Chapter 14

2189 Words
Chapter 14: Mike Winz's POV "Pre, anong ganap mo dyan?" napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likuran ko. "Langya ka talaga, manggulat ba?" lingon ko kay Rexie. Nakatingin siya sa kay Cloude na nasa loob ng room. "Pansin kong lagi mong pinupuntahan si Cloude sa mga room nya ha?. Yung totoo bet mo si Cloude no?" "Gago! Ang bet ka dyan. Napapansin ko lang kasi mukhang malungkot si Cloude. Tignan mo yung mukha nya" "Hindi mo lang pala bet, pinag-nanasaan mo pa. Ikaw ang walangya, kaibi--" "Manahimik ka nga lang muna!" "Oh!.. sige! sige! Ano bang point mo, dami mo pang pasakalye" crossarm pa niya. "Mukhang namiss nya na yata si Miss Twilight. Tignan mo naman patingin-tingin sa tabi ng pinsan ni Miss Twilight" tingin ko kay Cloude na mukhang hindi napapansin ang mga tingin namin ni Rexie sa kanya. "Baka naman bet yung pinsan pero sa walang nakaupo nakatingin" nagkatinginan kami. "Baka naman may third eye si Cloude" Nak nang!. Mababatukan ko 'to ng isang 'to. "Siraulo ka talaga!" layo ko sa kanya. Nang mapansin kong nag-aayos na yung Prof nila at nagbuhat na nang gamit nito. Lumabas na yung prof nila kaya tumabi na kami sa gilid. "Pippa Zhynly, bakit hindi pumapasok si Twilight?" tanong ni Lora sa pinsan ni Miss Twilight. "Baka may inaasikaso lang" labas nila sa room. Maganda rin yung pinsan nya ang kaso mukhang suplada. "Sayang naman, hindi nya alam na blockmate nya yung superhero nya. Yie!.. Si Cloude Yule! Omygosh!" sabi pa ni Lora habang kinikilig pa sila ng mga kaibigan nya. 'Superhero ni Twilight? Si Cloude? Paano nangyari yun?' "Pippa!" napatingin ako sa lalaking tumawag sa pinsan ni Twilight. "Hey! Jacob, May kailangan ka ba? magkasama lang tayo kanina ha?!" nakangiting sabi nito sa lalaki. "Ah! Pupunta kasi ako ngayon kala Twilight, baka pupunta ka?" "HOY!... Chismoso ka 'no? Ayun na si Cloude" kalabi sa akin ni Rexie at nakita ko nga si Cloude na malayo nasa amin. "T-Tara!" takbo ko para mahabol si Cloude. "Cloude! Uy!..." pero mukha wala syang naririnig. "Ako ba talaga ang may kasalanan kaya sya uma-absent?" sabi niya. Nasa magkabilang niya kaming gilid ni Rexie habang nasa gitna si Cloude na mukhang na-momoblema. Nagkatingan kami sa likod ni Cloude. 'Narinig rin naman siguro nya ang mga sinabi ni Cloude.' "Bakit nyo ako sinusundan?" humarap siya sa amin ni Rexie. "Kanina pa kami na nakasunod sayo, hindi mo ba kami napansin, Pre?" kamot sa ulong tanong ni Rexie. "Nah!" sagot niya. "Narinig rin namin yung sinabi mo" sabi ko. "About what?" tingin nya sa amin. "Wag mo nang sabihin baka na sabi nya lang, pre" awat ni Rexie sa akin. "Say it!" masamang tingin sa akin ni Cloude. "Wag kang magagalit okey!" "Say it! Now!" mariing sabi niya. "S-Sinabi mo lang naman... 'Ako ba talaga ang may kasalanan kaya sya uma-absent?' yun lang naman" medyo lumayo ako baka mamaya may totoong baril siya. "You make a story, Perez" lapit nya sa akin habang masamang nakatingin. Nang biglang hinawakan nya ng mahigpit ang kuhelyo ng damit ko at nasaskal na ako 'Nak nang! naman talaga! oh!.' "Totoo yung sinasabi nya, Pre" puma-gitna sa aming dalawa si Rexie, kaya medyo lumuwag yung pagkakawak ni Cloude sa damit ko. "Tss!" tinaggal ni Cloude ang pagkakahawak nya sa damit ko at agad na naglakad paalis. "Ayos ka lang, pre?" hawak ni Rexie sa balikat ko. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Naiintindihan ko naman si Cloude kahit mainitin ang ulo niya, alam kasi namin na may pinagdadaanan siya at hanggat hindi siya nakakakuha ng hustisya hindi siya titigil. Alam ko rin na nag-aalala siya kay Miss Twilight dahil sa sinabi ko baka nakonsensya siya. Nakita kong may nakakakita sa amin kaya agad siyang umalis at inayos ko naman ang damit ko. Ano ba talaga ang kailangan nya kay Miss Twilight? o may kailangan ba talaga sya?' "Tara na pre" senyas ni Rexie. Naglakad na kami papunta ng parking. * * * * * * Twilight Sky's POV Nakahiga na ako sa kama ko at sobrang napagod ako sa training na pinagawa ni Tatay. Nagkasugat pa ang pisnge ko dahil sa throwing stars na hindi ko naiwasan. Pumunta sila Jacob at Zhynly. Sabi ni Zhynly may surprise raw sya sa akin bukas. Ano kaya yun? "Hays! Kapagod sa araw na to! Goodnight, Twilight Sky" bumabagsak na ang talukap ng mata ko sa sobrang pagod. ~~~ (kinabukasan) "Tatay!, Nanay! Alis na po ako" sabi ko habang kumakatok sa kwarto nila. Na agad namang bumukas. "Maaga pa ha?" "Eh! Nanay 7 po kasi yung first class namin" sabi ko. "Hindi ka pa nag-a-amusal" "Sa school na lang po, Nanay. Alis na po ako, paki sabi kay Tatay, bye po" kaway ko at naglakad na pababa. "My Daughter" napalingon ako. "Tatay, akala ko--" "Catch!" Sinalo ko naman yung hinagis ni Tatay. "Susi?" takhang tingin ko sa hawak ko. "Take care" lakad nya paakyat. "Thanks, Tatay!" Naglakad na ako palabas ng bahay, papunta sa grahe. Binuksan ko ang sasakyan para pumasok. Ini-start ko na ang engine ng sasakyan at pinaharurot ko na paalis. ~~~ Pagka-park ko ng sasakyan bumaba agad ako habang dala ang bag ko. "Twilight, is that you?" lapit sa akin ni Autumn. 'Sa dami naman ng unang makikita ko sa school sya pa. Tss!' Naglakad na lang ako palagpas sa kanya. "Wait!" sabi niya. "Ano na naman yun?" lingon ko sa kanya. "Ang cheap ng suot mo" sabi nya at ngumiti pa nang nakakaasar. 'Sinisumulan na naman nya ako ha?' "Okey lang naman maging cheap ako? Mas cheap ka naman kaysa sa akin." ngumisi ako. "O? paano alis na ko. Mukhang wala ka namang sasabihin eh" naglakad na ako papunta sa room namin. "Cous!" lapit sa akin ni Zhynly. "Ano ba yung surprise mo?" upo ko. "Basta maupo ka lang dyan" tumingin sya sa gossip girls. "Okey na?" "Yes" sagot ng tatlo. "Andyan si Sir" upo ng lahat. Buti na lang walang umupo sa tabi ko. "Yiee! He's here too" sabi ni Zhynly kaya napatingin ako sa kanya. "Sino?" "Ah! wala." nakangiting sagot. "Can I sit here?" "Edi maupo ka." sagot ko ng hindi lumilingon sa tao nagsalita. Gusto ko kasi malaman kung ano yung sinasabi ni Zhynly halos dalawa't kalahing linggo na ako absent. "Sino ba yun?" "Good morning! O? nandito na pala kayo Miss Smith and Mr. Hollis. First time sa klase ko, anong feeling?" "Malamig, Sir. Masyadong malakas ang aircon" sagot ko sa kanya. Tumawa yung mga blockmate namin at nakita ko ang galit na nasa mukha ni Sir. "Bakit kayo tumatawa? sinasagot ko lang yung tanong ni Sir.Tss" Pero tawa lang sila ng tawa. 'Tss! mga baliw na yata' "Insane" rinig ko sabi ng katabi ko na hindi ko naman makita yung mukha. Tss! 'Tama naman sya insane sila' "Pakihinaan ang aircon nakakahiya naman kay Miss Smith." sabi ng prof namin na hindi ko alam kung anong pangalan nya. "How about you, Mr. Hollis? How do you feel about attending my class?" "Boring" sagot na katabi ko. Siya pala si Mr. Hollis. Tawa nang tawa yung mga nasa loob. "Miss Smith! Mr. Hollis!. You can leave my class and don't come in. Don't ask me for your grade!" "Sandali lang naman, Sir. Tinanong nyo ko, sumagot ako." tayo ko habang nagpapaliwanag. "Tinanong nyo kung anong feeling diba? sabi malamig. O? sir anong masama doon?" "Shut up! Miss Smith" nakita kong nanggagalaiti na ang Prop namin kaya tumahimik na ako. "You are wasting my time. You will report the next topic next meeting when I like what you did and I'll give you a good grades. Understand?" sabi niya at kinuha na ang gamit niya. 'Kunyari pa sya tinatamad lang syang mag-discuss, gawin ba kaming excuse?' "Where are you going, Mr. Hollis?" tanong ni Sir dahil lumapit sa kanya si Hollis. "Akin na ako na ang mag-didiscuss ng topic ngayon" lahad ng kamay niya at nanahimik ang buong klase. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si lalaking mukhang babae. 'ka-blockmate ko sya?' "Don't be so arrogant, Mr. Hollis. I know you're smart but Miss Smith is not ready as you are. And there is no class today because we have a meeting." lakad ng prof namin palabas. "Sumunod kayo sa akin dalawa" balik ni Sir at tumingin sa amin. "Kita tayo sa cafeteria, Cous" ngiti ni Zhynly. Tumango lang ako at naglakad palabas. Nasa gilid ko si Hollis na kasunod kong maglakad. "s**t!" rinig kong salita nya pero patuloy lang ako na naglakad. "Omy! ang cute nya talaga" kanina ko pa naririnig yung mga babae sa dinadaanan namin. Kaya siguro sya naiinis. "f**k!" "Ayaw mong pinupuri ka?" tingin ko sa kanya. "Sabagay hindi ka naman talaga cute, siguro kung naging babae ka" "Are you Lesbian?" "Hindi no!." lakad ko ng mabilis. 'Lesbian agad kapag sinabi kong maganda sya kapag naging babae tss! Hindi pwedeng nagsasabi lang ng totoo. not thinking!' "Aray!.." nabungo ako ng dumaan. "You're not looking stupid!" sabi ni Hollis. "Ako ba yung sinasabihan mo? Bro?" Lapit ng lalaki kay Hollis. 'Trouble?' "Yes. You.Don't call me bro, we are not siblings" masamang tingin nya sa lalaki. "Matapang ka ha!" "Hoy! lalaking parehas ng katawan ni Johnny Bravo. Wag kang epal! hindi ka na nga nanghingi ng sorry nangdadamay ka pa!" "Kinakausap ba kita?" "Ikaw ba yung kakatawan ni Johnny Bravo?" "Bwisit!" tinaas nya ang kamay nya para sampalin ako kaya agad akong napapikit. "Go!." Napadilat ako nang walang tumamang kamay sa pisnge. Tumakbo na yung lalaki paalis. 'Hindi ako nakapagpaturo kung paano umiwas sa sampal' "Anong nangyari?" tanong ko sa kasama ko pero naglakad lang sya. "Hoy!." "Don't talk to me! And don't forget that--- later you will know" tingin nya sa akin. 'Ang cute naman ng eyes--' Napatingin sya sa pisngi ko. 'Baka nakita niya yung sugat ko' Napaiwas siya ng tingin at nauna nang maglakad. "Paano yan kailangan natin ng report para sa next meeting?" sunod ko sa kanya. 'Paano na yung training ko kay Tatay.' ~~~ "This is your topic. you need to study and discuss in my class next meeting. Kapag wala ang isa sa inyo, wag na kayong magpakita sa klase ko." pagkaabot ni Sir ng topic namin, pinalabas na niya kami. "Saan natin 'to gagawin?" "I'll give you the topic you need to study. Study on your own." "Ha? Own? Loko ka ba? diba nga kakasabi lang na kailangan magkasama tayo kapag nagdiscu-" "Kapag nagdicuss, hindi sinabi kapag ginawa" "Pero-" "Fine! sa bahay nyo" 'Bilis magbago ng isip' "Bawal sa bahay namin" 'Magagalit si Tatay, maraming itatanong yun. Tyka magta-training pa ako pagkauwi.' "Sa bahay nyo na lang" turo ko sa kanya. Napatingin sya sa akin. "Are you sure?" "Oo. Akin na ang address ng bahay nyo pupunta ako bukas wala naman tayong pasok diba?" lahad ko. "Give me your phon-- I'll text you" lakad nya. "Pero wala ka ng number ko" Bigla syang lumapit sa akin at nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. "You're Assassin Princess right?" bulong niya sa tenga ko. Nang biglang akong kinabahan dahil sa totoong assassin ako. Magiging assassin pa lang.. 'at hindi yun jokes!' "Hey! Are yo-" tingin niya. "I mean, do you understand?" "Oo.." sagot ko na lang. Naglakad na sya paalis habang nakatingin may mga nakatingin sa kanya. 'Baka nagagandahan rin sa kanya.' Naglakad na rin ako para papunta ng cafeteria. Lumapit ako sa upuan ni Zhynly. "Omy!" gulat na tingin sa akin ni Zhynly. "Saan mo na tutuhan ang paglapit sa akin ng ganyan?" "Kay tatay" upo ko sa harapan niya. "Binili na kita ng favorite cupcakes mo. Inferness, Cous, ha? may forever kana. Forever cupcakes, yung iba inahanap pa ang forever nila. Ikaw may forever na" "Sumasama ka kay Jacob no?" turo ko sa kanya. Habang kinukuha yung cupcakes. "Oo. Nung mga araw na hindi ka pumasok sya ang kasama ko" "Wag kang masyadong sumama sa lalaking yun, nahahawa ka sa ka-corny-han ng taong yun. Tama na yung isa lang ang ganun" "Hahaha. Okey!. Ano nga pala yung pinagawa sa inyo ni Sir?" "Yung report report na yun. Pupunta ako sa bahay ni Hollis. Ano nga pala yung surprise mo?" "Si Superhero mo ang surprise namin sayo kaso hindi ka yata nasurprise" "Sino bang si Superhero?" tankang tanong ko "Pag-isipan mo kung sino, hmm! kasama mo lang sya kanina." "Ayokong mag-isip sabihin mo na kung sino" "Duh! Isa lang naman nakasama mong lalaki, right? si Cloude Yule" Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. "May nakikita kang multong kasama ko? a-at alam mo pa ang pangalan?" "Hey! not ghost!. Si Hollis I mean, siya yung surprise namin sayo" "Akala ko naman kung sino. Sana binalutan nyo sya para na supresa ako. Hahaha! Jokes!" Nakatingin sa akin ng masama si Zhynly na agad naman nagbago. "So? pupunta ka bukas sa bahay nila Mr. Hollis? Binigay nya yung address nya sa'yo?" "Hindi" "So? ikaw ang nagbigay?" "Hindi." "Phone number?" "Hindi rin" iling ko. Paano nga ba? um-oo pa naman ako sa kanya. * * * * * * . #14 #TMAPaP #EllyM.E. IAmElainah ===ELAINAH M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD