Chapter 9

2045 Words
Chapter 9: Grayson's POV Ipinark ko ang sasakyan ko sa labas nang bahay nila Cloude. "Pre!" napalingon ako kay Rexie na kakasara lang ng sasakyan nya. "Nandito raw si Tito Ricky?" lakad ko papunta sa gate nila Cloude, habang kasunod si Rexie. "Oo. Tinawagan nga ako, pinapapunta ako dito. May nangyari ba?" "Sa palagay ko" pumasok na kami sa loob. Nang makita ko si Mike na nasa pintuan. "Hoy! Bakit hindi ka pumasok?" lapit ko sa kanya. "Mauna na kayo, pinapahintay pa sa akin ni Tito si Ate Ai. Di pa daw umuuwi" Napatingin ako sa relo ko, nakita ko na mag aalas-onse na. "Bakit hindi mo tawagan? Si Travis nasa loob na ba?" "Wala pa. Pero tinawagan ko na yung isang yun." sagot nya. "Nang loloko na naman ng babae yun, sigurado ako" singit ni Rexie. Napalingon ako sa may gate ng may marinig ako na sasakyan. "Nandyan na yata si Miss Amber" napatingin ako sa may gate. "Tara, tignan natin" yaya ni Mike. Pumunta kami sa may gate at tinignan kung si Miss Amber nga ba ang nasa labas. "Bye, Hon. Ingat ka" kaway ni Miss Amber sa may lalaki na nasa sasakyan. Nang makaalis na ang sasakyan, napansin ko na sumunod ang isang sasakyan sa boyfriend ni Miss Amber. "O? nandito pala kayo?" nakangiting tingin ni Miss Amber samin. "Miss Amber, hindi ba delikado na pinapunta niyo dito yung boyfriend niyo?" nakatingin pa rin ako sa may sasakyan na umandar na palayo. "Ano bang pinagsasabi mo Grayson? Tapos na ang nangyari kanina, okey?" napatingin ako sa kanya. "Tapo-" "Gray--"pigil nila Rexie sa akin. "Tapos na ba talaga?" tinuro ko ang sasakyan na papasunod sa sasakyan ng boyfriend niya. "O nagsisimula pa lang sila?" "s**t! come with me... where's your car? damn!" Agad naman ako tumakbo sa sasakyan ko at pumasok naman siya sa passenger seat. "Miss Amber!" tawag nang dalawa. "Sandali lang kami, sabihin ninyo Dad. okey?" Pagpalam ni Amber sa dalawa. "Per-" Agad ko namang pinaandar ang sasakyan. "Faster!" saad niya. Nang makita ko ang sasakyan na sumusunod sa sasakyan nang boyfriend niya, agad kong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan ko at hinarang ang sasakyan. Napalingon ako kay Miss Amber at nakita ko naman siya sa ginawa kong pagpapatakbo kanina. Kahit talaga 'yun normal. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya ang baril na hawak nya. Napatingin ako sa unahan at nakatutok sa amin ang baril nya. Nagulat na lang ng makita ko na may butas na ang salamin sa unahan ng sasakyan na kaharap namin. "Thanks, Grayson" napatingin ako sa kanya at pinasok na niya ang hawak niyang baril. Siya ang bumaril sa lalaki na wala man lang sabi-sabi. Hindi ko napansin na nilabas nya pala ang kamay nya sa bintana para paputukan ang lalaki. "Wala yun." ngiti ko. "Balik na tayo?" "Yeah! Tatawagan ko na lang si Mr. Ab, para siya na ang mag-asikaso ng kalat" Tumango na lang ako at nagdrive na pabalik. ~~~ "Hello! hon, nakauwi ka na?... Okey. I love you too" Hininto ko na ang sasakyan sa tapat nang bahay nila. "Nagtext na sa akin si Mr. Ab at nalinis na nila ang kalat." naka-ngiting sabi niya. "Salamat talaga, Grayson" "Amber Ice!" Lapit ni Tita Claudia sa bintana. "Mom." tingin niya dito na agad naman lumabas. Lumabas na rin ako. "Ano bang nangyari?" hawak ni Tita sa braso niya. "May sumunod lang po kay Clarkson, buti na lang nakita agad ni Grayson" turo niya sa akin. "Naks! naman Grayson!" asar ni Mike. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Tara na pumasok na tayo" yaya ni Tita Claudia. Sumunod na lang kaming apat nila Travis, Rexie at Mike sa kanila. * * * * * * Cloude Yule's POV Nakatingin ako kay Amber na nakikinig sa sinasabi ni Dad. "Ang Leader ng Harwell ang gumagawa ng kaguluhan hindi lang sa atin ito nangyayari kung hindi sa ibang mga grupo rin" sabi ni Dad. "Pati ang ibang grupo? Bakit siya nanggugulo?" tanong ni Mike. "Oo. Nalaman ko rin na namatay ang lahat ng pinadala niya at hindi ko alam kung anong motibo niya" tingin ni Dad sa amin isa-isa. "Wow! 'Di wala na syang mga tauhan?" singit ni Rexie. "Mas marami sya mga tauhan, kung ikukumpara sa mga tauhan ni Dad" paliwanag ko. "Pero kung ikukumpara ang lahat ng mga tauhan nya sa kagalingan sa pakikipaglaban wala silang binatbat dahil basta-basta lang ang training nila" dagdag ko. "Paano mo nalaman yan?" tingin sa akin ni Nanay. "Madali akong nakapasok sa kanila dahil hindi naman nila inaalam ang background ng mga taong pinapasok nila sa grupo nila " sagot ko. Gusto ko lang makita ang leader ng Harwell hindi ko naman akalain na madali lang makapasok sa grupo nila. Pero hindi ko pa rin siya nakita, kahit ang mga anak niya. "Hindi mo ba alam na dilekado ang ginawa mong yun?" Mom said. Hindi ko na lang siya sinagot kaya nagpatuloy si Dad sa mga sinasabi niya. "Mahihina man ang mga tauhan ng Harwell, matalino at tuso naman ang Leader nila. At wala siyang pakealam kung mamatay man ang mga tauhan niya basta makapanggulo siya. Kaya maaaring may nagmamatyag sa bawat grupo na tauhan ng Harwell. May ilan na kasing grupo na tahimik na pero kailangan pa rin nilang panatilihin ang grupo nila para sa organisasyon at negosyo nila" "You mean sa Mafia Assassin Organisasyon may mga kanya-kanyang grupo pa?" tanong ni Ai. "Oo, at kasama ang grupo natin sa organisasyon na yun. Binuo ang organisasyon para sa katahimikan ng bawat grupo. Pero may ilan na ayaw maging tahimik ang organisasyon, katulad na lang ngayon. May nababalitaan kasi na patay na namumuno sa organisasyon. Kaya siguro nangugulo ang grupo ni Harwell" "Baka gusto niyang mamuno sa Organisasyon?" sabi ni Ai at tumango naman si Dad. "Bakit nyo alam yan?. So, pwede rin may isa sa atin na nagmamatyag para sa Harwell?" bulong ni Mike at tinulak pa si Rexie. "Pwede namang sabihin may patulak-tulak ka pa. Para kang babae, bakla ka ba?" "Ulul!..." "Tapos na ba kayo?" tingin ni Ai sa dalawa. "Kasi to eh!" sabay nila habang turo-turo ang bawat isa. "Shut up! both of you." Tingin sa kanila ni Dad. "Kaya ko kayo pinatawag, gusto ko lang sabihin sa inyo na habang wala pang bagong mamumuno sa organisasyon, mas maraming pang pwedeng mangyayari at maaaring magkagulo." "Tito!" taas kamay ni Grayson. "Kung sinasabi nyo alam niya ang bawat galaw ng ibang grupo, maaaring may nakapasok sa Hollis group na tauhan nila?" "Yes." sagot ni Dad. "Sabi ko na nga ba pre, ikaw yun." turo ni Rexie kay Mike. "G*go ka! Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko pa? " turo ni Mike sa sarili nya. "Manahimik nga kayong dalawa!. Sino ba ang bwisit na nagmamatyag sa'tin ako na ang magpapahirap" sabi ni Mom. "Si Blacks. Love" sagot ni Dad. "Ikaw pala, makaturo ka wagas." batok ni Mike kay Rexie. "Ikaw! Rexie" kuha ni Mom sa baril ni Dad sa likod at tinutok kay Rexie. Napangisi ako sa reaksyon ni Rexie. "Siraulo, hindi ako" sabi niya pa. "Tita, siraulo ka daw po, sabi ni Rexie" Mike said habang nakangiti. "Tita, hindi po kayo. Tyka, Tita hindi po ako yung spy dito. Promise po." taas kamay ni Rexie. "E? Sino kayo lang naman mag-ama ang--" napatingin si Mom kay Tito Ricky. "Ikaw. Ricky?" tinutukan niya si Tito Ricky ng baril. "Yes, sya nga" sagot ni Dad. "Dad? ikaw?" hindi makapaniwalang tanong ni Ricky. "Oo. Pero hindi ako kalaban, nag-i-spy lang ako sa kanila para malaman ko ang mga plano nila. Pero hindi ko pwedeng pigilan ang mga plano nila" paliwanag ni Tito Ricky at binaba naman ni Mom ang baril. "Yes. Hindi lang naman si Harwell ang makakaisip ganung paraan" Dad said. "Alam mo naman diba, Cloude?" baling sa akin ni Tito Ricky. Nagkibit-balikan na lang ako. Kaya pala nakita ko si Tito Ricky doon nang pumunta ako. "Alam mo?" Ai asked but I didn't answer her. "It's already twelve, you can go" sabi ni Dad. "Magpapatawag na lang ulit ako ng meeting sa HQ. "Yeah! may mga pasok pala kayo" tayo ni Tito Ricky. "Tita, Tito, Ate Ai, Cloude, alis na ako" paalam ni Mike. "Ako rin po." sabi naman ni Grayson. "Thanks, uli kanina, Grayson" Ai. Tumango lang si Grayson sa kanya. "Grayson, patulog muna ako sa inyo. Tinatamad akong umuwi" Akbay ni Travis sa kanya. "Tara na!" "Alis na po kami" kaway ni Travis. Pagkalabas nilang lahat, tumayo na rin ako. "Matutulog na po ako" naglakad na ako paakyat. "Cloude, papasok ka bukas?" tanong ni Mom. "Yeah!" sagot ko. "Mabuti naman" sabi ni Ai. Tumingin ako sa kanya. "Why are you looking at me like that?" "Tss!" Naglakad na ako paakyat. Wala akong panahon para sagutin pa sya. ~~~ Pagpasok ko sa kwarto, pumunta muna ako sa may banyo at nagpalit ng pantulog. Kinuha ko ang laptop at nagbasa-basa lang. Ilang minuto ang nakalipas, nahiga na rin ako sa kama at napatingin ako kisame. * * * * * * Twilight Sky's POV Nakaupo lang ako sa kama, habang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari ngayong araw. Napatingin ako sa may pinto nang may biglang kumatok. "Twilight, pwede ba tayong mag-usap?" rinig kong boses ni Nanay. Tumayo ako at lumapit sa may pinto, nakatayo lang ako sa may likod ng pinto. "Please!" katok uli ni Mom. Binuksan ko ang pinto, nakita ko sila Nanay at Tatay na nakatingin sa akin. "Twiligh-" "Pwede, bukas na lang po?" tingin ko sa kanila. Nakita kong napatango nalang si Tatay at mukhang na iintindahan naman niya na gusto kong makapag-isip. "Pero-" "That's okay, Life. Give her a space and time." awat ni Tatay habang nakatingin sa akin. "Good night" lapit niya sa akin at hinalikan ako sa ulo. "Good night, sweetie" yakap ni Nanay sa akin. "Night" sagot ko na lang. Umatras na ako at sinara na yung pintuan ko. Napatingin ako sa may orasan, 12:51 na nang gabi, gising pa rin ako. Kanina pa ako paikot-ikot sa kama ko, pero hindi pa rin ako makatulog. Naiisip ko pa rin ang mga nangyayari kanina, ang mga natuklasan ko tungkol sa pamilya, at ang mga katotohanan. Ibig sabihin pala simula bata pa ako, ginagawa nila ang lahat para maging normal ang buhay ko, nasa kabila pala ng lahat nang yun, ang pagtataya nila sa buhay nila para sa akin. Mga Assassin ang mga magulang ko, ibig sabihin rin ng mga yun mamatay tao sila? Akala ko noon mga simpleng tao lang sila. Pero mali pala ako, maling-mali. Ano bang gagawin ko? O ano bang pwede kong gawin para makaya ko ang lahat ng natutuklasan at matutuklasan ko pa?. Yung pag-tetext ko nang 'Assassin Princess' bilang code name lang, bigla naging totoo na ang mga magulang ko pala ay mga assassin. "Ano bang pwede kong gawin? para makatulong ako at hindi na maging pabigat sa kanila? Kailangan ko pa bang maging katulad nila? para maprotektahan ko ang sarili, pati na rin sila?" Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko alam ang sagot. Itinakip ko ang unan sa ulo ko para makatulog na dahil may pasok pa ako bukas. ~~~ Narinig ko ang alarm clock ko kaya napadilat ako. Tinignan ko kung ano oras na. 05:01 AM Nakapikit lang ako at hindi nakatulog sa pag iisip ko nang solusyon, sa mga tanong ko. Tumayo ako sa higaan at pumasok na sa banyo para makapaligo na. ~~~ Pagkalabas ko sa banyo, nakita kong nakaupo si Nanay sa kama ko, habang nakatayo naman si Tatay sa may pinto. "Paano nyo po nabuksan yung pinto?" turo ko sa may pinto. Nagtanong pa ako alam ko naman ang sagot. "Nagdala ako nang breakfast mo" taas ni Nanay sa tray. "Sa baba na lang po ako mag-aalmusal. Mag aayos pa po pala ako nang gamit ko" "Ah! sige, sa baba na lang." tumayo si Nanay sa kama ko. "Akin na" kuha ni Tatay sa may tray. "Let's go, Life" Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa makaalis sila. Hanggang ngayon wala parin akong solusyon sa pwede kong gawin para hindi na ako masyadong protektahan nila Tatay. "Bahala na nga!" Nag-ayos na ako ng gamit ko at nang sarili ko. * * * * * * . #9 #TMAPaP #EllyM.E. IAmElainah ===ELAINAH M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD