Chapter 12:
Twilight Sky's POV
Nang matapos ang klase namin, kinuha ko yung cellphone ko at may nakita akong text message.
:Nanay
Sweetie, makisabay ka na lang kay Zhynly papunta dito sa secret house. love you.
To: Nanay
Okey po. Love you too.
Sent.
Naglakad na ako palabas ng room, habang si Zhynly nakikipag-chismisan pa dun sa gossip girls. Masakit pa rin ang mga paa ko, kaya gusto ko na ring umuwi.
"Cous!" habol sa akin may pinto ni Zhynly kaya napahinto ako.
"Cous, who's pogi ba?" kapit ni Zhynly sa braso ko.
"Hindi ko kilala yun" iling ko.
"Nakita nga kayo ng Gossip girls na tumatakbo kasama siya" 'Nakita kami? si lalaking mukhang babae yung tinutukoy nya?'
"Si lalaking mukhang babae ba?, Hindi sya pogi mukha yung babae, tyka nakita mo na kaya yun" 'Totoo naman eh!. Cute sya oo, maganda yung eyes. Pero mukha talaga siya babae'
"Really?" lingon niya sa akin. "Where?"
"Tss! wala akong time mag-story telling" naglakad na ko.
"Fine!. let's go home na nga" sabi niya.
"Sabi nga pala ni Nanay na sumabay daw ako sayo, papunta sa secret house."
"Sa secret house?" tanong niya uli.
"Bingi-bingihan lang?" tingin ko sa kanya at nagroll lang sya ng eyeball niya.
"Hi! Miss Sky" kaway ng isang lalaki. Nang magkatinginan kami ni Zhynly. "Hi! Miss Twilight Sky" ulit nito.
"Kilala mo ko?" turo ko sa sarili ko.
"Ako nga pala si Mike Winz" pakilala nya.
"Tinatanong ka nya kung kilala mo sya. Gets mo?"
"Hindi ba halata? alam ko ang pangalan nya?" pilosopong sagot niya.
"Jerk!" masamang tingin ni Zhynly sa kanya.
"Oww!. nagbibiro lang ako, Miss. Actually, kilala siya ng kaibigan ko" paliwanag niya pa.
"Who's your friend, Jerk?" nakataas kilay pa ni Zhynly habang nakatingin dito.
"A-Ah! eh!" napatingin siya sa likuran namin. Kaya sabay kaming napatingin ni Zhynly sa likuran. Wala namang tao kaya nagbalik kami ng tingin sa lalaki.
"Nawala?" sabay na sabi namin.
"Tara na nga. Baka may miryendang niluto si Tita Ninang" yaya ni Zhynly.
"Sana cupcakes" suggest ko.
"Duh! Kailan ka kaya magsasawa sa cupcakes?"
"Siguro?... never" sagot ko sabay lakad paalis at humabol naman sya.
"Mauna kana sa car ko, mag-ccr lang ako"
"Okey!" ngiting sagot ko at kukuwain ko na sana yung susi. Nang bigla nya iniwas.
"Wag mong gagamitin okey?"
"Oo na." lahad ko sa kamay ko. 'Ang duga naman,'
"Okey." lapag nya sa susi sa palad ko. "See you in a few minutes" lakad nya paalis. Pumunta na ako sa may sasakyan niya at naghintay na lang sa kanya.
~~~
"Ang tagal naman" tingin ko sa may labas ng sasakyan.
Napangiti ako ng makita ko si Zhynly, habang kasama nya si Jacob kaya lumabas ako ng sasakyan.
"Jacob!" tawag ko sa kanya. Napatingin naman sya sa akin at lumapit.
"Oh? anong nangyari sa mga paa mo? Nag-trip ka?" tanong niya habang nakatingin sa mga paa ko.
"Tss! May tangang bato lang na humarang" sagot ko.
"Una na ako sa car ko, cous" Tinignan ko lang si Zhynly habang papunta sya sasakyan.
"Ikaw ha? dumada-moves kana sa pinsan ko" sundot sa tagiliran nya.
"Ano bang pinag-sasabi mo, Twilight?"
"Asus!.. Sige na, alis na ako" naglakad na ko papunta sa sasakyan ni Zhynly.
"Ingat kayo!" Pagkasakay ko sa sasakyan ni Zhynly, kumaway na ako kay Jacob.
"Tara na, Zhynly" baling ko sa kanya, na agad naman nyang pinaandar yung sasakyan.
* * * * * *
Pippa Zhynly's POV
"Tara na, Zhynly" sabi ni Twilight nang makapasok sya, kaya pinaandar ko na yung sasakyan.
"Zhynly, kailan mo pa alam na mga Assassin sila Nanay?" napatingin ako sa kanya.
"Two years ago" binalik ko ang tingin sa daan. "Noong may pumunta sa bahay at pinagbabaril kami sa bahay. After ng mga nangyari? tinanong ko sila Mama kung ano ang nangyayari? at sino ang mga taong pumunta sa bahay"
"Anong sabi nila?"
"Sinabi sa akin ni Papa na mga Assassin sila. As in pati sila."
"Ano reaksyon mo?"
"Katulad sa'yo, nagtampo at nagalit ako. Tingin ko nga sa kanila noon, masasamang tao at mga mamamatay tao"
"Pero, bakit ka sumali sa kanila?"
"Para protektahan ko ang sarili ko dahil may nagtangka na sa buhay ko, at ang masakit nakadate ko pa. Nilagyan nya ng lason ang pagkain ko"
"Paano mo naiwasan?"
"Simula nang malaman ko ang lahat pinasusundan na ako ni Papa sa mga tauhan nya. Nalaman nila na ang kadate ko ay tauhan ng Harwell"
"Sino yung Harwell?"
"Hindi ko pa pwedeng sabihin sa'yo, lalo na't ordinaryong tao ka palang ngayon"
"Ginawa nilang ordinaryo." pagtatama nya. "But Thanks to them, ginawa nila yun dahil naging normal ang buhay ko kahit nahirapan sila" napalingon ako sa kanya na nakatingin sa labas.
"Galit ka pa rin ba kala Tito Ninong?"
"Yeah!... Nagagalit ako sa kanila kasi hindi nila sinabi sa akin yung totoo at nagagalit ako sa sarili ko" sagot nya.
"Paano kung hindi pa ako nagkunyari na may alam ako na ang tungkol sa Assassin na yan? Edi! Hanggang ngayon wala pa rin akong alam? at hanggang ngayon nahihirapan pa kayo sa pag-bantayan sa akin" lumingon sya sa akin.
"Kailangan naming gawin yun para sa'yo, dahil ayun ang gusto ng leader"
"Sino bang Leader nyo? Bakit kasama ako sa kailangan protektahan?!"
"Tulad nang sinabi kanina sa Harwell bawal ko rin sagutin sayo yan tanong" sabi ko habang nakatingin pa rin sa daan.
~~~
Ilang oras na ang nakakalipas, madilim na rin ang dinadaanan namin dahil higit tatlong oras ang biyahe mula sa School papunta sa secret house.
"Zhynly" napatingin ako kay Twilight.
"Why? cous?" tingin ko sa kanya.
"May mabilis na sasakyan oh! papalapit sa atin" turo nya. "Ihinto mo"
Kaya agad kong hininto ang sasakyan nang makita kong papalapit ito sa amin. Huminto ang sasakyan sa harapan ng sasakyan ko. Nagkatinginan kami ni Twilight. 'What happened?' Gusto kong tanungin si Twilight if she's fine, pero naririnig ko ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Natatakot akong may mangyaring masama sa kanya lalo na kasama pa nya ako.
Lumabas ang isang lalaki na matangkad at malaking katawan na may hawak ng baril na nakatutok sa amin. "Meron pa sa likuran" sabi nya habang nakatingin sa side mirror. Kaya napalingon ako sa side mirror at nakita ko ang sinasabi ni Twilight. May dalawang sasakyan sa likuran namin. 'Bakit hindi ko napansin kanina?'
"Lumabas na kayo mga Miss" sabi ng lalaki sa harapan ng sasakyan ko. Kinapa ko ang cellphone sa bag ko at nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Hindi ko makapa ang cellphone ko kaya kinuha ko na lang ang handgun sa gilid ng upuan ko.
"Wag na kayong magtangka pang tumawag pa ng tulong dahil wala rin mangyayari. Labas!" paputok nya ng baril sa may unahan ng sasakyan ko.
"Ohmyy!" lalabas na sana ako habang hawak ang handgun.
"Wag kang lalabas, Zhynly. Delikado. May mga tao sa likod" pigil ni Twilight sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
Hindi ko siya nakitaan ng takot na katulad nang nararamdaman ko sa mga oras 'yun. Takot na baka dahil sa akin mapahamak ang pinsan ko at wala man lang akong magawa. Nakatingin lang kaming dalawa sa lalaking may hawak ng baril habang nakatutok sa amin, sa sasakyan ko.
"Ano--" hindi na naituloy ni Twilight ang sasabihin niya. Nagulat ako nang biglang tumumba na ang lalaki na nasa harapan namin.
"T-Tumawag ka ba ng tulong?" tanong ko kay Twilight.
"Hindi." Iling niya habang nakatingin pa rin sa side mirror. "Pero meron akong nakitang tao sa may puno. Doon" turo nya.
"Saan?" tingin ko sa side mirror. Pero wala naman akong nakikitang tao. Tyka malayo ang sinasabi nyang puno sa kinaroroonan namin.
"Nakita mo?" tanong niya.
"Hindi" Sagot ko. Kakaiba siya dahil nakita nya yun kahit malayo taong tumulong sa amin. Pero salamat na rin dahil ligtas kami at nawala na kaba ko sa aking dibdib.
"P-Patay na sila" tingin ni Twilight sa labas. Yung tapang nyang, nakita ko sa kanya kanina ay biglang nawala. Nakitaan ko na ng takot at panginginig ng katawan nya.
"Aalis na tayo dito" hawak ko sa kamay nya at pinaandar ko na ang sasakyan.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Naramdaman ko ang pangi-nginig ng katawan ko nang makita ko ang mga taong duguan sa labas.
"Aalis na tayo dito" naramdam ko ang paghawak ni Zhynly sa kamay ko. Napatango na lang ako habang nakatingin pa rin sa side mirror.
~~~
Pagkahinto ng sasakyan nakita ko sila Nanay sa labas ng bahay. "Sweetie!" lapit nya sa akin pagkalabas ko nang sasakyan at yumakap sya sa akin. Nakita ko si Zhynly na nakayakap rin kay Tita Sunshine. "Let's go inside" yaya ni Nanay.
"Nandito po ba yung boss nyo, Nanay?"
"Nasa loob. Bakit?"
"Gusto ko po syang makausap, gusto ko pong sumali sa mga grupo ninyo"
"Hindi mo naman kinakailangan sumali, nandito naman kami para protektahan ka. At magiging mahirap yun para sa'yo" mahinahon na sabi ni Nanay.
"Pero hanggang kailan, Nanay?" tingin ko sa mga mata nya.
"Miss Sunlight, pinapatawag na po kayo ni Boss, pati po si Miss Twilight" tingin sa akin ng lalaki. Naglakad na kami papasok sa loob ng bahay.
Umakyat na kami sa itaas hanggang sa makarating kami sa kulay itim na pinto. "Miss Sunlight, Miss Twilight, maiwan ko na po kayo"
"Thanks" sabi ni Nanay. Bumukas ang pinto at lumabas si Tito Duke. 'Siya ba ang Boss?'
"Pwede na kayong pumasok" bukas nito sa malaking pinto kaya naglakad na kami papasok.
Makikita sa kabuan ng kwarto ang kulay gray, white at blank na kulay. Makikita rin ang maraming kantana at iba't-ibang baril na na display habang may ilaw sa itaas.
"Nagustuhan mo ba ang nakita mo?" napalingon ako sa pamilyar na boses. Pero nakatalikod pa rin yung upuan ng nagsalita. "Nagustuhan mo ba ang mga nakikita mo, Twilight?" unti-unting umikot yung upuan nya.
"Tatay?. I-Ikaw ang boss?" turo ko sa kanya. May hawak siyang baril na mukha nililinis niya.
"Yes. I'm the Boss, A Mafia boss" tingin nya sa akin. Mafia Boss? Akala ko sabi ni Zhynly, assassin sila? tapos mafia boss si Tatay? "Gusto mo akong kausapin. right?"
Ibang-iba si Tatay na kilala ko sa nakikita ko ngayon. May awra siyang nakakatakot habang nakatingin sa aking mga mata. "Tatay" hindi ako makapaniwala siya sa nalalaman ko ngayon. Tumingin ako kay Nanay na nakatingin lang sa akin.
"Gusto kong sumali sa grupo ninyo" lapit ko sa lamesa nya.
"Kakayanin mo ba?" tumayo sya at lumapit sa mukha ko. "Mahirap ang pinapasok mo, Twilight. Alam mo ba yun? kapag pumasok kana sa mundong katulad nito, wag mong aasahang makakalabas ka pa ng buhay o matatahimik ang buhay mo"
"Bakit nyo ako kinakausap ng ganito, Tatay?" layo ko sa kanya.
"You want to talk to the boss and not your Dad, Twilight"
"Sweetie, hindi mo kailangan sumali sa grupo namin. Magugulo ang buhay mo" hawak niya sa kamay ko.
"Nanay... Kakayanin ko yun para sa inyo. Ayokong maging pabigat sa inyo, ayokong lagi na lang manganganib ang buhay ko at walang akong nagagawa. Paano kapag napahamak ang buhay nyo, wala akong magagawa para sa inyo"
"Kaya namin" giit ni Nanay.
Umiling ako. "Hindi ko kakayanin na mapahamak kayo dahil sa akin at wala man lang akong maggawa para sa inyo" sabi ko sa kanya at tumingin kay Tatay o sa boss nila. "Yes. Mr. Smith. Kakayanin ko" tingin ko sa kanya. 'Ito ang gusto nya eh!'
"Prove to me." upo nya at may pinindot. "Papasukin nyo na ang tumulong sa kanila" sabi nya. 'Tauhan nya ang tumulong amin ni Zhynly?' Napaharap ako sa may pintuan ng bukas ang pinto.
"Boss" nakayuko ang isang lalaki at pagkakita ko sa mukha niya nanlaki ang mata ko.
"J-Jacob?!" laking gulat ko ng makita ko siya.
"Twilight" nakatingin sya sa akin. Akala ko wala syang alam dito pero kasali siya sa ganitong samahan?. Paano?.
"Why?!" tingin ko sa kanilang lahat. "Bakit kayo nangsinungaling sa akin?"
"Sa mundong meron kami, maraming taong pwedeng magmanipula sa'yo kahit pamilya mo" sabi ni Tatay.
"Nagsinungaling kayo sa akin!" tingin ko sa kanya at sa ibang nasa loob. "Kayong lahat!..."
"Twilight!"
"Bakit po? Totoo naman ha? You manipulated me, ang galing... Sino pa ang pagkakatiwalaan ko sa inyo?"
"Twilight" hawak ni Nanay sa braso ko pero umiwas ako.
"Ano pa po ang hindi ko alam?"
"Marami pa. Kailangan namin pumatay to protect everything that is important to us. Business, power and especially the family" tingin sa akin ni Tatay. "Hindi madali at hindi masaya ang gusto mong pasukin, Twilight"
"Pero gusto kong sumali, Boss. Please?"
"Tss!.." tingin niya sa iba nasa loob ng kwarto.
"Please! pasalihin ninyo na ako, Mr. Smith" tingin ko kay Tatay na napatingin naman kay Nanay. Alam kong hinihingi niya ang opinyon ni Nanay dahil anak pa rin naman nila ako. "Yeah! Assassin Princess"
"Yes!" napatalon ako.
"Kailangan mo magtraining, at ako ang magta-tranning sa'yo" sabi ni Tatay.
"Yes. Boss" sagot ko.
"That won't be easy, kiddo. Remember that"
"I'll try my best. Very best." nakangiting sabi ko kay Tatay.
~~~
Pagkatapos naming mag-usap ni Tatay, lumabas na kami habang inaalalayan ako ni Jacob.
"May tinatago ka pala sa akin, Jacob?"
"Twilight"
"Hindi mo kailangan tawagin ang pangalan ko. Ang kailangan ko mag-explain ka. Kung ayaw mo! Tss! Umalis ka sa harapan ko." tulak ko sa kanya at naglakad na pababa. Kaya ko naman mag-isa, kaya ko ang sarili ko.
* * * * * *
.
#12
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===ELAINAH M.E===