Chapter 10:
Twilight Sky's POV
Pababa na ako ng hagdan nang makita ko sila Tito Duke na Daddy ni Pippa Zhynly. Hindi nya ako napansin kaya tumuloy na lang ako sa paglalakad.
"Dark, totoo bang alam na ni Twilight ang tungkol sa pagiging assassin natin at kung ano pa tayo?" napahinto ako sa pagbaba sa hagdan dahil sa narinig ko. "Alam nya rin ba ang mga nangyayaring aksidente sa kanya na kagagawan ng ibang ma--?"
"Shut up! Jones" rinig kong saway ni Tatay kaya mabilis akong bumababa. Ang dami ko pang kailangan malaman, hindi pa pala sapat ang nalaman at nakita ko kagabi.
"Hindi aksidente ang mga nangyari sa akin noon? kung hindi sadya? nino?" tingin ko kay Tatay.
"Twilight" baling ni Tito Duke sa akin.
"Sagutin nyo po ako!" Tingin ko sa kanilang dalawa. Nakita kong pumasok si Pippa Zhynly at napahinto siyang habang nakatingin sa amin.
"Tama ka. Twilight, sadya lahat ang nangyari sa'yo." napatingin ako kay Nanay na papalabas galing sa kusina. "Pero ang nangyari sa'yo sa bundok, hindi pa rin namin alam" Hindi ako makapaniwala na lagi palang pinag-tatangkaan ang buhay ko na wala man lang akong kaalam-alam.
"Bakit hindi nyo sinabi sa akin ang lahat?"
"Dahil ayokong maging katulad ka namin" sagot ni Nanay.
"Pero sa tingin ninyo ba mapapatawad ko ang sarili ko kapag may nangyari sa inyong masama nang dahil sa akin? tapos wala man lang akong magagawa para sa inyo?"
"Anong gusto mong mangyari, Twilight?" tanong sa akin ni Tatay na parang tinatakot niya ako kung paano siya tumungin.
"Sasali ako sa grupo nyo na yan" matapang na tingin ko sa kanila.
"Hindi madali ang lahat, iha" tingin sa akin ni Tito.
"Pero nakaya ni Pippa Zhynly at nakasali siya sa inyo. Right, Pippa Zhynly?" tingin ko sa kanya.
"Y-Yeah." sagot nya naman. Nakita kong nagkatingin sila Nanay, Tatay, at Tito.
"Gusto kong sumali para maprotektahan ko ang sarili ko at makatulong sa inyo. Kakayanin ko, wag kayong mag-alala sa akin" napatingin ako sa wrist-watch ko at nakita ko na maaari kaming malate.
"Pero-"
"Mamaya na po uli tayong mag-usap. Late na po kami"
"Hindi ka pa nag-bre-breakfast"
"It's okey, Nanay, sa school na lang po ako mag-aalmusal"
"Ihahatid kana ng Tatay mo"
"Wag na po. Sasabay na lang po ako kay Pippa Zhynly, let's go?" tingin ko kay Pippa Zhynly.
"O-Okey. bye. Papa. Tito, Tita" rinig kong paalam nya. Habang ako naman ay tuloy-tuloy lang na naglakad palabas ng bahay.
* * * * * *
Pippa Zhynly's POV
Kanina pa tahimik si Twilight habang nagmamaneho ako, hindi ako sanay na ganun siya. Nag-aalala na ako sa mga iniisip nya. "Pippa Zhynly" napatingin ako sa kanya sandali. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa trabaho nila Tatay?" tanong nya habang nakatingin pa rin sa may bintana.
"Ayoko pangunahan sila Tito, Twilight" tingin ko sa kanya at tumingin na uli sa daan. Ipinasok ko ang sasakyan sa may parking ng school.
"If galit ka sa akin because I kept a secret to you, I'm really really sorry" tingin ko sa kanya habang tinatanggal ko ang seatbelt ko.
Nakatingin siya sa may labas, kaya sinundan ko ang tinitignan niya. "That Jerk" nakita ko ang lalaking umagaw ng parking space ko kahapon.
"You know him?" baling ko kay Twilight.
"Yung papampam na yun? Hindi." tanggal nya sa seat belt nya at lumabas. Lumabas na rin ako sa sasakyan ko. Tumingin ako sa kinaroroonan ng lalaking tinutukoy ni Twilight pero nawala na 'to.
"Twilight!" napatingin ako sa tumawag kay Twilight.
"Jacob," napayakap si Twilight sa kanya.
"Anong drama mo?" tanong nito sa kanya.
Umiling lang si Twilight, habang nakatingin sa akin ang kaibigan nya. Ngumiti lang ako sa kanya. Masaya akong meron sya kaibigan na matatakbuhan katulad ni Jacob.
"Cous, mauna ka na lang sa room, magrere-touch lang ako."
"Ah! sige" sagot nya nang humiwalay na sa pagkakayakap sa kaibigan nya. Naglakad na ako papunta sa may restroom.
~~~
Pagkalabas ko sa cubicle nagkita ko sila Autumn na nakangiti sa akin habang nakatingin sa salamin. Lumapit ako sa may gripo at naghugas ng kamay.
"So? pagkatapos nang boyfriend ko? ang kaibigan naman nya?" sabi ni Autumn. Napatingin ako kay Autumn at lumapit sa kanya.
"What do you say?" kinuha ko ang palda nya at dun ko pinunas ang kamay ko.
"What the?!" Nanlaki ang mata nya, habang nakatingin sa palda nya.
"Opps?! Akala ko basahan." taas ko sa kilay ko at tumingin sa mga alipores nya nang masama.
"Anonga ulit ang sinasabi mo tungkol sa pinsan ko?" harap ko sa salamin habang kinu-kuha ko sa bag ko ang lipstick at foundation.
"O? ba't hindi ka makapagsalita, Autumn?" tanong matapos ang paglalagay ng foundation at lipstick ko.
"You're b***h!" turo niya sa akin.
"What? Yan lang ba ang lagi mong sasabihin? Duh! Autumn, look at you. Mukha kang takot na takot wala pa akong ginagawa na ikakatakot mo?. Makaalis na nga baka umiyak ka pa eh! " lagay ko sa bag ko ng lipstick at naglakad palabas.
"By the way. Pag-inulit ninyo uli pa ang ginawa nyo kay Twilight, magtago na kayo sa palda ng nanay nyo o kung saan nyo gusto. Dahil sisiguraduhin kong magiging mesirable ang buhay nyo" nagtuloy-tuloy na akong lumabas.
~~~
"Pippa Zhynly!" lapit sa akin ni Jacob.
"What?" tingin ko sa kanya.
"Anong nangyari kay Twilight? mukhang hindi sya nakatulog?" tanong nya.
"Tanungin mo na lang siya, ayokong kasing makialam, Sorry" sabi ko sa kanya.
"Tama ka naman." I look at him.
"Sige, papasok na ako" paalam ko sa kanya.
"Sige" taas kamay niya. Kaya naglakad papunta sa room namin.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
Maaga akong pumasok sa may room, nang makita ko si Smith na inihatid nang boyfriend nya yata yun.
"Salamat, Jacob"
"Hindi ka natulog no?" tanong nito.
"Tss! umalis ka na nga, chismoso ka talaga"
"Sige na, maupo kana sa upuan mo. May pasok pa ako" Tumango naman si Smith at naglakad na papunta sa upuan na nasa dulo. Umalis na yung lalaking naghatid sa kanya.
Napatingin ako sa kanya na naka-tingin sa labas habang nakapalumbaba. "Oyy! natutulog na si Twilight" mahinang sabi ng tatlong humabol sa akin kahapon.
Napatingin naman ako nang makita kong natutulog na nga siya. Nang dumulas ang kamay niya, kaya napadilat siya at tumingin sa paligid.
Napatingin siya sa akin, naka-singkit ang mata niya habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at tinago ko ang mukha ko. 'D*mn! Why am I hiding from her? dapat nga siya ang nagtatago sa akin!'
"Cous, gising!" napalingon ako nang makita kong tulog na ulit sya.
"Miss Jones, anong nangyari kay Miss Smith?" Tanong ng Prof namin pagkapasok nito.
"Miss, nakatulog lang po. Hindi po kasi sya nakatulog kagabi"
"Ganun ba? sige, pabayaan mo na lang muna na sya" mukha kasi siya talagang walang tulog.
"Thanks, Miss" upo nito sa tabi ng pinsan nya. Nagbigay lang ng gagawin sa amin ng gagawin at umalis na rin siya dahil may meeting ang faculty.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
"Twilight" naramdaman ko ang pag-uyog sa balikat ko, kaya minulat ko ang mga ma ta ko at nakita ko si Pippa Zhynly na nakatingin sa akin.
"Finally, nagising kana rin" sabi ni Pippa Zhynly.
"Wala ba tayong prof?" papungas-pungas na tanong ko.
"Meron, may binigay lang si Miss ng assignment dahil may meeting sila kaya pinabayaan kana lang niya matulog." paliwanag nya.
"ANO?," nakatuwid ako sa pag-upo.
"May mga quiz ba?"
"Actually, wala naman. don't worry ibabaksak ka lang naman ni Miss, tulad ng pagbaksak ng mga laway mo sa klase nya habang natutulog ka" Napahawak ako sa gilid ng labi.
"Jokes. lang cous, tara na pumunta na tayo sa may cafeteria. May assignment lang siya na binigay tapos umalis na rin siya"
"Patingin ako ng assignment ha? Waah...!" hikab ko. "Tara gutom na rin ako" tayo ko sa upuan. Hindi nga pala ako naghapunan kagabi at hindi rin ako nakapag-almusal. Lumabas na kami habang tinatali ko yung buhok ko.
"Sigurado ka bang hindi nagalit si Miss?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Yep! Naawa yata sa itsura mo kanina. Namapak ka ba ng powder ng black coffee kagabi kaya hindi ka nakatulog?"
"Hindi no? para kasing nagpa-flashback ang mga nangyari sa aking aksidente tapos ang tungkol pa kanila Nanay"
"Sigurado kana bang sasali ka?" tanong niya.
"Oo, para sa sarili ko" tingin ko sa kanya. "At para hindi na ako maging pabigat sa inyo" tingin ko sa kanya.
"Hay! Cous, you're not pabigat to us namam." Akbay nya sa akin. "You are our Princess." nilapit nya sa tenga ko yung bibig nya. "Our Assassin Princess" bulong pa niya.
"Ewan ko sa'yo, gusto mo lang bumawi sa mga tinago mong secret sa akin"
"Hahaha. Slight!" sabi niya pa. Pumasok na kami sa cafeteria at naupo. Habang nilalapag nya pa yung laptop niya.
"Ibili mo na lang ako, maggagawin pa ako eh!"
"Oo na" sabi ko at nilapag ko yung bag ko. "Wag kang magreklamo sa bibilin ko ha?"
"Okey" sagot niya habang nilalagay nya yung headset sa tenga niya.
Pakiramdam ko nag-iba na si Pippa Zhynly, dati kasi puro boys ang inaatupag niya at kaharap nya. Pero, ngayon may mga codes at laptop na ang kaharap niya. 'Dahil kaya yun sa pagsali nya sa grupo na 'yun? Siguro?.'
~~~
Naglakad na ko papunta sa pwesto namin ni Pippa Zhynly. Pagkatapos kong makabili ng 5 cupcakes and 2 ice tea.
"Here, Pippa Zhynly" lapag ko sa tray.
"Two Names talaga? Couz? Zhynly na lang. Masyadong mahaba ang Pippa Zhynly" sabi nya at tinanggal na yung headset.
"Eh? ayun naman ang pangalan mo diba?" kamot ko sa ulo.
"Kumain na nga lang tayo" sabi nya.
"Bakit lima?"
"Gutom kaya ako. Hindi ako nag-almusal, at hindi ako naghapunan kahapon" paliwanag ko sa kanya.
"O sige na kumain kana, wag ka lang maingay" sabi nya at kumagat na ng cupcake habang nakatingin sa laptop at nagpipindot-pindot.
"Alam mo, parehas kayong mean sa akin ni Jacob. Ang sasama nyo minsan--" hindi ko na naituloy anh sasabihin nang mabulunan si Zhynly.
"Ice tea" abot ko sa kanya. Alangan naman sabihin kong 'tubig' eh. Ice tea nga 'tong inaabot ko.
"Thanks" sabi nya pagkatapos makainom. Kinain ko na lang ang tatlong cupcake habang si Zhynly tutok na tutok sa laptop nya.
~~~
Pagkaubos ko nang tatlong cupcakes ay tumayo ako habang ininom ang ice tea.
"Wait lang, Zhynly. bibili lang muna ako nang cupcakes ha?" paalam ko sa kanya.
"What? three cupcakes gutom ka pa?"
"Eh! basta wag kanang magulo. Eh! sa gutom yung tao eh"
"Tao ka ba talaga?"
"Ewan ko sa'yo!" naglakad na ako, papunta sa may bilihan.
"Miss, tatlong cupcakes nga po" nakangiting sabi ko.
"Sandali lang Miss Cupcake" sabi nito at agad pumasok. Tawag nya sa akin, dahil ayun daw laging binibili ko. "Ito na" abot nya.
"Ay! Miss, ito bayad ko," abot ko sa pera. "Paiwan muna nitong dalawa padagdag na rin ng ice tea. Cr lang ako, balikan ko na lang" kinuha ko yung isang cupcake at subo ko. Naiihi kasi ako.
Nang biglang may humarang sa dadaanan ko. 'May artista ba?' Sumingit ako kasi naiihi na talaga ako, wala akong pake, kung sinong artista o anuman ang nandito sa school.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
Nasa cafeteria ako habang minamatyagan si Smith kung meron syang nalalaman sa lahat ng nangyayari pero mukhang wala naman syang alam. Mukhang okey na syang kumpara kanina. 'Shit.'
"Wooh! Hindi mo pa rin tinitigilan si Miss Twilight Sky Smith" diin ni Mike sa salitang 'Sky'. "Ano bang meron kay Miss Smith, bukod sa pangalan nya? hehe joke lang" dagdag pa niya.
"Can you keep your mouth shut?!" Masamang tingin ko sa kanya at naglakad na ako paalis.
"Ouch!" sabi nang nakabangga ko. 'Tss! tanga!'
Napahinto ako sa paglalakad dahil pinalibutan ako nang nasa likuran nyang mga babae.
"Omygosh! his there" malakas ang boses ng babae kaya lalo pang dumami ang mga tao sa paligid ko.
"Pre! daming chicks, hinahabol ka yata" bulong ni Mike.
"So? New student? by the way, I'm Autumn" abot niya sa kamay niya sa akin. Hindi ko pinansin ang kamay niya dahil naghahanap ako nang madadaanan palabas sa mga nakapalibot na estudyante sa amin.
Nang makita ko ang walang masyadong tao. Agad kong hinila ang braso ni Mike na nasa likuran ko, para hilahin sya at para makaalis na doon. Tumakbo ako habang hinihila si Mike.
"Tumatakbo sila sundan natin" rinig ko kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Hanggang sa makakita ako ng pagtataguan at doon ako nagpunta.
Napalingon ako sa gawi ni Mike, na kanina pa hindi nagsasalita habang tumatakbo kami. "Ikaw?" turo ko sa kanya dahil hindi pala siya si Mike. Tinanggal niya ang nakapaslak sa bibig niyang pagkain at halatang hingal na hingal siya sa pagtakbo.
"Maka-ikaw ka naman, feeling mo naman nagkilala-- Ikaw si Papampam?"
"What?"
"Bingi-bingihan?... narinig mo diba?" sabi nya pa.
* * * * * *
.
#10
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
A/N: DAILY UPDATE!!?
===ELAINAH M.E===