Chapter 26

2537 Words
Chapter 26: Mike Winz's POV Si Miss Twilight ba talaga yung nakita ko kanina?, Ang astig niya tignan kapag may hawak siyang baril. Sabi na nga ba eh! Mas bagay sila ni Cloude. 'Ano ba yan para akong bakla, may aksyon na nagaganap kung anu-ano pa ang naiisip ng matalino kong utak.' "Hey! Hanapin mo sila Mom at Ai" tumakbo si Cloude papasok sa pinto. "Rexie, nasaan na kayo?" hawak ko sa tenga ko na may earpiece. "Nasa labas kami brad, kasama namin si Miss Claudia ni Miss Ai" "Buti naman, si Bossing?" "Hindi namin alam. Basta pinabantayan lang niya sa amin si Miss Claudia" "Kay Gray, may balita ka ba?" "Nasa loob na yata sila, hindi ko alam!. nasaan ka ba?" "Papasok sa loob" Naglakad na ako papasok sa loob. * * * * * * Twilight Sky's POV Pagkapasok ko nakita ko si Zhynly na nakahawak sa braso niya. "Zhynly!" takbo ko papunta sa kanya. May tama siya at nagdurugo ang balikat niya. "Daplis lang 'to. Tara na" tinulungan ko siyang makatayo, habang hinahanap si Jacob. Busy-busy sila sa pakikipag-barilan sa iba. "Aray!" napaluhod ako nang may tumama sa binti ko kaya natumba kami ni Zhynly. Tumingin ako sa direksyon ng pinangalingan ng bala at nakita ko ang isang lalaki nakatutok sa akin ang baril niya. Tinutok ko sa kanya ang hawak kong baril at kinalabit ko ang gatilyo ng baril. Natamaan ko siya sa dibdib niya kaya napahiga siya. "Cloude?" napatingin ako kay Zhynly nang may bumuhat sa akin na parang pangkasal. "Pippa, tara!" hawak sa kanya ni Jacob para alalayan. Ang sakit ng binti ko, parang mauubusan ako nang dugo. Napatingin ako sa taong bumuhat sa akin. "Hollis?!" tumakbo lang siya at nakatingin lang siya sa dinadaan niya. "Do not look at me like that." Huh?! ako? nakatingin sa kanya?. Si Tatay nga pala? "Jacob, si Boss?" napalingon ako sa kanila ni Zhynly. "Nakita ko pong lumabas, Young Lady" "Young lady? ha?" napabaling ang tingin ko kay Hollis. Pake nya ba?! Gusto niyang tawagin ko rin siya nang young lady. Mukhang gusto niya eh!. "Ibaba mo na ako! Kailangan ako nang Boss namin!" kinuha ko yung patalim sa gilid nang boots ko at tinutok sa leeg niya. Dinadahan-dahan niya akong ibaba pero nakaramdam ko pa rin ang kirot sa binti ko. "Tulungan mo ang Young Lady" sabi ni Zhynly. "Hindi na kaya ko--" "Tara!" hawak ni Jacob sa bewang ko at nasa gitna na namin siya ni Zhynly. "Dami kong Chicks!" Imbis na mainis ako, natawa ako sa sinabi ni Jacob. Nasa ganitong nang sitwasyon nagbibiro pa siya. Natapilok ako dahil sa sobrang ngalay na nararamdaman ko sa binti ko. "Young Lady!" "Matigas talaga ang ulo mo" bigla ako lumutang, dahil may bumuhat na pala akin. Nagkatinginan sila ni Jacob, tumango lang si Jacob sa kanya. Nauna nang tumakbo si Hollis habang buwat ako. "That's why I like you" bulong niya. Ayan naman ang pabebe words niya. Nakakainis!. Paglalabas namin nakita ko agad si Tatay at nakita naman niya agad ako. "My Daughter" "Son" May katutukan si Tatay nang baril, pero sino? hindi ko masyadong makita. "Dad!" sabi ni Hollis. Ibig sabihin si Mr. Hollis yung katutukan ni Tatay ng baril?. "Tatay!." napansin kong buhat pa pala ako ni Hollis. "Ibaba mo nga kasi ak--" binaba naman niya ako. Pero nagulat ako nang sabay iputok nila Tatay at Mr. Hollis ang baril. "Tatay!" lalapit sana ako pero agad akong hinila ni Hollis palayo sa kanila. "They are fine" "Fine ka diyan! Kung--" napatigil ako sa pagsasalita dahil agad niya akong binuhat na parang bumubuhat siya nang isang kabang bigas. Yung nasa balikat niya ako at tumakbo siya nang mabilis. Pumunta kami sa isang gilid at inupo niya ako ng dahan-dahan habang nakatingin lang ako sa kanya. Tinanggal niya yung coat niya na nilagay niya sa likuran ko. Tinaggal niya rin yung neck tie niya. 'Ano bang ginagawa niya?' Tinanggal niya yung isang bitones at tinignan nya ako habang nakangiti. 'Nababaliw na ba siya? May pangiti-ngiti pa siyang nalalaman. Ano bang nasa isip nang lalaking mukhang babaeng 'to!.' "Ano bang ginagawa mo? Nagkakagulo na sa paligid kung anu-ano pa ang trip mo sa buhay mo. tss! Not thinking!" iwas ko ng tingin ko sa kanya at patayo na sana ako pero hinawakan niya ako sa balikat ko kaya napaupo uli ako. Napatingin ako sa sugat ko dahil biglang kumirot. Hinawakan ni Hollis yung chin ko kaya napatingin ako sa kanya. 'Ano bang nasa isip nang lalaking mukhang babaeng 'to?.' Naramdaman ko ang paghawak niya sa binti ko nang madiin. 'Ano bang ginagawa niya!' "Masakit kaya!" bulong ko. "Nawawalan kana nang dugo, kailangan kong talian 'tong binti mo" madali naman niyang tinalian ang binti ko. "May pa hubad-hubad kapa nang coat mo nalalaman, pwede namang neck tie mo lang. Not thinking" tumayo na ako pagkatapos niyang gawin yun pagtali sa binti ko ng neck tie niya. "Bakit ano bang gusto mo gawain ko?" nakangisi tingin niya sa akin. Napatingin ako sa kanya dahil tapos na siya sa pagtali sa binti ko. 'Anong tanong yun?' Tinaggal ko yung coat niya sa likuran ko. "Ayan yung coat mo hindi ko kailangan niya!" lagay ko sa kamay niya. "Wala bang thank you? Bakit ba ang sungit mo, Smith?" tinitigan ko siya. 'Bakit ka kasi paasa ka Hollis?!. Pinaparamdam mo na naman sa akin na you like me! Tss!. Ang sakit na ng ulo ko para isipin pa!.' "Edi! Thank you! Okey na? At Hindi ako masungit! May kailangan lang talaga akong gawin dito, at hindi ka kasama dun! Kaya pwede lumayo kana?!" 'Yung hindi na kita makikita.' "Tutulungan kita" pahabol niya. "Hindi ko kailangan ng tulong mo!" Lakad ko. "You always need my help!" napalingon ako sa kanya. 'Always?' "Hin-di ko nga ka-i-la-ngan ng tu-long mo!" diin ko sa bawat salita na nakatingin sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya kaya naglakad na ako nang paika-ika. "Kaya kong mag-isa! At nang wala ka!" Kailangan kong makita si Harwell at ayun ang mission ko sa sarili ko. Walang makapipigil sa akin. Dahil naiinis ako sa kanya!. "Bakit ka ba ganyan ka? Are you mad at me? Tell me! Smith!" Hinila niya braso ko kaya napaharap ako sa kanya. "Galit ka ba sa akin?" nakita ko ang mga mata niya. Ano ba na naman yan!?. "Ano bang pinagsasabi mo!? Hindi ako nagagalit sa'yo" 'Dahil hindi ko rin alam kung ano 'tong inis na nararamdaman ko.' "Bitiwan mo na lang ako, para tapos na! Please?!" binitiwan naman niya ako kaya tumakbo na ako palayo. Anong galit ang pinagsasabi niya? Nakakainis! Hindi ko naman siya magets!. Mukha ba akong galit sa kanya?. "Young Lady!" lapit sa akin nang mga tauhan ni Tatay. "Kailangan na po nating umalis dito" Ano? Pumunta lang ba kami dito para makipaglaban at maki-gulo? Pumunta ako dito para makita si Harwell. "Young lady!" tumakbo ako kahit paika-ika ako. Hinahabol nila ako kaya nagtago muna ako sa malaking bato na nakita ko. Nang lumagpas ang mga tauhan ni Tatay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Habang humihinga ng malalim dahil sa kirot na nararamdaman ko. Nasa parking lot na ako at posibleng makita ko doon ang leader ng Harwell. May nakita akong kalalakihan na palingon-lingon sa paligid kaya mabilis akong nagtago. "Mr. Harwell, kailangan nyo na pong umalis dito, may tama na po kayo" rinig ko. Anim ang bilang ko sa taong nakapaligid kay Mr. Harwell. Humiga ako sa lapag, sa gilid ng isang sasakyan. Kinuha ko ang isa ko pang baril at nilagyan ng silencer. Inasinta ko ang ilan sa mga paa ng tauhan ni Harwell at isa-isa silang nagtumbahan. Tumayo ako at nagtago dahil may nakakita sa akin. Mabilis akong nag-iba ng direksyon para makalapit sa sasakyan ni Harwell. Pero mabilis na itong umandar kaya inasinta ko ang gulong ng sasakyan pero hindi ako nagtagumpay. "Ayun yung babae!" turo sa akin ng mga lalaki. Hindi ko alam kung tauhan ba sila ni Harwell o sa ibang grupo. Mabilis akong nagtago at narinig ko na pinagbabaril nila ako. Kinuha ko ang M1911 pistol sa boots ko na binigay sa akin ni Tatay kanina. Lalabas pa lang ako sa pinagtataguan ko nakita ko na silang nakahandusay. Nakita ko ang dugo na nagkalat at bigla na lang nakaramdama ako ng panginginig ng katawan ko habang nakatingin sa mga taong wala nang buhay. "What the hell are you doing here, Twilight Sky Mendez Smith?" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Mr. Hollis, ang ama ni Hollis. Napatingin ako sa kanya dahil buong pangalan ko alam nya?. Masama ang tingin niya sa akin habang papalapit siya sa akin. Kalaban rin ba namin sila? Pati si Hollis na anak niya?. Tinutukan ko siya nang baril kahit nararamdaman ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot. "My daughter!" Napalingon ako kay Tatay at nagkatinginan lang sila ni Mr. Hollis. Magkakilala kaya sila ni Mr. Hollis? "Let's go. The party is over." habang sinasabi niya yun nakatingin lang siya kay Mr. Hollis. "Dad!" boses ni Hollis. Kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya kanila Tatay at napatingin siya sa akin. Nakita ko na nasa likuran niya sila ate Ai at Tita Claudia, pati na rin sila Mike at Rexie na nakatingin sa mga nangyayari. Napatalon ako sa gulat ng may marinig akong pagsabog sa kung saan. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko ng mga oras na yun. "Let's go" buhat sa akin ni Tatay paalis. Bakit ganun sila magkatinginan sa isa't isa ni Mr. Hollis. Magkagalit ba sila o kalaban ba namin sila? Pero bakit hindi nila kami binaril?. Tyka tinulungan pa ako ni Mr. Hollis kanina. "Tatay, kilala mo ba sila?" "They are theHollis group" bulong ni Tatay. Hollis group? Kalaban ba namin sila?. ~~~ Nang makarating kami sa sasakyan inupo na ako ni Tatay at pumasok na rin siya da loob. Umandar na ang sasakyan paalis at kasama na rin namin sila Zhynly at Jacob. "Zhynly?" hawak ko sa kamay niya dahil namumutla siya. "Ayos lang ako, Young Lady" nakaunan siya sa balikat ni Jacob. Tumingin ako kay Tatay na nakatingin sa nakapulupot sa binti ko. "Tatay, paano nyo nakilala si Mr. Hollis? Kalaban ba natin sila?" "Ask your Mother. Tss!" "Bakit naman po si Nanay pa? Kilala po ba ni Nanay si Mr. Hollis? Bakit manliligaw po ba ni Nanay noon? Hahaha! Joke lang" tiningnan ko si Tatay at sinamaan ako nang tingin. Nanghuhula lang naman eh! wag niyang sabihin totoo yung hula ko? Hahaha! "Shut up kiddo!" Ngek! totoo nga yata kasi napalakas yung boses niya. Pero seryoso, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman kong may kinalaman sila Ate Ai sa nangyari kay nanay, baka pati sila paghigantihan ko. "Okey, Tatay" ngumiti ako sa kanya at sinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat niya. Feeling ko nanghihina na ako, gusto nang matulog at nangangalay pa ang binti ko. Pero hindi ako pinagpapahinga ng isip ko. Paano kung magkaaway sila Mr. Hollis at Tatay? Hindi na ba kaming pwedeng maging kaibigan nila ate Ai at ng kaibigan ni Hollis? at lalo si Hollis?. "Sleep na, I know this is a tiring day." narinig sabi ni Tatay kaya pinikit ko ang mga mata ko dahil alam bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko. * * * * * * Kelly Ann's POV Nakasakay na kami ni Athan sa sasakyan matapos niyang paputikin ang bomba na ginawa niya ng ilang araw. Isa lang yun malakas na pagsabog at walang sino man ang masasaktan dahil malakas lang an pagsabog yun. "Ano pa bang ginagawa mo diyan? Tapos na ha?" tanong ko sa kanya dahil hawak niya pa rin ang laptop niya. Hindi niya ako pinansin at nagtatype pa rin sa keyboard ng laptop niya. "Paki-hinto ng sasakyan" utos niya kaya ginawa naman ng driver ang sinabi niya. "kailangan na natin umalis, ano ba ang gagawin mo?" kailangan na naming makaalis dahil baka maging delikado pa para sa amin kapag nagtagal pa kami sa lugar. "Sandali lang naman, tingin kayo doon" turo niya sa dalawang nakatayo kaya tumingin naman kami. May pinindot siya sa laptop niya at may sumabog malapit sa dalawang lalaki. Napatalon ako sa gulat pero nakatingin pa rin ako sa dalawang nakatayo. Nagtalunan sila sa gulat at lumuhod habang tinatakpan ang mga ulo nila. Tumayo sila nang marealize nila na wala namang bumaksak na kung ano sa kanila at lumilingon-lingon pa sila kung saan-saan. Nakakatawa silang panuorin dahil mukha silang mga ewan. "Pff-Hahaha! Diba nakakatawa?" sabi ni Athan habang humahagalpak sa tawa. "Teka! Sila Grayson yun diba?" "Hahaha! talaga?" mas lalo pang ni Athan nilakasan yung tawa niya. Hindi ako naniniwala na ngayon niya lang napansin na sila Grayson yun. "Diba yun yung kasama niya? yung kumuha sa blueprint ko? " turo niya sa kasama ni Grayson. Siya nga! "Tara asarin natin. Hahaha! Kuya, lapitan niyo dali!" tawa ng tawa sabi ni Athan. Sinunod namang ng driver ang pinagawa ni Athan. Tumawa si Athan at ng iba pang kasama namin sasakyan habang papalapit sa dalawa. Masama naman ang tingin nila Grayson at ang kasama niya sa amin. "Hahaha! Tara nga!" tawa pa rin ni Athan at nang dalawang kasama namin. Napansin ko na may pinindot uli si Athan sa laptop niya habang nakatingin sa side mirror. "Hahaha! Ang sarap talagang tumawa" "Tama na nga yan Athan, mamaya karmahin ka diyan" pag-pigil ko sa kanya. "Pfft-Sige na nga" tinaas niya ang dalawang kamay niya at nilagay niya ang kamay niya ulo niya para gawing unan. Hays! Talaga 'tong babaeng 'to kapag may pinagkatuwaan, hindi titigil hanggat hindi natatapos ang trip niya. Go kung go. Samantala kanina, beast mode siya. * * * * * * Travis's POV Bwiset! Siraulo! Pinag-lalaruan kami ng mga babaeng yun! Nasa kanila na nga ang blueprint tapos ganito pa ang gagawin nila sa amin!. Lalo na yung isang 'yon, tuwang-tuwa! "Kapag nakita ko siya, humanda siya!" lakad ko paalis. "Travis!" tawag sa akin ni Grayson. "Ano yun!?" tingin ko sa kanya. "Kilala mo ba yung babaeng o lalaki ba yung ng tawa ng tawa kanina?" tanong ni Grayson. "Samantha Reyes, Darklight group" Darklight group. Pwede ko palang hingin kay Miss Twilight ang number niya. Napangiti ako. Mabuti na lang ako ang inutusan ni Miss Ai na maghanap ng impormasyon tungkol sa Darklight at nagulat ako ng makita ko ang pangalan ni Miss Twilight dahil siya pala ang anak ng leader ng Darklight group. "Ano yang iniisip mo? Mukhang masama yan ha?" tingin niya sa akin. "Tama ka" I smirked. "Ako na ang bahala sa Samantha Reyes na yun. Humanda siya sa mga gagawin ko sa kanya. Ikaw gagantihan mo ba yung isa?" Umiling si Grayson. "Bahala na" "Gusto mo ako na lang ang gumanti para sa'yo?" ngiti ko dahil mas masaya yun paglaruan ang dalawang babae. Easy!. "Ako na bahala sa kanya" nauna na siyang maglakad sa akin. Iba yung pakiramdam kong sa sinasabi ni Grayson. * * * * * * . A/N: Tuloy-tuloy na ang update!! Sorry sa typos... Please! comment and follow me if you like lang naman po. ^_^ Please ready na other story din po. Thank you ^^* #26 #TMAPaP #EllyM.E. IAmElainah ===Elainah M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD