Chapter 13:
After Two Weeks...
Pippa Zhynly's POV
Pagkatapos nang classroom namin, pumunta na agad ako kay Miss. Sa Prof namin ni Twilight para makahingi ng copy ng hand-outs.
"Miss, pwede po bang mahingi ng hand-outs?" nakangiting sabi ko.
"Para kay Twilight? Kinuha nya na kanina"
"Po?... I mean, thanks Miss. Alis na po ako" paalam ko. Tumango naman sya.
Naglakad na ako palabas ng classroom. Since pinayagan si Cous na sumali sa grupo ni Tito Ninong, uma-absent na sya para magtraining at ngayon nag iisa lang ako.
Nakita ko yung lalaking nagpakilala sa amin noon, at sinabi ni Twilight yun daw yung kasama ni 'Papampam' or 'lalaking mukhang babae' at ang pangalan nya ay Cloude na blockmate namin. 'Ba't hindi nya kaya nalaman yun?'
"Pippa!" Lapit sa akin ni Jacob na isa rin pala sa tauhan nila Tito Ninong.
"Oh!?" tingin ko sa kanya.
"Sabay tayo maglunch"
"H-Ha?!." napalunok ako. "What I mean-Sure" nauna na akong naglakad at sumunod na siya sa akin. Baka may gusto lang siyang malaman kaya siya biglang nagyaya, kahit hindi naman kami close.
"Yun!. Alam ko naman kasing wala ngayon si Twilight, wala kang kasama" sabay nya sa paglalakad ko.
"So?. You mean you just invited me because because you thought I was alone?" I stopped and looked at him.
"Hindi naman sa ganun" nakangiting sagot niya.
"I don't care!. Let's go" lakad ko uli.
"Galit ka ba?"
"No." harap ko sa kanya.
"Eh! bakit nakakunot yang noo mo?" hawak nya sa noo ko. "Para kang pinsan mo. Tara na nga" bigla niya akong hinawakan sa kamay. 'I feel weird.'
~~~
Nang makapunta na kami sa cafeteria. "Anong gusto mong kainin? Libre ko" tingin nya sa mga pagkain sa harapan namin.
"Bakit ka manglilibre?"
"Para sa una nating pagsabay na kumain."
"Ganun ba? Kahit ano na lang" ngiti ko.
"Walang nabibiling kahit ano" tinaasan ko siya ng kilay. "Sige umupo kana dun, ako na ang bahala"
"Okey." Naglakad na ako papunta sa may upuan na pwede naming pag-pwestuhan.
* * * * * *
Mike Winz's POV
Nasa cafeteria kami nila Cloude at Rexie, nasa bandang sulok kami dahil umiiwas si Cloude sa mga babae na humahabol sa kanya. "Cloude, mukhang hindi na pumapasok si Twilight, dahil sa'yo ha?" sabi ko sa kanya.
"Why me?"
"Sus! unang kita ninyo pa nga lang pinagtangkaan mo na syang papatayin kundi mo pa pinatakbo sigurado patay na yun. Ano bang atraso sa'yo ni Twilight Sky ha?" dagdag ko pa.
"Tss!.." hindi siya sumagot.
"Cloude, babae rin yun si Twilight, kahit hindi ko pa yun nakakausap, mukhang mabait naman sya. Paano kung dahil nga sa'yo kaya hindi sya pumapasok?" sabi naman ni Rexie.
"Tss. You don't know anything, so shut up!"
"Anong bang na ginawa niya sa'yo? Narinig mo naman na nanghihingi yung pinsan niya ng handouts para sa kanya. Paano kung dahil sa'yo hindi na siya pumapasok?" tingi ko sa kanya.
"Tss!. I don't care kung natakot sya sa akin"
"Guilty!..." sabi namin ni Rexie sabay turo sa kanya.
"Tss!" tayo niya at naglakad na paalis.
"Oh! bakit nagwalk out yun?" turo ni Travis kay Cloude habang may kaakbay na babae. Bago na naman?.
"You can leave, babes!" baling niya sa babae.
"Okey.. baby" halik ng babae sa pisnge niya at umalis.
"Langya ka talaga, ginawa mo pang taga-hatid yung babae sa'yo dito"
"Well, that's life" taas nya pa sa dalawang kamay nya at naupo sya sa tabi namin.
* * * * * *
Jacob's POV
Nilapag ko na ang tray sa may lamesa at naupo na sa harapan niya. "Thanks" sabi ni Pippa ng nilagay ko ang pagkain sa harap niya. "Matagal na ba kayong magkaibigan ni Twilight?"
"Since grade 7 yata?" sagot ko.
"Kailangan ka sumali sa... alam mo na?" tingin niya sa paligid at napatingin ako sa kanya.
"Grade 10 lang ako at ang mission ko lang bantayan si Twilight"
"At naging magkaibigan kayo?." tingin niya sa akin.
"Oo" sagot ko.
"So? Tell me, pati ba rin 'yung kaibigan nyong si Homer kasali dito?"
Umiling ako. "Hindi. Hindi sya kasali at wala syang alam tungkol sa ganun"
"Bakit hindi kita nakikitang kahit isang beses lang na kasali namin sa mga pagtitipon?" kain niya.
"Bago ka palang diba? At dalawang beses lang kitang nakita sa pagtitipon"
"Nakikita mo ko? you mean, kilala mo na ako"
"Yeah! matagal na, lagi ka kasing kinu-kwento ni Twilight" kumain na rin ako.
"About saan?"
"Ayaw mo, away nya sa'yo, maarte ka sa ganito... ganyan... at kung anu-ano pa tungkol sa'yo" tingin ko sa kanya.
"What the!." lapag nya tinidor at nakatingin siya ng masama sa akin.
"Wag kang magalit nagtatanong ka diba?" subo ko nang pagkain. "Tyka, kahit naman ganun ka. Naiintindihan ka naman daw nya dahil na ganun rin naman sya."
"Hahaha.. Yeah! tama na man sya dun" tawa nya. "Nakita mo ba syang pumunta dito kanina?"
"Si Twilight?... Hindi" Iling ko.
"Kumuha lang sya ng handouts sabi ng prof namin at nagtext rin sya sa akin na nagsasanay sila ni Tito Ninong sa katana."
"Mabilis matuto si Twilight sa lahat ng mga tinuturo ni Boss, kakaiba talaga sya" napailing ako ng maisip na ganun kabilis matuto si Twilight. Noon pinanood ko siyang magtraining dalawang linggo niya lang inaral ang dalawang buwan kong training.
"Tama ka. Mabilis syang matuto at alam nya talaga kung anong gusto nya" ngumiti siya.
"Ganun talaga si Twilight sa pakakakilala ko sa kanya kapag may ginusto syang gagawin nya talaga ang lahat para makuha ito"
"Tama ka, that's my cous" napatingin sya sa likuran ko kaya napalingon ako.
"Jacob!" Tawag ni Homer sa akin habang papalapit siya sa akin.
"Ano yun?" Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita ng isang 'to.
"Nasaan si Cat? Bakit hindi sya pumapasok? galit ba sya sa akin?"
"Excuse lang, Pippa" tayo ko at tumingin sa kanya. Tumango lang siya kaya naglakad na ako habang nakasunod sa akin si Homer. Huminto ako sa may gilid at humarap sa kanya.
"Hindi dahil sa'yo kaya wala si Twilight. At kung galit sya sa'yo? Hindi ko yan masasagot, Homer" 'dahil kahit kami hindi pa rin nag-uusap, galit rin yata 'yun sa akin.'
"Nasaan si Cat?"
"Kasama nila Tito Dark"
"Saan sila pumunta?"
"Hindi ko alam kung nasaan sila. Hayaan mo papasok rin naman yun" talikod ko at naglakad na pabalik sa pwesto namin ni Pippa.
"Boyfriend sya ni Autumn. Right?"
"Oo"
"Nalaman mo na ba kung trip lang ng Autumn na yun ang nangyari kay Cous sa bundok o may kinalaman ang ibang Group sa ginawa niya?" mahinang tanong nya habang nakatingin sa paligid.
"Sa tingin ko alam na ni Boss ang totoo pero hindi nya pa pinapaalam sa iba tungkol doon" mahinang sagot nya.
"Sa tingin mo ba membro si Autumn? pero para imposible mukha syang mahina. Hindi katulad ni Kelly" nakapalumbabang kain nya.
"Kelly Ann?"
"Oo. Kilala mo sya?" tingin nya sa akin.
"Magaling na assassin ng Darklight... She's awesome" nakangiting sabi ko.
"R-Really?.. Pumunta sya dito noon, to tell me na partner kami" sabi niya. Pero ang pagkakaalam ko may ibang kasama si Kelly Ann, si Athan.
"Bagay kayo mag-partner" sabi ko na lang.
"Why? Kasi magaling sya at ako hindi?" nag-iba ang tono ng boses niya.
"Ano bang sinasabi mo? Alam mo? magaling ka rin" hawak ko sa kamay niya. "Kaya wag ka nga ganyan. Ang anak ka kaya ng kanan kamay ni Boss"
"You know what? Twilight is right, nang-uuto ka nga"
"Hoy! Hindi ah!.. nagsasabi lang ako nang totoo"
"Tss!" ngumiti siya.
"Bakit?"
"Wala!. Salamat pala sa libre, next time ako naman"
"Aasahan ko yan ha?" turo ko sa kanya.
"Yup! I promise!" Taas nya sa kamay nya.
"Okey, ubusin na natin 'to" tingin ko sa mga pagkain.
"You're right. But before that, can you take your hand off?" tingin nya sa kamay ko na nahawak sa kamay niya.
"Ah!-eh.. Oo nga" binitiwan ko ang kamay niya at ngumiti.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Nakikita ko sa malayuan sila Zhynly at Jacob, nacu-cute-an talaga ako sa kanilang dalawa. Ang lakas makada-moves ni Jacob, may pahawak-hawak pa ng kamay ng pinsan ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Lalaking mukhang babae na papalapit sa dadaanan ko kaya mabilis akong naglakad paalis.
"Miss Smith?" Napatingin ako sa tumawag sa apelido ko.
"S-Sir?" napahinto ako sa paglalakad.
"Bakit hindi ka uma-attend sa class ko? Miss Smith, Graduating student ka, ngayon ka pa ba magpapabaya sa grades mo?" mahinang sabi niya.
"Ah--"
"See you tomorrow, Miss Smith" pagkasabi nya ay naglakad na sya paalis.
'Sabi ko nga papasok ako bukas' Naglakad na ako sa may parking. Sumakay na ako sa Ferrari na pinahiram sa akin ni Tatay. '3:00 PM. Twilight' Naalala ko ang sinabi ni Tatay, kaya agad kong ini-start ang engine sasakyan at umalis na ng school.
~~~
Pagkarating ko sa ibaba ng bahay nakahanda na ang lahat. Hindi ko nga alam na may ganito pala sa bahay may under ground at may mga baril at katana pa na nakadisplay.
"One minute late" bungad ni Tatay.
"Baka advance po yang relo nyo" turo ko pa sa relo niya.
"Tss! Change your clothes within ten minutes and come back here."
"Sige po" umakyat na uli ako sa taas.
=*FLASHBACK*=
"Tatay, akala ko po ba magti-training tayo ng maaga eh? diba malayo po yung secret house?" 'excited pa naman ako sa first traning with tatay'
"Dito kayo mag-ta-training sa bahay"
"Po?... wala naman pong gamit na katulad nasa secret house, dito sa bahay ha?"
"Sino nagsabi sa'yo wala? Paano ka namin napo-protektahan dito, kung wala naman pala kaming gamit?" tanong ni Nanay habang nagluluto ng almusal.
"Sabi nyo kaya may lock ang kwarto ko para kahit may pumunta dito secured ako at hindi ko maririnig ang mga nangyayari? tama?"
"Tama ka, sweetie"
"At nalibot ko na po ang buong bahay, wala naman po may kaparehas ng lock ko, tulad ng nasa kwarto ko." tingin ko sa kanila. "Kung wala sa ibang kwarto? pwedeng sa ilalim ng bahay" subo ko ng saging at tumingin sa kanilang dalawa.
Nakita kong napatingin sila dalawa sa akin. 'Mali ba ako? Akala ko naman may big imagination na ako.'
"Paano mo nalaman?" Kunot noo tanong ni Nanay.
"Ang alin po?" Uminom ako ng tubig.
"Na meron sa baba?" turo niya. Muntikan ko nang mabugahan ng tubig si Tatay na katabi ko. Buti na lang natakpan ko agad ang bibig ko.
"Me-meron talaga?" tingin ko sa kanila.
"Yes. Wanna see?" tanong ni Tatay.
"Opo." excited na sagot ko at tumayo naman si tatay sa kinauupuan nya kaya sumunod ako.
Pumunta kami sa may malaking painting na kasing laking ng isang pintuan. Ini-slide ni Tatay patagilid yung painting at may nakita akong lock katulad ng nasa pintuan ko. Nilagay ni Tatay yung kamay nya at agad bumukas yung pinto.
"Tatay? ganto kaliit lang po?" tingin ko sa kabuaan, mas malaki pa yung Cr ko dito.
"Tara pumasok" yaya ni nanay. "Under ground nga diba?"
"Y-You mean, elevator ito ng under ground, Nanay?" tingin ko sa kanila. Nagkibit balikan lang siya at pumasok sya sa may loob. Sumunod naman ako at sumunod rin si Tatay.
Wala pang isang minuto kaming nasa loob, bumukas na ang pinto. "Wow!" Nakita ko ang iba't-ibang klase ng baril at mga katana. At iba't-ibang uri ng armas na hindi ko alam kung ano ang mga tawag. Nakakita rin ako ng throwing stars na naka-display.
=*END OF FLASHBACK*=
Pagkatapos kong magbihis napatingin ako sa salamin at nakita ko ang mga sugat na galing sa aksidente ko sa bundok. Naghilom na ang mga sugat ko pero hindi pa rin nawawala sa isip ko kung bakit iyon ginawa sa akin ni Autumn.
Lumabas na ako ng kwarto ko para bumaba na sa underground ng bahay pero bago pa makababa ang elevator nakita ko si Nanay na may hawak na tray na may lamang pagkain kaya hinintay ko siya.
"Kumusta ang pagpunta mo sa school?" tanong niya ng magkatabi na kaming nakatayo.
"Okey naman po. Kaso pinapa-attend ako ng Prof namin bukas" tingin ko kay Nanay at sumara na ang pinto ng elevator.
"Tama naman yun. Kailangan mo pumasok, dalawang linggo kanang hindi pumapasok" bumaba na yung elevator. Tumango na lang ako sa sinabi ni Nanay. "At pwede kabang magtraining tuwing weekends o kapag wala kang pasok. Wag mo sanang pabayaan ang pag-aaral mo at mabilis ka rin namang matuto" nakangiting sabi sa akin ni Nanay.
"Tama na po kayo, one year na lang naman makakapagtapos na ako, masasayang pa kung pababayaan ko" ngumiti ako. Tumango siya.
Pinayagan nila akong sumali sa grupo nila, marami akong natutunan pero marami pa rin akong hindi alam. Nag-aaral pa rin ako, siguro dapat maging balanse ako sa mga bagay na ginagawa ko ngayon.
"Akyat na ako sa taas" sabi ni Nanay pagkalapag ng tray. "Pagbutihan nyo ha?"
"Yes, Nanay" sagot ko. Pumunta na si Nanay sa elevator.
"Choose your sword" turo ni Tatay sa lamesa kung nasan nakahanay ang mga espada. Kinuha ko ang mahabang espada at pinakita kay Tatay. Tumango naman siya habang hawak ang mga star.
Kinuha ko ang ang mahabang katana at tinaas kay Tatay na may hawak na stars.
"You already know how to use the sword. These are the throwing stars, you need to avoid it with the sword." taas ni Tatay sa stars.
Tinuruan ako ni Nanay gumamit ng espada dahil sabi ni Tatay mas magaling si Nanay sa kanya pagdating sa paggamit ng espada.
Hinanda ko na ang sarili ko sa pagbato ni Tatay ng star at madali ko naman naiwasan hanggang sa mabilis na niyang binabato sa akin at napangiwi ako ng may hapdi akong naramadaman sa pisngi ko.
* * * * * *
.
#13
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===ELAINAH M.E===