Chapter 27:
Third Person's POV
Malapit nang lumapag ang private plane kung saan sakay sila Twilight. Naalimpungatan si Zhynly at napatingin siya sa paligid. Nagulat siya ng makita ang kalagayan ni Twilight, namumutla na ang katawan nito. "Ti-Boss, ang Young Lady po" turo ni Zhynly sa kanyang pinsan ng mapansin niya ang dumudugo binti nito.
Nagising si Dark dahil sa sinabi ng kanyang pamangkin. Delakado na ang kalagayan ng kanyang anak, kaya ng lumapag na ang sinasakyan nila agad niyang binuhat ang anak. Sumunod na rin sila Jacob habang inaalalayan nito si Zhynly na may tama rin natamo.
Nang makasakay sila sa sasakyan pinadiretsyo niya agad sa hospital ang sasakyan. Habang nasa sasakyan ay kino-contact naman ni Zhynly ang kanyang ina para maghanda ito sa pagdating nila para asikaso ang pinsan. "Mama, pumunta po kayo sa hospital"
"Anong nangyari?" alalang tanong ni Sunshine sa kabilang linya.
"Si Twilight po may tama ng baril, papunta na po kami sa hospital"
"Osige papunta na rin ako, Isasama ko na ang Tita mo. Ikaw kamusta kana?"
Natahimik si Zhynly dahil sa mga oras na yun hindi siya ang dapat manguna kundi si Twilight. Hindi naman masyadong mahalaga ang tama niya kumpara sa pinsan niya. "I'm fine, Ma. Kita na lang po, bye".
Nakita ni Zhynly ang pag-aalala sa mukha ng kanyang Tito Dark pero pinapakita pa rin nito ang katatagan habang nakatingin kay Twilight.
~~~
Pagkarating nila sa hospital na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Kung saan laging dinadala si Twilight kapag nasasangkotcito sa aksidente. "Kami na po ang bahala, Sir" sabi nang nurse pagkababa kay Twilight sa higaan ng kanyang ama.
"Where is my mom? I mean, Where is Dra. Sunshine Jones?" tanong ni Zhynly sa nurse.
"Si Doctora Jones po? Nagday-"
"I'm here. Let's go" takbo ni Sunshine sa pamangkin nang makita niyang namumutla ito. Kasama nito si Sunlight na nag-aalalang na napayakap sa kanyang asawa.
"Ano bang nangyari?" na-iiyak na tanong ni Sunlight kay Dark. "Sabi ko diba? Wag mong siyang papabayan!" sabi ni Sunlight sa asawa habang umiiyak.
"I'm sorry, Life" mahigpit na niyakap ni Dark ang asawa habang umiiyak ito.
Habang inaasikaso ni Sunshine ang pamangkin na si Twilight napansin rin niya ang pamumutla nang anak ngunit alam niya mas kailangan siya ni Twilight.
"Please, asikasuhin nyo na rin ang anak ko." Turo ni Sunshine sa anak at sa ibang nurse may dalang wheel chair.
"Yes! Doc" sagot naman mga ng nurse.
"Umupo po kayo" pinaupo na si Zhynly para magamot ang daplis na tinamo nito.
"Jacob, pakisamahan naman si Zhynly" sabi ni Sunlight na nag-aalala rin sa pamangkin.
"Sige po" naglakad na si Jacob pasunod kay Zhynly.
~~~
After an hours.
Natanggal na ang bala na bumaon sa binti ni Twilight at sinalinan rin siya nang dugo dahil marami ang nawala sa kanya. Dinala na rin siya sa private room na may nakabantay na mga membro nang Darklight.
Nakabenda na rin ang balikat ni Zhynly at nagpapahinga na rin siya sa private room katabi nang kwarto ni Twilight habang binabantayan ni Jacob.
* * * * * *
Pippa Zhynly's POV
I woke up and noticed that I wasn't even in my room. I realized that I was in the hospital. Kaya pala medyo madilim pa lang nagising na ako. Napatingin ako sa paligid at napansin kong may taong nakayuko sa gilid ng kama ko.
"Jacob?" Napahawak ako sa balikat ko nang biglang kumirot pero napangiti ako dahil nandito si Jacob sa tabi ko. Naawa ako sa sitwasyon niya kung paano siya matulog dahil nakayuko lang siya. Sana umuwi nalang siya, nang hindi siya nahihirapan at para makahiga siya ng maayos. Nang mapansin kong gumalaw ang ulo niya, napapikit ako nang aking mata.
~~~
Kinaumagahan may mga naririnig akong kaluskos sa paligid kaya napadilat ako at nakita ko si Mama na naghihiwa ng prutas. I thought siya ang magbabantay kay Twilight.
Napalingon sa akin si Mama. "Darling, gising kana pala, you want some?" alok niya sa apple. "Ginawa ko talaga 'to para sa'yo, para sa paggising mo"
"Kamusta na po si Twilight? At nasaan po si Jacob?" dahil wala na siya sa paligid ng kwarto.
"Ayos na si Twilight, sinalinan siya nang dugo dahil marami ang nawala sa kanya, at nagpapahinga na siya sa kabilang kwarto" I sighed. 'It's good to hear'.
Lumapit si Mama at inabot ang prutas. "Si Jacob naman pinapasok ni Dark para sabihin na may pinuntahan kayo ni Twilight"
"Pinuntahan?" takhang tanong ko.
"Alangan naman sabihin namin may sakit kayo, baka pumunta pa si Homer o yung ibang ka close nyo dito" Ilalayan ako ni Mama na tumayo. "O, gusto mong sabihin naming nakipagbarilan kayo?" dagdag niya pa.
"Okey na Ma, gets ko na" It would be nice if what Mom said was true. We went to a nice place. But in this place? In the hospital room? Nevermind!.
* * * * * *
Jacob's POV
Bumaba na ako sasakyan ko nang lumapit sa akin si Cloude. Anong kailangan niya?.
"Si Twilight?"
"Bakit mo tinatanong?" balik tanong ko sa kanya at mukhang nainis siya.
"Just answer me!"
Napailing ako. "Tss!" nilagpasan ko na lang siya.
"Where--" Napahinto ako sa paglalakad, nang hindi lumilingon sa kanya .
"Hindi mo na kailangan malaman pa. Yung girlfriend mo, palapit na" tingin ko kay Althea Skyler. "Baka malaman pa niya na may ibang babae kang tinatanong o hinahanap, mapahamak pa si Twilight" naglakad na ako.
"Hey! Boyfriend ka ni Zhynly, right? Where is she?" Boyfriend? Talaga yun si Pippa pinagkakalat na kami na. Eh! hindi pa naman ako nangliligaw. Masyadong excited maging boyfriend ako.
"Hey!?"
"May pinuntahan sila nang pinsan niya, hindi sila makakapasok ngayon" Ito ang gusto ni Boss para walang kahit na sinong dumalaw kanila Pippa, ang palabasing may pinuntahan sila. Lalo pa't nalaman namin na malalapit lang ang mga kalaban at isa dun si Autumn at ang iba pang nandito sa University.
Nilagpasan ko na yung girlfriend ni Cloude at naglakad na ako paalis. Ang kailangan ko lang naman gawin ang malaman nang iba na may pinuntahan sila. Para wala nang magtatanong pa nang magtatanong.
"Jacob!" napatingin ako kay Homer. Tumakbo siya papalapit sa akin. "Si Cat? Hindi pa rin ba siya papasok?"
"May pinuntahan kasi sila ni Pippa"
"Ganun ba?. Bakit nga pala mukhang umiyak siya, yung huli ko siyang nakita sa kanya?"
"Napuhing lang siya nun. Sige, may pasok pa kasi ako" nalakad na ako.
"Sandali!" Napatingin ako kay Homer. "Kapag nakauwi na si Cat, punta naman kayo sa bahay. Bonding tayo tulad ng dati."
"Sige, sasabihin ko sa kanya" sagot ko at naglakad na paalis. Ilang buwan na rin ang nakalipas, dati magkakasama pa kaming tatlo sa pag-aadventure.
Ngayon, marami nang nagbago at lalo na sa sitwasyon ni Twilight. Isa na rin doon ang pagkakaibigan namin tatlo.
* * * * * *
Althea Skyler's POV
"Babe!" yakap ko kay Yule. Pero hindi man lang niya ako niyakap pabalik. What the?!.
"Break up with me, Sky" he said. "sinabi ko na diba yun sa'yo?" he added.
He called me yesterday para sabihin na makipagbreak na ako sa kanya. I thought it was a joke but it wasn't. It's f*****g real!.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa kanya. "Why Yule? May mahal kanang iba?"
"Nothing. Hindi naman yun ang reason kaya gusto kong makipag-break ka sa akin" sagot niya sa akin.
"Bakit nga gusto mong i-break kita?!"
"Just do it! break up with me. Please?"
"No. Hindi ako makikipag-break sa'yo hanggat hindi mo sinasabi kung sino yung taong pumalit sa'kin diyan sa puso mo!" turo ko sa dibdib niya and I kissed him. Nginitian ko siya at hinintay ko siyang magsalita.
"Kung sasabihin ko ba makikipagbreak ka na?" He said. Meron na talaga. I feel it.
"Pwede rin naman?" Pero hindi, o hindi kahit kailan.
"Tss!. I like Twilight, yes, but that's not the reason why I want to break up with you. " Si Twilight, siya yung babaeng isang beses ko palang nakita.
"Okey." tiningan ko si Yule ng nakangiti. "I'll break you when he likes you too. For now, tayo pa rin" I smiled at him and walked away.
* * * * * *
Rexie's POV
Pagkababa ko nang sasakyan, napansin ko si Cloude at Skyler kaya napatago ako at hindi ko alam kung bakit kailangan kong nagtago.
Narinig ko ang pinag-uusapan nila, gustong makipaghiwalay ni Cloude kay Skyler. Pero sa tingin ko, kahit sabihin ni Cloude kung sino ang gusto niya hindi siya hihiwalayan ni Skyler. Umalis na si Skyler pero nakatago pa rin ako.
"Lumabas kana d'yan!" rinig kong sabi ni Cloude.
"Uy!" taas ko sa kamay ko at nakita kong naglakad na siya papunta sa sasakyan niya. "Hindi ka papasok?!" pahabol na tanong ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin sumakay siya sa sasakyan niya at umalis.
Mukhang maraming gumugulo sa utak ni Cloude, idagdag pa yung tungkol kay Miss Twilight at kay Skyler. Handsome problems ba?.
Naguguluhan pa rin ako kung bakit pinapabantay ni Miss Ai sa akin si Skyler nang ma-ospital si Cloude. Eh? Girlfriend naman nang kapatid niya yun?. Kung pwede lang mag-imbestiga, pero walang utos kaya hindi pwedeng gawin. Hindi ko pwedeng ungkatin ang mga bagay na gumugulo sa isip ko.
"Hoy! Rexie! Anong ginagawa mo dito?" lapit ni Travis sa akin na may kasamang isang babae. Babaero talaga ang loko 'to.
"Ipakilala mo naman ako sa friend mo" sabi nang babae. Pero mukhang walang balak si Travis na ipakilala yung babae sa akin.
"Kababa ko lang nang sasakyan ko. Ikaw hindi ka ba papasok?" sagot ko na lang.
"Hindi, nagpaalam lang ako sa prof ko. May gagawin kasi ako" Nakatingin lang samin yung babae na kasama niya.
"Ganun ba? Paano yang kasama mo?" turo ko sa kasama niya.
"Hinatid niya lang ako dito"
"WHAT?!" tumingin sa kanya ng babae. Hindi na ako nagugulat kung ginagawa niya taga-sundo o taga-hatid ang mga babae. Hindi ko nga alam kung saan si Travis kumukuha nang dahilan. Bakit siya ganun sa mga babae?.
Napakamot ako sa mga inisip ko. "Sige, punta na ako sa room" turo ko sa dereksyon paalis.
~~~
Pagkarating ko sa room na na-late na ako nang five minutes, pero pumasok pa rin ako nang makita ko si Mike na nasa dulo na nakaupo. Kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Sa isang subject lang kami magkaklase.
* * * * * *
Amber Ice's POV
Nagulat ako ng makita ko si Cloude sa bahay. I thought he went to school. Inaayos ko pa naman yung mga cctv sa bahay dahil ako lang mag-isa dito, para kung may mga kakaiba sa paligid madali kong malalaman. Ipinaalis ko na ang mga tauhan ni Dad na nakabantay sa amin dahil ayoko ng ibang tao sa paligid.
"Cloude!" tawag ko sa kanya, dahil nagmamadali siyang maglakad paakyat. Sinara ko yung laptop ko dahil doon nakalagay ang mga profile nang mga membro ng organization. Hindi ko siya napansin na dumating dahil sa mga nababasa ko.
"What?!" lingon niya sa akin na nakakunot ang noo. May problem ba sya?
"Si Travis nakita mo ba?"
"No" May pinapagawa kasi ako sa isang yun baka nangbabae na naman yun. Sana si Grayson na lang yung inutusan ko siguro sandali lang yun.
"Si Twilight nga pala may balita kana? I'm pretty sure na naka-comfined yun sa hospital"
"I do not know where is she. Ayaw sabihin nang kaibigan niya, ang sarap sapakin" kinuyom niya yung kamay niya. Sasabihin ko kaya may sariling hospital sila Twilight?.
"So? Anong gagawin mo ngayon?"
"Tss! I don't know! Bakit ba ang dami mo tanong?! Where's Dad and Mom?"
"May underground business transaction daw silang pupuntahan. Ayun ang sabi."
"What?! Bakit si Mom pa ang isinama ni Dad? Sana si Mr. Ab na lang or tito Ricky!" pasigaw niya.
"Ang hot mo naman!. Hindi ko nga rin alam? Sana nga ako na lang ang sinama nakakabored magbantay ng cctv at magbasa ng mga--" napatigil ako sa pagsasalita ko dahil nasosobrahan na naman ako nang kadaldalan ko.
"Nang magazine... you know?" ngiti ko. But mukhang hindi siya naniniwala.
"Tss!. Do you have any other questions? I have something to do upstairs"
"Si girlfriend mo? kamusta na kayo?" Hindi niya pa rin ba alam? Ang tagal naman ng information niya? Tss!. Kumukuha ba talaga siya o binabaliwala lang niya?. Ayokong sabihin sa kanya ang mga nalalaman ko gusto siya ang makadiskubre nang lahat ng lalaman ko at ang mga hindi ko pa alam.
"Aakyat na ako ang dami mong tanong!" takbo niya sa hagdan. Grabe ha? hindi sinagot ang dyosang ate niya.
"Makapag-bake na nga lang nang cupcakes" Para mamaya pupunta ako sa hospital nila Twilight pagkatapos kong magbake.
~~~
Pinaghalo-halo ko ang mga ingredients para makagawa ng cupcake. Nang makita ko si Cloude na nakasandal sa gilid ng pinto habang may dala siyang backpack at laptop.
"Where are you going?"
"Somewhere, two days akong mawawala"
"Alam na ba 'to nila Mom at Dad?"
"Yes. Tinawagan ko sila kanina." tumingin siya sa ginagawa ko. "May balak ka bang puntahan si Smith sa hospital nila?"
"How did you know that?" tingin ko sa kanya.
"That's easy enough for me to know. But I know, you know a lot of information, na hindi mo sinasabi sa akin." This is what I have been waiting for Cloude to do. Alam kong kapag kumilos siya madali siyang makakakuha ng in information or whatever he wants to know.
Napailing na lang ako "So? Marami ka nang alam?".He shrugged. "Eh! Kung makakausap ko nga si Twilight may ipapasabi ka ba?" tingin ko sa kanya.
"Nothing" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Wala kanang tanong man lang o ipapasabi?" Ang bilis naman ng ihip ng hanggin kanina lang.. "Nothing?. Okey, then, take care" sagot ko at kumaway sa kanya. Wala na kaya siyang pakealam kay Twilight?. Impossible.
He sighed. "I will" he said and he walked away. Binalikan ko na ang ginagawa ko sa kusina. Pagkalagay ko sa loob oven ng cupcake pan kinuha ko yung phone ko para itext si Mike Winz.
:Perez
Ibigay mo sa akin ang number ng pinsan ni Twilight.
Para kung mapurnada man ang unang plano ko pwede kong tawagan ang pinsan niya. Hindi kami close kaya pang plan B lang siya.
Ilang minuto lang ang nakakalipas, nabigay na sa akin ni Mike ang number ng pinsan ni Twilight. Kinuha niya daw sa kaibigan nang mga ito dahil hindi rin ito pumasok. Pinalabas ng mga ito na may pinuntahan sila, kaya sigurado ako na nasa ospital lang sila.
~~~
Ilang oras na ang nakalipas, pagkatapos kong malagyan ng design ang cupcakes, maingat ko 'tong sa may box. Pumunta ako sa may monitor para tignan ang cctv footage. Ni-replay ko na rin muna para makasiguradong maayos ang lahat.
Pagkatapos kong tignan pinatay ko na ang lahat ng ilaw at sinara ko na ang lahat ng pinto para umakyat na sa kwarto ko..
* * * * * *
.
#27
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===Elainah M.E===