting. And I will forget everything" tingin niya sa akin. "Okey... I'm sorry Ate Ai, thats all" pagkatapos kong sabihin ang gusto nya sabihin ko sa kanya. I left her. "Cloude kakain na tayo" sabi ni Mom. "Sige po" umakyat na ako sa kwarto ko at bumaba rin kaagad dahil dinner na. "Cloude, naenroll kana namin ng ate mo" sabi ni Mom. Nailapag ko ang kutsara at tinidor dahil sa narinig ko. Totoo pala ang sinabi ni Ai, kanina. "Duh! three years na hindi pa rin kaka-move on" "Amber Ice!" tawag ni Dad sa kanya. "Para naman sa future mo naman 'to, Coude. Tyka isang taon na lang naman eh!. Gusto ko makatapos ka" paliwanag ni Mom. "Excuse me!" tumayo ako at naglakad na papunta sa kwarto ko. 'It's been three years but I still can't forget what happened to her.' Napailing na lang ako at umakyat sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto ko, pabagsak akong nahiga sa kama habang nakatingin lang ako sa kisame. "Cloude!" Nakarinig ako ng pagkatok, pero hindi ko pinansin. Nakatingin pa rin ako sa kisame. "Cloude, can we talk, please?" Tumayo ako sa kama ko at binuksan ko ang pinto. Nakangiti ko si Mom na nakatingin sa mukha ko. "Papasok ako ha?" Paalam nya at naupo siya sa kama ko. Sinara ko naman yung pinto at tumingin sa kanya. "Ang linis talaga ng kwarto mo no?" ganyan si Mom, nagpapaligoy-ligoy pa bago kami kausapin ni Amber. "Mom, what?" Nahiga ako sa kama ko "what?" takhang tanong nya. "Bakit nyo ako kakausapin?" "Ahh!.. tungkol sana sa pagpasok mo, gusto ko lang naman makapagtapos ka Cloude, tatlong taon na rin ang nakakalipas simula--" "Mom?-" "Alam kong nasaktan ka sa pagkawala ni Sky, kaya ka tumigil sa pag-aaral mo Cloude" napatingin ako sa kanya. "You're only twenty-three, at one year na lang ang ipapasok mo. And please mag-move on kana kay Sky" Nakatingin lang ako kay Mom. 'mag-move on kay Sky?' "Please pumasok kana sa lunes?" Hawak ni Mom sa kamay ko. "Pag-iisipan ko po" sagot ko na lang. "Gusto kong na rin pag-usapan natin ang tungkol Sky" "Not now, Mom." kinuha ko yung unan ko at inilagay sa mukha ko. "Sige" hawak nya sa balikat ko. "Basta sana makapag-usap tayo tungkol sa kanya. Okey?" Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ko. 'Kalimutan si Sky?' Napailing na lang ako. =*FLASHBACK*= "Hello! Babe, papunta nga pala ako dyan sa inyo" bungad ni Sky. "What? Susunduin kita" "No need babe, I'm on my way now, with my driver" "Are you sure?" "Yes babe, I love you" "I love you too, Sky" "You're so swee-Waah!.. be careful Manong" "Babe, what happened?" "Miss Sky, meron pong nakasunod sa atin--What?" rinig ko ang pag-uusap nila. "Hello? babe anong nangyayari?" "Yule--" "Babe!. hello! babe, Sky sumagot ka" bigla akong kinabahan. Dali-dali na akong lumabas sa kwarto ko at tumakbo papuntang grahe habang sana tenga ko pa rin ang cellphone ko. "Cloude Yule Hollis" napahinto ako sa naglalakad nang may tumawag sa akin sa kabilang linya. "Sino ka?" "Ang sundo nang pinakamamahal mong girlfriend. Hahaha!" "D*mn you!" "Hahaha! Pumunta kana dito para naman matulungan mo ang girlfriend mo... Opps?! hindi ka nga pala nagpaturo sa mga magulang mo. Kung paano maging mahusay na mafia leader. Paano mo kaya maliligtas ang girlfriend mo?" "Idiot!" "HAHAHA!.. pakingan mo na nga lang ang pinakamamahal mong girlfriend. 'Help!... Help!'" "Sky!" nalalabo na ang mga mata ko. "Tumahimik ka!. Papakingan mo nalang ba ang girlfriend mo? Cloude Yule Hollis, nakakaawa ka naman.." 'D*MN!' Kinuha ko ang sasakyan ko at nilagay yung susi kahit sobrang gulong-gulo ng utak ko. "Cloude! saan ka pupunta?" nakita ko nasa gilid ng pinto ng sasakyan na si Ate Ai. "B-Bakit ka umiiyak?" "Ate, si Sky!" Nang may marinig akong pagsagbog sa kabilang linya. "Anong nangyari--Cloude!" pinaharurot ko na yung sasakyan. "Cloude! bumalik ka dito!" 'Sky!. Hindi pwede' Pinaharurot ko pa yung sasakyan para madaling makapunta kay Sky. 'Kailangan ko siyang iligtas.' ~~~ Nang may biglang may humarang na dalawang sasakyan sa dadaanan ko at lumabas sila Mom at Dad. "Cloude, don't go!" "Mom, No!. Nandoon si Sky kailangan ko siyang iligtas. Alis nyo yung sasakyan nyo!" Napapalo ako sa manibela. "No. Please! Cloude, bumalik na tayo sa bahay. I promise you, gagawin namin ng Dad mo ang lahat. Just please! go back home... please!" umiiyak na sabi ni Mom. Umiling ako. 'Ayokong pabayaan na lang si Sky doon' "Mom, si Sky! paano si Sky? please Mom. I'm begging you." pagmamakaawa ko. Nang biglang tumunog yung cellphone ni Dad. "Hello?" napatingin ako kay Dad. Napatingin siya sa akin at binaba na yung cellphone sa may tenga niya. "Sorry, Cloude" sabi nya "pero patay na si Sky dahil sa pagsabog ng sasakyang sinasakyan nila" Sinuntok ko ang manibela. 'D*mn!.. It's all my fault!' Napayuko ako sa manibela. Ang sakit na wala akong nagawa para kay Sky. Ang sakit. 'I'm sorry Sky. I'm sorry, I promise you gaganti ako. Gaganti ako sa mga taong gumawa nito sa'yo!' Pinunasan ko ang luha ko sa mukha ko tumingin kala Mom at Dad. "Gusto kong magtranning para maging member ng grupo. Gusto ko ipaghiganti si Sky, Dad, Mom" "Pero Cloude?" gulat na tingin sa akin ni Mom. Tumingin ako ng masama sa kanila at inatras ko na ang sasakyan ko at bumalik na sa bahay. =*END OF FLASHBACK*= Ilang taon ako nagtranning para maging katulad ni Dad at para maging mahusay sa lahat ng bagay. Para maipaghiganti ko lang si Sky sa mga taong pumatay sa kanya. Kahit sobrang hirap at sobrang masasakit ang lahat ng tranning. Kinaya ko para sa gusto kong mangyari. Kaya hindi ko pa siya pwedeng kalimutan nalang dahil hindi ko pa sya naiipag-higanti sa mga gumawa noon sa kanya, kaya hindi ko pa pwede baliwalain at kalimutan na lang siya Si Sky. 'I love you, my Sky, I love you, my angel' Hindi ko hahayaang mabaliwala ang lahat ng mga pinaghirapan ko. Para sayo ang lahat ng mga ito, para maipag-higanti ka sa mga masasamang taong yun. Kaya ako sumali sa magulong buhay na 'to para maipaghiganti ka lang sa mga Harwell. Sa Harwell na walang puso na gumawa nito sa sayo. Pinadesisyon kami nila Dad at Mom kung sasali kami sa pagiging membro ng samahan at maging mahusay na Mafia Boss. Kung hindi naman kami sasali may mga taong magbabantay at poprotekta sa amin. Hindi ako sumali noon, dahil gusto ko lang maging simple at tahimik na buhay. Pero hindi pala magiging simple ang buhay ko kung palagi malalagay ang mga tao mahal ko sa kapahamakan at wala akong magagawa. Napatayo ako sa kinahihigaan ko at kinuha ang laptop ko. Nalaman kong may dalawang anak si Alvert Harwell, pero kahit kailan hindi niya ito nakakasama o nakakausap man lang. At walang pagkakakilanlan ang dalawa. Nahiga na lang uli ako sa kama ko at tumingin sa kisame. 'Pero bakit hanggang ngayon ganito pa rin ako? natamaan pa rin ako ng bala. Kulang pa talaga ang lahat ng pinaghirapan ko? hindi pa ba sapat ang mga pasasanay na ginawa ko para makapaghiganti ako para sa kanya?'. Napahawak ako sa balikat ko na bigla na namang kumirot. * * * * * * Twilight Sky's POV (Before the accident) "Jacob, dalian mo. wag pabagal-bagal" lingon ko sa kanya. "Yes. Bella" Kumindad pa siya at ngumiti sa akin. Tumalikod na ako sa kanya, at naglakad na ako paakyat para sundan sila Autumn. Nang makita ko sila nagkukumpulan silang lima na parang may pinag-uusapan. "Ano girls ayaw nyo pang mauna?" tanong ko sa kanila. Habang nakahawak sa backpack ko. "No. Twilight" Iling ni Autumm. "Just go ahead, alam naman naming sanay kanang umakyat, kaya go" sabi ni Autumn kaya napangiti ako sa kanya. "Sure kayo?" paninigurado ko. "Yup!" sagot nya kaya nauna na ako sa kanila. Nang may biglang may malakas na palo, ang tumama sa tagiliran ko. Napaupo ako sa gilid ng mapansin kong malapit na pala akong mahulog sa bangin kaya napahawak agad ako sa isang bato. "Omy gosh! ang lakas mo talaga!" mahinang sabi ni Autumn. Lilingon sana ako sa kanya, nang may maramdaman ko na lang ang ilang sunod-sunod na paghampas sa likuran ko. Nakita ko si Autumn na may hawak ng kahoy. Naramdaman ko na lang na unti-unting pag-dulas ko, pababa sa may bangin. "Tulong!.." sigaw ko. Nakita akong may palalag na kahoy, na pwedeng tumama sa akin. Gusto ko mang iwasan, pero hindi ko na kayang iwasan dahil mas lalo pa akong napapaada-usdos pababa sa bangin. "Si Twilight?!" narinig ko ang boses ni Jacob kaya nagkaroon ako ng lakas nang loob na kumapit lang. "There, nadulas sya. R-Right Girls?" rinig kong boses ni Autumn. 'Tss! Naku! kapag nakaalis lang talaga ako dito sapak ka sa akin!' "O-Oo" sagot ng mga Alipores niya. 'Mga sinungaling! lagot talaga kayo sa akin' namalayan ko na lang na putol na ang hinahawakan kong sanga kaya nanlaki ang mata ko. Naramdaman ko ang pagdausdos ko pababa kaya naghanap ako ng pwedeng pagkapitan. "Tulong!..." sigaw ko uli. Nang makaramdam ako ng pagkahilo kaya napapikit ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung didilat pa ako para malaman kung ano ang mga nangyayari. Nang biglang magblanko ang paningin ko. * * * * * * . #3 #TMAPaP #EllyM.E. IAmElainah ===ELAINAH M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD