Chapter 11:
Twilight Sky's POV
Saktong pagkasingit ko sa mga tao, biglang may humawak sa braso ko at hinila ako palayo. Nagtataka ako kung niya ako hinila at bakit kami tumatakbo. Hindi ako makapag-salita dahil masyado siyang mabilis tumakbo at may nakalagay sa bibig kong cupcake. 'Huhu! yung cupcake ko kay Ate tindera baka mapanis.'
"Tumatakbo sila sundan natin" rinig ko kaya mas lalo nya pang binilisan ang pagtakbo. 'Grabe! ang bilis nya tumakbo. Kabayo ba sya?!'
Hanggang sa makarating kami sa isang masikip na parte nang school at hinila nya ako para magtago. 'Grabe sobrang lakas ng kabog ng puso ko.Nakakahigal rin!' Tumakbo na rin ako dahil hinahabol nga kami. Babae ba sya o Gay?' tingin ko sa kanya dahil likod at mahabang buhok niya lang ang nakikita ko.
"Ikaw?" turo niya sa akin at nababasa ko sa mukha niya na hindi siya makapaniwala. Masyado ba akong maganda? Biro lang!. 'Magkakilala ba kami?'
Tinanggal ko ang cupcake ko na nakapaslak sa bibig ko, hindi ko tuloy naenjoy kainin dahil sa isang 'to. "Maka-ikaw ka naman, feeling mo naman nagkilala--Ikaw si Papampam?" bigla kong naalala yung lalaki. Siya yung lalaking nakita kong nakatingin sa akin noong sinundo ako ni Tatay. 'Sya yun si Papampam'.
"What?" kunot noong sabi niya.
"Bingi-bingihan?... narinig mo diba?" sabi ko. 'Dahil siguro sa mahabang buhok nya, nabibingi na sya. Uso namang magpagupit'
Naglakad na ako sa gilid niya para makaalis na. Nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso kaya napatingin ako sa kanya. Napakunot ako ng noo dahil sa ginawa niya.
"Do you know me?" seryosong tanong niya. 'Yung tatlong gossip girls nga di ko nga kilala, siya pa kaya.'
Sinubo ko yung cupcakes buong-buo at nginuya ko sabay lunok. "Pasensya lalaking mukhang babae, hindi kita kilala, ang alam ko lang, ikaw yung lalaking papampam kahapon. Kaya kung pwede lang bitawan mo ako" tangal ko sa kamay nya. Inalis nya rin naman kaya naglakad na ako palayo.
"Twilight Sky Smith!" napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.
"Kilala mo ko?" turo ko sa sarili ko. Pero nakatingin lang sya. 'sasagot na lang ng oo o hindi. Ayaw pa!'
"As Assassin Princess. Yes!" nakita ko ang masamang tingin nya sa akin kaya napaatras ako. 'Paano-?'
"I-Ikaw" turo ko sa kanya. 'Siya yung napag-tripan kong number sa text?. Siya yung Mafia Prince? Siya yun?!'
"I'm happy to see you" lapit niya sa mukha ko. "A-Are you ready to die?" napaatras ako sa kanya. Nang may maapakan akong matigas na bagay at ikinakirot ng papagaling ko palang na endured. Napayuko ako at nakita ko ang isang bato. 'Tangang bato, dun puwesto'
Napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko, kaya napahawak ako sa hita ko. 'Arayy!' Pagkadilat ko, nakita ko lang siyang nakatingin. 'Seryoso ba talaga siya?. Pero mukha naman eh!' Nakatingin sya sa hita ko at umatras. 'Bwisit!'
"You want to die now or run while I give you a chance?. Choose one?" sabi nya.
"Anong akala mo sa akin? duwag?! Tss!." tingin niya halatang naghihintay pa siya ng sagot ko.
"Syempre. tatakbo muna ako." kung biro lang 'to para sa kanya sa akin hindi. Masakit lang talaga ang hita at 'tong paa ko kaya hindi muna ngayon.
"Pero pag-nagkita uli tayo, I will make sure lalaban ako. Lalaking mukhang babae!" banta ko sa kanya. 'Sasali nga diba? ako sa Darklight Group kaya humanda sya kapag natuto ako. Humanda talaga sya!.'
Naglakad na ako paalis at hindi na ako nag-abalang pang nilingon sya. Kahit na nahihirapan ako maglakad, dahil sa bwisit na bato nakaharang kanina.
Nang makita ko ang ladies room naalala ko na doon nga pala ako dapat pupunta pero hinila ako ng lalaking mukhang babaeng yun!. Kaya naglakad na ako papasok ng may ladies room.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
Bigla syang napayuko at nangnapapikit sya. 'She'll say sorry to me? Tss!' Nang magminulat siya ng kanyang mga mata. Nakatingin lang sya sa akin ng masama.
'What the heck!' Nakahawak pa rin sya sa hita nya. Nang mapansin ko ang isang bato sa likuran nya. 'What damn! happened?'
Umatras ako para lumayo sa kanya, habang nakatingin pa rin sa kanya. "You want to die now or run while I give you a chance?. Choose one?"
"Anong akala mo sa akin? duwag?! Tss!." 'Matapang pa siya ha?' naghihintay pa ako ng bagong sasabihin niya.
"Syempre. tatakbo muna ako.Tss!" Gusto kong matawa sa sinabi nya, but heck NO!. I'm serious right now!
"Pero pag-nagkita uli tayo, I will make sure lalaban ako. Lalaking mukhang babae!"
'Anong tinawag niya sa akin?! Lalaking mukhang babae?! Damn! Tss!' Naglakad na siya palayo habang paika-ika.
"Anong pinag-usapan ninyo ni Miss Sky? mukhang seryoso ha?" Bungad ni Mike na nasa gilid.
"Would you want to know?"
"Ofcouse-"
"And when I tell you you're going to die? Do you agree?" tanong ko habang naglalakad.
"Wag mo nang sabihin, alam ko na naman eh!" lingon ko sa kanya.
"Are you sure?"
"May pa 'You want to die now' ka pang nalalaman tapos papatakbuhin mo rin naman pala. Gusto mo lang magkita uli sya susmar--"
"Oh! bakit ka huminto sa pagsasalita?" seryoso tanong ko sa kanya.
"B-Bakit ka may dalang baril? school to ha?" nanlalaki yung mata niya habang nakatingin sya baril.
"Ayan na ba ang huli mo tanong? bago kita barilin? " lapit ko sa noo nya nang baril. "Mike Winz" hinawakan ko yung gatilyo ng baril.
"Cloud--" at kinalapit ko na yung gatilyo. 'Natalsikan pa tuloy ako. s**t! Tss!' Bago pa ako naglakad paalis, binato ko na sa kanya yung baril.
Natatawa sa ako sa reaksyon ng mukha ni Mike. Takot na takot sa Water gun!. Idiot! talaga Pfft!-
"Buhay pa ako!"
Napailing na lang ako sa mga katangahan ni Mike at naglakad na ako papunta sa next subject ko.
* * * * * *
Mike Winz's POV
Pagka-kalabit nya nang gatilyo naramdam ako nang basa sa mukha ko. 'Dugo ko ba to?'
Napadilat ako at kinapa ko ang buong katawan ko at napahawak rin ako sa mukha.
"Buhay pa ako!" 'Akala ko wala na, yung nag-iisang pinaka-gwapo sa mundo.'
Nang may biglang tumama sa noo ko kaya napapikit ako. 'Ano yun?' Napadilat ako.
Nang makita ko na papaalis na si Cloude, habang pailing-iling pa naglalakad. 'Langya!'
Tinignan ko sa lapag yung nalalag na hinagis niya sa akin, nang makita ko yung baril na tinutok nya sa akin. Kinuha ko sa may lapag yung baril na ginamit nya.
Nilayo ko yung dulo ng baril at kinalapit ko yung gatilyo ng baril, nang may lumabas na tubig sa dulo. 'Langya! Water gun ba 'to? Paano nagkaroon ganito si Cloude?'
"May paka-weirdo rin talaga minsan ang Cloude na yun, may laruang baril?" napapailing na lang ako sa ginawa ni Cloude. Isang Mafia Prince may water gun?.
'Pero hanep rin naman tong baril na to! mukhang totoong handgun dahil sa pagkakagawa' tingin ko sa kabuuan ng baril.
Pero hindi pa rin talaga ako makaniwalang may ganito si Cloude. may water gun?! mafia prince? Edi Wew! Ibang klase talaga.' napailing na lang ako.
Nilagay ko yung baril sa may bag ko at nag lakad na paalis habang palingon-lingon pa ako sa paligid. Baka may nakakita pa sa ginawa sa akin ni Cloude.
'Pero buti na lang, walang tao at walang nakakita. Gawin ba naman akong mukhang tanga?'
* * * * * *
Pippa Zhynly's POV
Pagkatapos kong gawin yung program na pinagawa ni Tito para sa susunod na mission. Napansin kong walang yung maingay kong pinsan kaya napatingin ako sa upuan ni Twilight at wala akong nakitang Twilight na nakaupo sa harapan ko.
"Nasaan na yung babaeng yun?" Napalingon-lingon ako sa paligid habang nilalagay ko yung laptop sa lagyanan nito.
Nang makita ko siya papalapit sa pwesto namin habang may hawak pa siyang tray. Napansin kong paikaika na siya sa paglalakad. Hanggang sa makarating na siya sa pwesto namin.
"Cous, what happened?" tingin ko sa paa niya. "Are you okey?"
"Sasali talaga ako sa pagiging grupo para kapag nagkita tayo. Ako ang papatay sa'yo."
"Ha?" kunot noo kong tanong. "May nakaaway ka ba?" Lapit ko sa kanya.
"Ikaw pala Zhynly" tingin niya sa akin habang nakangiti. 'Lutang lang ang lola mo?' "Ayos ka lang ba?"
"Ahh! Oo naman may nakita lang akong lalaking mukhang babae dun" turo niya pa gamit ang nguso niya.
Napatango na lang ako. "Ayos lang ba yang mga paa mo?, mukhang iba lakad mo eh!?" tingin ko sa paa niya.
"Ito ba?" taas niya sa paa nya. "May nakaharang kasing tangang bato doon. Ayun, naapakan ko, medyo masakit nga e."
"Kaya mo ba? gusto mo pumunta na tayo clinic?"
"No. Wag na. Kaya ko naman. Kakain muna ako ng cupcakes bago tayo pumasok. Ilang oras na lang ba?"
"Sige, kumain kana. May 30 minutes pa naman tayo bago yung next subject natin. Buti na nga lang tapos na ako sa ginagawa" upo ko uli sa inuupuan ko kanina.
"Ano yung ginagawa mo?" upo rin nya habang kinakain ang cupcake nya.
"May program lang na inutos sa akin ni Boss." tingin ko sa kanya. Kilala niya na kaya kung sino ang boss?
"Boss nyo sa grupo?" mahinang tanong niya.
"Yup!" sagot ko.
"Anong itsura ng boss nyo?" Lapit nya pa sa akin. "Tyka gaano ka galing sila Nanay at Tatay?"
"Hmm! bawal sabihin eh. Kung sila Tita Ninang at Tito Ninong naman... kung magagaling sila?." lumapit ako sa tenga niya. "Ang mga Parents mo ang mga top assassins noon, sabi ni Papa." layo ko sa kanya.
"Talaga?!"
"Yeah!" patango-tango pa ako.
"Sana maging katulad rin nila ako, nasa top" Inom nya ng ice tea.
"I'm sure. Mas magaling ka pa yata sa akin... Ay! mali. Walang 'yata'. Mas magaling ka pa sa akin"
"Tss! inuuto mo nanaman ako. Tara na nga!" tayo nya at naglakad na paalis.
"Hey! Cous, hindi kita inuuto" habol ko sa kanya. Habang paika-ika siyang maglakad.
"Hay! Nako" harap niya sa akin. "Alam kong bumabawi ka sa akin dahil nagtago ka ng secret sa akin. But It's okey, pinapatawad na kita" sabi nya at inakbayan ako.
"Thanks then" hawak ko sa may bewang nya.
"Pero tutulungan mo naman akong makapasok sa grupo, diba?" mahinang sabi nya.
"Of course, your my only cousin eh" tingin ko sa kanya. "But I tell you, hindi yun madali. Sobrang hindi madali" tingin nya sa akin.
"Pippa Zhynly Mendez Jones, ang pinsan kong maarte at nagbibilang nang lalaki" masamang tiningan ko sya.
"Are you serious?"
"Noon. But now ikaw na ang pinaka-cool kong cousin" bawi niya habang nakangiti sa akin.
"That's so sweet!. But Twilight Sky Mendez Smith, my only cousin na disgaryada. Pero kahit ganyan ka? Tss! Wala na talaga akong magagawa dun" kibit balikan ko pa.
"Pippa Zhynly!"
"I'm just saying that truth." sabi ko.
"Tss! Tara na nga!" Naglakad na kami papunta sa may room namin.
"Hi! Twilight, kumusta na kayo ng pogi?" tanong ni Lora na leader ng gossip. Napalingon ako kay Twilight.
"Anong sinasabi nya?" tingin ko sa kanya.
"Hindi naman sya pogi. Tss! Wag mo nang intindihin yang mga yan" kaway nya pa. Mukhang ayaw nya na ring pag-usapan pa. Pumasok ang Prof namin.
"Iki-kwento mo yan sa akin mamaya ha?" mahinang sabi ko. Nagkibit balikan lang sya, kinuha ang pen at notebook nya.
* * * * * *
.
#11
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===ELAINAH M.E===