Chapter 8:
Twilight Sky's POV
Pagkatapos ng subject namin ay nagpapasama ako kay Pippa Zhynly sa cafeteria para puntahan si Jacob. Isang subject lang pala kami ngayong araw.
"Cous, sinong magsusundo sa'yo ngayon?" tanong nya habang naglalakad ako.
"Yung driver daw sabi ni Tatay, tinext ko na nga si Tatay na isang subject lang tayo."
"Ahh!... Cous, mauna kana sa cafeteria may pupuntahan lang ako sandali."
"Osige" naghiwalay na kami habang papunta sya sa may dulo nang building.
Pagkarating ko sa cafeteria, nakita ko si Jacob na nakaupo at nakatingin sa akin habang nakataas ang kamay niya. Pagkalapit ko sa kanya ay nakatingin siya sa likuran ko.
"May ini-expect ka bang kasama ko?" asar ko sa kanya.
"W-Wala ha?... Tini-tignan ko lang kung pantay yung pinagdaanan mo. Hindi ka kasi maayos mag-lakad" sabi niya habang pang-aasar na nakangiti.
"Pinagtri-tripan mo ba ako?"
"Medyo" sagot niya kaya tinignan ko sya nang masama. Nagvibrate ang cellphone ko.
:Pippa Zhynly
Cous, una na ako. May pupuntahan pa ako eh! ingat ka na lang sa pag uwi mo.
"Oh? sino yang nagtext?"
"Si Pippa Zhynly, may pupuntahan daw sya. Saan naman kayo 'yun pupunta? makikipagdate?" ngisi ko habang nakatingin kay Jacob. "Sandali tetext ko lang si Tatay, kung sino ang magsusundo sa akin"
"Sayang may two subjects pa kasi ako, hindi kita maihahatid"
"Okey lang no." ngiti ko sa kanya. "Sandali ha?"
To: Tatay
Tatay, wala pa po yung driver.
Sent.
:Tatay
I'll be there in 5 minutes.
"Jacob, alis na ako. Si Tatay yata ang susundo sa akin, next time na lang tayo mag usap. Alis na ako, bye!" kaway ko sa kanya at naglakad na paalis.
"Ingat ka, Twilight!" Malakas na sabi ni Jacob.
~~~
Pagkarating ko sa may labas nang gate ng University ay nakita ko na agad si Tatay. "Hello! Tatay." lapit ko sa bintana.
"Go inside" sabi nya habang nakatingin sa side mirror niya. Kaya napatingin ako sa may lukod nang sasakyan.
Nakita ko ang masamang tingin nang nakasakay sa may sports car sa akin. Nang bigla siyang nagsign nang baril sa kanyang darili habang nakatutok sa akin.
"My Daughter,You alright? Pasok na" sabi ni Tatay. 'Hindi ba nya yun nakita?' Pumasok na lang ako sa loob ng sasakyan. "How was your day?"
"Okey naman po. Tatay." Ayos ko sa seatbelt ko.
"How is your foot? your legs?" tingin nya sa paa ko.
"Ayos na naman sya, Tatay. Effective ang gamot na nilagay mo" sagot ko. "Tatay, akala ko po ba driver ang magsusundo sa akin?" tingin ko sa kanya.
"They are busy" sagot nya at pinaandar na ang sasakyan. 'hanep na driver mas busy pa sa amo nya.'
"Tatay, may sinabi po pala si Zhynly."
"About what?"
Napatingin ako sa phone ko nang biglang nagvibrate. "wait! lang tatay may nagtext."
To:Unknown
Buti nalang nakita mo ako. Are you ready to die. Assassin Princess?
"Maganda po ba ang Assassin Princess?" tingin ko sa kanya. Nang bigla syang papreno kaya napakapit ako.
"Alam mo na?" Gulat na tanong niya. 'Anong alam ko na? Yun ba yung sinasabi ni Zhynly? eh di niya naman natuloy eh.'
"Opo." sagot ko kahit hindi naman talaga.
"Kaso kaunti pa lang po" acting ko pa.
"Sabi nga po ni Zhynly kasama daw po siya nila Tita at Tito sa adventure, kayo po bakit hindi niyo ko sinasama sa adventure nyo ni Nanay?"
"Dahil pinoprotektahan ka namin, at hindi namin kailangan sabihin sa'yo. But I guess, you know now" tingin sa akin ni Tatay at bumuntong hininga. Base sa paliwanag ni Tatay. Lalo kong gustong malaman ang lahat ng tinatago nila sa akin.
"Protektahan ako? But why?" Hindi sumagot si Tatay, pinaandar niya lang ng mabilis ang sasakyan. 'May mali ba akong nasabi?' Napatingin ako kay Tatay na seryosong nagda-drive at nakatingin sa may unahan.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
Ipinasok ko sa grahe ang sasakyan nang makita ko si Mom na may hawak nang garbage bag habang naka-apron.
"Cloude!. kumusta ang first day?" tanong niya pagkalabas ko sa sasakyan.
"Okey naman po" sagot ko.
"Gutom kana ba? gusto mo na bang kumain?"
"Sila Dad at Ai po?" sunod ko kay Mom.
"Umalis si Amber, pupunta raw sya kay Clarkson, si Daddy naman nasa office pa" napalingon sya at tumingin sa likuran ko.
"May problema-" mabilis kong hinila si Mom dahil may tao akong nakita sa puno. Nakayuko kami sa gilid ng sasakyan ko.
"Cloude, meron sa taas" bulong niya habang may hawak na baril na kinuha niya sa likuran niya. Kinuha ko naman sa ilalim nang sasakyan ko ang baril ko.
"Papasok ako sa loob" takbo ni Mom papasok sa loob kaya sumunod agad ako sa loob ng bahay.
"Cloude Yule Hollis" Bungad sa akin nang lalaking nasa likuran ni Mom habang nakakatutok dito ang baril. 'Kilala ko ang boses nya'
"Nakilala mo ba ako?"
'Opps! papakingan mo nalang ba ang girlfriend mo? Cloude Yule Hollis, nakakaawa ka naman..'
"D*mn you Idiot. Don't touch my mother!"
"Opps!" mas lalo pa nitong binaon ang baril sa ulo ni Mom. "Ganyan ka na lang ba? laging walang nagagawa sa mga taong mahal mo? Nakakalungkot naman" nakakalokong tawa niya.
"Really?" napatingin ako kay Ai na nakatayo sa likuran nito, habang nakatututok sa lalaki ang baril niya. Nagulat ako sa ginawang ni Ai dahil pinutok nya ang baril at wala siyang pake alam kung may mangyari kay Mom dahil sa ginawa nya. "Naaapektuhan ka sa mga nakaraan mo, Cloude." pagkasabi ni Ai ay agad siyang naglakad paalis. Nang may mga marinig ako putok nang baril sa itaas.
"Cloude, hindi pa tapos" sabi ni Mom. Nakatingin ako sa lalaking binaril ni Amber Ice na nakahandusay sa sahig habang si Mom, parang baliwala lang ang nangyari sa kanya. Tumango na lang ako at sumunod kay Mom.
'Naaapektuhan ka sa mga nakaraan mo, Cloude.' Napailing ako sa mga sinabi ni Amber, dahil tama siya. Na naaapektuhan pa rin ako sa mga nangyari noon. Sana may nagawa ako para kay Sky.
Naramdaman kong may nakatutok sa aking baril kaya nagmadali akong kumilos at sa isang iglap lang ako na ang may hawak ng baril niya. Walang sabi-sabi at pinutok ko sa ulo nya ang baril na pagmamay-ari nya.
"Call Mike or Grayson, sabihin mo ipalinis nya ang mga kalat dito. Tumawag si Dad, kailangan natin buhayan yan" turo ni Ai sa lalaking may daplis ng bala sa braso nito. "Kapag hindi nagsalita bahala na kayo" sabi niya ng makapagpalit na siya ng damit at mukhang may pupuntahan siya.
"Saan ka pupunta?" tingin ko sa kanya.
"Kay Clarkson" sagot niya. Naglakad na siya palabas ng bahay.
"Cloude, nandyan na ang Dad mo, kasama ang Tito Ricky mo. Sila nang bahala sa lahat, umakyat kana para makapag-bihis"
"Okey Mom"
"Bumaba ka agad para makakain na." Tumango lang ako at naglakad na paakyat ng hagdan.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
"Twilight, wake up." rinig kong boses ni Tatay kaya napadilat ako. Napalingon ako sa may bintana. Nang makita ko ang isang malaking bahay na kulay puti.
"Tatay, hindi po natin yan bahay." turo ko pa sa may bahay.
"Let's go" baba ni Tatay sa sasakyan. Sumunod naman ako kaya bumaba ako.
"Tatay, lumipat na po ba tayo?" tanong habang nakatingin sa bahay. Maganda, at malaki. Panigurado magaganda ang gamit sa loob.
"Come on" Yaya sa akin ni Tatay at agad naman bumukas yung gate. Nakita ko ang mga naglalakihang lalaki na nakatingin sa amin kaya napahawak ako sa braso ni Tatay.
"It's okey." akbay sa akin ni Tatay. Mukha kayang silang kapre pero hindi pa naman ako nakakakita ng kapre.
Nang makapasok kami sa loob, bumungad sa akin ang malawak na gym. May boxing ring, pwedeng mag-archery at maraming uri ng ispada at baril ang nakadisplay. Napanganga ako sa mga nakikita ko sa loob nang bahay, akala ko kanina maraming mga gamit pang bahay pero nagkamali ako.
Napagawi ang tingin ko sa isang parte nang bahay, na merong lubid. Nanlaki ang mata ko nang may biglang tumalon, at tumambling ang isang babae sa itaas. Magaang lang ang pagkaka-apak nya, pagkatapos ay sumabit naman sya sa isa may lubid at mabilis syang nakababa. Para siyang pusa na magaan ang paglapag.
'Ang galing!' napapalakpak ako. Nang bilang mapatingin siya sa amin.
"Twilight?"
"N-Nanay?" napakunot ang noo ko at napatingin ako kay Tatay. "A-Anong meron?" gulong-gulo ang isip ko kung ano ang nangyayari. "Anong ginagawa ninyo dito?"
"Bakit mo sya dinala dito? Dark!"
"Alam niya." sagot ni Tatay.
"Ano?! Paano naman? Mukhang hindi naman niya alam." lapit ni Nanay sa akin.
"But she said. She knows" turo ni Tatay sa akin.
"Twilight? Alam mo na?" Napatingin ako sa tumawag sa akin.
"Pippa Zhynly nandito ka rin?" Naka-blank fitted rin sya na suot, katulad kay Nanay.
"Ikaw rin?. Ano bang meron? Bakit may ganito dito? pwede bang sagutin nyo ko?"
"Sweetie-"
"B-Bakit may mga ganito kayo?" tingin ko sa paligid. "Ano ba kayo?" 'Ayoko mag isipin ang mga bagay-bagay pero nalilito ako. Lalo na ang mga sinabi ni tatay kanina na 'Dahil pinoprotektahan ka namin, at hindi namin kailangan sabihin sa'yo.' Nakatingin sila tatlo sa akin.
"Ano ba kayo? bakit sinabi Tatay kanina na pino-protektahan nyo ko?" tingin ko sa kanila. "Sagutin niyo naman po ako oh!"
"Twilight," hawak sa kamay ko ni Nanay. "K-Kami ay mga A-Assassin" tingin ni Nanay sa mga mata ko.
"N-Niloloko niyo ba ako? May camera dito no?" lingon ko pa. Gusto kong hindi maniwala na hindi totoo ang sinasabi nila, pero yung mga nakikita ko sa paligid ko. Para akong sinasampal ng katotohanan na totoo ang mga sinasabi nila.
"Twilight--" hawak ni Tatay sa akin.
"M-Malalaman ko ba 'to?" tingin ko kala Nanay. "Sasabihin nyo ba sa akin 'to kung hindi ko pa alam? o itatago ninyo na lang talaga sakin 'to?"
Naghihintay ako nang sagot nila pero hindi man lang sila nagsalita. Kaya tumalikod na ako sa kanila at naglakad paalis.
"Gusto ka lang naming protektahan, para maging normal ang buhay mo tulad nang sa iba" sabi ni Nanay. Kaya napabalik ako at tumingin sa kanila.
"Protektahan ako?" turo sa sarili ko. "Na maging normal ang buhay ko? pero sa tingin ko hindi magiging ganun yun. Lalo na kung mga Assassin pala ang mga magulang ko. Pati rin pala ang pinsan ko" tingin ko kay Pippa Zhynly na yumuko kaya napa-iling ako. Nagtiwala ako sa kanya, pero nagmukha akong tanga ngayon.
"Cous!" Hawak niya sa kamay ko. Pero iniwasan ko lang ang kamay niya.
"Gusto ko na pong umuwi" pagkasabi ko kay naglakad na ako palabas.
Napakagat ako sa kuko ng hintuturo, para pigilan ang panginginig ko. Feeling ko sinaktan ko sila Nanay at Tatay sa mga nasabi ko, pati na rin si Pippa Zhynly.
"Padaanin ninyo ko!" sabi ko sa mga nakaharang na lalaki pero hindi nila ako sinunod.
"Give her way, she's my daughter" rinig kong sabi ni Tatay.
"Sorry, Young lady" yuko nila sa akin at pinadaan na nila ako, kaya naglakad na ako palabas. Sumakay na ako sa back seat at nakatingin lang ako sa labas habang nararamdaman ko ang pagpasok nila Tatay at nanay sa sasakyan. Masama pa rin anf loob ko sa kanila.
Alam kong nakatingin sa akin si Nanay, pero tumingin na lang ako sa may bintana habang nakasandal. Hanggang sa pinaandar na ni Tatay ang sasakyan.
~~~
"May mga nakasunod satin, Dark" rinig kong sabi ni Nanay, kaya napa-straight ako nang upo. Nang may napansin akong may tumatama sa sasakyan.
"Twilight, yumuko ka lang" sabi ni Nanay, kaya napayuko ako naman ako. "Ganyan ka lang muna" bigla akong kinabahan.
Tinignan ko kung anong gagawin ni Nanay, may kinuha siya sa may unahan ng habang ipit sa balikat at tenga niya yung cellphone.
"May nakasunod sa amin." sabi niya, habang hawak yung baril at may nilalagay sa unahan nito.
Napatingin ako kay Tatay na seryoso lang sa pagmamaneho. Gusto ko sana itanong kung bakit wala siyang ginagawa tulad ng ginagawa ni Nanay. Nilabas ni Nanay ang ulo niya sa nakabukas na bintana at ginamit niya ang baril. Halos nakaupo na ako sa sahig ng sasakyan kaya nakikita ko ang mga bawat galaw ni Nanay.
Umayos ng upo ni Nanay habang hawak pa rin niya ang baril niya. Nakikita ko sa side mirror niya na pagewang-gewang na ang isang sasakyan sa likod namin.
"Nice Shot, Life"
"Manahimik ka dyan, meron pang tatlo."
"Alam kong kaya mo sila." Nag-focus uli si Nanay sa ginagawa niya sa pagbaril sa mga gulong nang sasakyan na nakasunod samin.
Nang wala ng nakasunod sa amin ay nakahinga na ako nang mahuwag. Pero hindi pa rin ako umalis sa upo ko sa lapag.
"Okey na Twilight" hawak ni Nanay sa mukha ko. Tumango lang ako habang nakatingin sa kanya at umayos na ng upo sa sasakyan.
"Wag kang matakot, nandito lang kami para bantayan ka" hawak ni Nanay sa baba ko para makatingin sa kanya.
Napatango na lang ako, kahit na hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari at mga nakikita ko.
'Lagi na lang ba akong ililigtas nila? kahit na sa kabila rin nang lahat ay ang buhay rin nila ang pwedeng maging kapalit ng lahat?'
~~~
Pagpasok namin sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko, at napatakip ng mukha ko gamit ang dalawang kamay.
"Gusto ka lang naming protektahan, para maging normal ang buhay mo tulad nang sa iba" Napailing ako nang maalala ko ang sinabi ni Nanay kanina. Ayoko mahirapan sila Nanay at Tatay ng dahil sa akin.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.
:Pippa Zhynly
Hi! I'm really sorry if I didn't tell you.. I tried to tell you but ayoko namang pangunahan sila Tita Ninang. I'm really sorry. Sunduin kita bukas dyan, sana hindi kana galit. Bye. Goodnight. My Cous.
Pagkabasa ko nang text ay nahiga na ako sa aking kama.
* * * * * *
.
#8
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===ELAINAH M.E===