CChapter 4:
Homer's POV
Tatlong araw na ang nakakalipas, simula nang maaksidente si Cat. Hindi pa rin siya nagigising, kaya hindi muna ako pumasok para mabantayan sya.
"Twilight, bakit ang tagal mo namang gumising, pasukan na oh! feeling sleeping beauty ka naman" hawak ni Jacob sa kamay ni Cat.
Inayos ko na ang pagkain na binili ko kanina nang lumabas ako, bago umalis sila Tita.
"Kumain ka muna" yaya ko kay Jacob. Na kararating lang galing sa school na sakto naman, sa paglabas nila Tito Dark at Tita Sunlight.
"Ayokong kumain, sa'yo nalang yan" sabi nya. Nagkibit balikan na lang ako at tinakpan na lang ang pagkain.
Alam kong galit sa akin si Jacob, dahil sinisisi nya si Autumn dahil sinama ko pa ito sa pag-akyat namin sa bundok.
=*FLASHBACK*=
Nasa emergency room na si Cat, nang makita ko sila Tito Dark at Tita Sunlight. Nagpahatid na lang si Autumn sa driver nila.
"Ano bang nangyari?" alalang tanong ni Tita Sunlight, habang may mga luha sa pisnge niya.
"Tit--" hindi na ko nakapagpaliwanag dahil sa pagsasalita ni Tito.
"Relax, Life" nakaakbay na sabi ni Tito.
"Relax? Anong relax? anak mo kaya yun!" tingin ni Tita kay tito.
"Tss!" Tumingin si Tito kay Jacob at naghudyat na umalis muna kami.
"Tara. Homer!" yaya ni Jacob sa akin, kaya sumunod naman Ko sa kanya.
~~~
Nang makarating kami sa labas ng hospital. Tumingin sa akin si Jacob. "Kasalanan 'to ni Autumn ku-"
"Wag mo nang sisihin si Autumn, Jacob ako na lang" pagsingit ko sa sasabihin.
"Oo. Oo ikaw rin, dahil dinala-dala mo pa yung babaeng yun." napailing sya. "Wala ka kasing alam. Sa susunod na may mangyari uli kay Twilight dahil kay Autumn at dahil sa'yo!" turo nya sa akin. "Wag kana sanang magpakita sa kanya o lumapit sa kanya" tingin nya sa akin ng masama at naglakad na uli papasok sa hospital.
'Saan wala akong alam o sila ni Twilight ang walang alam?' Huminga na lang ako nang malalim at pumasok na rin sa loob ng hospital para malaman kung ano na ang nangyayari kay Twilight.
=*END OF FLASHBACK*=
Tinitigan ko na lang si Cat, makikita sa mukha nya ang maraming gasgas, habang ang may malaking sugat siya sa noo.
"Cat!" lapit ko sa kanya ng makita ko ang paggalaw ng talukap ng mata nya. Napatingin rin si Jacob sa kanya, dumilat na sya at nakatingin sa amin.
"Cat!"
"Twilight!" Magkasabay na tawag namin ni Jacob sa kanya.
"Kumusta kana?" tanong ni Jacob sa kanya, pero kumunot lang ang noo nya.
"S-Sino ka? S-Sino k-kayo?" tingin nya sa aming dalawa.
"Twilight, wag ka ngang magbiro ng ganyan" sabi ni Jacob.
"S-sino ba kayo?" hawak nya sa noo nya. Kaya nagkatinginan kami ni Jacob, dahil sa tanong ni Twilight.
"Twilight! Sweetie" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Tita Sunlight na kasama si Tito.
"My Daughter" lapit nila Tito Dark kaya napaatras kami ni Jacob sa kama ni Twilight.
"How are you?" Nakangiting tanong ni Tita Sunlight.
"S-Sino po kayo?" tanong ni Twilight na umupo sa kama nya. Tumingin sila Tita at Tito sa aming dalawa ni Jacob. Kahit sila nakalimutan ni Twilight?.
Nakita ko ang masamang tingin sa akin ni Jacob. Napatingin ako kay Twilight na tumitingin-tingin sa aming apat.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Nakaramdam ako nang pagkilos sa paligid ko, kaya hindi muna ako dumilat para makiramdam na lang muna. May nararamdaman ko na may nakahawak sa kamay ko.
"Twilight, bakit ang tagal mo namang gumising, pasukan na oh! feeling sleeping beauty ka naman" 'Magclassmate ba kami? tyka sleeping beauty matagal ba akong tulog?'
"Kumain ka muna" may nagyaya naman. 'Ako ba yung niyaya nya? sabagay gutom na rin naman ako, ilang days na yata akong nakahiga'
"Ayokong kumain, sa'yo nalang yan" 'hindi pala ako.'
Nang makaramdam ako may naglalakad sa paanan ko at medyo sumasakit ang ulo ko. 'Ano bang nangyari?' Kaya dumilat para makita ko kung ano ang nangyari.
"Cat!" Napatingin ako sa dalawang tao na nasa harapan ko.
"Cat!"
"Twilight!" Magkasabay silang dalawa.
"Kumusta kana?" tanong ni Jacob sa akin.
"S-Sino ka? S-Sino k-kayo?" tingin ko sa kanilang dalawa.
"Twilight, wag ka ngang magbiro nang ganyan" sabi ni Jacob. 'Hindi ba ako marunong umarte?, nakasali pa naman ako noon sa drama club. Talaga 'tong si Jacob, hindi talaga mapag-paniwala'
"S-sino ba kayo?" hawak ko sa noo nang biglang na namang kumirot. Nakita ko magkatinginan sila Jacob. 'Bromance lang ang peg'
Naalala ko tuloy yung kantang 'Pare, mahal mo daw ako. Pff-' nawala ang tawa sa isip ko dahil may tumawag sa akin.
"Twilight! Sweetie" napatingin ako ng marinig ko ang boses ni Nanay na kasama si Tatay.
"My Daughter" lapit nila Tatay sa akin kaya napaatras sila Jacob sa kama ko.
"How are you?" Nakangiting tanong ni Nanay sa akin. Napatingin ako kay Jacob at Homer. Mukhang hindi pa kasi naniniwala si Jacob sa akin.
"S-Sino po kayo?" tanong ko, habang paupo sa kama ko.
Tumingin sila Tatay at Nanay sa dalawa kasama ko nang maaksidente ako. Binalik rin naman nila Nanay sa akin ang tingin nila at tahimik lang na parang hindi sila makapaniwala sa nangyayari.
Nakita ko ang masamang tingin ni Jacob kay Homer. "Who is did this to my daughter?!" nag-eecho ang boses ni Tatay sa loob ng kwarto. "Mapapatay ko siya!" Tatay added.
"Ano?" tingin ni Nanay kay Tatay. 'Lagot ka tatay.'
"Ako ang papatay, ikaw na lang ang maghulog sa ilog" sabi ni Nanay. 'That's harsh!'
"Tito, Tita? nabibiro po ba kayo?" tanong ni Jacob sa kanilang dalawa.
"Mukha ba kaming nagbibiro Jacob? Gusto mong ikaw yung pagpractice-an namin?" tanong ni Nanay.
"Nako! Tita wag nama--"
"Sinong gumawa nito sa kanya? sagutin mo ko o mamatay ka?"
"Si Au--"
"Ako po. Tita" napatingin kami kay Homer na nakatingin sa mga mata ni Nanay.
Napailing na lang ako dahil sa pag-amin nya. "Nanay, I'm fine. pretty fine" yakap ko kay Nanay. Alam kong nakatingin sila lahat sa akin. Humiwalay ako sa pagyakap kay Nanay.
"Damn it! Twilight Sky, Don't do that again" yakap ni Tatay sa akin at ngumiti lang ako. Nakisali na rin si Nanay sa yakapan namin. 'Happy family!'
Napangiti ako kay Jacob na naka thumbs up lang at ngumiti rin ako kay Homer. Kahit ani pa naman mangyari kaibigan ko pa rin naman sila.
~~~
Nakita ko ang paa ko na may plaster dahil sa malaking sugat na medyo naghilom na at mukhang may pilay nga rin dahil may kaunting pamamaga.
"Nanay may salamin po ba kayo? gusto ko lang pong makita kung anong nangyari sa mukha ko"
Nagkatinginan silang apat. "May masama o may mali po ba?" 'Baka naman iba na ang mukha ko?, O baka pina-opera nilang ang mukha ko tapos naging masama ang kinalabasan?'
"Sigurado ka ba?" tanong ni Nanay. 'Sabi na eh! Pina-opera nila yung mukha ko'
"Opo. Pina-opera nyo po ba yung mukha ko? panget po ba ang kinalabasan? Matatangap nyo pa ba ako bilang anak nyo?" Nanlaki ang mata nila dahil siguro sa sinabi ko o dahil tama ako. 'Diba? Tama ang sinabi ko. Tama!'
"Pff-" napatingin ako nang masama kay Jacob na nagpipigil tumawa.
"Lakas nang tama mo, Sweetie" tinapat ni Nanay sa mukha ko yung salamin. "Sasabihin ko nga sa Doctor mo na wag ka ng painomin ng gamot mo" Nakatingin ako sa mukha ko na maraming gasgas at papahilom na rin.
"Are you alright?" Tatay asked.
"Y-Yeah!" tumango ako. Nakita kong nakatingin sa akin si Homer. 'Kasalanan 'to ni Autumn'
"I'm sorry, Cat" lapit ni Homer sa akin.
"Wala ka kasalanan" sabi ko na lang. "Gusto kong kumain ng favorite kong cheese cake" pagbabago para hindi na malaman pa nila Tatay.
"Gusto mong ibili ka namin? makakapaghintay ka ba?" tingin ni Nanay sa akin.
"Opo" nakangiting sagot ko.
"Tara na Dark, ibili na natin 'to anak mo" hila ni Nanay kay Tatay. Nakita ko ang masamang tingin ni Tatay kay Homer.
"Tatay" Tingin ko sa kanya at umiling ako. Gusto kong sabihin na wala kasalanan si Homer dahil iyon naman talaga ang totoo.
"Tara" hila ni Nanay.
"Let's go" akbay nya kay Nanay.
"Papapuntahin namin dito yung Doctor mo. Jacob, Homer, paki-bantayan muna si Twilight ha?"
"Opo, Tita" sagot ni Jacob at lumabas na sila Nanay. Habang papalapit sa akin si Jacob.
"Kumusta kana Twilight?"
"Arayy!" sigaw ko nang masangi nya ang paa ko.
"What happened?" bukas ni Tatay sa pinto. "Jacob Rox!"
Nakapeace sign si Jacob kay Tatay. "Tito, nasagi-"
"Okey lang po ako, Tatay. Kaya go na po kayo, gutom na po ako" nakangiting sabi ko.
"Okey" Lumabas na uli si Tatay at naupo si Jacob sa gilid.
"Takot ka kay Tatay no?" turo ko sa kanya.
"Tignan mo kaya si Tito nakakatakot tumingin"
"Wala kaya siya dito"
"Slow"
"Not thinking, can't you see. Wala dito si Tatay tapos sasabihin mong 'Tignan mo kay si Tito.. bluh! bluh! eh wala nga?"
"Ewan ko sa'yo" kamot nya sa ulo.
"Ikuha mo na nga lang ako ng apple gutom na talaga ako" turo ko sa mga prutas. "Dali!"
"Makautos ha?"
"May angal?"
"Sinabi ko ba? Ito na nga o" tayo niya at kumuha ng apple. "Hugasan ko lang"
"Okey" ngiti ko.
"Lalabas muna ako" sabi ni Homer at lumabas na agad. 'Hopefully he won't be affected sa tingin ni Tatay.'
~~~
"Ito na!" abot ni Jacob sa akin ng apple.
"Sumayaw ka nga Jay" kagat ko sa mansanas.
"Tss! But hindi mo agad sinabi. Magaling kaya ako sumayaw"
"Talaga lang ha?"
"Oo naman?"
"Game!" kagat ko sa apple.
Tumayo sya sa pagkakaupo nya.
"Tine-tent-tent-tent-nent... tinent-tent!" kanta nya pa sa careless whisper, habang sumasayaw ng parang macho dancer.
"Hahaha!. Pfft!- Tama na nga!"
Pero sayaw pa rin sya ng sayaw.
"Tinent--"
"F*ck! What are you doing, Jacob? Did you know you look stupid! Tss!" Tatay said. Habang nasa likod nya sila Nanay at yung Doctor na tumatawa.
"Pfft- ang cute mo Jacob"
"Matagal na Tita" sabi naman nya at kinidatan pa si Nanay.
"Damn!" 'My jealous Tatay!'
"Labas muna po ako" takbo ni Jacob palabas.
"Hahaha" Lumapit sa akin yung Doctor at chineck up ako.
~~~
Kumakain na ako ng cupcakes na binili nila Tatay. "Nanay, gusto ko na pong umuwi."
"Are you sure?"
"Opo."
"I'll ask your Doctor first"
"Thanks, Tatay"
"But make sure you're okey, Twilight"
"Yes. I'm okey. I'm fine" nakangiting sagot ko kay Tatay.
~~~
Nakaayos na ang mga gamit ko at nakalagay na ang mga ito sa backpack na inayos ni Nanay kanina. Pumasok si Tatay dala ang isang wheel chair at lumapit sa akin.
"Come here" buhat sa akin ni Tatay para mailagay ako sa wheel chair.
Pumayag na kasi ang Doctor na lumabas ako, basta wag muna akong masyadong maglalakad dahil may maga pa ang paa ko.
Tinulak na ni Tatay yung wheel chair habang nakalagay sa likod nya yung backpack. Lumabas na kami ng hospital room at nakita ko si Jacob na papalapit sa amin.
"Twilight?! Lalabas ka na?"
"Hindi. Papasok ako. Kita mo papalabas kami diba?" sabi ko.
"hehe!" Kunyaring tawa niya at tinignan ko si Tatay. "Sige sasabay na ako, para makapunta naman sa bahay nyo"
~~~
Nasa bahay na kami, habang nakaupo kami ni Jacob sa couch . "Kailan ka papasok?"
"Gusto na ngang pumasok bukas, pero syempre hindi pa pwede. Baka sa monday na lang"
"Sabagay miyerkules na bukas, kaunting araw na lang basta magpagaling kana lang muna" taas baba ng kilay niya.
"Kumain muna kayo" lapag ni Nanay ng pagkain sa lamesa.
"Thanks, Tita"
"Thanks, Nanay. Where is Tatay?"
"Nasa library may kausap sa phone nya"
"Ahh!" tango ko.
"Buti naman."
"What did you say, Jacob?" Napalingon sya dahil nasa likod nya na si Tatay.
"Ito po Tito. pagkain" turo nya sa pagkain. "Buti naman na naghanda si Tita ng makakain dahil gutom na rin po ako. Masarap po Tito gusto nyo?"
"Why do you say it is good if you haven't tasted it yet?"
"Because I-I smell it, tito." ngumuso pa siya at inamoy yung hinanda ni Nanay. "I smell it. Try mo, Tito"
"No. Hindi ako kumakain nya."
"Nang luto ni Tita?"
"Hindi nya niluto yan" sabi ni Tatay.
"talaga, Tita?"
"Oo. Binili ko lang kanina, ininit ko nga lang yan" sabi ni Nanay.
"Pero mukhang masarap talaga" Kinain niya na yung pagkain. Tumango na lang si Tatay at umakyat na uli.
"Dyan muna kayong dalawa magluluto lang muna ako" sabi ni Nanay at naglakad papuntang kusina.
* * * * * *
Jacob's POV
Halos dalawang oras na rin akong nandito sa bahay nila Twilight. "Sige, Twilight una na ako" paalam ko sa kanya.
"Ha? edi mauna ka, feeling mo naman susunod ako sa'yo?" sabi nya. Napakamot na lang ako sa ulo ko at naglakad pumunta na sa kusina.
"Tit--" nanlaki ang mata ko kasi nandoon pala sila Tita at Tito. Naghahalikan silang dalawa kaya napaatras ako ng makita ko ang masamang tingin ni Tito. 'Sayang hindi ko na videohan'
"Jacob!" Nakangiting tawag ni Tita Sunlight sa akin.
"M-Magpapa-alam na po sana akong umalis" kabadong sabi ko.
"Ahh! ganun ba? sige, ingat ka ha?"
"S-Sige po, Tita, Tito, Salamat! alis na po ako" kaway ko. Naglakad na ako at nakita ko uli si Twilight na nanunuod. "Sige, Twilight alis na ako"
"Sige, ingat!" nakangiting kaway niya sa akin.
Lumabas na ako ng bahay nila. Nang may mapansin akong sasakyan sa likod malapit sa sasakyan ko.Tiningnan ko yung sasakyan na parang nakita ko na noon. Napailing na lang ako at sumakay nasa sasakyan.
* * * * * *
#4
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===ELAINAH M.E===